You are on page 1of 17

PAHAYAGAN (tabloid)

Mula noon hanggang ngayon, malaki ang


ginagampanang papel ng mga balita sa pangaraw-araw nating pamumuhay. Magmula sa
pagbalikwas sa higaan hanggang bago matulog
ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari
sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang
isang uri ng print media ang kailanmay hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William
Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip
tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa
Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay
Ingles ang midyum.
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo
sa bansa dahil sa abot-kaya lang ang presyo.
Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid
na makikita sa mga bangketa. Bumebenta pa rin,

kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa


telebisyon at naiulat na rin sa radyo.May sariling
hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di
naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa
rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit
nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga
ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o
'di kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsamasama na yata ang lahat sa diyaryo para
magustuhan ng mga tao. Mainam itong
pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa
Filipino ito nakasulat bagama't ilan dito ay Ingles
ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang
target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa
tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang
tungkol sa sex at karahasan kaya't tinagurian
itong 'sensationalized journalism.' Bihira lamang
maibalita ang magagandang kaganapan sa ating

bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng aklat ng


dyornalismo, na ang katangian ng magandang
balita ay nasa masamang balita?
Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa
dalawampung national daily tabloid ang nagsicirculate sa bansa.
KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang
mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo
sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang
higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa
kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga
uri (genre), hinahayaan ang mga artistang
tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang


mga bahagi nito.
Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang
makulay at popular na babasahin na nagbigayaliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang
kaalaman at nagsulong ng kulturang Pilipino.
Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga
manunulat at dibuhista na napakalawak ng
imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang
nagpagalaw maging sa mga bagay na walang
buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.
Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala.
Gumawa ng mahika. Pinagkabit-kabit ang mga
elemento. At kahit walang teleskopyo ay
ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan,
ipinakita na bukod sa ating mundo ay may iba
pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga
nilalang. Maraming bata ang lumaki kasabay ng
komiks at baon nila ang tapang ng mga super
karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay.

Maraming pinaligaya ang komiks, maraming


binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.
Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose
Rizal ang kauna-unahang Pilipino na gumawa ng
komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing
"Trubner's Record" sa Europa ang komiks strip
niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng
bayani mula sa isang popular na pabula sa
Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas
magmula nang lumabas ito sa mga magasin
bilang page filler sa entertainment section nito
noong 1920. Magmula dito, nagsulputan na ang
mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong
1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong
1949, at Silangan Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta untiunting humina ang benta ng komiks dahil sa
ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos
angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta
ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa

Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa


parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito
sina Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio at
iba pa.
Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan
ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez,
Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik
ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal
lamang hanggang simula ng 1990 dahil
nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang anyo
ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na
muling buhayin ang industriya sa bansa. Isa na
rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J.
Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks
sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa
nilang komiks caravan sa ibat ibang bahagi ng
Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at
husay ng mga manlilikha ng komiks kundi

maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin


Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks.
Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa
larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa
lokal man at internasyonal na komunidad.
Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa
labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce
Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami
pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na
babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay Prof.
Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS.
Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto.
Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa
kulturang Pilipino hangga't ang mga Pilipino ay
may mga mata para makakita at bibig para
makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng
komiks.

Nakatutuwang mabasa na kayang-kaya ng mga


dibuhistang Pinoy na makipagsabayan sa buong
daigdig sa larangan ng paglikha ng komiks?
Ikaw, hindi ka ba naaakit na maging tulad din
nila? Ang kanilang kasanayan sa larangang ito
ang nagbigay sa kanila ng ikabubuhay at
katanyagan.
Mga Gabay na Tanong:
Ngayon ay dumako na tayo sa tinatawag na
pinakamakulay na popular na babasahin sa
kasalukuyan ang
magasin. Ituloy mo lamang ang pagbabasa at
gagabayan kita sa tulong ng nakawiwiling mga
gawain upang lalo mo pang maunawaan ang
araling ito.
MAGASIN
Hindi mawawala ang Liwayway kung paguusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman
ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na
mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para

mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala


nito ang panitikan sa mga kabahayan ng
pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang
Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin
na ito ay talaga namang inaabangan ng mga
miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo
na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon,
unti-unting humina ang produksiyon ng
Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino
mula nang magpasukan ang ibat ibang magasin
mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto
ang nangungunang mga magasin na
tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito
ay tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno
ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang
maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba
pa nang walang pag-aalinlangan.

