You are on page 1of 81

4

C
O

PY

Edukasyon
sa Pagpapakatao

Kagamitan ng Mag-aaral
Yunit 1

EP
E

Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at / o
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran
ng Edukasyon sa action@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

i
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Edukasyon sa Pagpapakatao Ikaapat na Baitang


Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon, 2015
ISBN: _____________
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot
ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

C
O

PY

Ang mga akda/materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng
isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan
ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
Pangalawang Kalihim: Dina S. Ocampo, PhD

Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral

EP
E

Consultant:
Fe A. Hidalgo, PhD
Mga Tagasuri at Editor: Irene C. de Robles, Erico M. Habijan, at
Joselita B. Gulapa
Mga Manunulat: Felamer E. Abac, Gina A. Amoyen, Jesusa M. Antiquiera,

Henrieta A. Bringas, Grace R. Capati, Maria Carla M. Caraan,

Rodel A. Castillo, Rolan B. Catapang, Isabel M. Gonzales,

Noel S. Ortega, Marilou D. Pandio, Adelaida M. Reyes, at

Portia R. Soriano
Mga Tagaguhit:
Eric S. de Guia, Fermin M. Febella Jr., at Randy G. Mendoza
Mga Tagapagtala: Gregorio T. Pascual at Bryan R. Simara
Mga Naglay-out: Gregorio T. Pascual at Elizabeth T. Soriao-Urbano
Punong Tagapangasiwa: Joselita B. Gulapa
Pangalawang Tagapangasiwa: Marilou D. Pandio

Inilimbag sa Pilipinas ng ____________


Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)
Office Address:
5th Floor, Mabini Bldg, DepEd Complex
Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
Telefax:
(02) 634-1054 at 634-1072
E-mail Address:
imcsetd@yahoo.com
ii
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Paunang Salita

C
O

PY

Ang Kagamitan ng Mag-aaral na ito ay inihanda para sa iyo na


nasa Ikaapat na Baitang upang makatulong sa iyong pag-aaral ng
Edukasyon sa Pagpapakatao na isa sa mga asignatura sa K to 12.
Layunin sa paggamit ng kagamitang ito na mapatnubayan ka upang
higit mong makilala ang iyong sarili, bahaging ginagampanan sa
pamilyang kinabibilangan, at pamayanang ginagalawan bilang isang
Pilipino na inaasahang makikibahagi sa pagbuo ng pamayanang
pinaiiral ang katotohanan, kalayaan, katarungan, pagmamahal at
pagmamalasakit. Ang iyong gulang, interes, at pangangailangan
upang makaangkop sa kasalukuyang panahon ay isinaalangalang sa pamamagitan nang masusing pagpili, pagsasaayos, at
paglalahad ng mga kuwento, sitwasyon, tula at awit na hinango
sa pang-araw-araw na pangyayari at karanasan... Inaasahang
kawiwilihan at palaging isasakatuparan bilang isang hamon ang
pag-unawa, pagninilay, pagsangguni, at pagpapasiya, at pagkilos
bago gumawa ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamumuhay
bilang isang bata saan man naroroon.

EP
E

Ang kagamitang ito ay hinati sa apat na yunit na may apat


na kuwarter ng pag-aaral sa loob ng isang taon ang Kagamitan sa
Pag-aaral.
-

Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting


Kasapi ng Pamilya

Yunit II

Pakikipagkapuwa-tao

Yunit III

Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi


sa Pandaigdigang Pagkakaisa

Yunit IV

Pananalig at Pagmamahal sa Diyos:


Paninindigan sa Kabutihan

Yunit I

iii
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY

Katulad sa una, ikalawa at ikatlong baitang ginagamit at


nasundan mo sa pamatnubay ng iyong guro ang mga hakbang
at proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at iba pang
karanasan sa paglinang ng pagpapahalaga. Muli, gagabayan ka
ng iyong guro sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ng
mungkahing mga Gawain na maaaring pang-indibidwal o pangkatan.
Ginamit upang maging makahulugan ang mga sumusunod na
hakbang o Gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin,
Isapuso Natin, Tandaan Natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin.

EP
E

C
O

Sa pagtatapos sa Ikaapat na Baitang, inaasahang


maipapamalas mo ang pag-unawa sa makabuluhang gawain na
may kaakibat na pagpapahalaga tungo sa wasto, maayos, masaya
at mapayapang pamumuhay para sa sarili, kapuwa, bansa, at Diyos.

iv
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Talaan ng Nilalaman
Yunit I

Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting


Kasapi ng Pamilya ............. 1
2
11
20
28
38
45
54
62
70

EP
E

C
O

PY

Aralin 1 Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko ........


Aralin 2 Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko! ..
Aralin 3 Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin! .....
Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!...........
Aralin 5 Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang

Pagninilay ..
Aralin 6 Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa

Aking Pagkakatuto ..
Aralin 7 Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya ......
Aralin 8 Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali .....
Aralin 9 Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon .....

v
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Yunit I

EP
E

C
O

PY

Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting


Kasapi ng Pamilya

1
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 1
Lakas ng Loob Ko, Galing sa Pamilya Ko

PY

Hunyo. Unang araw ng pasukan. Balik-eskuwela ang mga mag-aaral.


Bilang mag-aaral, naranasan mo na ba ang magpakilala sa harap nang
may lakas ng loob at di nahihiya? Paano mo ipinakikilala ang iyong sarili
sa iba? Magagamit mo ang lakas ng iyong loob sa pagharap sa iyong guro
at mga kamag-aral sa simula ng klase. Kayang-kaya, di ba?

Basahin ang kuwento.

C
O

Alamin Natin

Roniel M. Lakasloob ang Pangalan Ko!

EP
E

Umpisa na naman ng klase. Nakagawian na ng mga guro


sa paaralan na maging maayos ang unang araw ng pasukan.
Siyempre, inaasahan na ang bawat mag-aaral ay kilala ang bawat
isa. Si Roniel ay bagong lipat lang na mag-aaral sa klase ni Bb. San
Pablo kaya siya ang unang tinawag upang magpakilala.
Magandang umaga sa inyong lahat lalo na sa ating guro
na si Bb. San Pablo. Ako ay si Roniel M. Lakasloob.
Galing ang pangalan ko sa pantig ng mga pangalan ng
aking mga magulang na sina Roda at Daniel Lakasloob.
Ako ay siyam na taong gulang; isinilang ako sa Lungsod
ng Marikina noong Hunyo 5. Ang paborito kong asignatura
ay Matematika; mahilig akong magbasa ng mga kuwento
tungkol sa mga bayani ng ating bansa. Malakas ang aking
loob na sumali sa mga patimpalak lalo na sa pagsulat.
Ang paborito kong kasabihan ay ang batang matatag at

Roniel:

2
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C
O

PY

may lakas ng loob, ganda ng buhay ay di-matitibag. Ito


ang ipinamulat sa akin ng aking mga magulang.

Magaling, Roniel. Binabati kita sapagkat matapang mong


naipakilala ang iyong sarili sa harap ng mga bago mong
kaklase. Nagpapakita ito ng katatagan at lakas ng iyong
loob.

EP
E

Guro:

Roniel: Maraming salamat po sa inyo, maam. Ito po ang turo


sa akin ng aking nanay. Hindi daw po dapat ikahiya ang
sarili lalo na kapag wala namang ginagawang masama.
Guro:

Nais kong makausap ang iyong mga magulang. Maaari


mo ba silang papuntahin sa Lunes sa paaralan sa ganap
na ika-siyam ng umaga?

Roniel: Opo, maam. Ipararating ko po sa kanila ang inyong


kahilingan.

3
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin at gawin ang sumusunod:


1. Ilarawan si Roniel. Alin sa mga katangian niya ang
nagpapakita ng katatagan ng loob? Isa-isahin ito at
patunayan.

PY

2. Papaano hinangaan ni Bb. San Pablo si Roniel? Isalaysay


ito sa klase.

C
O

3. Bilang mag-aaral, papaano mo ipakikilala ang iyong sarili ng


may lakas ng loob at may katatagan sa harap ng maraming
tao?
4. Magtala ng mga dahilan kung bakit mahalaga ang pagiging
totoo at may katatagan ng loob sa pagpapakilala ng sarili.

EP
E

5. Sa iyong palagay, bakit gustong makausap ng guro ang mga


magulang ni Roniel? Magbigay ng sapat na batayan.

Isagawa Natin

Gawain 1

1. Pumikit nang ilang sandali at magkaroon ng maikling


repleksiyon sa sarili.
2. Isipin mo ang iyong mga natatanging kakayahan o talento.
Halimbawa: Nakatutugtog ng ukulele.
3. Isipin mo rin ang iyong mga kalakasan.
4

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Sa iyong talaang papel, punan ng mga salita ang mga


pangungusap na ito:
Ako ay si _____________________.
Ang ilan
sa aking natatanging kakayahan o talento ay ang mga
__________________________. Ang mga kalakasan ko
naman ay _______________________."

PY

Gawain 2

1. Magkaroon ng pangkatang gawain. Pumili ng lider.

C
O

2. Ibahagi sa pangkat ang iyong mga naisip nang magkaroon


ng repleksiyong pansarili sa unang gawain. Ibahagi mo
rin ang papel na ginagampanan ng iyong pamilya sa mga
natatanging kakayahan o talento at kalakasan na iyong
tinataglay. Kasabay ng pagbabahagi ay ipakita ito sa iyong
pangkat.

EP
E

3. Sa pamamagitan ng lider, buuin ang mga naibahagi ng mga


kasapi ng pangkat gamit ang balangkas sa ibaba:

Pangalan

Mga
Natatanging
Kakayahan

Kalakasan

Papel na
Ginagampanan
ng Pamilya

5
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Natin

1. Sa mga narinig na ulat mula sa ibat ibang pangkat mula sa


A - C, isulat ang sumusunod sa venn diagram:

C
O

PY

a) sa bahaging titik A, ang mga natatanging kakayahan


talento at kalakasan mula sa pangkat A;
b) sa bahaging titik B, ang mga natatanging kakayahan
talento at kalakasan mula sa pangkat B;
c) sa bahaging titik C, ang mga natatanging kakayahan
talento at kalakasan mula sa pangkat C; at
d) sa gitna, ang pare-parehong natatanging kakayahan
talento at kalakasan ng lahat ng pangkat.

EP
E

o
o
o
o

Ang aming pare-parehong natatanging kakayahan o


talento at kalakasan.

