You are on page 1of 17

De La Salle University Dasmarias

College of Engineering, Architecture and Technology

Isang
Pananaliksik tungkol sa
komunikasyon at
diskurso
Submitted by:
Ranelie Judith H. Reyes
ARC23

Submitted to:
Bb. Sugar C. Fernando
Guro

Disyembre 1, 2012
KOMUNIKASYON

Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng


impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng
mga simbolo. Ang Araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na
pinag-aaralan ang komunikasyon.
Mga uri ng komunikasyon:
1. Komunikasyong Intrapersonal - tumutukoy sa komunikasyong pansarili.
2. Komunikasyong interpersonal - tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng dalawang tao, o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat.
3. Komunikasyong pampubliko - tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa
pagitan ng isa at malaking pangkat ng mga tao.
Mga teorya ng komunikasyon:
1.
2.
3.
4.

Intensyonal o di-intensyonal
Interaktib
Transaktib
Pasalita o di-pasalita

DISKURSO
Latin, discursus, Ingles, running to and fro, nangangahulugan ding
argumentasyon, discursive reasoning. Ito ay pagpapadala ng mensahe,
maaaring pasalita o pasulat; pakikipagtalastasan; tumutukoy sa kinagisnang
paraan ng pakikipagtalastasan gayun din naman sa malalim na pagtingin sa mga
ideyang inilalahad. (Milrood 2002)

Mga Uri ng Diskurso:


1. Pasalita
2. Pasulat
Konteksto ng Diskurso:

1. Kontekstong Interpersonal - usapan ng magkaibigan.


2. Kontekstong Panggrupo - pulong ng pamunuan ng isang samahang pangmagaaral.
3. Kontekstong Pang-organisasyon - memorandum ng pangulo ng isang
kumpanya sa lahat ng empleyado (o pag nagpopromote).
4. Kontekstong Pangmasa - pagtatalumpati ng isang pulitiko sa harap ng mga
botante.
5. Kontekstong Interkultural - pagpupulong ng mga pinuno ng mga bansang
ASEAN.
6. Kontekstong Pangkasarian - usapan ng mag-asawa.

Mga Teorya ng Diskurso:


1. Speech act theory
nakabatay sa isang premis na ang wika ay isang mode of action
isang paraan ng pag-convey (pagdala) ng impormasyon

2. Ethnography of Communication
nauukol sa pag-aaral ng mga sitwasyon, gamit, patern at tungkulin ng
pagsasalita.
Ito ay pamamaraang partisipant-obserbasyon na nangangailangan ng imersyon
sa isang partikular na komunidad.

3. Communication Accomodation Theory


Sinusuri ang motibasyon at konsikwens ng pangyayari kung ang dalawang
ispiker ay nagbabago ng istilo ng komunikasyon
Ang mga gumagamit sa teoryang ito ay naniniwalang sa komunikasyon, ang
mga tao ay nagtatangkang iakomodeyt ang kanilang istilo kapag nakikipag-usap
sa iba.
May dalawang paraan ang akomodasyon:

Divergence

Ang madala na gumagamit nito ay ang grupong may malakas ng


pagmamalaking etniko upang ihaylayt ang kanilang identidad

Convergence
Nagaganap kung saan mayroong matinding pangangailangan para sa
social approval. Ang gumagawa nito ay madalas ang mga indibidwal na walang
kapangyarihan.

4. Narrative Paradigm (naratibong lohika o lohika ng mabuting katuwiran)


Ito ay naglalarawan sa mga tao bilang mga storytelling animals; nagpapanukala
ng naratibong lohika bilang pamalit sa tradisyunal na lohika argumento;
nagmumungkahi na husgahan ang kredibilidad ng isang ispiker batay sa kohirens at
pideliti ng kanilang istorya.

Iba't-ibang teknik na maaaring magamit sa partisipant-obserbasyon:


1. Introspection o paggamit ng intuition
2. Detached Observation o ang di-partisipatoring obserbasyon ng interaksyon sa
komunidad
3. Interviewing o ang isatraktyurd na interaksyon berbal sa mga myembro ng
komunidad
4. Philology o paggamit ng mga pasulat ng amteryales
5. Ethnosemantics o ang pag-aaral ng kahulugang kultural.
6. Ethomethodology o detalyadong analisis ng mga kumbersasyon, tinatawag
ding diskors analisis ng mga linggwistika
7. Phenomenology o pag-aaral ng kumbersasyon bilang isang problemang
penomenolohikal.

