You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin sa Filipino

Baitang 10

Pamantayang
Pangnilalaman:

Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at


pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng
Kanlurang Asya

Pamantayang Pagganap:

Ang mag-aaral ay masining na nakapagtatanghal ng


kulturang Asyano batay sa napiling mga akdang
pampanitikang Asyano

Kasanayang Pampagkatuto

Pagkatapos ng isang oras na talakayan, ang mga


mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapagbabahagi ng patalastas ng buong
husay.
b. Nabibigyang
pagpapakahulugan
ang
paninindigan.
c. Nalalaman ang kaligiran ng Sundiata.

II. Paksa:

Sundiata: Ang Epiko ng Sinaunang Mali

Sanggunian:

Filipino 10 Module, pahina 302

Kagamitan:

Tisa at pisara

III. Yugto ng Pagkatuto: Linangin


GAWAING GURO
a. Pagganyak
Magandang umaga klas!

GAWAING MAG-AARAL
Magandang umaga rin po maam.

Magbalik-aral tayo. Ano ang paksang Patalastas maam.


ating pinag-aralan kahapon klas?
Tama! Ito ay ang patalastas. Mayroon (Magbabahagi ng patalastas)
akong ipinagawa sa inyong gawain
ngunit hindi niyo natapos at naibahagi.
Ipagpatuloy
natin
ngayon
ang
pagbabahagi ng inyong gawain.
b. Paglalahad
Klas, sa inyong mga patalastas ay
gumamit kayo ng mga salitang
nakahihikayat upang matawag ang
pansin namin.

Sa madaling salita, nagbigay kayo ng


ibat ibang mga pahayag o ebidensya na
magpaptunay na subok na maganda at
matibay ang inyong ineendorso.
Sa araw na ito klas ay mayroon tayong
panibagong paksa, sa paksang ito ay
kinakailangan din ninyong magbigay ng
impormasyon para mapatunayan ang
katotohanan ng inyong pinaniniwalaan.
Ito ay ang tinatawag nating paninindigan
c. Pagtatalakay
Ngayon klas, buksan niyo ang inyong
mga aklat sa pahina 302.
Basahin natin
paninindigan.

ang

kahulugan

ng Itoy sang paraan ng pagmamatuwid o


pangangatuwiran. Layon ng naninindigan
na
mahikayat
ang
tagapakinig
na
tanggapin ang kawastuhan o katotohanan
ng pinaniniwalaan sa pamamagitan ng
paglalatag ng sapat na katibayan o patunay
upang ang panukala ay maging katanggaptanggap o kapani-paniwala. Gayundin sa
paninindigan ay maaaring gumamit ng ibat
ibang ekspresyon upang maipaabot ang
layon o damdamin ng pagpapahayag.

Samakatuwid klas, ito ay ginagamit natin


para
patunayan
na
ang
mga
pinaniniwalaan natin o mga prinsipyong
pinanghahawakan
natin
ay
makatotohanan at nais nating mapanatili
hanggang sa huli. Ipinaglalaban natin ito
at
hindi
tayo
nagpapatinag
sa
paniniwalang inilalaan ng iba.
Ngayon klas, basahin naman natin ang (Babasahin)
maikling kaligiran ng epikong Sundiata.
Ang kasunod na kahon sa pahina 302.
Mula sa inyong binasa, ano ang Sundiata Keita
pangalan ng pangunahing tauhan sa
epiko?
Itinuturing ba siyang bayani?

Opo maam.

d. Pangkatang Gawain
Sa ating bansa ay mayroon din tayong
mga natatnging bayani.
Kung kayoy bibigyan ng pagkakataong
piliin ang mahihirang na Pambansang
Bayani, sino ito at bakit?
Ito ang magiging gawain niyo sa araw na
ito. Gumamit kayo ng paninindigan kung
bakit siya para sa inyo ang dapat maging
bayani.
Isulat sa isang buong papel.
e. Presentasyon
Simulan na natin ang pagbabahagi niyo
ng kasagutan.
f. Pagpapahalaga
Bakit nga ba mahalaga na manindigan Maam dahil ito ang bumubuo sa ating
tayo sa isang bagay na pinaniniwalaan pagkatao. Ito ang nagpapakita kung ano
natin?
nga ba tayong uri ng tao. Kasi maam hindi
magandang tignan na sinasabi nating
naniniwala tayo sa isang bagay pagkatapos
mamaya iba na naman ang ating prinsipyo.
Walang magtitiwala sa mga sinasabi natin
kung paiba-iba tayo ng pinaninindigan.

IV. Pagtataya

Presentasyon ng awtput sa pangkatang gawain.

V. Takdang Aralin

Basahin ang epikong Sundiata sa pahina 303.

PAMANTAYAN SA PANGKATANG GAWAIN


Organisasyon
ng ideya
Kooperasyon
at Disiplina

5
Maayos ang
pagkakahanay ng bawat
ideyang inilahad.

3
May isa o dalawang
ideya ang hindi maayos
na nailahad.

1
Walang kaayusan ang
pagkakalahad ng
bawat ideyang inilahad.

Ang bawat miyembro ng


grupo ay kakikitaan ng
kooperasyon at
disiplina.

May dalawa o higit pang


miyembro ng grupo ang
walang kooperasyon at
disiplina.

Ang bawat miyembro


ng pangkat ay walang
kooperasyon at
disiplina.

Kahandaan

Ang bawat miyembro ng


pangkat ay kakikitaan
ng kahandaan sa
naiatas na gawain at
nakapaglalahad nang
buong husay.

May dalawa o higit pang


miyembro ng pangkat
ang walang paghahanda
at hindi naging mahusay
sa paglalahad.

Ang bawat miyembro


ng pangkat ay walang
kahandaan.

You might also like