2. Bilang mag-aaral, papaano mo naipakikita ang iyong mga


natatanging kakayahan o talento nang my lakas, katatagan,
o tibay ng loob lalo na sa harap ng maraming tao?
6
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

Sa buhay ng isang mag-aaral, ang katangian at natatanging


kasanayan ay isang regalo mula sa Maykapal. Ibinigay ito ng Diyos
kung kayat dapat natin itong pagyamanin at paunlarin.

C
O

PY

Ang kakayahan ng isang tao ay natatangi. Hindi ito itinatago


at ikinahihiya sapagkat ang ibang tao ay nangangailangan ng mga
katangiang ito. Halimbawa, ang isang tao na mahusay sa pagsayaw
ay di makasasayaw kapag walang mahusay na makagagawa ng
isang tugtugin. Ang isang mahusay na mang-aawit ay di makaaawit
kung walang isang mahusay na kompositor o manunulat ng awit.

EP
E

Ang lakas, katatagan, at tibay ng loob ay lubhang kailangan


upang mapaunlad ang isang katangi-tanging kakayahan. Ito ay
ipinakikita upang maitama, mapabuti,at mapaunlad ang kakayahan,
kung kinakailangan para maabot ang kahusayan.

Isabuhay Natin

1. Ang Buwan ng Nutrisyon ay isinasagawa tuwing sumasapit


ang buwan ng Hulyo. Sa pamamagitan ng inyong guro,
magkaroon ng isang munting palabas hinggil sa Buwan ng
Nutrisyon gamit ang inyong mga katangi-tanging kakayahan.
Maaaring gamiting lunsaran ibinigay ang halimbawang
palatuntunan.
2. Pumili ng gusto mong bahaging gagampanan sa
palatuntunan. Isulat ang iyong pangalan sa bahaging
napili.
7

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Halimbawa:

PALATUNTUNAN
Pambungad na Panalangin
____________________________

PY

Pambansang Awit
____________________________

C
O

Mensahe ng Punongguro
____________________________

Mga Natatanging Bilang


a. __________________________
b. __________________________
c. __________________________

EP
E

Pangwakas na Pananalita
____________________________

Pangwakas na Panalangin
____________________________

3. Pagkatapos ng palabas, itanong sa sarili/pangkat ang:


a. Naging masaya ba ako/kami sa aking/aming ipinakita
at ibinahaging gawain/talento/kakayahan sa aming
palabas?
b. Papaano ko inalis ang kaba sa aking mga ipinakitang
talento sa palabas?
8

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Subukin Natin

Sa sagutang papel, lagyan ng kaukulang tsek () ang


pinaniniwalaang pahayag.
TAMA

MALI

PY

MGA PAHAYAG

C
O

1. Ako ay may kakayahang akin lamang


sapagkat iba ako kung ikokompara sa
aking mga kamag-aral.

2. Mahalaga na maipakita ko sa aking


mga kaibigan, kamag-aral, magulang, at
kapitbahayan ang aking kakayahan upang
malaman ko ang mga dapat ko pang
paunlarin.

EP
E

3. Ang lakas ng aking loob at katatagan


ay aking ginagamit sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mungkahi at paalala
mula sa aking kapuwa.

4. Hindi ako nahihiyang ipakita na magaling


ako sa anumang bagay kaya ayokong
pinipintasan ang aking mga ginagawa.
5. Nakauunawa ako kapag itinatama ng mga
tao ang aking mga nagawang mali dahil
mapabubuti at maipakikita ko ang aking
natatanging kakayahan.

9
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang katatagan at lakas ng loob ay nabigyan ng katuparan sa


iyong sarili. Humayo ka at ipakita ang mga ito gamit ang natutuhan
mo sa iyong buhay.

EP
E

C
O

PY

Binabati kita! Handa ka na sa susunod na aralin dahil nasa


iyo na ang katatagan upang labanan ang mga pagsubok sa pagaaral.

10
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 2
Pagiging Matiyaga: Uugaliin Ko!

PY

May kasabihang Kapag may tiyaga ay may nilaga. Ito ay


nagpapatunay na ang pagsusumikap ng isang indibidwal ay
makakamit kung may ibayong pagpupursigi at tamang adhikain sa
buhay.

Alamin Natin

C
O

Basahin natin ang talumpati ni Dr. Noel Garcia sa isang


palatuntunan.
Pagiging Matiyaga, May Dulot na Biyaya

EP
E

Ako ay nagmula sa isang dukhang pamilya. Ang aking ama


ay isang karpintero at ang aking ina ay tumatanggap ng labada
upang matulungan ang aking ama sa mga pangangailangan naming
walong magkakapatid, panimulang paglalahad ni Dr. Noel Garcia
sa harap ng mga mag-aaral ng Paaralang Legarda sa Sampaloc,
Maynila.

Si Dr. Garcia ay naanyayahan ng mga guro sa naturang


paaralan upang magbigay ng inspirasyon, sa pamamagitan ng
kaniyang mga karanasan, sa mga mag-aaral na may nakamit
na karangalan sa Araw ng Pagkilala. Tuwang-tuwa si Dr. Garcia
sapagkat muli niyang masisilayan ang paaralang pinagtapusan at
maibabahagi niya sa mga natatanging mag-aaral ang kaniyang
mga naging karanasan upang maabot ang tagumpay na kaniyang
tinatamasa ngayon. Pagkakataon na rin niyang muling makita ang
kaniyang mga guro sa elementarya.
11

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

PY

Natatandaan ko pa noon, ang pagpapatuloy ni Dr. Garcia,


sabik na sabik ako sa bawat araw na ako ay papasok sa paaralan.
Dahil kami nga ay mahirap, madalas na wala akong baong pera,
bagkus ay ipinagbabalot ako ni Nanay ng kaunting kanin at kung
anuman ang natirang ulam namin. Alam ko na tinitingnan ako ng
mga kamag-aral ko sa tuwing bubuksan ko ang aking baon ngunit
hindi ko na lamang sila pinapansin. Ang mahalaga ay hindi ako
nakakaramdam ng gutom habang nagkaklase.

C
O

Ang gamit kong kuwaderno ay pinagsama-samang pahina


ng ginamit ko nang nakaraang taon. Matiyaga kong pinagsamasama ang mga pahinang wala pang sulat, tinahi at nilagyan ng takip
upang hindi mapansin ng aking mga kamag-aral na ito ay luma.
Kupasin ngunit malinis ang ginagamit kong uniporme at
sapatos na matiyaga kong inihahanda sa araw-araw.

EP
E

Ang gamit naming ilawan ay isang gasera na isinasabit


ni Tatay sa haligi ng aming maliit na bahay. Pinagtitiyagaan kong
gawin ang aking mga takdang-aralin at proyekto sa liwanag nito,
ang nakaaantig-damdaming kuwento ni Dr. Garcia.

Malayo-layo rin ang paaralan mula sa aming tahanan. Ang


mga kamag-aral ko na nakatira sa malapit sa amin ay sumasakay
papunta sa paaralan. Nagtitiyaga akong maglakad papunta at pauwi
mula sa paaralan sapagkat wala akong pamasahe, pagpapatuloy
ni Dr. Garcia.
Sa kabila ng aming kahirapan, sinikap kong hindi lumiban sa
klase. Pinagbuti ko ang pag-aaral sapagkat alam kong ito lamang
ang paraan para makamit ko ang aking inaasam na tagumpay."
Nang dumating ang araw ng pagtatapos, laking ligaya ko at
12
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ng aking mga magulang sapagkat ako ang nanguna sa pangkat ng


mga magsisipagtapos." May himig pagmamalaking dagdag ni Dr.
Garcia.

C
O

PY

Naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral sa sekondarya


at kolehiyo sa tulong ng mga nagbigay sa akin ng scholarship.
Bukod doon, nagtiyaga rin akong magtrabaho sa isang maliit na
kainan bilang tagapagsilbi pagkatapos ng aking klase upang may
pandagdag sa araw-araw na gastusin. Madalas na ilang oras lamang
ang aking tulog dahil sa pag-aaral ng mga leksiyon, lalo na kapag
may mga pagsusulit, dahilan upang makakuha ako ng matataas na
marka, ang sabi pa ni Dr. Garcia.

EP
E

Ngayon, ako ay isa nang manggagamot na naglilingkod


sa mga mamamayan. Nagbunga ang ginawa kong pagtitiyaga
sa aking pag-aaral. Sana, ang aking karanasan ay magsilbing
inspirasyon sa inyong lahat. Pakatandaan ninyo na napakahalaga
na makapagtapos sa pag-aaral. Ito ang makatutulong sa inyo upang
magtagumpay. Pagsumikapan ninyo at pagtiyagaan kung anuman
ang mayroon kayo ngayon. Gamitin ito para sa magandang bukas,
ang panghuling pananalita ni Dr. Garcia.

Sagutin at gawin ang sumusunod:


1. Ano ang tampok na pag-uugaling ipinakita ni Dr. Garcia
habang siya ay nag-aaral?
2. Basahin mo ang bahaging magpapatunay na siya ay matiisin,
matiyaga, at matatag ang loob.
3. May maganda bang ibinunga ang pagiging matiyaga ni Dr.
Garcia? Patunayan.
13
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Sa iyong palagay, nakapagtapos kaya ng pag-aaral si Dr.


Garcia kung hindi siya naging matiyaga? Patunayan.
5. Ikahihiya mo ba na ikaw ay mahirap at mawawalan ka pa ba
ng pag-asa na umunlad sa iyong paglaki? Pangatwiranan.

PY

Isagawa Natin

C
O

Gawain 1

1. Paano makatutulong sa iyo ang pagiging matiyaga kasama


ang katatagan ng loob sa oras ng pangangailangan o crisis?

EP
E

2. Sa isang malinis na papel, magtala ng mga pangyayari sa


iyong buhay na nagpapakita ng kahalagahan ng pagiging
matiyaga bilang isang mag-aaral.

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
_________________________________.

Gawain 2
1. Bumuo ng tatlong pangkat. Pumili ng magiging lider sa bawat
pangkat.

14
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Ang lider ay bubunot sa kahon ng metacard na may nakasulat


na tema tulad ng:
pagiging matiyaga
pagiging matatag ang loob
pagtanggap sa katotohanan

PY

3. Gumawa ng iskrip na nagpapakita ng kahalagahan ng


nabunot na tema. Gamiting batayan ang pangyayari sa
buhay ni Dr. Garcia. Isadula ito sa harap ng klase.

