You are on page 1of 3

Sponsorship Speech

Rep. Rafael Mariano

Delivered during the Committee on Labor and Employment


Hearing on Philippine Airlines
November 10, 2010

Ang laban ng mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) ay laban ng


anakpawis at lahat ng manggagawang Pilipino!

Committee Chairman Rep. Emil Ong, respective Committee Vice Chairmen, sa mga lider ng
unyon at kasapi ng Philippine Airlines Employees Association (PALEA), sa Flight Attendants
and Stewards Association of the Philippines (FASAP), sa DOLE, sa PAL management, sa mga
tagapagtaguyod ng karapatan ng mga manggagawa – Kilusang Mayo Uno, Partido
Manggagawa, EILER, CTUHR, alyansang KONTRA kontraktwalisasyon at sa chapter ng
Anakpawis sa Philippine Airlines, magandang hapon sa inyong lahat.

Nagpapasalamat ang Kinatawang ito sa pag-iskedyul ng pagdinig na ito hinggil sa matagal


nang usapin ng mga manggagawa sa Philippine Airlines.

Sa paghahain ng House Resolution 111, “Directing the Committee on Labor and Employment
to conduct and inquiry in aid of legislation on the national flag carrier Philippine Airlines
looming retrenchment of more than 2,600 employees as a result of its planned spin-off of its
call center reservations, in-flight catering and airport ground service units” nilalayon ng
Anakpawis Partylist, sa pamamagitan ng kinatawang ito na:

• manatiling may regular trabaho ang 2,600 manggagawa sa airport ground


services ng Philippine Airlines (PAL);

• maprotektahan ang mga karapatan at kaseguruhan sa trabaho ng lahat ng


empleyado, manggagawa, flight crew at piloto ng PAL na siyang nag-aakyat ng
tubo at ganansya sa premier flag carrier ng bansa;

• at matigil na at magkaroon ng katarungan ang malaon nang pagsasamantala sa


mga empleyado at manggagawa ng PAL.

Simula 1998, dahil sa CBA moratorium, inalisan ng karapatan ang mga manggagawa ng PAL
sa pagkakaroon ng Collective Bargaining Agreement na makakapagpabuti sana sa
1
kalagayan at kaseguruhan nila sa trabaho. Sa strike suspension, pinigilan ang anumang
sama-samang pagkilos ng mga manggagawa para malayang maipatupad ang mga
patakarang kontra-manggagawa.

Dahil sa mga patakarang ito na umiral sa PAL dahil na rin sa awtorisasyon ng Department of
Labor and Employment (DOLE) at Malacanang, mas naging malaya ang kapitalista sa PAL sa
pangunguna ni G. Lucio Tan, na pagsamantalahan, pagtubuan at gawing busabos ang
manggagawa sa Philippine Airlines.

Ang Rehabilitation Plan noong 1998 ay inuulit ng PAL sa Survival Plan nito na
outsourcing/spin-off ang pangunahing laman.

Makatitipid umano ng Php20.2 million sa loob ng limang taon ang PAL kapag inalis nito ang
in-flight catering, call center reservations at airport ground services departments na ibibigay sa
‘third party service providers’ na dapat ring alamin kung may kaugnayan sa mga may ari ng
PAL.

Kabalintunaan ang corporate slogan ng PAL na – With us, you’re always no. 1. Sa halip
dapat ay - For us, profit is always no. 1 dahil sa ginagawa nitong panggigipit at pag-aalis ng
dignidad sa sarili nitong mga manggagawa.

Para sa DOLE, kay Secretary Rosalinda Baldoz, nais malaman ng Kinatawang ito ang moral
at makatarungang batayan ng inilabas ninyong desisyon na posibleng maging batayan o
precedent ng iba pang mga kumpanyang nais magtanggal ng regular na manggagawa,
magbuwag ng mga unyon at mag-empleyo ng mga kontraktwal sa ngalan ng pagpapaliit ng
cost of production at pagpapalaki ng tubo.

Nakakabahala na basta na lang papayagan ng DOLE, sa ngalan ng ‘management


prerogative’ ang mga di-makatarungang patakaran ng mga kumpanya.

Kahit saan tingnan, malinaw na ang outsourcing ay isang paraan upang matanggalan
ng regular na empleyo ang mga manggagawa.

Management prerogative din po ba ang diskriminasyon sa mga kababaihang flight attendants


na halos hindi pinapayagang magdalantao at sapilitan pang pinagreretiro pagsapit ng edad
kuwarenta?

Sa management ng PAL, nais malaman ng Kinatawang ito, gayundin ng publiko ang totoong
estadong pampinansya ng PAL.

Magkaibang-magkaiba po ang NALULUGI sa HINDI NAABOT ANG TARGET REVENUE. Sa


panahon ng krisis at kagipitan, bakit kailangang laging ang mga manggagawa ang
magsakripisyo at pumasan ng bigat?

2
Mahirap paniwalaan na nalulugi ang PAL kung ang may-ari nito ang pangalawang
pinamayamang tao sa Pilipinas na may net worth na $2.1-bilyon ayon sa Forbes Magazine
na maraming negosyo sa mga mayor na industriya.

Nakabili ito ng mga bagong eroplano – 2 Boeing 777-300ER at A32os noong 2009 at ngayong
2010 at may parating pa sa 2011.

Nitong Hunyo 2010, nabuksan din ang Airphil Express, sister company at budget airline ng
PAL. Ngunit ang nakakabigla, ang mga empleyado rin ng PAL ang nagseserbisyo sa AirPhil
Express. Doble ang kinikita pero iisa ang pinapasweldo!

Ibang usapin pa kung paanong nakakuha ng prangkisa ang PAL para mag-operate ng isa
pang airline company.

Mr. Chairman, mula noon hanggang ngayon, nagagawa ng PAL management ang mga
masasahol na atake sa saligang karapatan mga manggagawa dahil pinuproteksyonan ito ng
gobyerno – sa pamamagitan ng mga desisyon, polisiya, at ng mismong mga taong nakaupo
dito.

Ang tumatayong legal counsels ng PAL ngayon ay sina Atty. Bienvinido ‘Benny’
Laguesma, dating Labor Secretary at si Atty. Buenaventura ‘Tuy’ Magsalin, dating
direktor ng National Conciliation and Mediation Board – sila rin ay mga dating boss ni
Secretary Baldoz.

Mr. Chairman, sinusubaybayan ng buong bansa ang laban at isyu sa Philippine Airlines.
Narito ang mga manggagawa at empleyado ng PAL upang maggiit ng kanilang mga kahilingan
bilang pagsasabuhay ng kanilang karapatan na magdulog at maghanap ng tugon sa kanilang
mga karaingan.
Inaasahan ng lahat na magiging isang mahalagang arena ng laban ang Kongreso upang
mapawalambisa ang mga kontra manggagawang batas ng gobyerno at kapitalista na
pumapatay sa kanilang kabuhayan at karapatan.

Sa mga manggagawa ng PAL, mas mapagpasya ang paghawak sa sariling lakas at sama-
samang pagkilos para maipanalo ang labang ito. Mahigpit na kaisa ninyo hanggang sa huli at
pagtatagumpay ng pakikibakang ito ang Anakpawis Partylist at lahat ng manggagawang
Pilipino. ###

You might also like