You are on page 1of 2

Balitang Union All UP Workers Alliance Lumahok sa Pagdiriwang ng Mangyan Day.

Naging bahagi ang Union sa pagdiriwang ng Mangyan Day na ginanap sa Mindoro Oriental sa bahagi ng Bongabong, Barangay Lisap, Sitio Sigao. Tumagal ng dalawang araw ang nasabing pagdiriwang mula Abril 14 hanggang 15, 2012. May tema ang pagtitipon na: Mangyan Pahigpitin ang Pagkakaisa: Ipaglaban Ang Lupang Ninuno at Sariling Pagpapasya. Ang Mangyan Day ay ipinagdiriwang bawat taon bilang pagkilala sa kanilang karapatan at kalayaan na magpasya sa lupang ninuno. Kabilang dito ang pitong tribo :1) Hanunoo; 2) Alangan; 3) Gubatnon; 4) Iraya; 5) Buhid; 6) Bangon; at 7) Tadyawan. Ang pagdalo ng mga kasapi ng All UP Workers Union (AUPWU) at All UP Academic Employees Union (AUPAEU) ay bahagi ng programang pangedukasyon na may layunin na matuto sa ibang mga batayang sektor ng ating lipunan. Ito ang pangalawang taon ng pagpapadalo ng mga unyon sa naturang okasyon. Ang una ay noong Abril 2011 na ginanap sa Abra de Ilog, Mindoro Occidental, kung saan nakaranas sila ng panghaharas mula sa militar. Bago pa pormal na buksan ang pagdiriwang ay sinumulan ito sa pamamagitan ng paghahanay ng mga tribo. Nagsagawa ng ritwal na pag-aalay ng handog na isang puting manok. Ginilitan ito sa leeg at ipinahid ang dugo sa hawak na kahoy ng bawat tribo na may sabay na pag-usal ng dalangin. Idinilig ang dugo sa apoy bilang simbolo ng lubos na paglilinis. Sinundan ito ng pag aalay ng misa sa pangunguna ng mga pari mula sa United Church of Christ of the Philippines (UCCP). Naging malaman ang pakikibahagi ng bawat leader ng tribo sa kapulungan. Dumalo rin ang isang lider ng tribong Palaw-an mula sa isla ng Palawan, at nagbahagi ng kanilang kalagayan at karanasan ng pangangamkam ng kanilang lupang katutubo. Sa pagpapatuloy at pagpalalim ng talakayan ay, naging matingkad ang patuloy na pangangamkam, pagtaboy at panlilinlang na kinaksangkapan pa ang mga lokal na opisyales ng gobyerno upang di umano ay lumagda sa kasunduan na nagpapahintulot na bungkalin at minahin ang lupang katutubo ng mga kapatid nating Mangyan. Sa pagpapatuloy ng programa ay nagbigay ng mensahe ng pakikiisa si Prop. Ramon Guillermo, kasalukuyang pambansang Pangulo ng AUPAEU, na ang UP diumano ay nagiging kasangkapan pa ng mga kumpanya sa pagmimina sa usapin ng pagbibigay ng pondo ng mga kurso ng pagmimina sa anyo ng scholarship at ayuda sa mga kagamitan at pananaliksik na sa huli ay sila din ang makikinabang. Masigla at may ngiti sa mga labi na nakibahagi ang Union sa iba pang gawain tulad ng pagtulong sa medical at dental mission. Lumahok sa palaro sa mga bata na inihanay batay sa laki, pamimigay ng laruan ,candy at libro. Maaninag sa kanilang kilos ang ibayong saya at gilas bilang mga bagong kalahok na unyonista. Walang alinlangan na nakisalamuha ang mga unyonista sa mga kapatid nating Mangyan. Naging tampok ng pansin si G. Nestor Ore, kalihim ng AUPWU, dito sa Diliman dahil sa marubdob at seryosong pakikipagkwentuhan niya sa matatanda ng mga tribo. Nagkaroon din ng pagkakataon si G. Jonathan Beldia, Bise Presidente ng AUPWU, na makapanayam ang isa mga namumuno sa tribu. Si Prop. Bernadette Neri ay kumuha naman ng mga footage para gumawa ng isang planong dokumentaryo tungkol sa mga Mangyan at sa kanilang kalagayan. Ibinahagi ni Clodualdo Buboy Cabrera sa programa ang pagpapahalaga ng AUPWU sa ganitong mga okasyon at tiniyak ang patuloy na suporta ng unyon sa mga isyu na ipinapaglaban ng mga Mangyan at ng mga katutubo sa buong Pilipinas. Sa pagtatapos ng pagdiriwang ay nagbigay ng ilang pananalita s Felix Parias bilang pamamaalam na

may tema ng pahghihikayat na pakikipagkapit-bisig sa iba pang katutubo mula Luzon, Bisayas, Mindanao at sa lahat ng katutubo ng buong mundo. Binanggit din niya ang isinagawang ritwal ng paghahadog ng hain na ang bawat isa sa atin ay haing handog para sa susunod na saling lahi

You might also like