You are on page 1of 3

SI RIZAL BILANG PAMBANSANG BAYANI

PAMBANSANG BAYANI
WALANG opisyal na batas o proklamasyong nagpahayag ng pagkabayani ni Rizal
bunga ng malawakang pagkilala ng bayang Pilipinas ng kanyang kabayanihan
ang opisyal na pagkilala kay Rizal bilang pambansang bayani ay naganap sa Panahon ng mga
Amerikano sa ilalim ng administrasyon ni Gob. William Howard Taft
sa kanyang mungkahi sa Philippine Commission noong 1901 kung saan kasapi ang mga
Pilipinong sina Trinidad Pardo de Tavera, Benito Legarda at Jose Luzurriaga:
And now, gentlemen, you must have a national hero . . .

ayon kay H. Otley Beyer, kilalang antropologo at teknikal na konsultant ng Komisyon, ang
mga sumusunod ang nagsilbing pamantayan ng pagpili ng pambansang bayani:
o Pilipino
o yumao na
o may matayog na pagmamahal sa bayan
o may mahinahong damdamin
ang mga sumusunod ang nasa talaan
o Marcelo H. del Pilar
o Graciano Lopez-Jaena
o Antonio Luna
o Emilio Jacinto
o Jose Rizal

batay sa bilang, si Del Pilar ang nakakuha ng pinakamaraming boto ngunit binago ng lupon
ang pasiya sapagkat ang kanyang buhay at kamatayan ay di kasing dula ng kay Rizal
ang pagiging martir ni Rizal sa Bagumbayan ang naging pangunahing pamantayan upang
lubusang hiranging pambansang bayani

si Rizal ang kauna-unahang Pilipinong umakit upang ang buong bansa ay magkaisa
si Rizal ay huwaran ng kapayapaan
ang pagiging likas na sentimental o maramdamin ng mga Pilipino


ang pagkakahirang bilang pambansang bayani ay sinuportahan ng mga sumusunod na batas:
o Acta Blg. 137
pag-organisa ng pulitiko-militar na distrito ng Morong at Maynila bilang Rizal
o Acta Blg. 243
pangangalap ng pondo sa pagpapatayo ng monumento ni Rizal sa Luneta
o Acta Blg. 345
pagtadhana ng anibersaryo ng kamatayan ni Rizal bilang piyesta opisyal

sa paglalagom ni Gob. W. C. Forbes
It is eminently proper that Rizal should have become the acknowledged national hero of the
Philippine people. The American administration has lent every assistance to this recognition,
setting aside the anniversary of his death to be a day of observance, placing his picture on
the postage stamps most commonly used in the islands, and on the currency . . . and
throughout the islands the public schools teach the young Filipinos to revere his memory as
the greatest of Filipino patriots

ayon pa rin kay Gob. Forbes ang dahilan ng masigasig na pagsuportang ito ay:
Rizal never advocated independence, nor did he advocate armed resistance to the
government. He urged reform from within by publicity, by public education and appeal to
the public conscience

ngunit bago pa man siya tanghalin bilang pambansang bayani ng mga Amerikano, si Rizal ay
ipinagbubunyi na ng mga kapwa Pilipino
o nahalal ng mga Pilipino sa Barcelona at Madrid bilang Pangulong Pandangal ng (1889)
o inorganisa at pinanguluhan ang Indios Bravos sa Paris
o itinalagang Reponsable ng Asosacion Hispano-Filipino (1891)
o itinatag ang La Liga Filipina (1892)

Andres Bonifacio
o kinilala ng Katipunan at tinanghal bilang Honorary President
o ginamit ang ngalang Rizal bilang kontra-senyas ng pinakamataas na antas ng kasapi ng
samahan
o ipinadala si Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang hinggin ang opinyon ukol sa himagsikan
o isinalin sa wikang Tagalog ang huling tula Pahimakas

Emilio Aguinaldo
o nagsagawa ng programa upang gunitain ang unang anibersaryo ng kamatayan ni Rizal sa
Hong Kong
o kabilang sa mga ipinanawagang diwa ng mga yumaong bayani (Rizal, Lopez-Jaena, Del
Pilar, Burgos, Pelaez) sa pambungad na pananalita sa Kongreso ng Malolos
o nagpalabas ng opisyal na proklamasyong lumilikha sa Disyembre 30 ng taong 1898
bilang Araw ng Pagluluksa at ng pagtataas ng bandila sa kalahatian ng palo

