You are on page 1of 27

MANGGAGAWA Manlilikha

Tomo 13 Bilang 1 Enero-Marso 2012


Tatluhang-buwang publikasyon ng Workers Assistance Center, Inc.

MANGGAGAWA
Tomo 13 Bilang 1 Enero-Marso 2012

Manlilikha

NILALALAMAN Editoryal Kontraktwalisasyon sa Paggawa Lathalain Trainees: Mga Mag-aaral O Manggagawa? Usapang Legal Ang Department Order 18-A at Pangongontrata sa Trabaho Balita Manggagawang Kontraktwal ng Dae Duck, Regular Na Ika-Isang Taon ng Pagpaslang kay Baccay, Ginunita Talakayan Hinggil sa OSHS at ECP, Ginanap Kontraktwal na Manggagawa, Panalo laban sa URC CBA ng Unyon sa Murase, Aprubado na Empleyadong Inakusahan ng Pagnanakaw, Napawalang-Sala Balitrato Mga Larawan ng Pagkilos at Protesta PEZA Seminar on Protection of Ecozone Workers Solidaridad

10

21

13 14 16 17 18

Patnugutan Rev. Fr. Jose P. Dizon Arnel V. Salvador Laura DC Sarmiento Assistant Editor Darwin G. Mariano Artwork Jojit P. de Guzman Subskripsyon P 150/taon sa lokal US$ 20 sa dayuhan Patalastas P3,000.00 buong pahina P1,500.00 kalahating pahina P750 sangkapat na pahina Ang Manggagawa Manlilikha ay inilimbag ng Workers Assistance Center, Inc. na may tanggapan sa bahay manggagawa, Indian Mango St., Manggahan Cpd., Sapa I, Rosario 4106, Cavite PHILIPPINES. Phone: (+63) 46 8840076 Fax: (+63) 46 4384736 Email: wacphilippines@yahoo.com.ph wacrdip@hotmail.com Website: www.wacphilippines.com Naitala bilang Second Class Mail sa Rosario Post Ofce, Cavite noong 19 Setyembre 1997.

20

15 19 20

Repleksyon Landas Tungong Regularisasyon 23 Sentimyento 24 Tula Kwento ng Kasalukuyang Kalagayan Sa Kuko ng Kontraktwalisasyon Sandata Sa Dapithapon ng Buhay

26 27 27 28

Manggagawa Manlilikha

Editoryal

Kontraktwalisasyon Sa Paggawa
Ayon sa ulat[1] ng International Labor Organization (ILO), umaabot sa 40.2 porsyento ng mga manggagawa sa Pilipinas ang maituturing na may bulnerableng hanapbuhay o yaong may trabahong mababa ang kalidad, mababa ang sahod, walang katiyakan at patigil-tigil ang katayuan, mahirap at di-maganda ang kalagayan sa paggawa. Katumbas ito ng 15 milyon batay sa tinatayang 37.19 milyong may hanapbuhay noong 2011[2]. Yaong mga di-regular ang katayuan sa empleyo ang kalakhan at karaniwang kabilang sa mga manggagawang may bulnerableng hanapbuhay. Sa kalakaran, ang mga manggagawang di-regular, salungat sa permanente o regular, ay yaong may trabahong pansamantala, mabuway, karaniwang sumasakop sa maikling panahon nang mayroon o walang kontrata. Nangangahulugan ito ng kawalang-seguridad ng panunungkulan sa trabaho. Maaari silang mapabilang sa kategoryang kaswal, kontraktwal, project-based, seasonal, probationary, apprentice at learner[3]. (Tingnan ang Talahanayan 1 sa susunod na pahina) Kung pagbabatayan ang survey ng mga establisyemento na isinagawa ng Bureau of Labor & Employment Statistics (BLES) noong 2010, tinatayang naglalaro sa 32.48 porsyento ng mga manggagawang rank & le ang nasa katergoryang di-regular. Ang bilang na ito ay katumbas din ng 27.94 porsyento ng kabuuang bilang ng naghahanapbuhay sa mga establisyementong sinakop, kabilang ang managers, supervisors, at mga nagtatrabahong may-ari. Tumaas ang bilang nila ng 16.2 porsyento kung ikukumpara sa bilang nila noong 2008.[4] 3 Enero - Marso 2012

Ang pag-igting ng kumpetisyon sa pagitan ng mga negosyo at papalalang krisis sa pandaigdigang ekonomya ay higit pang nagtutulak para sa pagpapatupad ng ibat ibang pamamaraan upang paliitin ang gastos sa produksyon at paggawa. Ang iskema ng kontraktwalisasyon at diregular na empleyo ay isa sa pinakamabisang paraan ng pagtitipid at pagkamal ng tubo. Kung kaya naman naging tuluy-tuloy ang paglawak ng bilang at saklaw ng di-regular na empleyo. Bagamat mahaba na ang kasaysayan ng kontraktwal na paggawa sa Pilipinas, sa mahabang panahon ay masasabing hamak na maliit ang bilang nito lalo na sa sector ng manupaktura. Nagsimula itong magkabilang nang itayo ang mga unang export processing zones (EPZ, ngayon ay special economic zones o SEZ), kung saan binibigyang luwag ang kondisyon para sa pagpasok ng mga mamumuhunan noong panahon ng diktadurang Ferdinand Marcos.

