You are on page 1of 6

ULLALIM

Epiko ng Kalinga
Ang kwento ay nagsimula ng nakatakda ng ikasal sina Ya-u at Dulaw at makapulot ng nganga o
owa (na siyang tawag ng mga taga-Kalinga). Ang magkasintahan ay nakumbida sa isang pistahan
sa Madogyaya. Nang sila ay nasa Madogyaya na, ay naakit ang pansin ni Dulaw kay Duliyaw ng
Dulawon. Inakit ni Dulaw si Dulliyaw hanggang si Dulliyaw ay magkagusto sa kanya. Sa
pagplaplano na ligawan ni Dulliyaw si Dulaw ay naisipan nitong painumin ng alak si Ya-u
hanggang sa ito ay malasing. Habang si Ya-u ay natutulog sa ibang bahay ay saka niligawan ni
Dulliyaw si Dulaw. Pinakain nito ang babae ng nganga at sinabi niya sa babae na sa
pamamagitan ng pagtanggap niya ng nganga ay ibig sabihin na tinatanggap na niya ang pag-ibig
na kanyang iniaalay. Bago siya umalis ay sinabi niya sa babae na siya ay babalik kinabukasan.
Naiwan na nag-iisip ang dalaga.
Kinabukasan sa kalagitnaan ng gabi ay dumating si Dulliyaw sa bahay nina Dulaw.Habang sila
ay kumakain na nganga,sinabi nito sa babae na siya ay nagpunta roon upang isama ng umuwi
ang dalaga sa kanilang bahay.Nagulat si Dulaw sa winika ng lalaki.Iyon lamang ang nagkagulo
na .Ang mga tao sa nayon ay nangagising.Sa pagtakas nlia ay nakasalubong sila ng isang lalaki
na may daladalang palakol at balak silang patayin.Bago sila maabutan ng lalaki ay naka akyat na
si Dulliyaw sa isang puno upang tumakas.Samantala walang makapangahas na siya ay lusubin
kaya nakapagpasiya si Ya-u na tawagin ang mga sundalong kastila ng sakbawan.
At noon nga si Guwela na kumander ng Garison ay umakyat sa kataasan ng Kalinga na kasama
ang mga sundalo.I niutos niya na dakpin si Dulliyaw na naka-upo parin sa puno.Napag-alaman
niya na marami ang tutol sa ginawa niya kaya wala na siyang lakas na lumaban nang siya ay
posasan.Sa utos parin ni Guwela ay dinakip ng mga sundalo si Dulaw.At silang dalawa ay
nakulong sa sakbawan.
Makalipas ang tatlong taon na pagkakabilanggo,sila ay naging payat.Humingi si Dulaw ng
nganga kay Dulliyaw.Kinuha ni Dulliyaw ang huling nganga sa bag at ito'y kanyang
pinagpirapiraso.Bago niya ito maibigay kay Dulaw ay bigla na lamang itong nawala.
Samantala sa pook ng Magobya ay naliligo si Dinanaw.Sa paliligo ni Dinanaw sa ilog ay
napulot niya ang nganga.Kinain niya ito ng walang alinlangan.
Matapos nguyain ni Dinanaw ang nganga ay bigla na lamang itong nagbuntis.Hanggang sa siya
ay magsilang ng isang malusog na lalaki at ito'y kanyang pinangalanang Banna.Tatlong taon na
ang lumipas at si Banna ay nakipaglaro na sa mga agta.Subalit siya'y madalas na tinutukso ng
kaniyang mga kalaro.Sinasabi nila na kung siya raw ang tunay na si Banna ay ibig sabihin na
siya ay anak ni Dulliyaw na nakakulong sa sakbawan. Isinumbong niya ito sa kanyang ina ngunit
pinabulaanan ito ng kanyang ina.
Sa isang iglap,si Banna ay naging malakas at naghangad ng paghihiganti.Isang mahiwagang
pangyayari ang nagdala kay Banna pati ng kanyang mga kasama sa sakbawan.at doon ang
kanyang pinatay si Dulaw.sinabi ng isang kasama ni Banna kay Dulliyaw na si Banna ay
kanyang anak.iyon lang at sila ay dalidaling sumakay sa isang bangka at sa isang iglap ay
nakarating sila sa pook ng Magobya.Sa bahay nina Banna ay sinabi niya kay Dinanaw na ang
lalaking katabi niya ay ang kanyang ama.pangiting sumagot si Dinanaw at sila|'y lumigaya
Mula noon ay nauso na ang kasalan sa kanilang pook.

