You are on page 1of 8

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 9

Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang Noli Me Tangere


bilang isang obra maestrang pampanitikan ng Pilipinas

Pamantayan sa Pagganap:

Ang mag-aaral ay nakikilahok sa pagpapalabas ng isang movie trailer o storyboard tungkol sa


ilang tauhan ng Noli Me Tangere

I.

Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Paglinang ng
Talasalitaan
Wika at
Gramatika
Pagsasalita

Natutukoy ang mga kontekstwal na


pahiwatig sa pagbibigay-kahulugan
Nagagamit ang mga angkop na salita/
ekspresyon sa paglalahad ng sariling
pananaw
Nailalahad ang sariling pananaw ng
sarili at sa nakararami

II. Paksa

Paksa:
Noli Me Tangere Kabanata 25 (Elias at Salome)

Sanggunian:
Marquez, Cresenciano Jr at Capili-Sayo, Teresita, Noli Me Tangere. Phoenix Publishing House,
Inc. 2003. Pp 116-119

Kagamitan:
nagupit na papel
manila paper

III. Yugto ng Pagkatuto: TUKLASIN

GAWAING GURO
GAWAING MAG-AARAL
a. Pagganyak

Magandang hapon klas!

Bago natin tuluyang talakayin ang paksa sa araw na itoy magkakaroon tayo ng laro.

Sino sa inyo ang nakakaalam ng larong Pass the message?

Ang Pass the Message klas ay laro kung saan magkakaroon ng linyang pakolum ang inyong
grupo. May ibibigay na mensahe sa mga nakaupo sa pinakaduong linya at kailangan nila ito
isaulo at ipasa paharap.

Pero sa laro natin ngayon, babaguhin ko ang sistema. May ibibigay akong tanong sa mga
nakaupo sa dulong linya at kailangan nilang ipasa ang sagot paharap. Hindi ito paunahan pero
kailangang tama ang magiging sagot ninyo.

Ngayon, saan nga ba manggagaling ang mga tanong. Ito ay manggagaling sa ipapabasa ko sa
inyong talata mamaya kapag mayroon na kayong pangkat.

Naiintindihan niyo ba ang panuto?

Bago iyan, narito muna ang talasalitaan.


(Ididikit sa pisara ang manila paper)

Papangkatin ko na kayo sa lima.


(Magsisimula ang laro)

b. Pagbasa
(Pagkatapos ng laro)
Okay klas, nabasa natin sa buod ang pangalan ni Elias.

Sino na nga ba si Elias?

Tama! Nakilala natin si Elias sa Noli Me Tangere sa madaming katauhan.

Ang inyong nabasa kanina klas ay ang buod ng Kabanata 25 na may pamagat na Elias at Salome.

Marahil nagtataka kayo dahil mayroon na tayong kabanata 25. Taong 1887, inilimbag ang Noli
Me Tangere na may 42 kabanata ngunit sa orihinal ay 43 ang kabanata nito. Dahil sa kulang ang
pera ni Rizal para mai-publish ito, tinanggal niya ang kwento ni Elias at Salome.

c. Pangkatang Gawain
Ngayon ay bumuo kayo ng bilog kasama ang inyong mga kagrupo.

Bibigyan ko kayo ng worksheets na inyong sasagutan.


(Ang worksheet ay nakalagay sa hulihan ng banghay-aralin na ito)

d. Presentasyon
Ibahagi na ninyo ang inyong mga awtput.

e. Sintesis
Mayroon bang pag-ibig si Elias at Salome para sa isat isa?

Paano nga ba naipakita ni Elias ang pagmamahal niya kay Salome?

f. Pagpapahalaga
Kung kayo si Elias, gagawin niyo rin ba ito sa taong pinakamamahal niyo

Kaya niyong magsakripisyo para sa minamahal niyo?

Bakit naman gusto niyong magsakripisyo?

Magandang hapon din po maam!

Anong laro po maam?

(May iilang magtataas ng kamay)

Opo maam.

Maam siya yung piloto sa bangka maam.

Maam siya po ang nagpanggap na magsasaka.

(Magbabahagi ang mga mag-aaral)

Opo maam.

Maam dahil iniisip niya ang kapakanan ni Salome.

Maam dahil nirerespeto niya ang gusto ni Salome at hindi na tumanggi pa.

Opo maam.

Opo maam.

Dahil sa pagmamahal maam, hindi talaga maiiwasan na kakailanganing magsakripisyo ng isa


para maging maayos ang lahat. Masakit pero ito ang tama at dito rin nasusukat ang tunay na
pagmamahal.

IV. Pagtataya

Presentasyon ng awtput sa pangkatang gawain.

PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN

5
Organisasyon Maayos ang
ng ideya
pagkakahanay ng
bawat ideyang
inilahad.
Kooperasyon
at Disiplina

Kahandaan

Ang bawat
miyembro ng
grupo ay
kakikitaan ng
kooperasyon at
disiplina.
Ang pangkat ay
kakikitaan ng
kahandaan sa
naiatas na
gawain at
nakapaglalahad
nang buong
husay.

4
May isa o
dalawang ideya
ang hindi maayos
na nailahad.

3
May tatlo
hanggang apat
na ideya ang
hindi maayos na
nailahad.
May isa o
May tatlo at apat
dalawang
na miyembro ng
miyembro ng
grupo ang walang
grupo ang walang kooperasyon at
kooperasyon at
disiplina.
disiplina.
May isa o
May tatlo at apat
dalawang
na miyembro ng
miyembro ng
pangkat ang
pangkat ang
walang
walang
paghahanda at
paghahanda at
hindi naging
hindi naging
mahusay sa
mahusay sa
paglalahad.
paglalahad.

2
May lima
hanggang anim
na ideya ang
hindi maayos na
nailahad.
May lima
hanggang anim
na miyembro ng
grupo ang walang
kooperasyon at
disiplina.
May lima
hanggang anim
ng pangkat ang
walang
paghahanda at
hindi naging
mahusay sa
paglalahad

1
Walang kaayusan
ang
pagkakalahad ng
bawat ideyang
inilahad.
Ang bawat
miyembro ng
pangkat ay
walang
kooperasyon at
disiplina.
Ang bawat
miyembro ng
pangkat ay
walang
kahandaan.

V. Kasunduan

Basahin ang Kabanata 25. Sagutan sa kwaderno ang mga susunod na katanungan.

a. Sino si Salome? Ilarawan siya.


b. Bakit siya nag-iisang namumuhay?
c. Sang-ayon ba kayo sa naging pasya ni Elias? Bakit?

You might also like