You are on page 1of 1

JULY 21, 2011 DATE

NR # 2472
REF. NO.

Archivists, sasanayin sa mga sakuna at panahon ng kagipitan


Nakikipag-ugnayan ngayon ang Society of Filipino Archivists (SFA) na pinamumunuan ng kanilang pangulo, Yolanda C. Granda, sa National Commission for Culture and the Arts, para sa gagawing seminar-workshop hinggil sa Emergency Response and Recovery Team para sa Records at Heritage Collections sa ika-10 hanggang ika-12 ng Agosto, 2011. Ayon kay Granda, mabibigyan ng sapat na kaalaman at kasanayan ang mga manggagawa sa sining at kultura na kinabibilangan ng mga archivists, librarians at museum curators, na siyang nangangalaga ng mga mahahalagang talaan at mga makasaysayang koleksyon ng ibat ibang tanggapan ng pamahalaan, mula sa epekto ng sakuna at kagipitan. Sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng emergency response at recovery teams for records ay aangat ang kakayahan ng ating mga manggagawa upang mas lalo pang maprotektahan ang mga makasaysayang talaan, ani Granda. Sinabi ni Arnulfo O. Juinio, Pangalawang Pangulo ng SFA, na naapektuhan ng mga sakuna, partikular na ng mga bagyong Pepeng at Ondoy, ang mga mahahalaga at makasaysayang talaan na tinatayang nagkakahalaga ng P305.4 milyon. Ang malaking halaga ay inilaan para sa pagbawi at rekonstruksyon ng mga talaan. Dahil dito ay nangangailangan tayong maglaan ng panahon para sa kahandaan sa anumang sakuna na makakaapekto sa mga talaan. Ilan sa mga nakatakdang dumalo sa pagsasanay na gaganapin sa Bethel Guest House, Rizal Boulevard, Lungsod ng Dumaguete, ay ang Executive Director ng Library ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Bb. Emma M. Rey, at Bb. Denise Marie F. Cruz, LSO II ng Acquisition Group ng Legislative Library. Dadalo rin si Bb. Kathrina T. Perocho ng MERALCO Museum and Archives. Inaasahan ni Bb. Rey na sa gagawing pagsasanay ay makapagtatag sila ng isang pamantayan para sa Emergency Response and Recovery team, gayun din sa mga rehiyon na maging dalubhasa sa recovery at response. Ilan sa tatalakayin sa pagsasanay ang: 1) assessing priorities in the collection; 2) salvage procedures; 3) risk assessment; at 4) principles of disaster preparedness. Ang imbitasyon, registration form at program of activities ay maaaring madownload sa http://www.scribd.com/sfa-phils.### jm

You might also like