Talahanayan 1. Uri ng hindi-regular na manggagawa Uri ng Manggagawa Kaswal Deskripsyon

gumagampan ng trabahong hindi karaniwang kinakailangan at kanais-nais sa negosyo ng employer Kontraktwal at ang termino ng empleyo ay Project-Based sinasakop ng isang tiyak na tagal o termino para sa isang tiyak na proyekto o gawain na itinakda sa panahon ng pagkakatanggap sa trabaho Seasonal ang panahon at haba o tagal ay nakabatay sa mga pampanahong salik Probationary nasa pagsubok na panahon ang katayuan ng empleyo, kung saan tinitiyak ng employer kung karapatdapat na maging regular batay sa mga makatwirang pamantayan na pinagusapan sa panahon ng pagkaka-empleyo Apprentice at manggagawang sinasakop Learners ng isang nakasulat na kasunduan o programa ng pagsasanay o pag-aaral
pinagkunan: BLES-DOLE, Labstat Updates, Vol 16 No. 4, Pebrero 2012

Ang tunguhin papunta sa paglaki ng kontraktwal na paggawa sa manupaktura ay nakita na ng Workers Assistance Center sa isinagawa nitong pananaliksik sa kalagayan ng mga manggagawa sa Cavite Economic Zone noon pa mang 1996. Nagsimula ito na sa kalakhan ay tumatagal ng anim na buwang may kontrata hanggang umikli nang umikli habang dumaraan ang panahon nang wala nang kontrata. Ang mga impormasyon na nakakalap mula sa mga manggagawa nitong mga nakaraang taon lalo na simula noong 2009 ay nagpapakitang laganap na ang paggamit ng kontraktwal na paggawa sa mga pagawaan sa loob ng mga sonang pang-ekonomya sa Cavite at Batangas. Signipikante ang paglaganap ng kalakarang gumagamit ng di-regular na paggawa at kontraktwalisasyon sa antas ng kalagayan sa paggawa at kabuhayan, at sa karapatan ng 4 Manggagawa Manlilikha

mga manggagawa sa loob ng pagawaan. Kontraktwalisasyon sa mga Sonang Pang-ekonomya ng Cavite Ang mga sonang pang-ekonomya sa mga lalawigan ng Cavite at Batangas ay maituturing na sonang manupaktura. Pumapangalawa ang manupaktura sa may pinakamalaking bilang ng manggagawang di-regular ang katayuan sa tinatayang 23.84 porsyento). Mahigit kalahati nito ay yaong nasa kategorya ng kontraktwal. [4] Sa pakikipag-ugnayan ng WAC at ng Solidarity of Cavite Workers (SCW) sa mga manggagawa sa mga sonang pang-ekonomya, nakitang ang kontraktwalisasyon ng paggawa ay isinasagawa ayon sa ibat ibang pamamaraan. Pangunahin at pinakamalaganap pa rin ang agency at manpower labor kung saan dumaraan sa mga manpower agencies ang pag-empleyo sa mga manggagawa na kinakailangan ng mga pabrika. Sa iskemang ito, ang mga agency ang tumatanggap ng aplikasyon, nagsasagawa ng mga pagsusulit at panayam, at tumatanggap sa mga manggagawa batay sa mga qualications na inihanay ng management ng pabrika. Kalakaran na may kontrata sa pagitan ng manggagawa at ahensya kaugnay ng tagal ng panunungkulan sa trabaho. Karaniwan din na matapos ang kontrata ay nire-renew ito para magtrabaho sa iba o sa pareho ding pabrika. Ang mga manpower agencies na ito ay walang ibang operasyon na isinasagawa kundi magsustento ng mga kinakailangang manggagawa ng isang pabrika. Ang nabanggit o inilarawan na agency/manpower labor ay kaiba sa contracting, subcontracting at outsourcing ng trabaho kung saan buo-buong bahagi ng isang operasyon (tulad ng trucking, security services, janitorial services, atbp.) ang ikinokontrata ng principal (halimbawa ay kompanya) sa ibang entidad (halimbawa, trucking company). Sa ganitong kaayusan, ang lahat ng pangangailangan para maisakatuparan ang trabaho ay sagot ng contractor katulad ng mga sasakyan, driver, pahinante at iba pang manggagawang kinakailangan. Ang kontrol sa pag-empleyo, paggampan, oras, at pagdisiplina ng mga manggagawa sa kanilang trabaho ay nasa responsibilidad ng contractor. Ang mga sasakyan at iba pang kinakailangang kagamitan para maipatupad ang trabaho ay responsibilidad ng contractor. Bagamat pinahihintulutan ng batas ang contracting at subcontracting ng mga trabaho, nagiging usapin ang umiiral na mga kaayusan ng agency hiring sa kalakhan ng mga pabrika sa loob ng mga sonang pang-ekonomya dahil mahigpit na ipinagbabawal ang labor-only contracting. Sa pagsusuri ng WAC, ang malaking bilang ng umiiral na kaayusan sa loob ng mga sonang pang-ekonomya ay maituturing na labor-only contracting. Ang kasong isinampa ng mga manggagawa ng Dae Duck Philippines, Inc. ang isang halimbawa nito (tingnan ang balita, Manggagawang Kontraktwal ng Dae Duck, Regular Na, pahina 13). Ganito rin ang kaso ni Magilene Ocray laban sa Universal Robina Corporation (pahina 17). Ipinaliwanag ni Atty. Remigio Saladero, Jr. sa kanyang artikulo ang mga probisyon ng batas sa labor contracting at kung kelan ito nagiging labor-only contracting (tingnan ang Enero - Marso 2012 5