C
O

4. Pagkatapos ng pagsasadula, maaaring magbigay ng


komento ang ibang pangkat.

Isapuso Natin

EP
E

Nasa ibaba ang mga simbolo na nagpapahiwatig ng pagiging


masipag, matatag ang loob, at matiyaga. Pumili ng isa na ilalagay
mo sa pinakamataas na antas ng baitang at ang iba naman ay sa
pangalawa at ikatlong baitang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Masipag

Matatag ang loob

Matiyaga

15
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

C
O

PY

Bumuo ng maikling talata tungkol sa simbolong iyong napili


at ipaliwanag kung bakit mo ito inilagay sa una, pangalawa, at
pangatlong baitang.

EP
E

Ang pagiging matiyaga kasama ang tatag ng loob ay isang


napakagandang ugali na dapat mahubog sa isang batang katulad
mo. Ang katangiang ito ay malilinang kung palagi mo itong isasagawa.
Maraming matagumpay na tao tulad ng ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal, na sa kabila ng pagmamalabis ng mga dayuhan
sa kaniyang pagkatao ay naging matatag sa paraan ng pagsusulat
ng mga libro at inihayag ang kalabisang ginawa ng mga dayuhan
sa mga Pilipino. Sa kaniyang pagkakakulong sa Dapitan ay naging
matatag siya at hindi sumuko sa laban para makamit ang inaasam
na kalayaan. Nariyan din ang ating mga guro, mga doktor, at iba
pang propesyonal na nakatapos ng kanilang pag-aaral dahil sa
kanilang pagiging matiyaga. Sila ay nagsisilbing modelo sa atin. Ang
iba sa kanila ay maaaring mahirap ngunit hindi ito naging hadlang.
Kahit na totoong sila ay kapos sa salapi at mahirap makapag-aral,
tinanggap nila ito nang taos sa puso at hindi ito naging hadlang
para sila ay magsikap. Gamit ang kanilang katatagan ng loob at
tiyaga naging maganda ang kanilang buhay.
16
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C
O

Isabuhay Natin

PY

Ang pagiging matiyaga at matatag ang loob ay maaaring


magawa ng isang batang tulad mo. Halimbawa, ang isang batang
matiyaga ay nakagagawa ng kaniyang mga takdang gawain at iba
pang proyekto upang makakuha ng mataas na marka. Natatapos
niya nang mahusay at madali ang mga gawaing nakaatang sa
kaniya sapagkat isinasabuhay niya ang pagiging matiyaga at may
tatag ng loob.

Pag-isipan: Bilang mag-aaral, ano ang karanasan mong


nagpapatunay na ikaw ay naging matiyaga? Ano naman ang naging
bunga nito sa iyo?

EP
E

A. Gamit ang template sa ibaba, isulat sa iyong kuwaderno ang


iyong mga karanasan na nagpapakita ng pagiging matiyaga at
sa katapat ay ang mga bunga nito.
Bunga

Karanasan sa Pagiging
Matiyaga

17
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Gumawa ng pangako ng pagiging matiyaga bilang magaaral at bilang mabuting kasapi ng pamilya.
C. Sumulat ng isang gawain sa bahay na maaari mong
maisagawa nang higit na mahusay kung ikaw ay magbibigay
ng sapat na oras at magpapamalas ng pagtitiyaga.

PY

Halimbawa: pagliligpit ng mga kalat at pag-aayos ng mga


gamit sa bahay

C
O

Subukin Natin

Lagyan ng tsek () ang patlang kung nagpapakita ito


ng pagtitiyaga at ekis () kung hindi. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

EP
E

______ 1. Hinintay nina Joeven at Erika si Renante sa Plasa


Mabini kahit na lampas na sa takdang-oras ng kanilang
usapan.

______ 2. Pinipilit tapusin ni Pearl ang pagsagot sa takdangaralin kahit na ito ay may kahabaan.
______ 3. Itinapon na lamang ni Mariz ang may punit na damit
sapagkat ayaw niyang manahi.
______ 4.

Patuloy pa rin ang ginagawang pagtulong ni Grace sa


kanyang kamag-aral na si Nikki kahit madalas itong
hindi nakatatapos sa gawain.

18
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

______ 5. Isa-isang pinulot ni Nica ang mga butil ng natapong


bigas dahil alam niyang mahalaga ito at wala silang
sapat na salapi para ipambili ng sobra.
______ 6. Sumingit sa pilahan ng pagkain sa kantina si Evan
dahil nagugutom na siya.

PY

______ 7. Tumutulong si Jomer sa kanyang kuya na mag-ipon


ng tubig tuwing hapon sapagkat iyon lamang ang oras
na may tubig ang kanilang gripo.
Ihiniwalay ni Maricar ang pahina ng kanyang kuwaderno
na wala ng sulat at tinahi ito upang magamit pa niya sa
susunod na pasukan.

______ 9.

Nanatili sa loob ng paaralan si Mayan kahit may isang


oras na ang nakaraan pagkatapos ng kanilang klase
upang hintayin ang pagdating ng kanyang ina na
susundo sa kaniya.

EP
E

C
O

______ 8.

_____10. Nanonood sa telebisyon ang kapatid ni Manuel.


Sapagkat oras na ng programang gusto niyang
panoorin ay bigla niyang inilipat ang channel sa
programang iyon.

Binabati kita! Lubos mong naunawaan ang napag-aralan natin


tungkol sa kahalagahan ng pagiging matiyaga. Maaari ka nang
tumuloy sa kasunod na aralin.

19
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 3
Pagkamatiisin, Kaya Kong Gawin!
Kung ikaw ay malagay sa isang sitwasyon na kinakailangan kang
magtiis, makakaya mo kaya?

PY

May kasabihang, Kapag maikli ang kumot, matutong mamaluktot."


Ito ang ating aalamin sa araling ito.

C
O

Alamin Natin

Basahin natin ang kuwento ni Willy tungkol sa kaniyang pagaaral.

EP
E

Ako ay isang mag-aaral sa ikaapat na baitang sa Paaralang


Maunlad sa lalawigan ng Aurora. Pangarap ko ang makapagtapos
sa aking pag-aaral kaya titiisin ko ang mga paghihirap na dapat
kong harapin. Hindi ko iniisip kung may mga bagay na dapat kong
gawin kahit na mangahulugan ito ng ibayong paghihirap.

Ang aming lalawigan ay palaging dinadalaw ng malalakas


na bagyo. Paborito kaming pasyalan ng mga ulan at hangin. Tinitiis
namin ang paglakad sa mapuputik na daan lalo na kung tag-ulan at
ang paglangoy sa baha kung tumataas ang tubig sa ilog kahit ito ay
delikado at hindi dapat gawin o tularan.
Ang aming tahanan ay nasa kabila ng isang tulay. Isang araw,
sa hindi inaasahang pangyayari, ang tulay ay nasira ng bagyo.
Hindi kaagad naisagawa ang pagsasaayos sa tulay na ito sapagkat
marami pang higit na kailangang unahin lalo ang naapektuhan ng
bagyo.
20
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Dahil dito, araw-araw akong naglalakad paikot sa kabilang


baryo makarating lamang sa paaralan. Hindi ako lumiliban sa klase
kahit basa na ang aking sapatos sa pagtahak sa daang may baha o
putik. Ang palagi kong iniisip ay ang pangarap kong makapagtapos
ng pag-aaral.

PY

Isang araw, napansin ng aking guro na tila ba pagod na


pagod ako at pawisan nang dumating sa paaralan. Nalaman niya
na nasira ang tulay na malapit sa amin. Kaagad gumawa ng sulat
ang aking guro upang maipakiusap sa kinauukulan ang agarang
pagkukumpuni ng tulay.

C
O

Hindi naglipat-buwan, nagawa na ang sirang tulay at muli itong


nagamit ng mga naninirahan sa aming lugar. Laking pasasalamat
ng lahat ng aking kapitbahay sa naisagawang pag-aayos ng tulay.

EP
E

Sagutin ang mga tanong:

1. Papaano ipinakita ni Willy na siya ay isang batang


mapagtiis?

2. Ano ang natuklasan ng guro ni Willy?


3. Ano ang naging daan upang maipagawa ang tulay sa lugar
nina Willy?
4. Kung ikaw si Willy, magagawa mo bang tiisin ang katulad ng
mga naranasan niya? Patunayan.
5. Maglahad ng mga karanasan na magpapakita ng pagtitiis sa
iyong buhay bilang mag-aaral.
21

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isagawa Natin

Gawain 1

PY

Basahing mabuti at suriin ang mga sitwasyon. Magtulongtulong na alamin ang tamang desisyon na gagawin sa bawat
sitwasyon. Gamitin ang Tsart ng Paggawa ng Desisyon sa pagsagot
sa mga tanong. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

C
O

Halimbawa: Nais mong bumili ng usong laruan dahil lahat ng


kaibigan mo ay mayroon nito subalit kulang ang pera mo. Ano ang
gagawin mo?
Tsart ng Paggawa ng Desisyon

EP
E

Suliranin
Tunguhin
Kulang ang perang pambili ng Makabili ng usong laruan
laruan
Maaaring Gawin
Pros (+), Cons (-)
+ Makokompleto ang pambili
- Masisira ang badyet ni Nanay
Manghiram ng pera sa kaibigan + Makokompleto ang pambili
- Baka hindi ko mabayaran
Maghintay na makompleto ang + Makokompleto ang pambili
perang pambili mula sa inipon - Hindi agad magkakaroon ng
usong laruan
Desisyon
Dahilan
Kokompletuhin ang pambili ng Puwede naman akong mangusong laruan mula sa inipon
hiram muna ng laruan habang
hindi pa ako nakabibili

Humingi ng pera sa magulang

22
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

1. May palatuntunang gagawin sa inyong paaralan. Miyembro


ka ng isang pangkat ng mananayaw. Nagkasundo kayo
na bibili o magrerenta ng costume. Subalit ayon sa iyong
magulang, kung gagawin ito ay babawasan nila ang baon
mo. Ano ang dapat mong gawin?

Gawain 2

C
O

PY

2. Papunta kayo ng kaibigan mo sa parke upang manood ng


palabas. Bago ka payagan ng nanay mo, inutusan ka niya
na bumili ng tinapay sa panaderya. Pagdating mo roon,
napansin mo na napakahaba ng pila. Kung maghihintay ka
ay posibleng magsimula na ang palabas bago ka pa makabili.
Ano ang dapat mong gawin?

