You are on page 1of 1

Issue 5

Walang mang-aalipin kung walang paaalipin. Ang mga katagang binanggit ni Dr.Jose Rizal sa
isa sa kanyang mga ginawang libro na El Filibusterismo. Ano nga ba ang kanyang nais ipabatid nang
kanyang sambitin ito? Isa ang imperyalismong Amerikano sa mga manananakop ng bansang Pilipinas.
Iba t ibang pakikipaglaban ang inilunsad ng sambayanang Pilipino laban sa mga dayuhang mananakop.
Gayundin naman ang pagusbong ng ibat ibang paniniwala ng mga Pilipino hinggil sa dahilan ng
pananakop ng mga Amerikano. Isa nga bang simbolo ng pagtulong at pakikipagkaibigan? Hindi naman
kaya ang balak na pagabuso sa bansang Pilipinas? Ang bansang Pilipinas ay isang mayamang bansa
saganang likas na yaman, sagana sa anyong tubig at lupa. May mayamang kultura ang bansa,at ang mga
tao ay may masiglang pamumuhay. Ngunit sa pagdating ng mga dayuhang mananakop, nawasak ang
lahat. Ang ating mga paniniwala ay nagiba, lumihis at nagbago. Sa paniniwalang tutulungan tayong
umunlad lalo ay ni hindi natin namalayan ang mga kabuktutang kanilang ginagawa. Nagkaroon ng
tinatawag na colonial mentality ang pagtangkilik sa kanilang gawa, kultura at iba pa sa
paniniwalang mas maganda ang kanila kaysa sa atin. Untiunting nawawala ang nasyonalismo sa mga
Pilipino. Ang mga ganid na namumuno ay isa pa ring pasimuno sa pagtangkilik sa mga dayuhan sapagkat
sila ay nakikinabang ditto. Ang pagpapasailalim ng bansang Pilipinas sa imperyalismong U.S ay hindi
maganda. Ang pagkawala ng kultura at kaugalia ng isang bansa ay parang pagkawala ng pundasyon nito.
Dahil, sa mga kagalakang makabili ng imported, sa kagustuhang makapagsalita ng Ingles at
magmukhang mayaman, ang pagkapilino ay parang iyong itinatakwil.
Sa panahon ngayon , kasama na natin sa pang araw araw na buhay ang kaugalian at kulturang
ating naman sa mga dayuhan.

You might also like