Professional Documents
Culture Documents
Pagsisisi
Mahabaging Diyos, Ama ng mga makasalanan, nadahil sa dakila mong pag- ibig sa sangkatauhan ay pinahintulutan
mo ang iyong bugtong na Anak na tubusin kami ng dugo niyang kamahal-mahalng, at ibinalik sa sangkatauhan ang
dakila mong awa. Mula sa kaibuturan ng aming mga puso ay inihihiyaw naming sa mahal mong harapan, ang isang
mataos na pagsisisi sa kasalanang umalipin sa amin. Dumaraing kami ngayon sa iyong awa, na kami ay iyong
pakinggan at hulugan kami ng iyong mahal na biyayang aming pakaiingatan hanggang sa oras ng aming kamatayan.
Amen.
Obispo. Pagkalooban mo ang aking kaluluwa nitong mahalagang kayamanan ng sa gayon ay lagi kong alalahanin
ang aking kamatayan at matamo ko ang walang hanggang kaluwalhatian sa kalangitan. Amen.
Aba Mariang kalinis-linisan
Ipinaglihing walang kasalanan.
(ulitin ng limang beses)
Purihin natin ang Mahal na Pasyon, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ni Hesukristong Panginoonnatin at ang
kalinis- linisang paglilihi kay Ginoong Santa Maria na di- nabakasan ng kasalanang orihinal namana kay Adan. Amen.
Unang Araw
Oh! Tala ng kapakumbabaan, liwanag ng mga nadidiliman, pinagpalang Santa Maria de Betania, ikaw na lumaki sa
piling ng iyong mga kapatid na sina Lazaro at Marta. Matalik na kaibigan ng ating Panginoong Hesus. Natatanging
alagad na may pusong busilak sa kabutihan. Turuan mo kaming huwag lumimot sa mga biyayang ipinagkaloob sa
amin ng Diyos. Hulugan mo po kami, o dakilang Santa, ng biyaya ng kasipagan sa paggawang kabanalan. Huwag
mopong hayaangkamiay tamarin at magsawa. Gisingin mopo sa aming puso ang grasya ng kasipagang ito, upang
kami tulad mo ay makapagpuri sa Diyos at aming kamtin ang biyayanghinihiling namin sa pagsisiyam na ito. Amen.
Ikalawang Araw
O, modelo ng tunay na pagsunod, salamin ng mga kabanalan, dakilang naming Santa Maria de Betania, na sa
pagdalaw ng ating Panginoon sa iyongmunting tahanan ay pinili mo ang lalongmagalin, ang makinig sa kanyang mga
aral. Itulot mo po, O Dakilang Santa, na tulad mo ay piliin din namin ang tunay na kalooban ng Ama at tulad mo ay
matutong makinig sa tawag nga paglilingkod ng may kapakumbabaan at walang hangaring umiwas.
Kaya po, marangal na Santa Maria de Betania, na dahil sa hindi mo panghihinayang na ihandog ang iyong buhay at
kabataan sa Diyos. Idulog mo ang munti naming panalangin sa kanya at hulugan kami ng biyaya ng pagsunod sa
layunin ng Diyos para sa amin. Itulot mo, O mahal na Santa na makamit namin ang biyayang nais naming makamit
sa pagsisiyam na ito sa kapurihan ng Diyos. Amen.
Ikatlong Araw
Oh! Uliran sa paggawa ng kabanalan, tunay na halimbawa ng pagsunod sa kalooban ng Diyos, kawili- wiling Santa
Maria de Betania, na sa pakikinig mo sa mga aral ng ating Panginoon, ay minarapat mong isabuhay ito at ibahagi
saiyong kapwa. Wala ni isa man sandali na di mo iniukol ang iyong sarili sa Diyos at paglilingkod sa iyong kapwa.
O pinagpalang santa, Maria ng Betania, yayamang pinupukaw kami ng kaakit- akit mong mga gawa ng kabanalan,
naninikluhod kami sa iyo ngayon. Yayamang dinirinig ka ng Diyos sa iyong panalangin noon nandirito ka pa sa lupa,
lalong pakikinggan ka ng Diyos diyan sa kalangitan. Hulugan mo po kami ng biyaya ng tunay na paglilingkod sa
kanya tulad ng ginawa mo sa buo mong buhay. Dinggin mo kami, O dakilang Santa at marapatin mong makamit nami
ang biyayang ninanais namin sa pagsisiyam naito sa ikararangal ng Diyos. Amen.