1. Bumuo ng limang pangkat.

EP
E

2. Basahin at suriing mabuti ang sitwasyon na ibibigay ng guro.


Bigyan ito ng mabuting desisyon bago gumawa ng anumang
hakbang.

3. Ilarawan ang inyong kasagutan sa pamamagitan ng paggamit


ng ibat ibang uri ng tsart.
4. Susukatin ang inyong ginawa gamit ang rubrics.

23
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Rubrics
2

Pagsusuri

Natukoy ng mga
mag-aaral ang
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapagdesisyon nang
tama

Natukoy ng
mga magaaral ang
dalawa sa
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapagdesisyon nang
tama

Natukoy
ng mga
mag-aaral
ang isa sa
sumusunod:
suliranin,
tunguhin, at
maaaring
gawin upang
makapagdesisyon
nang tama

Desisyon

Nakapagbigay
ng tamang
desisyon at
makabuluhang
dahilan kung
bakit ito ang
kanilang
napagpasyahan

Nakapagbigay
ng tamang
desisyon at
dahilan kung
bakit ito ang
kanilang
napagpasyahan

Nakapagbigay ng
tamang
desisyon

Malinaw na
naipakita ang
pagpapahalagang
ginamit ng
pangkat

Naipakita ang
pagpapahalagang
ginamit ng
pangkat

Hindi
naipakita ang
pagpapahalagang
ginamit ng
pangkat

C
O

EP
E
D
Ipinakitang
Pagpapahalaga

PY

Pamantayan

24
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Natin

PY

Marami na tayong nabasang kuwento tungkol sa mga taong


nagsipagtiis upang mabuhay at magtagumpay. Isa na rito ang
bayaning si Andres Bonifacio. Bata pa lamang siya ay kinailangan na
niyang magtiis upang maalagaan ang kaniyang mga nakababatang
kapatid. Gumawa siya at nagtinda ng ibat ibang bagay tulad ng
pamaypay at baston upang sila ay may makain.

EP
E

Halimbawa:

C
O

Sa isang bond paper, gumuhit ng isang puso. Sa loob nito


ay gumawa ng isang sulat para sa isang taong alam mong nagtitiis
para sa iyo. Sabihin mo sa kaniya kung ano naman ang maaari
mong gawin upang masuklian ang ginagawa niya. Maaari mong
gawing halimbawa ang nasa ibaba. Ipadala ito sa kaniya.

Mahal kong Nanay,

Nais
ko
po
sanang
magpasalamat sa ginagawa mong
pagtitiis na hindi magmeryenda
upang makabili ako ng bagong damit.
Para masuklian ko po ang
iyong kabutihan, ako po ay lagi nang
susunod sa mga ipinag-uutos mo.

25
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

PY

Ang pagiging matiisin ay isang katangian na dapat taglayin


ng isang bata upang siya ay magtagumpay. Sa pagiging mapagtiis,
magagawa niya ang mga bagay na akala niya ay hindi niya kayang
gawin. Dahil siya ay nasanay sa mga simpleng bagay upang
makamit ang kaniyang mithiin, magiging higit na madali para sa
kaniya ang pag-abot sa tagumpay.

EP
E

C
O

Ikaw, bilang isang mabuting mamamayan ay malaki pa ang


magagawa kung pauunlarin at isasabuhay mo ang iyong pagiging
matiisin. Dapat mong matutuhang magtiis upang iyong makamit ang
iyong mga nais. Tulad ng kasabihang binasa natin, Kapag maikli
ang kumot, matutong mamaluktot. Darating din ang araw na ang
lahat ng iyong pangarap ay iyong makakamit, matuto ka lamang
munang magtiis.

Isabuhay Natin

Mag-isip ng isang bagay o pangyayari na hindi mo tiniis ngunit


kaya mo naman sanang tiisin. Batay sa pangyayaring ito, sumulat
ka sa iyong sagutang papel ng isang pangako na pipilitin mo itong
tiisin para sa iyong ikabubuti.
Noon ay hindi ko kayang tiisin na _______.
Ngayon ay nangangako akong gagawin
ko ang aking makakaya upang maging
mapagtiis at gawing ________ para sa aking
ikabubuti.

26
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Subukin Natin

Sagutin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na mga tanong:


Ano ang dapat mong gawin kung...

C
O

PY

1. mainit ang sikat ng araw, subalit oras na ng pagpila para sa


seremonya sa Watawat ng Pilipinas
2. kaunti na lamang ang ulam na paghahatian ninyo ng iyong
mga kapatid. Gusto mo pang kumain
3. nabasa ng ulan ang kama mo kaya kinakailangan kang
maglatag at humiga sa sahig
Basahin ang tseklis sa ibaba. Lagyan ng tsek () ang hanay
ng iyong sagot.

PaminsanLaging
minsan
Ginagawa
Lamang
Ginagawa

EP
E

Pag-uugali

1. Nananatiling nakatayo
at hinihintay ang hudyat
para lumakad na papunta
sa silid-aralan.
2. Nakapaghihintay na
maluto ang pagkain kahit
gutom na.
3. Pinagtitiisan kung ano
lamang kagamitan ang
mayroon sa bahay.

Hindi
Ginagawa

Binabati kita sapagkat naunawaan mo ang kahalagahan ng


pagiging matiisin. Ngayon, handa ka na para sa susunod na aralin.
27
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 4
Magiging Mapanuri Ako!
Ang pagiging mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o
nababasa sa pahayagan ay makatutulong sa tamang pagpapasiya.

PY

Ang salitang mapanuri ay tumatalakay sa pagiging masiyasat


sa mga bagay na bago sumang-ayon ay nasusuri ng lubos para
mapagpasiyahan ng buong pagpapahalagang desisyon.

EP
E

Suriin ang kuwento.

Alamin Natin

C
O

Paano kaya natin dapat suriin ang mga balitang ating napapakinggan
sa radyo o nababasa sa pahayagan? Makaaapekto ba ito kung
mali ang impormasyon na ating naihatid sa ating kapuwa?

28
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ang Balita ni Tatay Nato


Isang umaga, nakikinig ng balita sa radyo si Mang Nato.
Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang
RACC Balita, Nagbabalita Ngayon!

PY

Naitala kahapon na dalawamput apat na bata na may


gulang na walo hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng
Salvacion. Ito ay ayon kay Dr. Jacob R. Platon ng Veterinary Office."

C
O

Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinagiingat ang mga mamamayan lalo na ang mga bata.
Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging
responsable sa kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng
anti-rabies at itali ang mga ito upang hindi makadisgrasya.

EP
E

Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radyo.


Kinausap niya ang kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mga ito
ng babala tungkol sa rabies na dala ng kagat ng aso.
Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ng aso,
Tatay? tanong ni Anika sa ama.

Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang


kasama sa bahay na komunsulta na agad sa doktor para malapatan
ng paunang lunas.
Salamat po, Tatay Nato," sabi ni Anika.

29
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong nabasa?
2. Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa
balitang iyong narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan?
Ipaliwanag ang dahilan.

C
O

PY

3. Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga


balitang naririnig mo sa radyo o nababasa sa pahayagan?
Ipaliwanag.
4. Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa
balitang iyong narinig o nabasa? Magbigay ng halimbawa.

EP
E

5. Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa


paalala ng iyong tatay ukol sa balita niyang napakinggan?
Pangatwiranan.

Isagawa Natin

Gawain 1

Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa


radyo o nabasa sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita
o Mapanghamong Balita. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

30
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Magandang Balita

C
O

PY

Mapanghamong Balita

EP
E

Sagutin ang mga tanong sa ibaba at kompletuhin ang


pangungusap na nasa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong
nagdaang araw na masasabi mong Magandang Balita o
Mapanghamong Balita?

2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o


kaya ay mapanghamong balita?

Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong


bagay, ang gagawin ko ay __________________________
dahil naniniwala ako na ___________________________.

31
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 2
Mini Presscon

PY

1. Dahil alam na ninyo ang mga mapanuring pamamaraan sa


pagtuklas ng katotohanan sa mga balitang napakinggan sa
radyo o nabasa sa pahayagan, kaya na ninyong magplano
ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang
inyong mga natatanging kakayahan tungkol sa simpleng
pagbabalita.
2. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Mahuhusay sa pagsasalita

Isang anchor o tagapagbalita


Magagaling sa pagsulat
Kakayahan sa
pagsulat ng balita
Magsusulat ng simpleng
balita
Magsusuri ng balita
Kakayahang
magsuri ng balita
Manonood na magsusuri
ng balita at magtatanong sa
magiging epekto nito

EP
E

II

Gawain/
Kakayahan
Kakayahan sa
pagbabalita

Bumubuo sa Pangkat

C
O

Pangkat

III

Gawain 3
Pagtatanghal
Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal
at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong.
32
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa


sa unahan ng unang pangkat?
2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng
kanilang loob sa pagtatanghal? Patunayan.

PY

3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat ng


balita. Tama ba at nasa ayos ang kanilang isinulat na balita?
Patunayan.

C
O

4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood


na ang kanilang nasaksihang balita ay may positibo o
negatibong epekto sa mga manonood? Patunayan.

Isapuso Natin

EP
E

Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa


impormasyong narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan.
Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay ang
iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang
napiling numero. Gamitin ang inihandang larawan ng guro.

33
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa


radyo o nabasa sa pahayagan

6-10

Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o


nabasa sa pahayagan

11-15

Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa


pahayagan

16-20

Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na


narinig sa radyo at nabasa sa pahayagan

C
O

Tandaan Natin

PY

1-5

EP
E

Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa


balitang naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan. Ang pagiging
mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng
masusing pag-iisip.

May mga balita na nagbibigay ng tamang impormasyon


upang lalong mapalawig ang kaalaman ng mga nagbabasa o
nakikinig. Subalit mayroon din naman sa paraang paninirang puri.
Ang ganitong klase ng pagkakasulat o paglilimbag ay itinuturing na
isang libelo.
Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas,
ang mga elemento ng libelo ay ang:
1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa
iba;

34
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. paglalathala ng mga bintang;


3. pagkakakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at
4. pagkakaroon ng masamang hangarin.
Ang sinumang tao na magsulat, maglathala, mag-eksibit, o
maging sanhi ng anumang paninira ay magiging responsable.

PY

Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito


ay dapat na may kongkretong ebidensiya at may patunay. Ang
pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may
batayan.

C
O

Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay


tumutulong sa atin para makuha, malaman, at maunawaan natin
ang tamang impormasyon.

