Ako si nena at ito ang buhay ko. Tuwing gabi, may bumibisita sa aking kuwarto. Isang kapre, ang pangit niya at ang baho. Pero di naman ako natatakot kasi kasama ko naman si Yaya Virginia. Ngunit may ginagawa siyang di kanais-nais. Gabi-gabi nalang itong nangyayari. Alam ko hindi ito gusto ni Yaya Virginia. Napipilitan lang siya kasi wala siyang laban. Di ko kayang isumbong kay mama. Baka paalisin niya si yaya. Mahal ko si yaya. Tinuring ko na rin siyang kapamilyakaibiganmarami syang nababahaging kuwentokuwento tungkol sa kapre. Di ko masikmura ang ginagawa sa kanya ng kapre, ang sama-sama niya. Isang araw, kinausap ako ni mama. Umalis na raw si Yaya Virginia. May sakit daw siya at di na makakabalik. Yinakap ako ng mahigpit ni mama. Pagkatapos nun, bigla akong napaisip. Okay lang kaya siya? Sinundan kaya siya ng kapre? Naguguluhan ako nalilitopero ang paalala sa akin ni mama: Maging matatag ka. Mahal na mahal ako ng aking mga magulang. Kaya ako naniniwalang ako ang prinsesa ng aming palaisdaan. Iyan nga pala si Jose, anak ng aming manggagawa. Iyan ang aming mga trabahador. Lahat ng kailangan nila ay aming ibinibigay. Minsan nga sinasama pa ako ni mama pag magpapa-suweldo. Ang suwerte talaga nila sa amin. Binalita sa akin ni mama na mag-aaral na raw ako sa Maynila. Tuwang-tuwa ako sa balitang ito. Nakapag-aral ako ng mabuti sa Maynila. Naging masaya ako sapagkat wala nang kapreng nang-gagambala. Makalipas ang ilang taon bumalik ako
sa negros sa aming palaisdaan Nang ako ay papa-akyat na, may narinig
akong kalabog. Ang unang sumagi sa aking isipan ay ang kapre. Nang makausap ko si Tiya Ason, si Jose lang pala nagdadabog. Nang malaman ko ito, palihim ko siyang dinalhan ng pagkain. Ito ay dahil nag-aalala pa rin ako para sa kanya. Nagpasama sa akin si Jose upang hanapin si Mimay Mimay! Mimay!Mimay! Sigaw namin ni Jose habang naghahanap. Kwinento sa akin ni Jose ang lahat nang nangyari. Naawa ako sa kanya at di ko alam ang aking sasabihin. Pinahirapan daw ang pamilya niya ng mga sundalo. Ginahasa ang kanyang ina, binaril ang ama at ngayoy nawawala ang kanilang bunso. Tinulak raw niya si Mimay sa ilog upang makatakas. Ngayon ay naiintindihan ko na Ano ba yan! Ang baho! Sa kasamaang palad, doon na namin natagpuan ang bangkay ni Mimay. Hindi ko alam ang dapat kong gawin. Teka, bakit ganyan ang tingin ni Jose sa akin? Kailangan kong makatakas! Paparating na siya! Jose, nasasaktan ako! Pinabalik ako nina mama at papa sa Maynila at pinaalala nila kung gaano nila ako kamahal. Masaya ako sapagkat may pamilya ako, pamilyang handang tumanggap kung sino at ano ako. Kagaya nila, demonyo ka rin ba? Marami na akong nakilalang demonyo. Lagi silang nasa paligid at nagpapalaganap ng kasamaan. Ngunit bilang isang taong may paninindigan, hindi ko hinahayaang mamuno ang kasamaang ito sa akin. Hanggang ngayon, patuloy akong lumalaban upang manaig ang kabutihan. Babae ako at alam ko ang aking ipinaglalaban.