hiwalay na artikulo, Ang DOLE Department Order 18-A At Pangongontrata Sa Trabaho, pahina 21) . Bagamat hindi na rin bago, sa nakakaraang tatlong taon ay nagkakabilang na rin ang gumagamit ng paggawa ng mga mag-aaral ng maikliang kursong teknikal sa ilalim ng tinatawag na dual training system (DTS), at programang learnership at apprenticeship. Halimbawa, ayon sa mga nakapanayam na manggagawa sa Hye Sung Industries (Phils.) Inc., 100 sa 150 kontraktwal na manggagawa sa kanilang pabrika ay nakapailalim sa learnership scheme o DTS mula sa Chopil Manpower Training Institute Corp. Gayundin, mayroong 800-1,000 manggagawa sa EDS Manufacturing Inc. (Imus, Cavite) ang mga mag-aaral ng National College of Science & Technology (Dasmarinas, Cavite). Ayon sa mga manggagawang nakapanayam, ang mga estudyanteng ito ay pumapasok sa pabrika sa loob ng 5 araw sa isang lingo habang isang araw lamang sila pumapasok sa paaralan. May ulat ding ang tagal nila sa pabrika ay singtagal ng kursong kanilang kinukuha na sa kasalukuyan ay isang taon. Ang mga learners/trainees na ito ay nakatalaga sa mga linya ng produksyon na kinabibilangan din ng mga regular na manggagawa. Gumagampan sila ng trabahong katulad ng iba pang manggagawa subalit tumatanggap lamang ng 75% ng minimum wage. Mayroon din sa kanila na pinapapasok sa gabi bagamat hindi malinaw kung binabayaran sila ng kaukulang night differential. (Tingnan ang kaugnay na artikulo, Trainees: Mga Mag-aaral O Manggagawa?, pahina 10) Ikatlo ay ang mga kooperatiba ng mga manggagawa na nagsu-supply ng manggagawa sa mga pabrika. Mangilan-ngilan pa lamang ang nakakalap na impormasyon ng WAC kaugnay nito, kabilang ang panimulang impormasyon mula sa mga manggagawa ng Hoffen Industries Corporation (Dasmarias), subalit nangangailangan itong higit pang pag-aralan dahil lumalabas, kundi man nais palabasin, na ito ay pagsasama-sama ng mga manggagawa bilang paraan upang magkaroon ng trabaho ang mga kasapi. Mayroon din namang mga pabrika na direktang nag-e-empleyo ng mga kontraktwal at iba pang di-regular na manggagawa. Ang Hye Sung ay mayroong tinatayang 50 kontraktwal na manggagawa na hindi dumaan sa mga agency bagkus ay direktang nag-apply at tinanggap ng pangasiwaan ng pabrika. Paghina ng Kalagayan sa Paggawa Nararapat at mahalagang bigyang pansin na ang Batas sa Paggawa ng Pilipinas gayundin ang mga umiiral na pamantayan sa paggawa o labor standards ay nakabalangkas sa pag-iral ng employee-employer relations (o ang relasyon ng manggagawa at kapitalista) sa loob ng pagawaan. Sa kasalukuyang kaayusan at sistema, batayang saligan ito ng pakikibaka ng mga manggagawa para sa pagpapahusay ng kondisyon sa paggawa. Sa kabilang banda, ang batayang katangian ng negosyo na magkamal ng dambuhalang tubo ay nangangahulugan ng pagpiga sa produktibidad ng manggagawa upang mas maraming produkto ang malikha sa takdang oras ng pagtatrabaho kahit pa hindi ito kasinghulugan ng pag-unlad ng kalagayan sa paggawa ng mga manggagawa. (Talahanayan 2) 6 Manggagawa Manlilikha

