You are on page 1of 1

Maso (Mallet)

Ang maso (Ingles: mallet, maul) ay isang uri ng martilyong may ulo na yari sa mas malambot na mga
materyales, katulad ng kahoy, goma, o plastiko, sa halip na mga bakal na karaniwang ginagamit
bilang ulo ng pamukpok, upang maiwasan ang pagkakaroon ng pinsala sa maselang kaibabawan.
Giagamit ito sa pagpupukpok ng mga pait. Tinatawag na malyete (Ingles: gavel) ang maliit na maso,
katulad ng pamukpok sa mesa na ginagamit ng isang pinuno ng pulong upang makuha ang pansin
ng mga tao kung magsisimula na o tapo na ang pagpupulong. Mayroon ding mga maso na may
mabibigat na ulo (mula 2 hanggang 20 mga libra; kilala sa Ingles bilang sledge hammer) at may
mahabang hawakan na ginagamit sa mabibigat na mga trabaho.

You might also like