You are on page 1of 3

Baitang 5

MATAPAT NA PAKIKITUNGO SA KAPWA

Alamin Mo

Sa modyul na ito, makikilala mo kung paano maipakikita ang katapatan sa pakikitungo sa


kapwa. Makikilala rin ang kahalagahan ng pagsasabi ng totoong damdamin sa kabila ng
panganib na masaktan ang pagsasabihan.

Pag-aralan Mo

Basahin ang sumusunod:

PANALANGIN
O Diyos na Dakila, gawin mo po sana ako
Na tulad Mong totoo at tapat mangusap.
Sa matatabil ang dila, huwag mo po akong itulad
Sa pagsisinungaling ayoko pong mahawahan
Sa mabubuting kaibigan ako poy ilapit nang lubusan.
Ang aking mga payo, gawin mo pong mabisa
Para sa mga kaibigan at kakilalang matapat.
Ang kalooban nila huwag po sanang masaktan
Upang ang pagsasamahan namiy humaba at tumagal.
Ang akin pong hangarin ay para sa kabutihan,
Mangusap nang totoo akoy tulungan
Manloko ng kapwa laging maiwasan
Ito ang nais kong sa akin ay tularan.

Sa nabasang panalangin, ano ang idinalangin ng nagdarasal?


Magagalit ka ba kung payuhan ka ng iba kapag may napansin sa iyong hindi maganda?
Bakit nais ng nananalangin na tularan siya ng iba?

Isaisip Mo

Ang pagsasabi ng totoo, kahit masaktan ang sasabihan, ay nagpapakita ng matapat na


pakikitungo sa kapwa.
Hindi nararapat na manloko ng tao sa pamamagitan ng pagsisinungaling upang pagtakpan
ang katotohanan.

Isapuso Mo

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Gawin ito
sa kuwadernong sagutan.
1. Nasisiyahan ka ba kapag nakakikita ka ng tao na pinagtatanungan ng estranghero ngunit
ang ibinibigay namang impormasyon ay mali at naiiba sa totoo? Ano ang nararapat mong
gawin?
2. Noong maliit ka pa, ang buong akala mo ay anak ka ng magulang mo. Ngunit pagdating
mo ng grade I, natuklasan mong ampon ka lamang pala. Walang nakakaalam sa iyong
mga kaibigan na ikaw ay ampon lamang. Ano ang gagawin mo?
3. May nagawa kang pagkakamali sa klase na hindi mo alam. Patuloy mo itong nagagawa
hanggang kausapin ka ng isang kaibigan at sabihin sa iyo ang iyong pagkakamali at
sabihan kang huwag nang gawin ang dati mong ginagawa. Ano ang magiging reaksiyon
mo?
4. Malakas ang loob ng isa sa iyong mga kaklase na manggulo kapag wala ang guro.
Nangunguha rin siya ng naiibigang gamit na hindi kaniya. Alam mong mali ang
kaniyang ginagawa ngunit takot kang ipaalam ito sa iba. Isa ka sa pinagkakatiwalaan ng
guro. Ano ang magagawa mo para matigil na ito?

Isagawa Mo

1. Gumawa ng islogan tungkol sa matapat na pakikitungo sa kapwa o kaya ay sa pag-iwas


sa panloloko ng kapwa. Ipaliwanag ito sa klase.

You might also like