Ibalon
Epiko ng Bicolano
Si Baltog ay isang batang lalaki na malakas, mabait at matipuno. Siya ay anak ni Handiong, ang pinuno
ng kanilang pamayanan. Isang araw, ikinuwento ng kanyang ama ang kaawa-awa nilang kalagayan sa
lupain ng Samar. Napakarami nilang kaaway na laging dumarating upang sirain ang kanilang pananim at
patayin ang kanilang mga alagang hayop. Namamatay ang mga tao sa gutom dahil sa kawalan ng
pagkain. Ang natitira sa kanila ay hindi sapat upang umabot sa susunod na pag-aani.
Pagod nang lumaban ang mga tao anak, sabi ng kanyang ama. Gusto nila ng payapang buhay na walang
gutom na gumagala sa paligid. Ang ating mga hayop ay kumokonti ng kumokonti araw-araw. Kapag
nagpatuloy ang ganitong sitwasyon ay mamamatay tayong lahat sa gutom.
Ano ang gusto mong ipagawa sa akin, ama? tanong ni Baltog. Tumingin ng diretso sa kanyang mata ang
kanyang ama. At hinawakan nito ang kanyang balikat.
Humanap ka ng lugar kung saan makakapamuhay tayong panatag at payapa.
Iginala ni Baltog ang mga mata. Nakita niya ang mga tao sa kanilang kaawa-awang kalagayan. Nakita
niya ang gutom at sa mukha ng bawat bata. Nakita niya ang panghihina sa bawat mukha ng ama't-ina.
Siya din ay nalungkot.
Masyado na akong matanda kaya inaatang ko na ito sa iyong mga balikat. Bata ka pa, malakas at
matapang. Alam kong magagawa mo ito. Para sa akin at sa ating mga mamamayan.
Ibinigay ni Handiong ang basbas kay Baltog. Naglayag si Baltog kinagabihan sakay ng isang maliit na
bangka na magdadala sa kanya sa isang lugar ha tinatawag na Kabikulan. Marami na siya ring narinig
tungkol sa lugar at naisip niya na maganda kung makakahanap siya ng lugar kung saan sila maninirahan
habang-buhay. Sa malawak na dagat, nasagupa ni Baltog ang malakas na hangin at malalaking alon na
sumira sa kanyang bangka. Kinailangan niyang lumangoy at muntikan na siyang malunod bago niya
ligtas na narating ang dalampasigan ng baybaying bayan ng Kabikulan.
Nagsimula niyang galugarin ang Kabikulan, hanggang umabot siya sa lupain ng Aslon at Inalon na
sumasakop sa kapatagan na nakaligid sa bundok ng Asog, Masaragam, Isarog at Lignion. Natagpuan niya
ang Ibalon, isang magandang lugar para sa kanya at sa mga mamamayan. Ang lupa ay mataba at
magandang pagtamnan ng mga halamang ugat, palay at mga gulay. Ito rin ay maganda para sa kanilang
mga hayop. Para itong lupain ng gatas at pulot.Nais ko ang lupaing ito para sa akin at sa aking mga
mamamayan, sabi ni Baltog sa sarili.
Ngunit nagsalita siya ng maaga. Dahil naninirahan sa paligid ng Ibalon ang ilang buwaya na may pakpak
na nakakalipad, mga baboy ramong kasinglaki ng elepante at isang sawa na may ulo ng isang babae.
Ngunit desidido si Baltog na makuha ang Ibalon para matirhan kaya nilabanan niya ang mga buwaya at
mga baboy ramo ng buo niyang lakas. Dahil sa kanyang galing sa mano-manong pakikipaglaban natalo
niya lahat ng buwaya at baboy ramo, pinatay niya ito at pinagpira-piraso. Ngunit, ang sawa na may ulo ng
babae ay nakatakas at humanap ng ibang matitirahan.Bumalik siya at ibinalita sa ama ang tungkol sa
lupain na nakita niya para sa kanila. Hindi na sila nagsayang ng oras, si Baltog at ang kanyang ama at ang
lahat ng mga mamamayan ay nilisan ang Samar papuntang Ibalon, ang kanilang bagong tahanan.