G. EMILIO AGUINALDO AT FAMY PRESIDENTE NANG GOBIERNO
REVOLUCIONARIO NG FILIPINAS AT PANGULONG HENERAL NG CANIYANG HOCBO

Sa paglingap na ninanasa nang bayang Filipinas, at paghahayag nang mahal at dalisay niyang
adhica, ay inuutos co:
Una. Alangalang sa manga daraquilang filipinong uagas magsilingap sa tinubuang bayan na si Dr.
Rizal at iba pa na pinasaquitan nang lumipas ng capangyarihan castila, ay itinuturing na arao ng
paglulucsa nang boong sangcapoloan ang ica30 nang Diciembre.
Icalaua. Dahil ditoy mula pa sa tanghalian nang ica30, ay ilaladlad ang ating bandila hanggang
calahatian lamang nang tagdan, pinacatanda nang paglulucsa.
Icatlo. Sa Maghapon Nang ica30 nang Diciembre ay ualang pasoc ang lahat nang sacop Nang
Gobierno Revolucionario.
Icalat at ihayag ito upang mataho nang lahat. Lagda sa Malolos ica20 nang Diciembre nang 1898.
Emilio Aguinaldo

pinarangalan ng La Independencia (patnugot Antonio Luna) at ng El Heraldo de la Revolucion,
opisyal na pahayagan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo sa isang espesyal na suplemento na isyu
ng Disyembre 1898
binigyan ng maningning na papuri ng dalawa sa pinakamahusay na makatang Pilipino sa wikang
Espanyol

Fernando Ma. Guerrero
kadakilaan ang iyong tadhana
Cecilio Apostol
kung bala ang nagwasak sa iyong bungo, ang iyong mga kaisipan naman ang
nagpabagsak sa isang imperyo

Rafael Palma
o kadalasang ang mga bayani sa kanluraning bansa ay mga mandirigma at mga heneral na
naglingkod sa pamamagitan ng espada, nagbuhos ng dugo at luha, ang bayani ng mga
Pilipino ay naglingkod sa pamamagitan ng kanyang panulat, nagpatunay na ito ay kasing
lakas ng tabak sa pagliligtas sa mga tao mula sa pagkaalipin
o ang kahanga-hanga kay Rizal ay ang kanyang ganap na pagkakait sa sarili, ang kanyang
ganap na pagwawaksi sa pansariling kapakanan upang isipin lamang ang para sa bayan
o ang mga doktrina ni Rizal at hindi para sa isang panahon lamang kundi para sa lahat ng
panahon

Leon Ma. Guerrero (The First Filipino)
o si Rizal ang nagturo sa kanyang mga kababayan na iangat ang sarili, na ang mga Pilipino ay
bahagi ng sambayanang Pilipinas
o kay Rizal natin makikita ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kabutihan at pagpapakasakit
higit sa tagumpay

Ferdinand Blumentritt
o si Rizal ang pinakadakilang bunga ng Pilipinas at ang pagdatal niya sa mundo ay tulad sa
pagpapakita ng isang pambihirang kometa, na ang luningning ay nakikita lamang nang
minsan sa loob ng isang siglo
o si Rizal ay di lamang ang pinakabantog na tao ng bayang Pilipinas kundi ang pinakadakilang
tao na nalikha ng lahing Malayo

Ambeth Ocampo
o nauna ng naging pambansang bayani si Rizal nang ideklara ni Aguinaldo ang Dis. 30, 1898
bilang pambansang araw ng pagluluksa, ang unang Araw ni Rizal
o sa pagkakahuli kay Aguinaldo, ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang pagkilala kay Rizal
ngunit para sa ibang dahilan
o binigyang-diin ang paglaban ni Rizal sa simbahan, ang di pagsang-ayon sa paggamit ng
dahas, ang pagtaguyod sa edukasyon at mapayapang paghingi ng pagbabago
o kung sa simulay simbolo si Rizal ng Himagsikang Pilipino, ginamit siya ng EU upang payapain
ang mga Pilipinong naghahangad pa rin ng kalayaan

Si Rizal ang unang Pilipinong nakapag-isa sa mga Pilipino. Ipinagkaloob niya sa bayan ang kanyang
buhay at sarili. Ibinigay ni Rizal sa mga Pilipino ang konsepto ng pagkabansa; itinuro kung ano ang
kalayaan, paggalang sa sarili at pagkatao. Ipinakita niya kung ano ang pagpapakasakit para sa bansa.

You might also like