You are on page 1of 2

Ysabella D.

Ocliasa Fil 14 S

Setyembre 12, 2013 Gng. Corazon Santos

Tumatagos sa Lente Nang mamatay ang sarswela sa Pilipinas sa pagtapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, lumitaw ang isang bagong dayag sa industriya at mundo ng entabladonaging pamatayan na ang paglimbag ng iskrip sa Escolta, itinayo na ang mga unang sinehang pampubliko, naglakas-loob ang mga controversial na subhetong mula sa kanluran na maipahiwatig sa pagganap sa big screen. Ito ay isang panibagong mundo na dala ng mga Amerikano; ito ang mundo ng pelikula. Ipinahihiwatig ng dulang Ang Buhay ay Pelikula ng samahang Entablado ang impluwensiya ng pelikula sa mga tao na sangkot sa industriyang ito noong 1960s. Sinadula rito ang buhay sa Orchid Filmsisang kumpanyang pampelikula. Ipinakita sa dula ang mga paraan na naapektuhan at nakapagtitimpi ng hinanakit ang mga trabahador na Pilipino dahil sa rurok ng bagong industriyang ito. Itinanghal din ang mga saloobin ng mga tao sa lahat ng aspeto ng mundo ng pelikulamula sa taong may pinakamababang uri ng trabaho sa set, hanggang sa pinakamakapangyarihang pamunuan sa kabuuhan ng kumpanya. Matatagpuan ang kwento sa bahay ni Mother, ang puno ng kumpanya, na opisina rin ng Orchid Films. Makikitang pinagpaplanuhan ng mga trabahador na sina Joshua, Jerry, at Gino ang bagong pelikulang Nervous Breakdown, na may mga papel na gagampanin ng burot at malalo na sina Jeffrey at Mara. Si Caloy naman ang bagong art director sa tagpuan, at si Tessie at Nemia ang kaliwang kamay at kasambahay ni Mother, na kinakakatakutan ng lahat. Lahat ng tauhan sa dula ay maglalabas ng hinanakit sa isang punto ng kwento. Isa na ditto ay si Jerry, ang assistant director ni Joshua na nangangarap din na maging director ng sarili niyang pelikula. Nais niyang bigyan ng humantong papel ang ina niyang si Anna Perez, isang sikat

na artista dati na nawalan ng pansin ng madla nang malilim ang pangalan nito ng mga sumikat na artista noong 1980s. Sina Tessie and Nemia, ang dalawang utusan ng mabagsik na si Mother, ay nangangarap ring makatikim ng mas kahali-halinang buhay sa industriya. Si Tessia ay mapupuno sa karahasan ni Mother at liliban sa opisina upang makapag-resign. Si Caloy naman ay masasawi sa pagmamahal niya kay Mara, isang nagniningning na starlet na tilay suntok sa buwan na mapasakanya. Ang mayroong pinakamabigat na hinanakit sa panahong iyon ng pelikula ay si Mother. Nagkakaroon siya ng problema sa pera at pamilya, at hindi na siya masaya sa buhay niya bilang manggagawa lang ng pelikula upang makakuha ng pera. Ang nais niya lamang sa buhay ay gumawa ng maalindog at marikit na pelikula at huwag nang isipin ang perang makukuha niya rito. Pero hindi na ganoon mag-isip ang mga tao noon. Hindi na kayang mangarap ni Mother. Ipinakita ng dula kung gaano kamakasarili ang mga tao sa industriyang pampelikula nung panahong ito, ang kung paano ay hindi na nakapapalabas ng magagandang sine; lahat ay para sa pera na lamang. Hindi na naging sining ang pagganap sa entablado tulad ng sarswela ang pelikula. Sa halip nito, ang dating sining at diwa na itinaguyod sa sarswela ay naging kalakal o commodity na lamang sa industriya ng pelikula, upang mapasaya ang tagapanood at madlang tao. Ipinakita ito sa pagiging makasarili ng mamamahayag na si Laurie at ang direktor na si Joshua nang maglaslas ng galanggalangan si Mother upang magpakamatay. Imbes na idala ito agad sa ospital, kinuha ni Joshua ang kamera at isinapelikula ito, habang si Laurie naman ay tinatala at rinerekord ang lahat ng pangyayari, upang maiulat ito sa pahayagan. Sinabi ni Mara kay Caloy sa isang eksena ng dula, pag nasa pelikula ka, dapat matigas ka. Habang sinasaisip ito, kailangan nating harapin ang buhay nating pekikula, kahit na ang mga hinanakit at masasamang saloobin ay tumatagos na sa ilaw ng pansin at sa lente ng kamera.

You might also like