Tinuruan nina Handiong at Baltog ang mga mamamayan ng ilang paraan upang magkaroon ng
kabuhayan. At hindi nagtagal ay gumanda ang kanilang pamumuhay. Pinuno nila ang lupain at nagkaroon
sila ng masaganang ani. Sa lupaing iyon ang gutom ay naging alaala na lamang ng nakaraan.

Prinsipe Bantugan (Epiko ng Mindanao)

Ikatlong Salaysay ng Darangan


Si Prinsipe Bantugan ay kapatid ni Haring Madali ng Kaharian ng Bumbaran. Dahil sa
kanyang katapangan, walang mangahas na makipagdigma sa Bumbaran. Bukod sa pagiging
matapang ni Bantugan, siya pa rin ang naghahari at namamayani sa puso ng maraming mga
kadalagahan. Dahil sa inggit sa kanya ng kanyang kapatid na si Haring Madali, ipinag-utos nito
na walang makikipag-usap kay Bantugan at ang sinumang makikipag-usap sa kanya
(Bantugan) ay parurusahan ng kamatayan.
Nang malaman ito ni Bantugan, siya ay labis na nagdamdam at dahil sa laki ng kanyang
pagdaramdam, siya ay nangibang-bayan. Dahil sa matinding pagod sa paglalakbay kung
saansaan si Bantugan ay nagkasakit hanggang sa siya ay abutin ng kamatayan sa pintuan ng
palasyo ng kaharian ng lupaing nasa pagitan ng dalawang dagat.
Nang matagpuan siya ni Prinsipe Datimbang at ng kapatid nitong hari, sila ay
nagulumihanan sapagkat hindi nila kilala si Bantugan. Tinawag ng magkapatid ang konseho
upang isangguni kung ano ang kanilang dapat gawin. Habang sila ay nag-uusap, isang loro
ang dumating sa bulwagan at sinabi sa kanilang siya ay galing sa Kaharian ng Bumbaran at
ang bangkay ay ang mabunying Prinsipe Bantugan ng Bumbaran.
Nang magbalik ang loro sa Bumbaran ay ibinalita niya kay Haring Madali ang
pagkamatay ni Bantugan. Kaagad lumipad sa langit si Haring Madali kasama ang isang
kasangguni upang bawiin ang kaluluwa ni Bantugan. Samantala, dinala naman ni Prinsipe
Datimbang ang bangkay ni Bantugan sa Bumbaran. Pagbalik ni Haring Madali ay pinilit niyang
ibalik ang kaluluwa ni Bantugan. Nang muling mabuhay si Bantugan ay nagsaya ang lahat at
nagbago si Haring Madali.
Nang mabalitaan ni Haring Miskoyaw, kaaway ni Haring Madali na si Bantugan ay
namatay, lumusob si Haring Miskoyaw kasama ang marami niyang kawal sa Bumbaran.
Dumating ang pangkat ni Miskoyaw sa Bumbaran na kasalukuyang nagdiriwang dahil sa
pagkabuhay na muli ni Bantugan na hindi nalalaman ni Miskoyaw. Natigil ang pagdiriwang at
ito ay napalitan ng paglalabanan.
Pumailanlang sa himpapawid si Bantugan at siya ay nakipaghamok sa mga kalaban.
Dahil sa karamihan ng mga tauhan ni Miskoyaw at kagagaling lamang ni Bantugan sa
kamatayan, siya ay nanghina hanggang sa mabihag ng kanyang mga kaaway. Siya ay
iginapos subalit unti-unti ring nagbalik ang kanyang lakas nang makapagpahinga.
Nalagot niya ang pagkakagapos sa kanya at muling lumaban. Dahil sa malaking galit sa
mga kaaway, higit siyang naging malakas hanggang sa mapuksang lahat ang mga kalaban.
Pagkatapos ng labanan ay dinalaw ni Bantugan ang palibot ng Kaharian ng Bumbaran
at pinakasalang lahat ang kanyang mga katipan at sila ay dinala sa kanyang kaharian.
Sinalubong sila ni Haring Madali nang buong katuwaan at muli, lahat ay nagdiwang.
Nabuhay nang maligaya si Bantugan sa piling ng kanyang mga babaing pinakasalan.