EP
E

Isabuhay Natin

Bigkasin nang may lakas, sigla, at damdamin ang tula sa ibaba.


Mapanuri Ako

Mapanuri ako sa aking pinakikinggan


Balita man o sabi-sabi lamang
O anumang pinag-uusapan
Dapat kong suriin at pahalagahan.
Hindi ikinakalat ang anumang usapan
Na walang patunay o ebidensiya man
35

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Wag nang ihatid sa iba para di-makasuhan


Upang maayos ang tunay na balitaan.
Ang mabuting pagninilay sa katotohanan
Hatid ay saya at di demanda ang patutunguhan
Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan
Tamang impormasyon ilabas nang tuluyan.

C
O

PY

Pagkatao moy babantayog sa katotohanan


Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag
Mapanuri ako sa bawat minuto at oras
Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak.

EP
E

Halimbawa:

Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig


na balita sa radyo o nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis
na papel.

Ako, si ________________________ ay nangangako


at naniniwalang mahalagang pag-iisipan kong mabuti at
susuriin muna ang balitang aking narinig o nabasa bago ko
ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil
dito ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa
pagkakaaroon ng maayos na pamayanan. Magiging modelo
ako ng tamang pagsusuri ng balita, para sa totoo at walang
pinapanigan kundi ang katotohanan lamang.
Gabayan nawa ako ng Poong Lumikha.
________________________
Lagda ng Mag-aaral
36

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Subukin Natin

PY

Lagyan ng tsek (P) ang bilang na tumutugon sa mapanuring


pag-iisip batay sa balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa
pahayagan at ekis () kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring
pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

______ 2.

C
O

______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong


detalye ang balita ukol sa bagyo.
Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa
Pilipinas.

______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa


sa pahayagan.
Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.

______ 5.

Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa


pagbabasa ng balita.

EP
E

______ 4.

Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong mapanuring pag-iisip.


Binabati kita. Patuloy mo itong paunlarin.
Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nang may mapanuring
pag-iisip.
Sapagkat natapos mo nang may mapanuring pag-iisip ang
araling ito, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. Handa
ka na!
37

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 5
Sa Maayos na Kaisipan, May Tamang Pagninilay
Ang pagtanggap sa opinyon ng iba o paggalang ay makatutulong
upang lumawak ang ating pananaw. Maaari nating buksan ang
ating isipan sa pagtanggap ng pananaw ng iba.

PY

Alamin Natin

EP
E

Jessa, hindi naman.


Kaso pag gabi na
napapanaginipan ko
ang aking pinanood.
Napanaginipan ko
nga na ako ang
nabaril.

Bong, iyan ba ang napanood


mo kagabi? Hindi ka ba
natakot sa pinanood mo?
Marahas ang ipinakita ng
pinanood mo.

Jessa, nakapanood
ako kagabi sa
telebisyon ng
palabas tungkol sa
digmaan.

C
O

Halina at ating suriin ang usapan ng dalawang mag-aaral.

Salamat, Jessa,
sa iyong payo.
Ngayon alam ko
na yong magiging
epekto ng
panonood ng
karahasan.

Naku! Bong. Ang


payo ko sa yo
huwag ka nang
manood ng palabas
na may karahasan.
Tingnan mo at
napapanaginipan
mo pa!
Walang anuman,
Bong. Lagi mong
tandaan na
masayang manood
ng walang
karahasan. Sige na,
tawag na ako ni
Ama. Paalam.

38
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin ang mga tanong:


1. Tungkol saan ang pinag-uusapan ng dalawang bata sa
larawan?
2. Nakatulong ba kay Bong ang kaniyang napanood sa
telebisyon? Ipaliwanag.

PY

3. Paano ito nakaapekto sa kaniyang kaisipan at damdamin?


4. Kung ikaw si Bong, gagawin mo ba ang sinabi ni Jessa?
Pangatwiranan.

C
O

5. Itala ang iyong huling napanood sa telebisyon. Ano ang naging


epekto nito sa iyong damdamin at kaisipan? Ipaliwanag.

EP
E

Gawain 1

Isagawa Natin

Punan ang loob ng hugis ng iyong mga napanood sa telebisyon.


Paano nakaaapekto ang mga ito sa iyong kaisipan at damdamin?
Gawin ito sa iyong kuwaderno.

39
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 2
1. Bumuo ng limang pangkat.
2. Magtala ng mga impormasyon ng inyong napanood sa
telebisyon.

PY

3. Masusi ninyo itong pag-aralan at pumili para sa isang duladulaan. Sundin ang template sa ibaba.
4. Mula sa kahon ay sumulat ng simpleng script.

C
O

5. Pumili ng mga artista at direktor mula sa script ng inyong


pangkat para sa inyong palabas.

1.

Hamon

2.

Aral

EP
E

Programang Napanood

3.
4.
5.

40
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Natin

Nadaragdagan ang iyong karanasan sa pagkakaroon ng


bukas na isipan sa tulong ng media tulad ng radyo, pahayagan, at
telebisyon.

EP
E

C
O

PY

Ano ang nasa isip mo nang pinagsama-sama ang iyong


karanasan sa napanood mong balita o programa sa telebisyon. Itala
ang mga ito sa kahon A, B, at C. Sa loob naman ng puso, itala ang
kabutihang dulot ng iyong napanood sa telebisyon na pumukaw sa
iyong damdamin. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

41
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

PY

Malaki ang epekto ng programa sa telebisyon na maaaring


nakatutulong o nakasasama sa manonood. Ang pagkakaroon ng
bukas na isipan ay nagdudulot sa isang manonood ng tamang
pagproseso ng pag-iisip sa kaniyang napanood. Suriing mabuti ang
mga programang ipinalalabas sa telebisyon bago paniwalaan.

C
O

Ang Lupon sa Pagrerepaso at Pag-uuri ng Sine at


Telebisyon o Movie and Television Review and Classification
Board, dinadaglat na MTRCB, ay ang ahensiya ng pamahalaan ng
Pilipinas na responsable sa regulasyon ng telebisyon at pelikula,
pati na rin ang sari-saring uri ng de-bidyong midya, na makikita at/o
ikinakalakal sa bansa. Itinatag ito noong 1985 sa bisa ng Atas ng
Pangulo Blg. 1986 sa ilalim ng pamahalaan ni dating Pangulong
Ferdinand E. Marcos.

EP
E

Ang MTRCB ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo.


Binubuo ito ng isang tagapangulo, isang pangalawang tagapangulo
at tatlumpung (30) kasapi ng lupon, na manunungkulan nang isang
taon.

Kasalukuyang gumagamit ang MTRCB ng dalawang sistema


ng pag-uuri: isa para sa mga pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan
sa Pilipinas at isa naman para sa mga programang ipinalalabas sa
telebisyon.
Ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa mga pangyayari ayon
sa iyong napanood ay tumutulong sa atin na makapagpasiya nang
matibay at tama. Ang tamang gabay at patnubay ng mga magulang
sa mga bata ay kailangan. Nasa atin na ang pagsunod upang hindi
tayo mapahamak.
42
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isabuhay Natin

Pag-isipan mo ang tanong na ito:

PY

Nakatutulong ba ang mga programang napanood mo sa


iyong pagpapasiya pagkatapos mo itong suriin? Pangatwiranan.

C
O

Gumawa ng tatlong simpleng poster sa temang Kaya Kong


Maging Mapanuring Manonood, Bukas ang Isip sa Tamang Gawi at
Asal."

EP
E

Ipapaskil ito sa bulletin board upang makahikayat ng mga magaaral na magkaroon ng mapanuring pag-iisip at tamang pagninilay
tungkol sa balita at programang napapanood

Subukin Natin

Gumuhit ng araw (
) sa bilang ng mga sitwasyon na may
bukas kang pag-iisip at ulap ( ) naman kung hindi mo ito naisagawa
nang may bukas na pag-iisip. Itala ito sa iyong kuwaderno.
_______1. Nakapanood ako ng programang walang karahasan
sa telebisyon.
_______2. Inililipat ko nang estasyon kapag may ipinalalabas na
malalaswang panoorin.
43

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

_______3. Naiisa-isa ko ang mga taong may magandang


pagganap sa teleserye.
_______4. Natutuwa ako kapag may magandang balita ang
programa sa telebisyon.

PY

_______5. Naipaliliwanag ko nang maayos sa harap ng aking


kamag-aral ang nangyari sa programang aking
pinanood.

EP
E

C
O

Binabati kita sa iyong kahusayan! Tagumpay mong naipakita


ang iyong pagkakaroon ng bukas na isipan. Patuloy mo itong
paunlarin. Maaari kang muling magpaunlad ng kaisipan sa susunod
na aralin. Kayang-kaya mo yan!

44
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 6
Impormasyon: Bahagi at Instrumento sa Aking
Pagkakatuto

PY

Isang malaking bahagi ang teknolohiya upang mas maayos


na maipakita ang mga aralin na itinuturo sa loob ng klase. Sa
loob lamang ng ilang dekada, ang computer naman ay naging
pangunahing kagamitan para sa pagtuturo sa ika-21 na siglo.
Kailan ka huling gumamit ng teknolohiya sa tulong ng iyong guro?

C
O

Alamin Natin
Basahin ang nasa ibaba.

EP
E

Internet: For Better or For Worse


(Nakabubuti o Nakasasama)

Ang pagtuklas ng katotohanan ay nagiging mas mabisa lalo


na kung ito ay ginagamitan ng pananaliksik. Sa tulong ng internet,
isang pindot mo lang sa computer ay makikita mo na ang gusto
mong malaman. Gayunpaman, dapat tayong maging mapanuri sa
ating mga pinapasok na site o blogsite sa internet.

Upang magamit natin nang tama ang internet, kailangan


nating malaman ang mga salitang dito ay umuugnay.
Makikita sa ilustrasyon ang mga halo-letra na nakalagay sa
loob ng kahon. Ayusin ang mga letrang ito upang makabuo ng mga
salita na may kaugnayan sa internet at teknolohiya. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
45

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

8. netertin
7. koafboce

5. legogo

1. pewabge

6. oyu etub

4. ttertwi

PY

3. ailm-e

EP
E

C
O

2. biteslog

Narito ang mga clue upang mas lalo kang magabayan sa iyong
paglalaro:
1. Pahina sa internet na makatutulong sa impormasyon.
2. Karaniwang pinananatili ng isang indibidwal na may regular
na mga entry ng mga komentaryo, ang paglalarawan ng mga
pangyayari, o iba pang materyales tulad ng mga graphic o
video.
3. Modernong pagpapadala ng liham.
46
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

4. Isang social networking at microblogging na serbisyo na


nagbibigay-kakayahan sa gumagamit nito na magpadala at
basahin ang mga mensahe na kilala bilang mga tweets.
5. Isang uri ng website na maaaring gamitin sa pananaliksik.