Apat na Dimensiyon ng Diskurso:


1.
2.
3.
4.

Konteksto
Kognisyon
Komunikasyon
Kakayahan

Mga Paraan ng pagkakabuo ng Diskurso:

1. Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari una, sunod, bilang pagtatapos.


2. Pagbabagong lahad sa ibang salita, sa medaling sabi, sa katangiang sabi, sa
biglang-sabi, sa kabilang dako
3. Pagtitiyak katulad ng, gaya ng, tulad ng sumusunod
4. Paghahalimbawa
mailalarawan ito

halimbawa, sa pamamagitan ng, maihahalimbawa,

5. Paglalahat bilang paglalahat, bilang pagtatapos, bilang paglalagom, sa wakas,


anupa;t.
6. Nagbibigay ng sanhi at dahilan sapagkat, dahil sa.

Paghahambing ng Komunikasyon at ng Diskurso:

Ang diskurso ay berbal na komunikasyon tulad ng kumbersasyon


Nagbibigay ng impormasyon
Parehong nagpapadala ng mensahe mapasalita man o mapasulat
Pang-aliw na nakapagbibigay ng kasiyahan sa kapwa
Pangpokus ng atensyon sa mga kausap o mga tagapakinig
Humuhubog ng saloobin

Sanggunian:
http://tl.wikipedia.org/wiki/Komunikasyon
http://en.wiktionary.org/wiki/diskurso
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_diskurso
xa.yimg.com/kq/groups/28423297/1051239272/name/retorika
http://www.youtube.com/watch?v=SZin2t--3HA
http://www.thefreedictionary.com/Discursus
http://en.wikipedia.org/wiki/Discourse

Mga pangunahing personalidad na mahusay sa pagsasalita:


1. Francis J. Kong - isang inspirasyunal at motivational speaker who has been
featured in numerous medyor lidersyip conventions here and abroad. Bukod sa
pagiging inspirasyunal na tagapagsalita, siya rin ay isang inspirasyunal na
manunulat, targeting the working person, employee or professional. Likewise, he
is a regular columnist in the Business Page of the Philippine Star.

2.

Onofre R. Pagsanghan ipinanganak noong Hunyo 12, 1927. Siya ay kilala


bilang Mr. Pagsi; isang guro sa Mataas na Paaralang Ateneo de Manila at kilala
bilang sa kanyang mga gawa sa sining ng teatro. Siya rin ang kasalukuyang
namumuno sa Tanghalang Dulaang Sibol sa Ateneo de Manila.

3. Alexander L. Lacson ang may akda ng librong 12 Little Things Every Filipino
Can Do To Help Our Country at ang tulang "I am Filipino". Kasalukuyan siyang
tumatakbong senador sa ilalim ng Partido Liberal. Nakapagtapos si Lacson ng
abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas noong 1996 at kumuha ng post-graduate
na kurso sa Harvard Law School sa Cambridge, Massachusetts sa Estados
Unidos. Nag-aral din siya nang tatlong taon sa PMA (Philippine Military

Academy). Kasalukuyan siyang abogado at kasosyo sa Malcolm Law Office sa


Lungsod ng Makati.
Kasal si Lacson kay Pia Pea na isa ring abogado na nagtapos din sa
Unibersidad ng Pilipinas noong 1993 at kasalukuyang nagtatrabaho bilang legal
counsel sa Citibank. Mayroon silang apat na anak. Si Lacson at ang kanyang
asawa ay nakapagtayo ng isang foundation na tumutulong sa mga batang
mahihirap upang sila ay makapag-aral. Ang institusyong ito ay nakapagtustos ng
dalawapu't pitong iskolar sa iba't ibang paaralan sa Negros Occidental, ang
probinsyang pinanggalingan ni Lacson.