Ikaapat na Araw
Kaibig- ibig na lingkod ng kabanalan, babaeng disipulo ng ating Panginoon, banal na Santa Maria de Betania, tulad
ng ilang kababaihan,pinili mong sumunod sa ating panginoong Hesukristo. Hindi mo inalintana ang kakaibang estado
mo sa buhay. Tinalikuran mo ang marangyang pamumuhay at tulad ng iyong mga kapatid ay tinanggap mo ang mga
aral ng ating Panginoon.
Hayaan mo po, O dakilang santa, na tulad mo, ay ubusin namin ang aming lakas sa pagsunod sa Diyos; maglingkod
ng may kapakumbabaan at tumulad sa mga gawa mong kabanalan. Biyayaan mo po kami, pinagpalang santa, ng
biyaya ng pag- ibig, na matamisin namin ang lahat ng paghihirap na haharapin namin alang- alang sa paglilingkod
namin sa DIyos. Marapatin mo pong ibigin namin ang landas ng kabutihan at iwaksi ang landas ng kasamaan sa
aming mga puso. papagkamtin mo kami ng biyayang hinihiling namin sa kapurihan ng Diyos. Amen.
Ikalimang Araw
Oh! Anghel ng kabanalan, pinagpalang birhen ng kalinisan,salamain ng tunay na pag- ibig, dakilang SantaMaria de
Betania, naninikluhod ka sa paanan ng ating Panginoon upang ang kapitid mong minahal, na si Lazarong kanyang
kaibigan, ay muli niyang buhayin. Taglay ang dakila mong pananampalataya, ang kapatid mo nga ay binuhay at
nagbigay galak sa iyo at kay Martang nalulumbay.
Dala ng matinding pag- asa, dumudulog kami ngayon, pinagpalang Santa Maria de Betania, na buhayin mo rin sa
amin mga tiisin sa buhay.Biyayaan mo kami ng isang matibay na pananampalataya sa ating Panginoong Hesukristo
at ihandog namin sa kanya ang buo naming pagkatao lakip ang taos pusong pagsisisi sa aming mga kahinaan.
Gayundin naman, namamanhik kami sa iyong awa, O pinagpalang santa, ipakita mo rin sa amin ang iyong awa at
ipamanhik sa Diyos ang aming kahilingan sa pagsisiyam na ito. Amen.
Ikaanim na Araw
Matapat na disipulo ni Hesukristo, Santa Mariang kapalad- palad, kaibigang itinangi ng ating Panginoon, alagad ng
tunay na pagmamahalna sahuling araw ng ating Panginoon ay naghandog ka ng isang bagay na lubos niyang
pinahalagahan at pinagkunan ng halimbawa para sa lahat ng nakasaksi sa iyong ipinamalas na kapakumbabaan.
Binasag mo ang isang alabastrong napakahalaga at ang nardong pabango ay ibinuhos mo mula sa ulo hanggang
paa ng ating Panginoon, kumalat ang bango na tila nakarating sa kalangitan. Pakitang tunay ng lubos mong
pagmamahal at pag- ibig sa Maestro mong mahal. Sa pamamagitan mo, mapalad na santa nahayagang nalalapit
mong paghihirap at parang tinulot ng langit na ikaw ang gamiting instrumento ng ating Panginoon.
Dahil sa biyayang iyong nakamit, naninikluhod din kami sa iyong harapan. Ituro mo sa amin ang tunay na
kapakumbabaan at mataas na pagsisisi sa aming mga kasalanan. O kaibig- ibig na santa, paratingin mo sa amin ang
biyayang kapakumbabaan na naging tulay mo sa paggawa ng kabanalan at ipamanhik mo sa Diyos ang tangi
naming kahilingan sa kanyang kapurihan. Amen.
Ikapitong Araw
Masunuring lingkod ng Panginoon, tuwa ng nagdadalamhati, Santa Maria de Betaniang kapalad- palaran, isa ka sa
mga babaeng walang sawang sumunod sa matalik mong kaibigan, maestro mong pinananaligan. Saksi ka sa lahat
ng kanyang ginawang himala at sumunod ka tulad ng iba pang kababaihan hanggang duon sa bundok ng kalbaryo.
Ang puso mo ay halos madurog habang nakikitamo ang Panginoon mo na nakabayubay sa krus at sa paanan nito
kasama mo ay ang kanyang nangungulila.
Naroon ka ng si Hesus ay pumanaw, isang kalunus- lunos na kamatayan. Ganap na nga at tapos. Ang buhay ng
matalik mong kaibiga'y nagtapos sa isang malagim na kamatayan. Luha, ang tangi mong inialay sa kanya, luha ng
isang kaibigan. Luha ng pangungulila, luha na punung- puno ng pagmamahal. Luhang pumatak mula sa busilak
mong puso.