Talahanayan 2. Produktibidad, Sahod at Kahirapan Produktibidad Tumaas ang produktibidad ng bawat manggagawa sa Pilipinas sa sektor ng manupaktura sa Pilipinas; mula 541,562 noong 2009, tungo sa 636,591 ng 2010, tungo sa tinatayang 666,194 ng 2011 (current prices) Nominal na Sahod Ang nominal na sahod ng mga manggagawa sa industriya sa mga bayan ng Rosario, Carmona, Dasmarias, General Trias at Cavite City sa Cavite kung saan naroroon ang mga sonang pang-ekonomya ay 298.00 mula 2008-2010 at 315.00 simula 2011; habang sa Batangas City, Bauan, Lipa, San Pascual, Sto. Tomas at Tanauan City sa Batangas naman kung saan nakalugar ang mga sonang pang-ekonomya at malalaking pabrika, ang minimum na sahod sa pareho ring mga panahon ay 293.00 at 310.00, ayon sa pagkakasunud-sunod Tunay na Sahod Batay sa halaga ng piso noong 2006, ang kasalukuyang sahod ng manggagawa sa mga nabanggit na bayan at syudad ay lumalaro na lamang sa mahigit 75 porsyento ng nominal na sahod. Humigitkumulang ito sa 236.25 sa mga nabanggit na bayan ng Cavite at 232.50 sa Batangas. Lumalabas na hinabol lamang ng pagtaas ng minimum wage noong 2011 ang bahagi ng halaga ng sahod noong 2008-2010. Nakabubuhay na Sahod (Pansamantalang) itinigil ng NWPC ang paglalabas ng datos hinggil sa nakabubuhay na sahod. Ganumpaman, ayon sa IBON, ito ay pumapalo na sa 957 sa National Capital Region noong Hunyo 2010. Sa nasabing panahon, ang minimum na sahod sa NCR ay 404. Ibig sabihin, wala pa sa kalahati ng pangangailangan ng isang pamilya na may anim na myembro ang sinasahod ng manggagawa. Kahirapan Batay sa pamantayang sinusunod ng National Statistical Coordination Board, noong 2009 ay kinakailangan ng isang pamilyang may limang myembro ng 4,869 na kita upang makakain at 7,017 upang makalibre sa kahirapan. Sa panahong iyon, ang kabuuang sahod ng manggagawa ng Cavite Economic Zone ay higit sa nasabing halaga subalit sila ay naghihirap.
Pinaghalawan: National Wages and Productivity Commission - Department of Labor and Employment National Statistical Coordination Board IBON Foundation, Inc., via www.ibon.org

Enero - Marso 2012

Upang mapadali o mapadulas ang pag-iwas sa dagdag na gastos kaakibat ng pagpapahusay ng kalagayan sa paggawa, nagiging kaaya-aya na agnasin ang employeeemployer relation upang mahunos ang kalakhan, kundi man ang lahat, ng obligasyon ng pabrika sa mga manggagawa at mga karapatan at kagalingan nila. Sa ilalim ng Batas Paggawa ng Pilipinas, tanging ang unyon ang organisasyon ng manggagawa na kinikilala na maaaring kumatawan sa manggagawa at makipagtawaran sa kapitalista para sa mas maunlad na kalagayan sa paggawa sa loob ng pagawaan. Sa iskemang kontraktwalisasyon, pangunahing tinitibag ang karapatan ng mga manggagawa sa pag-uunyon at, kung gayon, sa sama-samang pakikipagtawaran (collective bargaining) para sa mas mahusay na kalagayan sa paggawa. Ang malaking bilang ng mga kontraktwal sa isang pagawaan ay labis na nagpapahirap sa pag-oorganisa ng isang unyon. Dahil pansamantala at walang-katiyakan ang kanilang pamamalagi sa isang partikular na kompanya, napakaikli ng pagkakataon para sila ay mapaliwanagan, ma-recruit at mapabilang sa isang unyon. Lalo na sa mga pagawaan kung saan nagsisimula pa lamang ang pag-oorganisa at wala pang nakatayong unyon, karaniwan ay natatapos na ang kanilang empleyo bago pa man sila maipaloob sa organisasyon. Kung kaya naman karaniwan nang ang naitatayo ay unyon ng mga manggagawang regular. Mahalaga ring unawain na sa kalakhan, ang aktitud ng manggagawang kontraktwal ay umiwas sa unyon dahil sa paghahangad na maging regular at sa takot na mapadali ang pagkakatanggal sa trabaho. Ito ay nagbibigay ng malaking bentahe sa kapitalista lalo na sa panahon ng pakikibaka dahil lumiliit ang porsyento ng kaya nitong pakilusin para sa pakikipagtunggali. Ipaghalimbawa na ang Ibiden Philippines, Inc., isang pagawaan ng PCB o printed circuit board, na nasa First Philippine Industrial Park sa Batangas. Sa kabuuang bilang ng mga manggagawa nito na lumalaro sa 5,000, wala pang sampung porsyento (o mas mababa pa sa 500) ang manggagawang regular, ayon sa pinakahuling pagsisiyasat. Walang unyon dito. Gayunpaman, maaari nang maunawaan kung ano ang epekto ng pagkaka-organisa ng 100 porsyento ng regular na manggagawa batay sa mga nabanggit na epekto ng kontraktwalisasyon ng paggawa na nabanggit sa unahan. Ang kawalan ng unyon o ang pagpapahina sa katayuan nito ay may katumbas na epekto sa pagpapahusay ng kalagayan sa paggawa dahil relatibong lumiliit, kundi man sadyang nawawala, ang kapangyarihan ng sama-samang pagkilos upang ipagtanggol ang karapatan at kagalingan. Nagagawa ng kapitalista na ilubog sa produksyon, alisin ang pagkakataon para sa pakikipagsalamuhaat pakikipagtalastasan, panatilihing mababa ang antas ng sahod, kawalan o minimal na benepisyo, ipagwalang-bahala ang kaligtasan at kalusugan, at maghasik ng takot sa hanay ng mga manggagawa. Ang pagkamal ng tubo ng kapitalista ay nangangahulugan ng kahirapan at pagkabusabos ng mga manggagawa. Dagdag pa, yaong mga nakapailalim sa mga labor agencies (sa ilalim ng ipinagbabawal na labor-only contracting), ay dumaranas pa ng ikalawang antas ng pagsasamantala dahil sa kinukuhang bahagi ng ahensya na dapat sana ay kanilang sahod o benepisyo. Manggagawa Manlilikha 8