4. Miriam Palma Defensor Santiago - ipinanganak noong Hunyo 15, 1945 sa


siyudad ng Iloilo, Iloilo. Sina District Judge Benjamin P. Defensor at Dimpna
Palma Defensor ang kanyang mga magulang. Noong kanyang kabataan, nakuha
niya ang pinakamataas na karangalan sa kanyang pagtatapos sa mababa at
mataas na paaralan.ay isang Pilipinang pulitiko at kasalukuyang senador ng
Pilipinas. Kilala rin si Miriam Defensor Santiago sa taguring "Iron Lady" dahil sa
kanyang matapang, matalisik at mapang-uyam na mga pahayag.Madalas siyang
tawaging Miriam. Siya ang tagapagtatag at kasalukuyang lider ng People's
Reforms Party. Naparangalan siya noong 1985 bilang TOYM Awardee para sa
batas.

5. Miguel Castro Enriquez o si Mike Enriquez ay isang sikat at iginagalang na


tagapagbalita sa radyo at telebisyon sa Pilipinas. Siya rin ang Bise Presidente
para sa radyo ng GMA Network, at pangulo naman ng pang-rehiyon na radyong
sangay ng istasyon, ang RGMA Network Inc. Ipinanganak noong ika-29 ng
Setyembre 1951, siya ay lumaki sa Sta. Ana, Maynila. Siya ang pinakamatanda
sa tatlong magkakapatid. Naging aktibo rin siya sa kanilang simbahan, at naging
sakristan pa nga. Nangarap din siyang maging isang pari. Ngunit hindi siya
pinayagan ng kanyang mga magulang kung kaya naman hindi nila pinirmahan
ang isang kasulatan na magpapahintulot sa kanyang manatili sa isang seminaryo
hanggang sa siya'y tuluyang maging pari.
Sa halip, siya ay pinag-aral sa De La Salle University (DLSU), at pinakuha ng AB
LIberal Arts in Commerce. Natapos niya ang kanyang pag-aaral noong 1973 at
matapos ay nagturo ng Broadcast Management. Sa kasalukuyan, siya ay
miyembro rin ng Board of Trustees ng DLSU Green Hills at tumatayo bilang
Ingat-Yaman at Punong-Tagapamahala ng Finance Committee nito.
Sa ngayon, siya ay kasal sa kanyang asawang si Lizabeth "Baby" Yumping sa
loob ng tinatayang 30 taon, ngunit wala silang anak.

Suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa UPLB student, huli


na!
Nasa kostudiya na ng pulisya ang suspek sa pagnanakaw at pagpatay sa babaeng
mag-aaral ng University of the Philippines Los Baos (UPLB) noong Lunes.
Sa tulong na rin ng mga kamag-anak ng suspek, isinuko sa pulisya nitong Biyernes
si Benigno Cayetano Nayle, na hinihinalang pumatay sa biktimang si Victoria Reyes,
agriculture student sa UPLB.
Matapos makakuha ang pulisya ng impormasyon tungkol sa pagkakakilanlan sa
suspek, tinungo nila ang Tanauan, Batangas kung saan nagtago si Nayle.
Isinuko si Nayle ng kanya mismong lolo na si Gonzalo Atienza na dating kapitan ng
barangay sa lugar.
Si Atienza umano ang kumumbinsi sa suspek na sumuko para linisin nito ang
kanyang
pangalan.
Bagaman itinanggi ni Nayle na sangkot siya sa krimen, iginiit na pulisya na may
testigo
sila
na
magdidiin
sa
suspek.
Sa ulat ng GMA News TVs QRT, sinabi Nayle na may nakaaway siyang killer sa
kanilang
lugar
sa
Laguna
kaya
nagtungo
siya
sa
Batangas.
Ayon kay Atienza, sa bundok natutulog ang kanyang apo mula nang magpunta ito
sa
Batangas.
Ibinigay umano kay Atienza ang pabuya dahil sa ginawa nitong pagpapasuko sa
suspek.