O nagdadalamhating Santa, maramdaman nawa naminang sakit nadinulot ng aming pagkamasuwayin sa Diyos at
alang- alang sa mga luhang pumatak sa iyong mga mata at mataos na pagsisisi ang aming maialaynawa sa iyong
harapan at hulugan kami ng biyaya ng pagpapatawad sa lahat ng mga taong nagdulot at nakapagdulot ng sakit
bunga ng di pagkakaunawaan, kayabangan at pagkamakasarili. Ipamanhik mo sa Diyos ang tangi naming ninanasa
sa pagsisiyam na ito alaala at galang sa mga luhang pumatak sa matamo sa ikararangal ng Diyos. Amen.
Ikawalong Araw
Maluwalhating tagasunod ng ating Panginoon, Pag-asa ng nahihirapan, Santa Mariade Betaniang mahal, tulad ng
ipinangako ng ating Panginoon noong araw na buhayin niya ang kapatid mong si Lazaro, tinutupad niya ang kanyang
pangako. Taglay mo sa iyong puso, O banal na santa, ang galak na dulot ng muling pagkabuhay. Tunay kang
mapalad, dahil sa una mong pagkatalastas ng pangakong ito ng ating Panginoong nagtagumpay sa kamatayan.
Alang- alang sa pagtatagumpay mong ito, hinihiling namin sa iyo, Oh Maluwalhating Santa, na tulutan mo kami ng
galak at sapat na kalakasan sa gitna ng mga pag- uusig sa amin. Ipagkaloob mo sa iyong paglingap at pagsaklolo at
hawiin ang aming mga paghihirap na dinaranas. Magdalita ka, o marangal na santa, dalhin mo sa iyong matalik na
kaibigan, si Hesukristong Panginoon, aming mga karaingan at pagkalooban kami ng biyayang tuwa at gayon ang
aming pag- asa na ipapanhik mo sa DIyos ang aming mga kahilinagn sa pagsisiyam na ito. Amen.
Ikasiyam na Araw
Oh! Masunurin sa Diyos,dapat pagkunan ng tunay na halimbawa ng kababaan, mapagkupkop na Santa Maria de
Betania, ang mahaba at marilag mong buhay na nagtataglay ng matingkad na kabanalan, ay kinalugdan ng
Panginoong Diyos, sapagkat minatamis mong dinggin at sundin ang pagtawag sa iyo at bukod dito ay iniukol mo ang
buo mong sarili sa Diyos, palibhasa'y pinabusilak pa ng maliwanag na kabanalan.
Akayin mo kami tungo sa landas na iyong tinahak at langkapan mo ng mga panalangin sa Diyos na napagningasan
sa aming mga puso ang wagas na paglilingkod ng may pag- ibig at kapakumbabaan at magalak kaming tumulad sa
iyo at pagpalain ng Diyos ang magandang adhikaing ito.
Huwag mo po kaming pababayaan, minamahal na Santa Maria de Betania at nawa'y kamtan namin ang grasyang
hinihiling namin sa pamamagitan mo at tuloy ay makapagpuri kami sa Diyos Ama, Diyo Anak, at Diyos Espiritu Santo
magparating man saan. Amen.
(Dito pagtibayin ang hinihiling sa tulong ni Santa Maria de Betania)
Magdasal ng 3 Ama namin, 3 Aba Ginoong Maria, 3 Luwalhati patungkol sa kapurihan ng Diyos at ni Santa Maria de
Betania
Antipona
Ang Pakikinig mo ay nabaling sa wastong kaalaman, kaya nga, iyong nalaman, katuwiran at katarungan at tinalunton
mo ang landas ng kabanalan.
N: Ipanalangin mo kami sa Diyos, O Santa Maria de Betaniang butihin.
S: Ng ang awa niya at pangako ay aming kamtin.
Panalangin
Isinasamo naming sa iyo, Diyos at Panginoon namin, na alang- alang sa mga karapatan ni Santa Maria de Betania,
Birhen at lingkod ng Anak mong Mahal, kalugdan mo ang aming hiling at ipagkamit naming ang aming mga dalangin.
Pagkalooban mo kami ng biyaya ng tunay at maalab na pag- ibig at matutuhan naming dinggin ang banal mong
pagtawag at manampalataya kami tulad ni Santa Maria de Betania sa Anak mong Mahal. Alang- alang nga sa taglay
niyang kabanalan ay ipinamamanhik naming, itong aming dalangin alang- alang sa anak mong si Hesus, kasama Mo