You are on page 1of 2

PETISYON

LABAN SA KONTRAKTWALISASYON!

Isabatas ang Regular Employment Bill (House Bill 5110)!


Ang seguridad sa trabaho ay isang konstitusyunal na karapatan ng bawat manggagawa. Sa kabila nito, napakalaganap pa rin ng paglabag dito. Sa kasalukuyan, 7 sa 10 kumpanya sa bansa ang nagpapatupad ng ibat ibang iskema ng pleksibilisasyon at kontraktwalisasyon sa paggawa. Lumalabas sa mga pag-aaral na mas marami na ang mga manggagawang kontraktwal kaysa mga regular. Salot ang kontrakwalisasyon! Isinasadlak nito ang mga manggagawa at buong sambayanan sa todotodong pagsasamantala. Sa pangkabuuan, ang tanging layunin nito ay ang lalong palobohin ang tubo ng mga kapitalista sa pamamagitan ng pagpapababa ng sahod ng mga manggagawa, pag-alis ng karampatang mga benepisyo at pagkakait sa kanila ng karapatang magunyon. Sa halip na protektahan at itaguyod ang karapatan sa seguridad sa trabaho, ang gobyerno pa mismo ang nag-eengganyo sa mga dayuhan at lokal na kumpanyang labagin ito sa ilalim ng ipinatutupad nitong Flexible Labor Policy. Masama pa, napakalaganap din ng kontraktwalisasyon sa mga ahensya ng gobyerno. Pinalala pa ito ng kasalukuyang administrasyong Aquino sa kanyang Medium Term Philippine Development Plan at Philippine Labor and Employment Plan 2011-2016 na nakabalangkas sa todotodong kontraktwalisasyon at pleksibilisasyon ng empleyo sa bansa. Ang Regular Employment Bill (House Bill 5110) ay nagpapatibay sa karapatan ng mga manggagawa sa seguridad sa trabaho laban sa kontraktwalisasyon at iba pang iskema ng pleksibleng paggawa. Layon nitong amyendahan ang Article 106 ng Labor Code (PD 442) at alisin ang lahat ng probisyon nito na nagpapahintulot sa kontraktwalisasyon. Ibinabalikat nito sa mga prinsipal na employer ang buong responsibilidad sa mga manggagawa at inoobliga silang ibigay ang karampatang pasahod at mga benepisyong naaayon sa labor standards at kilalanin ang karapatan sa paguunyon at pagwewelga. Sa gitna ng laganap na paglapastangan sa seguridad sa trabaho, kaming mga manggagawa at mamamayan na lumagda sa petisyong ito ay nagkakaisa sa aming panawagan para sa regular at disenteng trabaho. Isang milyong lagda laban sa kontraktwalisasyon at para sa agarang pagsasabatas ng Regular Employment Bill (House Bill 5110).

Ang aming mga panawagan: Isabatas ang Regular Employment Bill (House Bill 5110)! Labanan ang kontraktwalisasyon na salot sa mga manggawa at mamamayan! Ipawalang bisa ang DOLE Order No. 18-02! Ipaglaban ang seguridad sa trabaho! Labanan ang kontra-manggagawang administrasyong Aquino!

Alyansa laban sa Kontraktwalisasyon, Isabatas ang House Bill 5110!

-AK 5110-

PETISYON

LABAN SA KONTRAKTWALISASYON!
Isabatas ang Regular Employment Bill (House Bill 5110)!
Pangalan Kumpanya o Kontraktor Contact No. Lagda

Alyansa laban sa Kontraktwalisasyon, Isabatas ang House Bill 5110!

-AK 5110-

You might also like