PY

6. Ang magkakabit na mga computer network na maaaring


gamitin ng mga tao sa buong mundo.

C
O

7. Maaaring magdagdag din ng mga kaibigan at magpadala


ng mensahe sa kanila, at baguhin ang kanilang sariling
sanaysay upang ipagbigay-alam sa kanilang mga kaibigan
ang tungkol sa kanilang sarili.
8. Isang uri ng website na maaaring gamitin upang makapanood
ng video o palabas.

Sagutin ang mga tanong:

EP
E

1. Tungkol saan ang mga nabuo mong salita?

2. Alin sa mga ito ang nakatulong sa iyo sa paghahanap ng


kasagutan sa iyong mga naiisip na opinyon? Magbigay ng
halimbawa.
3. Kung wala ang internet, paano ka kaya makahahanap ng
kasagutan sa mga tanong mula sa ibat ibang asignatura?
4. Nakaapekto ba ang teknolohiya sa iyong pang-araw-araw
na pamumuhay? Pangatwiranan.
5. Pumili ng babasahin sa internet. Suriin ang balangkas,
nilalalaman, at mensahe nito.
47

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isagawa Natin

Gawain 1

PY

Sa loob ng mga hugis na bilog sa ibaba magtala ng mga


naidudulot ng internet sa iyo bilang mag-aaral. Gawin ito sa isang
malinis na papel.

EP
E

C
O

Halimbawa: Isports dahil sa internet ay nalalaman ko kung


nanalo ba o natalo ang paborito kong
koponan sa basketball.

48
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 2
Pangkatang Gawain
1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng lider at taga-ulat para
sa bawat pangkat.
2. Gumuhit ng dalawang malaking computer.

C
O

PY

3. Itala sa loob ng iginuhit na computer ang pinagsama-sama


ninyong ideya at opinyon tungkol sa epekto ng paggamit ng
internet.
4. Sa unang computer itala ang positibong epekto at sa
pangalawa namang computer ay ang negatibong epekto
nito. Gawin ito sa kuwaderno.
Negatibong Epekto

EP
E

Positibong Epekto

Sagutin ang tanong:


Nakaapekto ba nang malaki ang internet sa iyong buhay
bilang mag-aaral? Pangatwiranan.

49
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Natin

Sa paggamit ng internet, nasa anong lebel mo maikakategorya


ang iyong sarili sa pagtuklas ng katotohanan?

3-4

EP
E

5-6
7-8

Hindi
Mahusay
Medyo
Mahusay
Mahusay
Mahusay
na
mahusay

C
O

1-2

PY

Kategorya

Sa iyong sagot, masasabi mo bang hindi ka umabuso sa


paggamit ng internet? Suriin ang sarili batay sa lebel o antas na
kinalalagyan. Ipaliwanag.

50
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

PY

Tunay na napakahalaga ng paggamit ng internet o teknolohiya


sapagkat napapadali ang mga gagawing pananaliksik lalong-lalo na
sa mga mag-aaral na naghahanap ng kalutasan sa mga naibigay
na takdang-aralin: paggawa ng pagsasaliksik, ulat-pasalaysay
at marami pang iba. Sa pamamagitan na lamang ng pag-browse
sa internet, napagagaan ang kanilang gawain at natututo rin ang
mag-aaral na mapalawak ang kaalaman sa larangan ng anumang
disiplina.

C
O

Malaki ang epekto sa atin ng internet. Subalit hindi lahat ng


ating nababasa sa internet ay totoo at tama. Kailangang maging
mapanuri sa mga binabasa o pinupuntahang sites. Marami ring
sites na nagbibigay ng kalaswaan at karahasan.

EP
E

Masasabi natin na malaking tulong ang teknolohiya sa pagunlad ng ibat ibang aspekto ng kaalaman at edukasyon. Subalit
kailangan nating tandaan na nararapat nating gamitin ito nang
wasto. Huwag nating hayaan ang ating mga sarili na abusuhin ang
teknolohiya. Maaaring makapagdulot ito ng mga masamang epekto
sa atin kapag ito ay hindi ginamit sa tamang paraan.

Isabuhay Natin

51
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Panalangin ng Isang Netizen

PY

Panginoon, lubos po kaming nagpapasalamat sa katalinuhang


inilaan po ninyo sa amin. Sa naiimbento naming mga materyal na
kagamitan gaya ng computer at internet, kamiy inyong gabayan.
Buksan mo po ang aming mga mata para sa tamang makikita. Ilayo
po ninyo kami sa tukso ng malalaswang panoorin. Gayundin ang
aming mga tainga sa aming naririnig sa mga blog sites, laro sa
internet na nakapipinsala sa amin.

C
O

Linisin mo po ang aming isipan sa mga bagay na nakagugulo


dala ng makabagong teknolohiya. Basbasan mo po ang aming
puso para maiproseso namin ang mabuti at masamang epekto ng
internet at social networking sites.

Panginoon, gawin mo kaming mabuting netizen na may


pagmamahal sa katotohanan at may pagtataguyod sa tamang
paggamit ng bagong likhang kagamitan.

EP
E

Amen.

Subukin Natin

Lagyan ng salitang Nakabubuti ang mga gawain na


nagpapakita ng nakabubuti sa paggamit ng internet. Hindi
Nakabubuti naman kung ito ay nakasasama. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
_______1. Nakapagsasaliksik sa agham at teknolohiya para sa
takdang-aralin.
52
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

_______2. Nakapaglalaro sa internet ng barilan at patayan ng


mga zombies.
_______3. Nakapapasok sa mga sites na may malalaswang
panoorin.

PY

_______4. Nakagagawa ng blog site tungkol sa ganda ng


Sorsogon at iba pang magagandang lugar sa Pilipinas
na napuntahan.
_______5. Nakakapag-upload ng mga batang nagsusuntukan sa
YouTube.

C
O

_______6. Nakapagbabasa ng mga e-mail na may katuturan sa


buhay ng simpleng mag-aaral na Pilipino.
_______7. Nakakapag-chat ng malalaswang salita sa Skype.

_______8. Nakakapag-Facebook nang magdamag.

EP
E

_______9. Nakapaglalagay ng mensahe sa Instagram tungkol sa


mga hinaing sa pamumuno ng isang opisyal.

_______10. Nabibigyan ng impormasyon ang mga kaibigan tungkol


sa paggawa ng loombands galing sa internet.

Magaling! Tagumpay mong naipakita ang iyong pagmamahal


sa katotohanan. Patuloy mo itong paunlarin.
Sapagkat natapos mo nang may pagmamahal sa katotohanan
ang araling ito, ngayon ay handa ka na sa susunod na hamon ng
aralin. Galingan mo pa!

53
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 7
Aking Tutularan: Pagiging Mapagpasensiya

Alamin Natin

EP
E

C
O

Basahin at unawain ang kuwentong ito.

PY

Nais mo bang maging isang batang mapagpasensiya? Naranasan


mo na bang magbigay ng pagkakataon sa iba dahil sa isang hindi
inaasahang pagkakataon? Paano mo matatamo ang ugaling ito?

Si Rolando ay isang masigasig at masipag na bata. Ang


kaniyang ama ay isang tricycle driver samantalang ang kaniyang
ina ay nasa bahay lamang. Hindi sapat ang kita ng kaniyang ama
para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Si Rolando ay panganay sa apat na magkakapatid kaya naisip
niyang tulungan sa paghahanapbuhay ang kaniyang ama para may
makain sila sa araw-araw.

54
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Hindi na siya nakapagpatuloy ng pag-aaral sa sekondarya.


Nagtinda siya ng kendi, tubig, at kung ano-ano pa. Kapag ubos na
ang kaniyang paninda, nagsa-shine naman siya ng sapatos.

PY

Gustong-gusto sana niyang makatapos ng pag-aaral ngunit


nakiusap ang kaniyang ama at sinabi, Magpasensiya ka na, anak.
Unahin na muna natin ang pag-aaral ng dalawa mong kapatid.
Kapag may naipon na tayong sapat na pera saka mo na ipagpatuloy
ang iyong pag-aaral. Sumagot si Rolando, Huwag po kayong magalala, Ama, naiintindihan ko po. Alam ko na may awa rin ang Diyos
sa ating pamilya.

C
O

Pinagpasiyahan ni Rolando na ipagpatuloy ang pagtatrabaho


at pagtulong sa pamilya. Hindi siya gumagastos kung hindi kailangan.
Unti-unti siyang nakaipon dahil sa kaniyang pagtitipid. Nagtiis siya
sa lahat ng pagkakataon hanggang sa siya ay makaipon.

EP
E

Minsan, may nakapagsabi sa kaniya na may programa


ang Department of Education (DepEd) na Distance Learning. Sa
programang ito, makapag-aaral ang isang bata kahit hindi pormal na
pumapasok sa paaralan. Agad siyang nagpalista rito at nagsimula
siyang makapag-aaral sa sekondarya. Hindi naglaon ay nakatapos
din siya ng pag-aaral. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang
sa ipinakita niyang pagtitiis, tiyaga, at pagsisikap para makatapos
sa pag-aaral. Sinabi niya sa kaniyang sarili, Magsisikap pa ako
para makapagtapos ng kolehiyo.

Sagutin ang mga tanong.


1. Tukuyin ang mga katangiang ipinakita ni Rolando. Kahangahanga ba ang kanyang ginawa? Patunayan.
55
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Papaano niya tinulungan ang kaniyang ama? Ikuwento ito


sa klase nang may paghanga sa ginawa ni Rolando.
3. Masasabi mo bang mapagpasensiya ang batang si Rolando?
Basahin ang bahagi mula sa kuwento na nagpapakita ng
kaniyang pagtitis at pagpapasensiya.

PY

4. Kung ikaw si Rolando, paano mo maipakikita ang pagiging


mapagpasensiya at maparaan?

Gawain 1

Isagawa Natin

C
O

5. Ipaliwanag na kakambal ng pagiging mapagpasensiya ang


pagtitiis at pagtitiyaga.

EP
E

1. Magpangkat sa tatlo.

2. Bawat miyembro ng pangkat ay humanay nang dala-dalawa.


Maghawak-kamay at pagdikitin ang tig-isang paa.