Mga Hamon at Tungkulin Pilit na ibinabalik ng kapitalista sa madilim na panahon ang kilusang paggawa at mga manggagawa sa pamamagitan ng iskemang kontraktwalisasyon ng paggawa. Pilit na ginuguho at inaagnas nito ang kapangyarihan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng pagpawi ng relasyon sa pagitan ng manggagawa at kapitalista sa loob ng pagawaan. Ibinabasura nito ang mahabang panahon ng mahaba at mahirap na pakikibaka ng mga unang obrero para sa regular na oras ng paggawa, empleyo at demokratikong karapatan. Sa harap ng paglaganap ng kontraktwalisasyon, nahaharap din ang kilusang paggawa sa mga hamon upang ipagtanggol ang kanyang katayuan at karapatang mag-organisa. Sadyang mahirap pa sa kasalukuyan ang pagharap dito pangunahin dahil ang mga batas, patakaran at pamantayan sa paggawa ay nakapabor sa interes ng kapitalista habang nananatiling ang lakas ng pakikipaglaban ng manggagawa para mapaunlad ang kalagayan sa pagawaan ay nakasalalay sa pagkakatayo ng unyon . Dahil dito, mahigpit na kinakailangang ipagpatuloy ang gawaing pag-oorganisa at pagpapakilos upang hindi tuluyang malusaw ang kapangyarihan ng organisadong lakas ng manggagawa. Kinakailangang patuloy na likhain at patibayin ang ugnayan sa pagitan ng mga regular at kontraktwal na manggagawa sa loob ng pabrika. Naging magandang karanasan dito ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Golden Will Fashion, Inc., isang pagawaan ng kasuotan sa First Cavite Industrial Estate, Dasmarias. Upang palakasin ang unyon sa gitna ng malaking bilang ng kontraktwal, ipinaglaban nito ang katayuang regular ng mga manggagawang matagal nang nagtatrabaho sa pabrika subalit nananatiling kontraktwal ang katayuan. Napagtagumpayan nila ito sa pamamagitan ng pagsakop sa kanila sa pagtatayo ng unyon at pagsasampa ng kaso sa DOLE. Sa pamamagitan din ng pagsasampa ng kaso sa DOLE, inilaban ng mga manggagawa ng Dae Duck at URC ang katayuang regular ng mga manggagawang kontraktwal kahit pa sila, diumano, ay mga kontraktwal na nakapailalim sa mga labor agency. Bagamat walang katayuan upang makipagtawaran sa kapitalista para sa maayos na kalagayan sa paggawa sa loob ng pabrika, makakatulong sa pagbibigay ng karanasan sa organisasyon at pagpapatibay ng kagustuhang makapag-unyon ang pagtatayo ng ibat ibang samahan ng manggagawa sa loob ng pabrika, sa kanilang lugar-panirahan at iba pang larangan. Maaari pang mag-aral at sumubok ng ibat ibang pamamaraan. Mahirap at mapanghamon ang kasalukuyang kaayusan sa paggawa. Ang mahalaga, kinakailangang ipaglaban at ipagtanggol ang mga tagumpay ng buong kilusang paggawa para sa maayos, ligtas at disenteng kalagayan sa paggawa at lipunan.
[1] Global Employment Trends 2012 Preventing a Deeper Job Crisis, International Labor Organization, Geneva [2] The 2011 Employment Situation (The Year In Review), Labstat Updates, Bureau of Labor Employment & Statistics, January 2012 [3] Statistics on Non-Regular Workers, 2010 Survey of Employment in Philippine Industry and Services Sectors, Labstat Updates, Bureau of Labor & Employment Statistics, February 2012 [4] Batay sa payroll ng 30 Hunyo 2010 ng 6,780 establisyementong labas sa larangan ng agrikultura, ibid.

