A pleasant morning to my fellow batchmates, to my teachers, quests, welcome to the 13th
Commencement Exercises.
Sa okasyong ito ay pinipili kong magsiwalat sa wika na aking kinagisnan, ang wikang Filipino
owikang Tagalog,
Taong 2004 ng una akong umapak sa silid-aralan ng eskwelahang ito, upang mag-aral.
Ngayon, makalipas ang labing isang taon, ay narito ko sa inyong harapan upang ibahagi ang
aking karanasan at magbigay-aral
Sa bawat taon na lumipas ay puspusan ang pag-aaral na ginawa ko sa eskwela, naniwala ako
sa patas na labanan. Sa pagtatapos ng school year na ito'y isang hakbang nalang ang layo ko
sa finish line, ngunit sa pagdating ko rito'y naglaho ang pulang tali na sisimbolo sana sa aking
tagumpay, naglaho nga ba o sadyang kinuha?
Maraming tao ang nagbulag-bulagan sa isang sistemang marumi at kaduda-duda. Ngunit di
ko ito tinuluran, ipinaglaban ko ang sa tingin ko'y tama, nanindigan ako bilang isang Pilipino
na palaban at may takot sa Diyos.
Chismis, isang piyesta ng chismis ang inabot ko ng pinagmutha nila akong masama. Ganun
talaga minsan, pag umayon ka sa kung alin ang tama, ikaw pa ang lumalabas na mall, Dina
nga nila pinakinggan ang iyong hinaing, nakuha ka pa nilang laitin
Kung sinasabi niyong wala akong acceptance, marami ako niyan, pero pano kong
tatanggapin ang isang bagay na di naaayon sa katotohanan. Para san pa ang aking
dedikasyon sa pag-aaral at hustisya kung di ko naman ito ipaglalaban.
Sa kabila ng nangyari ay masaya padin ako, tulad nga ng laging sinasabi sa teleseryeng Dream
Dad, "Maganda ang buhay’, kaya bakit ako mag-aaksaya ng oras sa kanila kung mas
maraming mas kapakrpakinabang na bagay ang pwede kong gawin
Ngayon ay may piling indibidwal akong gustong pasalamatan, ito yung mga tao na
sumuporta sakin sa kabila ng eskandalo na idinulot ng ipaglaban ko kung ano ang sa tingin
ko ay tama
Una sa lahat, gusto kong pasalamatan ang Diyos, isa siyang ama, kapatid, kaibigan na naging
sandigan ko sa lahat ng pagkakataon, sa hirap at ginhawa
Sa aking ama, dad salamat, salamat kasi ni minsan ay di mo kami sinukuan, salamat kasi
naniwala ka sa kakayanan ko, salamat kas! ipinaglaban mo ko kahit pa sumama ang tingin
sayo ng iba, salamat kasi ikaw si Ernesto Mallari, ang haligi ng tahanan na nakukuha paring
magpatawa kahit alam ko na sa loob riya ay nahihirapan na siya, Sabi nga sa isang pelikula ni
Robin Williams, “You are the world’s greatest dad’Sa aking ina, sang napakalaking thank you, siguro nga'y madalas akong makulitan sa'yo dahil
sa madalas mong pangangaral, paulitulit nga siguro ang mga sinasabi mo, pero ma, yan ang
tunay na dahilan kung bakit the best ka, dahil di ka tumitigil na pangaralan kami pag alam
mong naliligaw kami ng landas. Talaga ngang totoo yung kataga na "Mother knows best”
Sa pinakamaganda kong ate, Ate Kat, salamat kasi ikaw ang pinaka nakakaintindli sa mga hilig
at pinagdadaanan ko bilang isang babae, ikaw ang aking selfie buddy, church buddy, at
shopping buddy na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto,
Sa napakatalino kong kuya, Kuya Kerwin mainitin ang ulo mo, medyo mayabang ka nga
siguro, at medyo tamad mag-aral; pero ang di alam ng marami, busilak ang puso mo, salamat
kuya, sa pagturo sakin na manindigan pag alam kong ako ang nasa tama.
Sa napake-cute kong kapatid, salamat Kristine, ikaw na siguro ang pinakamatutuing kong
tunay na BFF.
Julia, Clang, Katrina, Faye, Dane, Nico at sa iba pa, napatunayan niyo sakin na tama ang
katagang “quality over quantity’, siguro nga'y di kayo karamihan, pero alam ko na bawat isa
sa inyo ay maaasahan at mapagkakatiwalaan ko, kaya salamat!
Sa mga teachers na napalapit na sa aking puso, Ma'am Factora, Mam Calanoga, Mam Amil,
Mam Garcia, Mam Restor, Mam Castillo, Mam Acacio at Sir Francis, nagsilbi po kayong
pangalawang magulang ko, salamat po.
At siyempre pa, sa mga taong bumabatikos at nagbibigay ng negatibong komento sa akin,
isang napakalaking thank you, kayo ang dahilan kaya't mas pinagbubuti ko pa ang pag-aaral,
tulad nga ng sinabi ng basketbolistang si Dwyane Wade, "My belief is stronger than your
doubt’,
Panibagong kabanata ang aking haharapin, bilang isang accountancy student sa University
of Santo Tomas. Panibagong hamon na nakangiti kong haharapin.
At para sa ating lahat mga kapwa ko graduates, ito’y isang mahalagang kabanata kung saan
natin gagawin ang pinakamahalagang mga desisyon sa ating buhay. Kaya naman good luck
sa inyo, at good luck din para sa kinabukasan ng paaralang ito.
Let me finish this in style and say my last words in the vernacular language of the world, | am
Krisel Mallari, a Filipino citizen who would rather choose to fail with honor, than win by
cheating. Adios!