BIDASARI(Epikong Mindanao)
Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang
paniniwala, upang tumagal angbuhay ng tao, itoy pinaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman
o ng punongkahoy.Ang salaysay ng Bidasari ay ganito: Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa
isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim atmaging sa buhay ng tao. Ang
ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga
taoupang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagkat itoy kumkain ng tao. Sa
pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng
Kembayat aynagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng
ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalitonaiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog. May nakapulot
naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang
pinagyamanat iniuwi sa bahay ang sanggol. Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng
Bisari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalopang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang
nakikilalang magulang. Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang
kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari.Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan.
Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siyay mahal nito na sasagutinnaman ng sultan ng : mahal na
mahal ka sa akin.Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na
minsan sa sultan: Hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?Ang
naging tugon ng Sultan ay: Kung higit na maganda pa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa
lahat.Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kayat
karakarakang inutusan niya angmatapat niyang mga kabig na saliksikin anh kaharian upang malaman
kung may babaeng higit na maganda sa sultana.Nakita ng mga tauhan ni Lila Sari si Bidasari at siya ay
higit na maganda kaysa kay Lila Sari.Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay
gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari aylihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang
silid at doon pinarurusahan.Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi
niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama.Kapag araw itoy ipinakukuwintas kay Lila
Sari at sa gabiy ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay. Pumayagsi Lila Sari.
Kinuha niya ang isdang ginto at pinauwi na niya si Bidasari.Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng
gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kayat si Bidasari ay nakaburol kungaraw at muling
nabubuhay sa gabi. Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng
isangmagandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.Isang araw, ang Sultan
Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Itoy nakapinid. Pinilit
niyangbuksan ang pinto. Pinasok niya ang mga silid. Nakita niya ang isang napakagandang babae na
natutulog. Ito ay si Bidasari. Hindiniya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi
nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siyahanggang gabi. Kinagabihan
nabuhay si Bidasari. Nakausap siya ni Sultan Mongindra. Ipinagtapat si Bidasari ang mga ginawa ni
LilaSari. Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si
Bidasari. Si Bidasari na ang nagingreyna.Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga
magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat.Nagkaroon pa sila ng isang
supling. Itoy si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si
Sinapati,anak ng sultan at sultana ng Kembayatt. i Sinapati ay kamukhang-kamukha si
Bidasari. Kinaibigan nito si Sinapati at ibinalita ang kapatid niyang si Bidasari sa
kamukhang-kamukha ni Sinapati. Itinanong ni Sinipati sa mga magulang kung wala
siyang kapatid na nawawalay sa kanila. Pinasama ng ama siSinapati sa Indrapura.
Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang

dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang


nawawala niyang anak na si Bidasari. Nalaman ng sultan ng Indrapura na
angkanyang pinakasalang si Bidasari ay isa palang tunay na prinsesa.