56
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

3. Magtalaga ng isang mag-aaral na magsisilbing poste ng


bawat pangkat.
4. Mag-uunahang lumakad at umikot ang bawat pareha ng
bawat pangkat sa kanilang poste na magkadikit ang paa at
hindi magbibitiw ng kamay.

C
O

Halimbawa ng sitwasyon:

PY

5. Ang huling pareha na makabalik ay bubunot ng papel sa


kahong inihanda ng guro. Nakasulat sa papel ang sitwasyong
inyong babasahin at sasagutin.

EP
E

Gawain 2

May usapan kayo ng kaibigan mo na maglalaro sa


plasa subalit hindi ka pinayagan ng iyong Tatay na lumabas
ng bahay dahil umaambon. Ano ang gagawin mo?

1. Bawat pangkat ay bibigyang muli ng guro ng mga sitwasyon


na susuriin.

2. Gumawa ng isang maikling dula-dulaan tungkol sa


sitwasyong nakuha ng pangkat.
3. Ang inyong gagawin ay susukatin gamit ang pamantayan.
4. Sa pagtatapos ng dula-dulaan, tukuyin kung anong
pagpapahalaga ang dapat taglayin ng isang mag-aaral kung
sakaling magkakaroon ng ganoong karanasan.

57
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagpapahalaga

Nasuri nang
maayos ang
sitwasyon
at naipakita
ang tamang
paraan na
dapat gawin
Natukoy at
naipaliwanag
ang tamang
pagpapahalaga na
ipinakita sa
dula-dulaan
Lahat ng
miyembro ng
pangkat ay
nakiisa sa
gawain

Nasuri nang
maayos ang
sitwasyon
at naipakita
ang dapat
gawin

Nasuri ang
sitwasyon at
naipakita ang
dapat gawin

Natukoy
at naipaliwanag ang
papahalaga
na ipinakita
sa duladulaan
1o2
miyembro
ng pangkat
ay hindi
nakiisa sa
gawain

Natukoy ang
pagpapahalaga na
ipinakita sa
dula-dulaan

3 miyembro
ng pangkat
o higit pa ay
hindi nakiisa
sa gawain

EP
E

Kooperasyon

PY

Pagsusuring
ginawa

C
O

Pamantayan

Isapuso Natin

Mula sa mga nakaraang gawain, pagnilayan kung ano ang


tumimo sa inyong mga puso. Isulat ito sa inyong reflection booklet.
Gamitin ang sumusunod na tanong bilang gabay:
1. Naipakita ko na ba ang ugaling mapagpasensiya?
2. Kung hindi, ano ang aking nararamdaman?
58
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

3. Kaya ko ba itong magawa sa ngayon?


4. Paano ko ito dapat isagawa?

Tandaan Natin

C
O

PY

Pasensiya. Salitang palaging namumutawi sa bibig ng mga


Pilipino. Ang pagiging mapagpasensiya ay isang mabuting paguugali. Kasama sa pagpapasensiya ang pagtitiis at pagtitimpi.
Madaling makamtam ang ating mithiin at pangarap sa buhay kung
tayo ay marunong magpasensiya. Sa pag-uugaling ito, makikita
natin ang kahalagahan ng tamang panahon, tamang oras at tamang
pagkakataon. Sinasabi ng matatanda na ang mga taong walang
pasensiya at palaging nagmamadali ay kadalasang nagkakaroon
ng problema sa buhay.

EP
E

May mga taong nakilala dahil sa kanilang pagiging


mapagpasensiya. Sila ay umunlad sa napili nilang larangan. Tulad
ng bayaning si Andres Bonifacio na naging mapagpasensiya. Dahil
sa maagang pagkamatay ng kanilang mga magulang ay nahinto
siya sa pag-aaral sa edad na labing-apat. Gumawa siya ng kahoy
na baston at pamaypay na papel na kaniyang itininda sa lansangan
upang maging pantustos sa pangangailangan nilang magkakapatid.
Kahit hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay sinikap pa rin niyang
paghusayin ang kaniyang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa
ng mga aklat.
Tulad ni Andres Bonifacio, marami pang ibang tao na bago nila
narating ang kanilang kinalalagyang estado sa ngayon ay naging
mapagpasensiya sila sa mga naranasang paghihirap sa buhay.

59
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isabuhay Natin

Gumawa ng isang commitment booklet sa iyong kuwaderno.

PY

1. Hatiin sa dalawang bahagi ang tigkabilang booklet tulad ng


halimbawa sa ibaba.

C
O

2. Ang kaliwang bahagi ay sasagutan mo at ang nasa kanang


bahagi naman ay para sa iyong magulang o kahit sinong
miyembro ng iyong pamilya.
3. Bawat hanay ay susulatan mo at ng iyong kapamilya ng tiglilimang sitwasyon ayon sa hinihingi ng booklet.
Ang aking anak ay naging

Ako ay naging

1.
2.

3.

EP
E

Mapagpasensiya
Mapagpasensiya
Dahil sa . .
Dahil sa . . .
sa . . .
sa . . .

4.
5.

60
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Subukin Natin

Lagyan ng tsek () ang bilang na nagsasaad ng pagiging


mapagpasensiya at ekis () kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
Matiyagang naghihintay ng pagkakataon.

______ 2.

Laging nagmamadali sa ano mang gawain.

______ 3.

Patuloy na nakikinig sa guro maski maingay ang mga


kaklase.

C
O

PY

______ 1.

______ 4. Hindi sumisingit sa pila sa pagbili ng pagkain sa


kantina.

EP
E

______ 5. Mahilig magreklamo kung inuutusan ng nanay na


tumulong sa mga gawaing-bahay.

Ngayong natamo mo na ang kaalaman sa pagiging


mapagpasensiya, isagawa mo ito para lalo kang pagpalain.
Sapagkat alam mo na ang pagpapahalagang ito ay maaari ka
nang tumuloy sa susunod na aralin.

61
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 8
Pagtitimpi, Pinahahalagahang Ugali
Naranasan mo na bang tuksuhin o manukso ng kapuwa mo magaaral?
Kung ikaw naman ay palaging tinutukso ng iyong mga kalaro o
kaklase, madali ka bang mainis o magtampo?

Alamin Natin
Basahin ang kuwento.

C
O

PY

Magkaroon ng masusing pagsusuri sa mga gawaing tinatalakay sa


araling ito.

Sally, Batang Mapagtimpi

EP
E

Buwan ng Agosto. Ang mga mag-aaral ay naghahanda ng


isang palatuntunan upang ipakita kung paano maipagmamalaki
ang sariling wika.

62
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isang umaga, ibinalita ni Bb. Susan Cruz sa kaniyang mga


mag-aaral na Pangkat Rosas ang tungkol sa gaganaping duladulaan. Mga bata, magkakaroon tayo ng palatuntunan tungkol sa
pagpapahalaga sa sariling wika. Tayo ay magpapakita ng isang
dula-dulaan. Pipili ako ng mga gaganap, wika ng guro.

C
O

PY

Tuwang-tuwa ang mga bata. Sabay-sabay silang nagsabi ng


kanilang interes para gumanap sa dula-dulaan. Puwede po ba ako,
Maam? Maganda po ang boses ko. Maaari po akong kumanta,
ang sabi ni Romeo. Ako po ay marunong sumayaw, sabi naman
ni Haydee. Maam, sanay po akong sumulat ng script, ang buong
pagmamalaking sabi ni Roy. Lalo po ako, nakababasa nang may
damdamin, dagdag ni Rommel. Bb. Cruz, magaling po ako sa
drama, ang sabi ni Sally.

EP
E

Biglang may nagsalita na kaklase mula sa bandang likuran.


Maam, huwag po ninyong piliin si Sally. Hindi po siya sanay
magsalita ng Filipino. Sabay-sabay na nagsipagsalita ang mga
bata, Inglisera, inglisera!

Gustong-gusto nang magalit ni Sally at magbitiw ng masasakit


na salita ngunit naalala niya ang palaging tagubilin ng kaniyang
mga magulang, Huwag kang maiinis o magagalit kapag ikaw ay
tinutukso. Magtimpi ka sa iyong sarili para wala kang kaaway. Kaya
napag-isip-isip ni Sally na dapat niyang gawin ang tamang bilin ng
kaniyang magulang.
Hindi nakatiis si Bb. Cruz. Pinangaralan niya ang mga magaaral. Sinabi niya na dapat pamarisan si Sally sapagkat siya ay
naging mapagtimpi. Hindi siya nagalit o nainis nang siya ay tuksuhin
ng mga kamag-aral.

63
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin ang sumusunod:


1. Isa-isahin ang mga kaganapan sa paaralan kung bakit
tuwang-tuwa ang mga bata sa kuwento.
2. Sino ang bata na naging tampulan ng tukso sa kuwento?
Bakit?

PY

3. Ano ang reaksiyon ng mga kaklase sa naisin ni Sally?


4. Papaano tinanggap ni Sally ang pangyayari? Bakit?

C
O

5. Patunayan ang malaking tulong ng nanay ni Sally sa kaniyang


pag-uugali.

6. Ano ang ipinangaral ni Bb. Cruz sa kaniyang mga magaaral?

EP
E

7. Kung ikaw si Sally, ano ang iyong gagawin kung tinutukso ka


ng iyong kaklase?

Isagawa Natin

Gawain 1

Ibigay at ipahayag ang iyong reaksiyon sa sumusunod na


sitwasyon sa pamamagitan ng pagsulat ng sagot sa kuwaderno.
1. Naglalaro ng holen sina Rudolf at Rey. Natalo si Rey kaya
siya ay nagsalita ng masama. Kung ikaw si Rudolf, ano ang
gagawin mo?
64
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

2. Pinagbilinan ka ng iyong ina na huwag kang makipagkaibigan


sa batang mahilig makipag-away. Ano ang iyong gagawin?
Bakit?

PY

3. Mayroon kayong ginagawang proyekto sa MAPEH. Ang


isa sa iyong kaklase na kasali sa inyong pangkat ay hindi
nakikiisa sa inyong gawain. Kailangang matapos agad ang
inyong pangkatang gawain. Nagkataon na ikaw ang lider ng
pangkat. Paano mo maipakikita ang iyong pagtitimpi?

C
O

Gawain 2

1. Basahin at unawain ang kasabihan sa ibaba.

"Ang batang marunong magtimpi ay palaging


masaya at palangiti."