Enero - Marso 2012

Lathalain

Trainees: Mga Mag-aaral O Manggagawa?


Kung ikaw ay manggagawa o di kaya ay manininda sa paligid ng economic zones o nagpapaupa kaya ng mga boarding houses sa mga manggagawa, madalas mo siguro silang makita. Bata pa ang hitsura. Ika nga e, mga totoy at nene pa ang tawag sa kanila. Araw-araw mo siguro silang nakikita, iba-iba ang mukha at anyo pero iisa ang nakasulat sa unipormeng sa tantya mo ay dalawa o tatlo lamang na pinagpapalit-palitan sa loob ng isang lingo TRAINEE. Kung bibigyan natin ng pakahulugan ang trainee, ibig sabihin nito ay silang mga sinasanay para sa isang partikular na gawain o trabaho (sa mga eksaktong salita ni Webster at Merriam, one that is being trained especially for a job). Gayundin ang katayuan ng mga kabataang ito sa loob ng pabrika kung sila ay tinatanong, ang sagot nila sila ay trainees. Kahit nga mga manggagawa mismo sa loob ng pagawaan, ang tawag nila sa mga kabataang ito ay mga trainees, mga nag-o-OJT. Pero paano mo nga ba sila tatawagin nang naaayon sa batas? Ano ang pagkakaiba nila sa mga manggagawa sa loob ng pagawaan? Trainees sa ilalim ng Labor Code Kung kukunsultahin natin ang Batas Paggawa ng Pilipinas (Labor Code of the Philippines), wala tayong makikitang depinisyon ng trainee. Ang pinakamalapit sa katayuan ng mga trainees ay LEARNERS. Nilinaw ng Batas Paggawa ang learner na pawang mga indibidwal na inempleyo bilang mga trainee sa mga semi-skilled na trabaho sa loob ng pagawaan kung saan ang trabaho ay hindi maaaring ipagawa sa apprentice at ang trabaho ay maaring matutuhan sa loob ng maiksing panahon sa pamamagitan ng praktikal na pagtatrabaho sa loob ng pagawaan na hindi tatagal ng tatlong buwan. Ayon sa mga manggagawang nakapanayam natin kung saan may mga trainees sa loob ng pagawaang kanilang pinagtatrabahuhan, walang pagkakaiba ang trabaho nilang manggagawa sa mga trainees bagkus kadalasan ay mas mabigat pa nga. Ganito ang naging karanasan ni Jane (hindi tunay na pangalan) nang siya ay mag-aral/ magtrabaho sa ilalim pa ng Chopil Manpower Institute, mas kilala sa tawag na Chopil, may isang taon na ang nakalilipas. Unang nakilala ang Chopil nang ito ay Chopil Manpower Services pa na nagsusuplay ng mga kontraktwal na mga manggagawa sa mga pabrika ng electronics sa loob ng Cavite Economic Zone (CEZ) tulad ng Keyrin, ACE Mannix, Hye Sung, Star Sound, at iba pa. Trainees sa loob ng pagawaan Sa kwento ni Jane, kasama niyang narekrut sa Chopil ang mga kababaryo mula sa kanilang probinsiya. Ayon sa nagrekrut sa kanila, sila ay mag-aaral dito sa Cavite at pagkatapos ay makakatanggap sila ng certicate na maari na silang magtrabaho at makapasok sa mga kumpanya. Umabot po ako ng mahigit 1 month sa training bago ma-deploy sa isang kumpanya ng electronics. Hanggat walang madedeployan ang trainee, nasa loob lang siya ng Chopil. Kaya pwedeng ang training ay 2 linggo lang o pwedeng umabot ng hanggang 2 buwan. 10 Manggagawa Manlilikha