INDARAPATA AT SULAYMAN
(Epikong Mindanao)
Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit
na pananalakay ng mga dambuhalang ibon atmababangis na hayop sa ibang panig
ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga
naninirahan sa labasng kaharian ng Mantapuli.Ipinatawag ni Indarapatra ang
kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra
si Sulaymanupang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao.
Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,nagtanim si Indarapatra
ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, "Sa pamamagitan ng
halamang ito ay malalaman koang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang
halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay."Sumakay si Sulayman sa
hangin. Narating niya ang Kabilalan. Wala siyang nakitang tao. Walang anu-ano ay
nayanig ang lupa, kayapala ay dumating ang halimaw na si Kurita. Matagal at
madugo ang paglalaban ni Sulayman at ni Kurita. Sa wakas, napatay rin niSulayman
si Kurita, sa tulong ng kanyang kris.Nagtungo naman si Sulayman sa Matutum.
Kanyang hinanap ang halimaw na kumakain ng tao, na kilala sa tawag na
Tarabusaw.Hinagupit nang hinagupit ni Tarabusaw si Sulayman sa pamamagitan ng
punongkahoy. Nang nanlalata na si Tarabusaw ay saka itosinaksak ni Sulayman ng
kanyang espada.Pumunta si Sulayman sa Bundok ng Bita. Wala rin siyang makitang
tao. Ang iba ay nakain na ng mga halimaw at ang natirang iba aynasa taguan.
Luminga-linga pa si Sulayman nang biglang magdilim pagkat dumating ang
dambuhalang ibong Pah. Si Sulayman angnais dagitin ng ibon. Mabilis at ubos lakas
ng tinaga ito ni Sulayman. Bumagsak at namatay ang Pah. Sa kasamaang
paladnabagsakan ng pakapak ng ibon si Sulayman na siya niyang
ikinamatay.Samantala, ang halaman ni Sulayman sa Mantapuli ay laging
pinagmamasdan ni Indarapatra. Napansin niyang nanlata ang halamanat alam
niyang namatay si Sulayman.Hinanap ni Indarapatra ang kanyang kapatid.
Nagpunta siya sa Kabalalan at nakita niya ang kalansay ni Tarabusaw. Alam
niyangnapatay ito ng kapatid niya. Ipinagpatuloy ni Indarapatra ang paghahanap
niya kay Sulayman. Narating niya ang bundok ng Bita.Nakita niya ang patay na
ibong Pah. Inangat ni Indarapatra ang pakpak ng ibon at nakita ang bangkay ni
Sulayman. Nanangis siIndarapatra at nagdasal upang pabaliking muli ang buhay ni
Sulayman. Sa di kalayuay may nakita siyang banga ng tubig. Winisikanniya ng tubig
ang bangkay at muling nabuhay si sulayman. Parang nagising lamang ito mula sa
mahimbing na pagtulog. Nagyakapang magkapatid dahil sa malaking
katuwaan.Pinauwi na ni Indarapatra si Sulayman. Nagtuloy pa si Indarapatra sa
Bundok Gurayu. Ditoy wala ring natagpuang tao. Nakita niyaang kinatatakutang
ibong may pitong ulo. Sa tulong ng kanyang engkantadong sibat na si juris pakal ay
madali niyang napatay angibon.Hinanap niya ang mga tao. May nakit siyang isang
magandang dalaga na kumukuha ng tubig sa sapa. Mabilis naman
itongnakapagtago. Isang matandang babae ang lumabas sa taguan at nakipag-usap
kay Indarapatra. Ipinagsama ng matandang babae siIndarapatra sa yungib na

pinagtataguan ng lahat ng tao sa pook na iyon. Ibinalita ni Indarapatra ang mga


pakikilaban nilang dalawani Sulayman sa mga halimaw at dambuhalang ibon. sinabi
rin niyang maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan. Sa laki
ngpasasalamat ng buong tribu, ipinakasal kay Indarapatra ang anak ng hari, ang
magandang babaeng nakita ni Indarapatra sa batisan.

You might also like