You are on page 1of 1

Awit ni Endymion

Mesandel Virtusio Arguelles Iniibig ako ng buwan at ang buwang umiibig anong kapalaran Hindi mahalaga kung tangi ang kariktan: hamak mang pastol o isang mangangaso kayaanupat umibig ang buwan at akoy pinahimbing magpakailanman (sapagkat magpakailanman ang pag-ibig); hindi ako magigising at hindi rin mamamatay para lamang sa pag-ibig ng buwan; sino ang makaaalam kung ano ang aking mga panaginip o kung nananaginip ako sa di-mabilang na gabi mga gabing walang buwan sapagkat bumaba sa akin ang buwan; sa akin ang buwan ang buwang maliwanag

You might also like