Noong Lunes ay natagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Reyes na patay at


may mga saksak. Nawawala rin ang ilang bagay sa loob ng bahay.
Inilarawan ng Bian police dati nang sakit ng ulo si Nayle sa kanilang lugar at
mayroon na umanong mga dating kaso. FRJ, GMA News

Gumagawa ng pekeng pera, timbog sa Cebu City; pekeng


P1,000, ibinebenta ng P85
Nagsimula sa eksperimento, naging hanap-buhay umano ng isang graphic artist ang
paggawa ng mga pekeng pera sa Cebu City.
Sa ulat ni GMA-Cebu reporter Randy Gullon sa Balita Pilipinas Ngayon nitong
Miyerkules, sinabing tinatayang P350,000 halaga ng mga pekeng pera ang nasabat
sa bahay ng suspek na si Richard Uy sa barangay Kasambagan, Cebu City.
Sa pagsalakay ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI-Region 7) sa
bahay ni Uy, nakita dito ang mga pekeng P1,000 at P500 bills, mga foreign
currency, at computer at printer na pinaniniwalaang ginagamit sa paggawa ng mga
pekeng pera.
Ayon kay Atty Bernard dela Cruz, operation head ng NBI, bago isinagawa ang raid
ay pinabili muna nila ng pekeng pera ang kanilang asset para makumpirma kung
positibo ang nakuha nilang impormasyon.
Dagdag ng opisyal, sa isang araw ay kaya umano ni Uy na gumawa ng dalawang
bundle ng pekeng pera. Ang pekeng P1,000 ay ibinibenta umano ng suspek ng P85
bawat piraso, habang P80 naman sa bawat piraso ng pekeng P500.
Dalawang tao pa umano na sangkot din sa paggawa ng pekeng pera ang tinutugis
ng mga operatiba ng NBI.
Samantala, hindi naman itinanggi ni Uy ang alegasyon laban sa kanya at haharapin
na lamang umano niya ang isasampang kaso.
Kasabay nito, muling nagbabala sa publiko ang opisyal laban sa mga pekeng pera
na posibleng kumalat ngayong panahon ng kapaskuhan. - FRJ, GMA News

What does the word talumpati mean? Perhaps youve heard it mentioned in one
conversation or another like Hay naku, nagtatalumpati ka nanaman or Si nanay,
palagi nalang may talumpati. But if your teacher asked you to explain the full
meaning of the word, complete with its literary use, would you be able to explain?
Because I was also a student struggling with Filipino class once, Ive decided to
make your life easier. After all, you cant really expect kids living in the 21st. century
to know Balagtas-speak, can you? Well, your teacher does. So, in order to pass Fil
class, here are some things you should know and remember about talumpatis
complete with English-Filipino translations. Yes, thank me.
Talumpati Defined
Ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko kung saan ang isang tao
ay umaakyat sa entablado para magsalita ukol sa kanyang mga opinyon at ideya.
Simply put, it is an oration, a form in which thought and opinion is expressed
through public speech.
These are usually used for political or social campaigns where the speaker tries to
convince the audience to buy what hes saying. Popular na paraan ang talumpati
para mangatuwiran, maghikayat o magbigay impormasyon ukol sa isang
paniniwala.
May dalawang uri ng talumpati: ang talumpating may paghahanda (done with
preparation) at ang talumpating walang paghahanda or, in English, impromptu.
Debating is a form of talumpati where the speaker is not prepared and has to rely
on his knowledge and skill to deliver his particular opinion.
Mga Bahagi ng Talumpati

A talumpati consists of three parts: the beginning (panimula), body (katawan) and
konklusyon (conclusion). Because the main aim of a talumpati is to engage or win
over the listener to the speakers side, it is important that it is well-strategized.
The panimula should be attention-grabbing. Plus, it should inform the audience at
once what the speech is about. Next, the body of the oration should be divided into
different parts. Each part should support the claim that youre making in a clear,
well-thought of way. Lastly, the conclusion ends the oration. Thus, it is important
that you make a strong ending to reel in your audience in.
Paraan ng Pagtatalumpati
There are three ways in which you can deliver an oration. The first is by reading it
(binasa), the second is by memorizing it (sinaulo) and the third is by using an
outline (binalangkas).