gusali ng Chopil at kaakibat na anunsyo, WAC photobank

gusali ng NCST at logo mula sa kanilang website

Ang on-the-job-trainees ng Chopil ay kinakailangang makumpleto ang training period na umaabot ng 15 buwan kung saan ang unang buwan ay training sa loob ng Institute at matapos ay 12 buwang on-the-job-training sa mga pabrikang dedeployan nila at panibagong 2 buwang training sa Institute matapos nito. Sabi po nila may graduation at may certicate, pero yung mga nauna po sa akin, ang sabi nila hindi pa sila nakaka-graduate at wala pang certicate dahil ang sabi raw po sa kanila ay hihintayin muna makatapos kaming lahat bago magkaroon ng graduation at certicate, sabi ni Jane. Nangako rin ang nagrekrut kina Jane na may allowance na ibibigay ang Chopil sa kanila para sa pagkain habang nag-aaral. Sinabi rin diumano nito na may boarding house silang matitigilan ngunit sila na ang kailangang magbayad nito. Sa loob ng unang apat na buwan na kanyang pananatili sa Cavite noong 2011, nakapagpadala ng P5,000 ang mga magulang ni Jane sa kanya para kanyang matustusan ang kanyang pangangailangan. Ang allowance po na natatanggap ko ay kulang pa sa pansariling pangangailangan ko. Sa unang pabrikang pinasukan ko bilang trainee may bawas agad ang allowance na tinanggap ko kahit ilang araw lang ako doon. Sa loob ng 13 days, P300 lang ang natitira sa aking pera noon,paglalahad ni Jane. Nagbabayad o hinuhulugan ng bawat trainee ang halagang P14,000 sa loob ng isang taon bilang matrikula nila sa Chopil. Sa P236.25/day na halagang tinatanggap niya sa loob ng pabrika, kakaltasan ito ng P628 matapos ang 13 araw na pagpasok sa pabrika hiwalay pa ang 2% kinakaltas ng Chopil sa kabuuang allowance sa hindi malamang kadahilanan. Dahil mga trainees, wala silang ibang benepisyo tulad ng SSS subalit mayroon daw silang insurance na nagkakahalaga ng P50,000 na sinasabi sa kanila ng mga lecturer. Magagamit daw nila ito kung sila ay maaaksidente habang nagtatrabaho sa loob ng mga pabrikang pinapasukan. Ayon din kay Jane, may mga trainees na edad 15 at 16. Kanya ring kinumpirma tulad ng iba pang trainees na nakapanayam na may dokumentong pinapirmahan sa kanyang magulang ang nagrekrut sa kanila. Kasama umano sa dokumentong pinirmahan nila na sakaling umalis sa Chopil ang trainee bago matapos ang kontrata, kinakailangan nitong bayaran ang kabuuan ng P14,000 na matrikula. 11 Enero - Marso 2012

Wala rin pong pagkakaiba ang trabaho naming mga trainees sa mga manggagawa ng pabrikang pinapasukan namin. Dahil mga trainees, mas madalas na kami ang sinisigawan ng mga bisor (supervisor) o line leader, sabi ni Jane. Kwento pa ng mga trainees, sila rin ay pinag-oobertaym ng 2-3 oras na binabayaran ng P34 o P36 kada oras subalit sa kwento ni Jane, may isang pagkakataon na pinagobertaym sila ng 4 na oras ng walang bayad ng pabrikang pinapasukan. Pinapapasok din po kami kapag holiday. Pero ang bayad sa amin parang isang karaniwang araw lang, dagdag ni Jane. Ayon kay Jane, nananatili ang ganitong kaayusan sa loob ng Chopil Institute at mga pabrikang pinapasukan ng mga trainees. Ngayong natapos na niya ang isang taong OJT sa pabrika, itinuturing na siya ngayong kontraktwal na manggagawa ng pabrikang kanyang pinapasukan bagamat kailangan pa niyang pumasok sa Chopil para sa tinatawag na advanced study. Ganito rin ang kalagayan ng mga kabataang nasa ilalim ng Dual Training System (DTS) ng National College of Science and Technology (NCST). Wala halos pagkakaiba sa ikinuwento ni Jane. Trainees sa ilalim ng DTS Ayon sa isang kabataang napailalim sa DTS, nakatali sila sa isang kontrata o kasunduan kung saan kailangan nilang magbayad ng P16,000 sa loob ng isang taon bilang matrikula. Ayon sa kanya, kung aalis siya nang hindi pa nababayaran ang sinasabing matrikula na kakaltasin sa kanyang allowance ay magiging utang ito ng kanilang pamilya sa eskwelahan na dapat nilang bayaran. Ipinapatupad ng Chopil Manpower Institute at NCST ang mga programang ito sa ilalim ng Dual Training System Act of 1994. Gayunman, malinaw na nakasaad sa layunin ng batas na ang DTS ay magpapataas lamang ng kakayahan at kaalaman ng mga indibidwal na nais pumasok sa programa na ipinapatupad sa pangunguna ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at hindi tulad ng nagaganap sa kasalukuyan. Kaya sa kabuuan, kung susuriin natin ang kalagayan ng mga trainees sa ilalim ng DTS na siya ring esensiya ng sistema ng Chopil, ang DTS ay nagiging balon ng mapagkukunan ng masunurin at napakamurang lakas-paggawa para sa mga kapitalista. Pinalalala rin ng implementasyon ng DTS sa kasalukuyang kaayusan nito ang kawalan ng seguridad sa hanapbuhay ng mga manggagawa. Sa mga pagawaang higit na marami na ang mga kontraktwal na manggagawa kaysa mga regular, mas masahol pa ang kalagayan ng mga trainees kaysa kontraktwal na mababa ang tinatanggap na sahod at walang benepisyo. Sa ganitong klaseng implementasyon ng DTS kung saan ang mga tinatawag na trainees ay higit na mabigat ang trabaho ng mga manggagawa, sinasamantala ito ng mga kapitalista na pumiga ng higit na tubo sa mga trainees sa pamamagitan ng pagpapatrabaho sa kanila ng tulad ng isang manggagawa ngunit binibigyan lamang ng allowance na katumbas ng 75% sahod ng isang karaniwang manggagawa. Kaya ngayon paano natin ituturing ang mga trainees sa inyong pagawaan, Mag-aaral o Manggagawa? 12 Manggagawa Manlilikha

