Professional Documents
Culture Documents
yong dalawa. Ito na ata ang bahaghari matapos ang bagyo, naisip ko. Ni walang ma
g-aakalang kanina'y kulang nalang ay malagutan tayo ng hininga sa pataasan ng bo
ses at walang hintong pagsasalita.
Matapos kong bitawan ang mapait na "oo," naalala ko kung paano tayo nagsimula. G
aya ng ibang magsing-irog, dumaan tayo sa pagkakaibigan, ligawan at pagiging mag
nobyo. Ilang buwan lamang ang nakalipas nang sa inaakala kong ordinaryong pamama
syal natin sa Intramuros ay lumuhod ka sa harap ko, at sa harap ng mga turista s
a Manila Cathedral, at naglabas ka ng pulang kahita ay inalok akong magsuot ng t
rahe de boda isang taon mula ngayon, sa mismong simbahan na kaharap natin. Tinaw
anan kita, tinudyo ang singsing sa pulang kahita, paluhud-luhod at drama sa hara
p ng simbahan, sa kabila ng disgusto mo sa mga bagay na "cliche."
Pinatayo kita at nakita kung paano naglambong ang iyong mukha, maging ang mga us
iserong nakikinood sa ating dalawa. "Ano na--" tanong mong hindi natapos, dahil
dinampian kita ng halik --ang ating unang halik sa labi sa loob ng tatlong taon
nating pagiging magkasintahan-- at binulong ang pinakamagandang letra ng mga pan
ahong iyon: Oo. Nagulat ka sa hiyawan ng mga tao, at tulala pa nang hilingin mon
g ulitin ko. Sinigaw ng matinis kong boses ang nag-uumapaw na pag-ibig: OO!!!!!
Niyakap mo ako't binuhat, sabay sabi sa mga taong, "Ikakasal ako sa babaeng ito!
Pinagpala siya sa babaeng lahat!" Malakas na halakhakan at hiyawan ang sumunod,
na nakatawag pansin sa mga pari at madre na nasa loob. Buti kamo'y walang misa
nang oras na iyon, kung hindi ay baka hindi tayo doon maikasal.
Hindi mo alam kung gaano na ako katagal nagdarasal na sana ay ikaw na nga. Kilal
a mo ako dahil kolehiyo pa lamang ay magkaibigan na tayo. Hindi ako nagpapatali
sa isang bagay lamang, kaya hindi ko akalaing ikaw ang una at huli kong nobyo. M
adali akong magsawa kung walang bago, ngunit nagawa mong surpresahin ako sa bawa
t araw na magkasama tayo. Pinagpasensyahan mo ang kawalan ko ng kakayahang ipara
mdam sa iyo kung gaano ka kahalaga, at nagpapasalamat akong tinuruan mo akong ga
win iyon sa paraang kaya ko.
Pasasalamat mo iyon dahil binuo kita, sabi mo. Hindi tayo tig-kalahati na sakto
sa mga pagkukulang ng isa't isa, gaya ng mga alamat. Sadyang ako ang binigyan ng
kaalaman kung paano marahang putulin at idikit ang mga bahagi mong nalagas sa b
awat bagyong nagdaan. At hindi sila biro. Ilan na ang sumubok, ngunit lahat sila
, kung hindi man napagod, ay natangay na rin ng mga bagyo. Kaya katakut-takot na
bilin ang sinabi ng mga kaibigan ko: kung hindi buo ang loob mo, huwag kang lal
apit sa kanya. Hindi sapat ang pag-ibig, kailangan mo ng respeto at tiwala sa sa
rili mo, maging sa kanya.
Aaminin kong hindi naging madali. Ilang beses akong naglaba ng mga pundang basa
ng luha sa bawat bagyo. Ilang beses akong nagpatuyo ng mga kumot na tinakip ko s
a nanginginig mong katawan. Ilang beses akong bumili ng payong dahil sa tuwi-tuw
ina'y pinipili mong lumabas sa gitna ng pinakamalalakas na ulan. Madalang kang m
akinig sa akin. Hindi iilang beses na gusto kong iwanan ka nalang dahil naluluno
d na rin ako. Ngunit nang subukan kong tiklupin ang payong at umupo sa tabi mo s
a ilalim ng malakas na ulan, unti-unti kitang naunawaan.
Hanggang sa unti-unting dumalang ang mga bagyo. Naging pabugsu-bugsong mga pag-u
lan, na kalaunan ay naging ambon. Mas madalas na tayong tumingala sa maaliwalas
na araw kaysa sa pag-iyak ng langit. Natuto ka nang magdala ng sarili mong payon
g, at sumilong sa tuwing lalakas ang ulan. Masaya ako na hindi ko na kailangang
tumabi sa iyo sa bawat kulog at kidlat para lamang makatulog ka. Masaya ako, ngu
nit may lungkot na sumusundot sa tuwing naiisip na baka dahil buo ka na ay hindi
mo na ako kailangan.
Ngunit sa tuwing naiisip ko iyon at tinitignan ko ang singsing. Sa tuwing kasama
kita'y nararamdaman ko ang init ng palad mo. Nararamdaman ko sa bawat yakap ang