Different Kinds of Talumpati


Finally, there are 7 different kinds of talumpati, namely:
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Nagbibigay Impormasyon (Informative)


Nagbibigay Aliw (Entertaining)
Nagbibigay Papuri (Praising)
Nagdaragdag Kaalaman (Educational)
Nagbibigay Galang (Giving Honor or Tribute)
Nagbibigay Sigla (Boosting Morale)
Nanghihikayat (Challenging or Calling to Action)
Looking for a samle of a talumpati? Here are a few of the most popular
ones by Filipino authors:

I am Filipino by Carlos P. Romulo


Pagbati sa Kabataang Artista Para sa Tunay na Kalayaan (Karatula) ni Jose
Maria Sison
Muling Maging Dakila Ferdinand Marcos

Ranelie Judith H. Reyes


ARC23

Pebrero 2, 2013
Midterms

Waaah! Grabe, hindi ako makapaniwala at hndi ko inaasahan na ako, ako, ako ay
mananalo sa patimpalak na ito. Sa dinami-rami ba naman ng kalaban ko tulad na lang nila
Andrea Robledo, Princess Velasco, at kung sinu-sino pa, eh, ako pa ang napili.

Sabi nga, huwag mong hayaan ang pangarap mo ay hanggang pangarap na lang.
Gumawa ka ng paraan upang itoy maging katotohanan. Kasi nga, kung ayaw may dahilan, at
kung gusto, maraming pwedeng paraan. Kaya kung mangangarap kayo, huwag kayong
susukong abutin yan. Kumbaga, sugod lang ng sugod, pero alalahanin nyo rin na dapat lagging
may dalang armas.

At sa pagtatapos, maraming maraming salamat po sa aking mga taga-suporta, mga


kaibigan, at syempre sa aking mga walang sawang pagmamahal, pag-suporta, at pag-unawa
ng aking mga magulang at pamilya. Kung di dahil sa kanila, wala po ako ngayon dito sa
harapan nyo. Muli, maraming salamat at magandang umaga po sa inyo.

Ranelie Judith H. Reyes


ARC23

Marso 15, 2013


Finals

Ako si Raine. Labing-anim na taong gulang. Nasa ika-apat na taon sa high iskul. Dalawa
lamang kaming magkapatid. Bunsong kapatid ako ni kuya Jerekin.. Ang aming pamilya ay
mayaman at masagana. Ngunit, sa kabila ng mga iyon, walang sino mang makaiiwas sa mga
kung anu-anong klase ng sakit: sakit sa ulo, tiyan, katawan, at kung saan-saan pa.

Ang aking kuya ay kasalukuyang nag-aaral bilang 2 nd yr. na kolehiyo, mabait, masipag at
matulungin. Dati rati, malapit na malapit kami sa isat-isa. Sabay kaming kumakain at
tinutulungan nya ako sa aking mga takdang-aralin. Subalit nong isang araw, may napapansin
na akong kakaiba sa kanya. Ang mga kilos nya, lahat. Makalipas ang dalawang buwan, ay
parang mas lumala ang sakit ng aking nakatatandang kapatid. Tinawagan ko ang aming mga
magulang upang ipaalam ang kakaibang nangyayari kay kuya. Ang aming ina ay dali-dali
namang umuwi upang dalhin sa doktor si kuya. An gaming ina ang kasama naming pumunta sa
doktor dahil sobrang daming ginagawa ng aming ama kaya susunod na lang daw lamang siya.
Nagkuwento naman ako sa aming ina tungkol sa mga napapansin ko kay kuya. May isang
pagkakataong nagtatangka siyang magpakamatay sa gitna ng kalsada. Buti na lamang ay
naitulak ko siya papalayo sa paparating na sasakyan. Pagkatapos ko siyang mailigtas sa
panganib, ay bigla naman itong nagalit ng sobra. Niyaya ko na siya pauwi pero mahirap na
siyang pakisamahan di tulad ng dati. Minsan ay sobrang saya niya, at pagkatapos, magpapalit
naman ng ugali: sobrang lungkot, galit, at medaling mairita.

Sana nga e may gamot sa sakit na ito. Mahirap pigilan ang sakit ng kuya ko dahil ang
utak at ugali niya ang naaapektuhan. Pati na rin ang kanyang mga mahal sa buhay ay
nadadamay ng kanyang karamdaman.

You might also like