EP
E

2. Bumuo ng tatlong pangkat. Bawat pangkat ay bubunot ng


kanilang gawain na tulad ng sumusunod:
Unang Pangkat

Gagawa ng isang mosaicslogan ang mga mag-aaral


tungkol sa nasabing kasabihan.

Pangalawang Pangkat -

Gagawa ang mga mag-aaral ng


isang maikling debate tungkol
sa pagiging mapagtimpi.

Pangatlong Pangkat

Magpapakita ng munting iskit


ang mga mag-aaral tungkol sa
batang marunong magtimpi.

65
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isapuso Natin

Sa iyong kuwaderno, gumuhit ng


kung palaging ginagawa,
kung minsan lang ginagawa, at
kung hindi ginagawa ang
ugaling pagiging mapagtimpi sa sumusunod na sitwasyon:

PY

1. Inagawan ka ng baon ng iyong kaklase sa loob ng silidaralan.

C
O

2. Siningitan ka sa pila ng iyong kaklase sa kantina.

3. Itinulak ka ng isa mong kalaro dahil gusto niyang mauna sa


pagkuha ng tubig sa gripo.

4. Kinuhang bigla ang iyong pencil case ng iyong kaklase.

EP
E

5. Kinukulit ka sa silid-aralan ng mga kalaro mo.


Kompletuhin ang mga salitang makikita sa kahon sa ibaba.

Nasasaktan ako kasi


Nasisiyahan ako kasi

Nakapagtitimpi ako kasi...

66
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Tandaan Natin

C
O

PY

Ang pagiging mapagtimpi ay isang pinahahalagahang ugali na


dapat isabuhay. Gaya ng ating mga magulang, sila ay nagpapakita
ng pagiging mapagtimpi sa pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Ang ating mga guro ay ganoon din. Sa kabila ng mga kaguluhan,
kakulitan, at pagiging pasaway ng mga mag-aaral, iniiwasan nilang
magalit. Nagtitimpi sila dahil gusto nilang ipaalam sa mga mag-aaral
na kailangan ang ugaling ito para sa magandang pakikisalamuha
at pagkikipagkapuwa-tao. Naipakikita sa ugaling mapagtimpi ang
pagmamahal na tapat sa isang tao.

Ang taong mapagtimpi ay nalalayo sa pakikipag-away. Dahil


hindi siya madaling magalit o mainis, kinagigiliwan siya ng marami:
sa pamilya, paaralan, o pamayanan.

EP
E

Sa lahat ng pagkakataon, kailangan natin ang magtimpi. Sa


ganito, magiging positibo ang pakikisalamuha natin sa kapuwa saan
man tayo tumungo.

Isabuhay Natin

Ako ito bilang isang nilalang na ginawa ng Diyos, paano ko


maipalalabas ang aking pagiging mapagtimpi sa bawat miyembro
ng aking pamilya?

67
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ina
Ama
Lola o Lolo
Nakatatandang
Kapatid

C
O

PY

Nakababatang
Kapatid

EP
E

Mahal na mahal ko ang aking pamilya. Para sa kanila ay


kakayanin kong magtimpi sa abot ng aking makakaya.

Subukin Natin

Iguhit ang masayang mukha


kung ikaw ay kayang
kung hindi. Isulat ang sagot
magtimpi at malungkot na mukha
sa iyong kuwaderno

_______1. Sunod-sunod ang utos ng aking ina. Kahit madami


akong ginagawa ay nasunod ko ang utos niya.
_______2. Matapos kong iligpit ang maraming kalat na laruan
sa kuwarto ng nakababata kong kapatid, muli niyang
itinapon ang mga ito sa aking harapan.

68
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

_______3. Naisasaayos ko ang mga gamit na naiwan ni Ate sa


loob ng silid tanggapan kahit may utos pa sa akin si
Ama na pakainin ang aming aso.
_______4. Kahit iyak ng iyak ang aking kapatid ay hindi ko siya
iniintindi sapagkat marami akong ginagawang takdangaralin.

C
O

PY

_______5. Punong-puno na ang aming basurahan, inutusan ko


ang aking nakababatang kapatid para itapon ito ngunit
ako ay kanyang ininis at tinakbuhan.

Ngayon, natutuhan mo na ang pagiging mapagtimpi. Dapat


mo itong ipagmalaki at huwag ikahiya. Kaya mong maging isang
mapagtimping mag-aaral. Mahusay ka!

EP
E

Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin.

69
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Aralin 9
Ako, Mahinahon sa Lahat ng Pagkakataon

Alamin Natin

C
O

Suriin ang ipinahahayag ng nasa larawan.

PY

Ikaw ba ay isang batang madaling matakot tuwing may kalamidad


o isang batang mahinahon kapag may nararanasang pagsubok o
paghihirap sa buhay?

Opo, nanay.
Nakakatakot
naman.

Super
typhoon
yata ang
darating.

EP
E

Ano ba kayo?
Nakalimutan niyo
bang nakahanda
na lahat iyon.
Dapat lagi
tayong handa sa
pagdating ng mga
sakuna.

Naku, mga anak


malakas pala ang
bagyong darating!
Ano ang dapat
nating gawin?
Nasaan na ba ang
mga kailangan
natin?! Dalian niyo
mga anak!

Mga kababayan,
Inaasahang
darating
mamayang hapon,
ang tinatayang
pinakamalakas
na bagyo.
Pinaghahanda
ang lahat.

70
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang mensaheng ipinakikita sa larawan?
2. Pansinin ang mga tauhan. Ano ang pagkakaiba-iba sa
reaksiyon nila nang marinig ang balita sa radyo?

PY

3. Sino sa kanila ang nais mong tularan kung makararanas ka


ng ganitong pangyayari? Ipaliwanag.

C
O

4. Tukuyin ang ugaling ipinakita ng ama sa larawan. Tama ba


ang ipinakita ng ama? Bakit?

EP
E

Gawain 1

Isagawa Natin

Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito para maipakita ang


pagiging mahinahon. Ilahad ang iyong magiging damdamin.

1. Namamasyal kayo ng nakababatang kapatid mo sa mall.


Bigla ninyong naramdaman na yumayanig ang kapaligiran.
2. Nagsusulat ka ng iyong takdang-aralin ng biglang inagaw ng
iyong kapatid ang iyong ginagamit na pangsulat.
3. May mahalaga kang bagay na ibinabahagi o ikinukwento sa
iyong kamag-aral ng bigla ka niyang pinagtawanan.

71
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawain 2
1. Magpangkat sa tatlo.
2. Magbahagi ng karanasan na nagpapakita ng pagiging
mahinahon.

Karanasan

C
O

A.

PY

3. Pumili ang bawat pangkat ng isang karanasan gamit


ang alinmang graphic organizer at iulat ito sa klase sa
pamamagitan ng sumusunod na paraan.

Unang
Pagpipilian

Pagiging
Mahinahon

EP
E

Ikatlong
Pagpipilian

Ikalawang
Pagpipilian

B.

72
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C.

Mga
Pagpipilian
Pagbibigayhalaga

PY

Isyu

Pumili

C
O

Gawin

Isapuso Natin

EP
E

Kaya mo na bang maging mahinahon sa lahat ng pagkakataon?

Gumawa ng Self-Assessment Organizer. Punan ang bawat


kahon ng mga sagot batay sa iyong natutuhan. Gamitin ang mga
gabay. Gawin ito sa isang malinis na papel.

C. Sinisimulan
Ko

B. Kaya Ko

A. Nalaman
Ko

Pangalan

D. Gagawin
Ko
E. Natututo
Ako

73
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Mga Gabay:
A. Isulat kung ano ang nalaman mo sa araling ito.
B. Isulat ang mga kaya mong gawin batay sa mga nalaman
mo.
C. Isulat ang mga sinisimulan mo nang gawin.
D. Isulat ang mga dapat mo pang gawin.

PY

E. Isulat ang pagpapahalagang natutuhan mo sa araling ito.


Tandaan Natin

C
O

Ang pagiging mahinahon ay ugaling dapat ipagmalaki.


Ang taong nagpapakita ng ganitong pag-uugali sa lahat ng
pagkakataon ay magiging masaya, maayos, at maunlad ang buhay.
Iniiwasan niyang gumawa ng mali. Nakangiti pa rin habang siyay
kinakantiyawan o tinutukso. Palagi siyang nag-iisip ng maganda
tungkol sa kapuwa.

EP
E

Ang pagiging mahinahon ay nagpapakita ng kabaitan,


pagpapatawad, hindi madaling magalit, o humusga. Masaya sa
katotohanan at hinaharap ang kinabukasan nang may katatagan
at katapangan. Hindi siya natataranta at nalilito. May pokus sa
kaniyang mga isasakatuparang desisyon. Ang kahinahunan ay
susi sa maunlad na kinabukasan. Ang taong mahinahon ay may
mapanuring pag-iisip sa pagtuklas ng katotohanan.

Isabuhay Natin

Magbigay ng dalawang karanasan na nagpatunay na ikaw ay


mahinahon kung may hinaharap na problema sa pamilya o paaralan.
74
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ipaliwanag kung paano mo ito ginawa. Gamitin ang template sa


ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Karanasan
Mga ginawa na nagpakita ng pagkamahinahon
__________ ____________________________________
__________ ____________________________________

PY

Subukin Natin

C
O

Bigyan ng marka ang sarili. Lagyan ng tsek () ang sagot na


nagpapatunay na isa kang mahinahong mag-aaral at ipaliwanag
ito. Gawin ito sa sulatang papel.
Palagi

Madalas Minsan

Hindi

Paliwanag

EP
E

1. Mahinahon ka ba
kapag inaaway
ka ng iyong
kaklase?

2. Nagagalit ka ba
kapag maingay
ang katabi mo?

3. Kung naitulak ka
habang bumibili
ng pagkain,
pagsasalitaan
mo ba nang
masakit ang may
kasalanan?
75

All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Palagi

Madalas Minsan

Hindi

Paliwanag

C
O
D

5. Maayos kang
nakapila.
Biglang may
sumingit,
sisimangot ka
ba?

PY

4. Magiging
mahinahon ka
ba kung may
sunog malapit
sa inyong
bahay?

EP
E

Ngayon na marami ka nang natutuhan o nalaman hinggil sa


pagiging mahinahon sa lahat ng pagkakataon, magiging gabay mo
ito para sa magandang hinaharap.

Binabati kita. Handa ka ng mag-aral ng susunod na aralin.

76
All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

You might also like