Professional Documents
Culture Documents
Mga Kalbaryo
Buhat noong dumating si Rizal sa Pilipinas galing sa Hong Kong noong
Hunyo 26, 1892 ay iyon ang hudyat na nagsimula ang kanyang mga kalbaryo.
Tatlong araw matapos na itatag ni Rizal ang La Liga Filipina, ipinag-utos na ni
Despujol ang pagdakip kay Rizal sapagkat nakatagpo ng mga pamaskin (Pobres
Frailes) laban sa mga prayle. Natuloy ang pagdakip kay Rizal, at noong Hulyo 15,
1892 dumating si Rizal sa Dapitan kung saan nanatili siyang panauhin sa tahanan ni
Kapitan Ricardo Carnicero y Sanchez, ang punong-militar ng Dapitan. Mayroong
sulat doon na nagsasabing doon patirahin si Rizal sa kumbento ng mga Heswita,
ngunit kung hindi maaari ay doon siya sa bahay ng Gobernador.
Malayo. Kahit na nasa Dapitan si Rizal ay mahusay pa rin siya sa larangan ng sining.
Nililok niya ang mga sumusunod na bagay: 1) ang Paghihiganti ng Ina, 2) ang ulo ni
Padre Guericco, at 3) estatwa ng babaing taga-Dapitan.
Sa tagal ng pananatili ni Rizal sa Dapitan ay naging isa rin siyang magsasaka.
Nagkaroon siya ng pag-aaring lupa na may sukat na 70 hektarya, at ito ay may
nakatanim na mga abaka, niyog, punong kahoy, tubo, mais, kape at cocoa.
Modernong pagsasaka ang ginamit ni Rizal sa kanyang lupa. Ito ay sa pamamagitan
ng pag-aangkat sa Estados unidos ng mga makabagong makinarya. Naisip din ni
Rizal na magnegosyo sa Dapitan. Nakipagsosyo siya sa isang mangangalakal sa
Dapitan na nagngangalang Ramon Carreon, at nagkaroon siya ng negosyo sa
pangingisda, koprahan at abaka.
Ito ang mga ginugol ni Rizal sa kanyang halos apat na taong pananatili sa Dapitan
bilang isang bilanggo roon. Sa kanyang pananatili ay nagkaroon siya ng panauhin
na may ngalang Dr. Pio Valenzuela. Siya ay dumating sa Dapitan noong Hunyo 21,
1896 bilang sugo ni Andres Bonifacio. Binanggit niya kay Rizal na napagkasunduan
ng samahang Katipunan ng Mayo 1, 1896 ang mga sumusunod: 1) Hikayatin ang
mga matatalino at mayayamang Pilipino na sumapi sa Katipunan; 2) Mangilak ng
pondo para maibili ng mga armas at ng iba pang kakailanganin ng rebolusyon; 3)
Magpadala ng isang komisyon ng matatalinong Pilipino sa bansang Hapon upang
siyang mamahala sa pagbili ng armas at bala at humingi ng tulong sa pamahalaang
Hapones para sa kaligtasan ng mga rebolusyonaryo; 4) Kunin ang kalayaan ng
Pilipinas mula sa Espanya sa pamamagitan ng dahas, na siya lamang tanging
pamamaraan upang matamo ang kalayaan sa tulong ng bansang Hapon; 5) Iharap
ang resolusyon kay Dr. Rizal sa pamamagitan ni Dr. Pio Valenzuela upang matamo
ang kanyang pagsang-ayon at malaman ang kanyang kasagutan, at; 6) Kung hindi
papayag na makipagtulungan ang mayayamang Pilipino, bawat kasapi ng
Katipunan ay magbibigay ng ambag ayon sa kakayahan linggu-linggo.
Nakalisan lamang si Rizal sa Dapitan noong Hulyo 30, 1896 dahil humiling
siya na magtungo sa Kuba upang magsilbi bilang manggagamot. Ito ay
pinahintulutan naman ni Gobernador Ramon Blanco, at dahil dito, siyay nakaalis sa
Dapitan.
Nagkaroon muli ng Pagkakataon na makabalik si Rizal sa Pilipinas. Ngunit noong
Oktubre 3, 1896 ay ipinailalim siya sa pangangalaga ni Despujol kung saan siya ay
pansamantalang ikinulong sa kutang tanggulan ng Monjuich. Dumating ang ika-3 ng
Nobyembre 1896 kung saan ikinulong naman siya sa Fort Santiago.
Dumating ang panahon na si Rizal ay lilitisin sa pamamagitan ng court marshall.
Naging abogado niya sa paglilitis si Luis Tavel de Andrade. Samantala, dumating
naman si Polavieja sa Maynila noong Disyembre 3, 1896 upang maging katulong ni
Ramon Blanco.
Noong Disyembre 28, 1896, hinatulan si Rizal ng kamatayan at ito ay nilagdaan ng
kamatayan.
Kinabukasan ay sumulat na siya ng kanyang huling paalam sa kanyang pamilya at
sa kanyang bayan. Matatapos na ang kanyang kalbaryo, ngunit ito ay nagdulot ng
isang pagbabago sa bayan. Noong araw ding iyon ay tinanggap ni Rizal ang
kanyang kapalaran.
At dumating ang huling araw ni Rizal kinabukasan, Disyembre 30, 1896. Inilabas na
siya sa Fort Santiago at siya ay binaril sa Bagumbayan. Ang kanyang mga huling
sandali ay nagmistulang Imitation of Christ. Dito na natapos ang kalbayo ni Rizal.
Ngunit ang mga iniwan niyang mga alaala ay nagbigay-daan upang maabot ng
bansang Pilipinas ang minimithing Kalayaan.