You are on page 1of 3

Paalala ng Isang Naulila Ng Group 4, LS 107

Ang mga itoy saksak sa kasamaan Ang wastong gawain, sila ay iwasan

Mula pagkabata akin nang nadama Na mangulila sa isang kapamilya Dahil sa sakit namatay ng maaga At ngayong nabatid sa aking pagiisa Di makikita, bitamina, mineral Ang gagawin lang, pasikipin ang salwal Walang magandang dulot, tabay kakapal Ngayon alam na bakit ito ay bawal Pakiramdam niyay sumama ang lasa Sumisigaw sa sakit, walang pagasa Di makagalaw dahil sa nadarama Nasaid na ang lakas, di makahinga Sapagkat alam na ang dapat iwasan, Ngayon alamin ang dapat sa hapunan Silay natural, galing sa kalikasan Lakas at sigla ang dulot sa katawan

Ngayoy aking nakita kanyang pighati At napapapilipit dahil sa hapdi Mukha ay natanaw, luha nasa pisngi Sumusuka ng dugo ang mga labi

Una ay gulay, kaibigan sa hapag Wag ayawan, sayoy nagbibigay tatag Tulad ng kalabasa na kumakabag Upang paningin mo ay di na mabasag

Ngayon kapatid, ako sanay pakinggan May mga pagkaing di buti ang laman

Hindi lamang gulay ang dapat kainin

Mga prutas ay dapat din pagyamanin Halimbawa nito ay mangga at saging Nagpapatibay ng resistensya natin

Tulad ng pagkaing aking inihain Sa hapag namin na aming kinakain Nang di magsawa, itoy iba-ibahin Bata, ugali sa pagkain, baguhin

Karne at isda na sa protina mayaman Ihanda rin natin sa ating agahan Sila ang bumubuo sa ting katawan Ngunit ay bantayan, baka masobrahan

Magandang kalusugan ay kailangan Kaya tamang pagkain iyong simulan Kumain sa oras ng hindi masaktan Ikaw aking kapatid , maging huwaran

Sunod ay kanin, sa karbo ay sagana Di lang iyan, pati tinapay at pasta Sa tin namay nagbibigay ng enerhiya Mahalaga rin, kahit konti lang ang lasa

Responsibilidad sa ating sarili Kailangan ito upang tayoy umani Magandang pangangatwan na ating mithi Halinat itoy sundin, huwag nating ikubli

Ngayoy inyong narinig mga salita Pagkain ni ate na inaayawan Tulad ng gulay na masarap din naman Kaya ngayon ay huwag matakot tikman Isa kang Pilipinong dapat tularan Iyong paka-isipin bago gumawa Nang wag kang matulad sa aking ulila Ikaw ay mumulat, ngayon magsimula

Group 4, LS 107 Kiel Christian Alday Romel Joshua Castillo Alyssa Nicole Austria Jeanette Garcia Kimberly Anne Lipat Thereese Maeann Patron Yzabel Bernice Torres

You might also like