You are on page 1of 3

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 10

Pamantayang
Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanlurang Asya

Pamantayang Pagganap:

Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng


kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano

Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
a. Nalalaman ang kahulugan ng patalastas
b. Natutukoy ang mga katangian at layunin ng
patalastas
c. Nakabubuo ng sariling patalastas

II. Paksa:

Usok at Salamin: Ang Tagapaglingkod at ang


Pinaglilingkuran

Sanggunian:

Filipino 10 Module, pahina 298

Kagamitan:

Tisa at pisara, netbook at ispiker

III. Yugto ng Pagkatuto: Ilipat


GAWAING GURO
a. Pagganyak
Magandang umaga klas!

GAWAING MAG-AARAL
Magandang umaga rin po maam.

Bago tayo tuluyang dumako sa sa ating (Magpapasa)


paksa, ipasa muna ang inyong mga
takdang aralin.
(Mangongolekta ng takdang aralin)
Ngayon klas, kumuha kayo ng isang (Kukuha)
gamit sa inyong bag. Kahit anong naisin
niyo.
Okay klas, wala nang bawian. Sa oras
na ito ay maglalaro tayo.

(Tatawag ng isang mag-aaral)


Dito ka sa harap. Ngayon, paano mo (Gagawa ng
kami hihikayatin na bilhin ang gamit na patalastas)
pinili mo.

sariling

panghikayat

na

b. Paglalahad
Klas, ang inyong mga ginawa ay isang
halimbawa ng patalastas.
Bago natin tuluyang pag-aralan ang
patalastas, mayroon akong ipapanood
sa inyo.
(Ipapanood ang patalastas ng chuckie)
Ngayon klas, tungkol saan ang inyong Maam tungkol ito sa isang ina na ginagawa
napanood?
ang lahat para sa anak.
Maam isa itong patalastas ng chuckie.
Sa inyong palagay, mabisa ba ang Oo maam.
patalastas na ito para sa mga
manonood?
Bakit naman?

Dahil hindi lamang nito ibinibida ang


produkto kundi may aral ding mapupulot
dito.

c. Pagtatalakay
Ngayon klas, buksan niyo ang inyong
mga aklat sa pahina 298.
Basahin natin
patalastas.

ang

kahulugan

ng (Babasahin ang kahulugan)

Samakatuwid klas, ang patalastas ay


hindi lamang naririnig, napapanood
kundi nababasa rin. At ang mga pasulat
na patalastas ay madalas nating nakikita
sa mga dyaryo.
Ano kaya ang layunin ng mga patalastas Maam ito ay par manghikayat ng tao para
klas?
bilhin ang isang produkto, magbigay ng
impormasyon at iba pa.
Tama!
d. Pangkatang Gawain

Ngayon klas, bilang inyong pangkatang


gawain, gagawa kayo ngayon ng inyong
patalastas. Ngunit ang inyong gagawin
ay pasulat.
Sa pahina 299 ng aklat ay may
halimbawa ng pasulat na patalastas.
Papangkatin ko kayo ngayon sa anim na (Mapapangkat sa anim)
grupo.
e. Presentasyon
Simulan na natin ang pagbabahagi niyo (Magbabahagi ng patalastas)
ng kasagutan.
g. Pagpapahalaga
Sa inyong palagay, ano nga ba ang
maaaring maitulong ng patalastas?
Maam dito po tayo nakakakalap ng mga
impormasyon. Katulad ngayon na eleksyon,
nakikita natin kung sino-sino ang mga
tatakbo at kung ano ang kanilang mga
nagawa.
Mayroon bang masamang naidudulot Mayroon maam. Minsan hindi natin alam
ang patalastas?
kung totoo o hindi ang napapanood natin.
Napapaniwala nila tayo kahit mali ang isang
bagay.

IV. Pagtataya

Presentasyon ng awtput sa pangkatang gawain.

V. Takdang Aralin

Basahin ang nasa kahon sa pahina 302.

You might also like