2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan.


Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay
upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa
mga pinakamainit na isyu sa kalusugan,
kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa
mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat
sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang
kanilang mga responsibilidad at maging
mabuting maybahay.
4.Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang
showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago,
puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga
pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga
pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa
kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga
kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay
gawa ng mga batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa


kalalakihan tungkol sa mga isyu ng kalusugan.
Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa
pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman
nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga
gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling
pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay
tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong
may negosyo o nais magtayo ng negosyo.
KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na
maituturing na maikling maikling kuwento.
Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito
sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang
dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para

masabing dagli ang isang akdang pampanitikan.


Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot
sa haba ng isang maikling kuwento. Kabilang sa
kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iigo Ed. Regalado na may talipanpang
Tengkeleng, Jose Corazon de Jesus, Rosauro
Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano,
Francisco Laksamana, at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni
Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong
1902, kasabay ng pagkakalathala ng
pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan
ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang
1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat
ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga
Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga
pahayagang Espanyol at tinawag na
Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung
hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang
ganitong anyo mula sa mga Espaol dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang

itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula


ang himig.
Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang
gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng
1920, at mula rito'y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng
sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng
mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa
antolohiyang Ang Dagling Tagalog: 1903-1936
ang tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa
isang patriyarkal na lipunang kanilang
ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli
sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan
ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang
mga damdaming makabayan at kaisipang
lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit
ang anyo ng dagli mula sa harap na pahina ng
mga pahayagan hanggang sa maging
nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok

na kuwento (feature story) sa mga kolum,


pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at
telebisyon. Aniya, na-transform na ang dagli,
hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng
ibang lehitimong pangalan at katawagan
anekdota, slice-of-life, day-in-the-life, at iba pa
at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng
kwento sa media).
ANG DAGLI SA KASALUKUYAN
Karaniwang napagkakamalang katumbas ng
flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli.
Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina
Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas
(1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang
flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari
itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng
magbabarkada kung kaya't masasabing marami
sa
mga probinsya at malalayong lugar ang
nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang Mga

Kwentong Paspasan na pinamatnugutan ni


Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang
mailathala ang Wag Lang Di Makaraos (100
Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay) ni Eros Atalia kung saan, ayon sa
blogger na si William Rodriguez, tinatalakay ang
samut saring pangyayari sa lipunan sa paraang
madaling unawain dahil simple lang ang
paggamit ng wika. Inilathala naman nitong
Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack
Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay
Aguila: "Naiangat ni Jack Alvarez ang dagli sa
isang sining ng paglikha ng malaking daigdig
mula sa maliit
at partikular na karanasan Isang
makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan ng
bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos
ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at
proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.

Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat


ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa
pandinig, ang lalaki, babae, at reporter ay may
malaking ipinagkakaiba.
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay
lumalabas sa kabila.
"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae
ay lumalabas sa bibig.
"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng
reporter ay lumalabas sa pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)
Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang
nagsulputan na hinango sa flash fiction. Batay sa
naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang
manunulat, mula sa isang pulong ng lupon ng
manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din
kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling
maikling kuwento. Lumabas ang Mga
Kuwentong Paspasan, na inedit ni Vicente
Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay

walang sukat at karamihan ay lampas ng 150


salita. Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang
dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S.
Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa
Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa
Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael
Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde
Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung
kaya ang naging bunga ng pag-uusap ay naisulat
at nailathala ang aklat na Kislap ng manunulat
na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon
sa manunulat ay kalipunan ng mga kuwentong
maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi
hihigit sa 150 salita.
Narito ang isang halimbawa ng KISLAP ni Abdon
Balde Jr. na umabot sa 116 na salita.

You might also like