You are on page 1of 1

Mervin Jommel T.

De Jesus

Filipino IV

IV Pilot (TVC)

Ang Istorya nina Rama at Sita


Ito ay isang istorya ng isang Prinsipe na nagngangalang Rama at ang kanyang asawang si Sita. Si Prinisipe Rama ay anak ng isang magaling na hari at inaasahan siya ang susunod na hari balang araw. Pero ang pangalawang asawa ng kanyang ama ay ginusto na ang kanyang anak ang maging hari kaysa kay Prinsipe Rama at nilinlang nito ang kanyang asawa upang mapalayas si Prinsipe Rama at ang kanyang asawang si Sita na manirahan sa gubat. Pero hindi ito ordinaryong kagubatan. Ito ang kagubatan kung saan may mga demonyong naninirahan. Isa na dito si Haring Ravana. Si Haring Ravana ay may dalawampung braso at sampung ulo. Kung saan mayroong dalawang mata sa bawat ulo at may matilos na dilaw na ngipin. Nang makita ni Haring Ravana si Sita, nagustuhan niya ito at napagdesisyunan niyang kuhanin ito. Naglagay si Haring Ravana ng isang magandang usa sa kagubatan. Nang makita ito ni Sita tinanong niya si Rama kung maaari niyang hulihin ito para sa kanya at gawing alaga. Gayunpaman nang si Rama ay mapabaling ng tingin. Nagkaroon ng pagkakataon si Ravana upang makuha si Sita at sinakay ito sa isang halimaw. Kahit na natatakot si Sita, siya ay naging matalino. Bilang isang prinsesa suot niya ang madaming alahas. Gumawa siya ng paraan at bawat piraso ng kanyang alahas ay tinatapon niya upang siya ay matagpuan ni Rama. Nalaman ni Rama na siya ay nalinlang. Dumating ang kanyang kaibigan si Hanuman, ang hari ng mga Unggoy. Sinabi ni Hanuman kay Rama na ang lahat ng mga unggoy ay tutulong sa kanya upang mahanap ni Sita. Nakita ng isang unggoy si Sita sa isang madilim na isla na napapalibutan ng mga bato. Lumipad si Hanuman patungo kay Sita upang masiguro niya na Sita talaga ito. Binigay ni Sita ang huling magandang perlas para pagpapatunay kay Rama na siya ito at siya ay natagpuan na. Tinulungan ulit ng mga unggoy sa pangalawang pagkakataon si Rama sa pamamagitan ng pagtapon ng mga bato sa dagat upang makagawa sila ng tulay patungo sa isla. Si Rama at ang kanyang mga kaibigan ay nakipaglaban sa mga demonyo hanggang sa sila ay manalo. Hanggang sa kinuha na ni Rama ang kanyang pana, ito ay espesyal na ginawa upang matalo ang mga demonyo at tinira niya si Ravana sa puso na ikinamatay nito. Nagkaroon ng malaking pagdiriwang ng sina Rama at Sita ay makabalik sa kaharian. Lahat ay naglagay ng ilaw sa kanilang mga bintana at pintuan upang ipakita na ang liwanag ng katotohanan at kabutihan ang makakatalo sa kadiliman ng demonyo at pandadaya.

You might also like