Balita

Manggagawang Kontraktwal ng Daeduck, Regular Na


Pitong manggagawang kontraktwal ng Daeduck Philippines Inc. (DDPI) na matatagpuan sa loob ng Cavite Economic Zone (CEZ) sa Rosario, Cavite ang nakakuha ng inisyal na tagumpay nang ideklara ng National Labor Relations Commission Regional Arbitration Branch (NLRC RAB) IV-A na sila ay pawang mga regular na manggagawa ng DDPI. Nag-ugat ang desisyon matapos na maglakas ng loob ang mga kontraktwal na manggagawa ng DDPI na magsampa ng kaso para sa kanilang regularisasyon dahil sa pagtatrabaho nila sa nasabing kumpanya nang walang patid sa nakalipas na 2-6 taon. Nang isampa ng mga kontraktwal na manggagawang ang kanilang kaso ay ineempleyo na sila ng DDPI sa pamamagitan ng Silverpeak Manpower Services, isang manpower agency, nang hindi bababa sa isang taon. Mayroon pa sa kanila na nagkaroon muna ng direktang kontrata sa DDPI at pagkatapos ng limang buwan ay saka inilipat sa agency. Ang pabor na desisyon ng NLRC RAB IV-A na lumabas noong Agosto 17, 2011 ay kinapalooban din ng pagbabayad sa kanila ng management ng DDPI ng wage differentials, kakulangan sa mga ibinayad sa 13th month pay, at service incentive leaves pay. Kasabay nito, idineklarang isang labor-only-contractor (LOC) na iligal sa batas ang Silverpeak Manpower Services. Bagamat pabor ang desisyon, iniapela naman ito ng DDPI management sa punong tanggapan ng NLRC sa Quezon City habang ang mga nabanggit na mga kontraktwal na manggagawa ay tinanggal noon pang Oktubre 2011 matapos silang awtomatikong ipaloob sa isa pang manpower agency ang Maximum Solution Corporation (MSC) dulot ng biglang paglaho na parang bula ng Silverpeak Manpower Services kung saan hindi na matagpuan ng mga manggagawa ang opisina nito sa mga inirehistrong pahatirang-sulat nito. Nang tanggalin ang mga manggagawang kontraktwal sa loob ng pagawaan, kasunod lamang ito ng pagtatanggal din sa pabrika ng mga opisyales ng unyon ng Daeduck Employees Union (DEU) na siyang sumuporta sa kanila upang ipursigi ang kaso ng regularisasyon. Iginiit ng MSC na sila ang may karapatang magtanggal sa manggagawang kontraktwal kahit pa may nauna nang desisyon ang NLRC RAB IV-A at idinahilang lumiit ang order ng DDPI sa kabila ng pagpapasok ng MSC ng bagong manggagawa. Sa kasalukuyan, dinidinig pa rin ang apela ng DDPI sa kaso ng mga nabanggit na kontraktwal na manggagawa kasabay rin ng pagharap nito sa kasong isinampa sa NLRC RAB IV-A ng 15 iba pang kontraktwal na manggagawa para sa kanilang regularisasyon na pawang mga tinanggal din ng management. Isinampa rin ng nabanggit na 23 na manggagawa sa NLRC ang dagdag na kaso ng illegal dismissal laban sa DDPI.

Enero - Marso 2012

13

Ika-Isang Taon Ng Pagpaslang Kay Baccay, Ginunita


Ginunita sa pangunguna ng Solidarity of Cavite Workers (SCW) kasama ang naulilang pamilya, mga kaanak, at kapwa manggagawa ang unang taong paghahanap ng hustisya sa pagpaslang kay Celito Baccay sa pamamagitan ng paglulunsad ng isang misa at aksyong protesta kasabay ng ika-101 Anibersaryo ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Kababaihan nitong Marso 8, 2012 sa Langkaan, Dasmarias. Sinimulan ng SCW ang paggunita sa araw ngkamatayan ni Baccay sa umaga ng Marso 8 sa pamamgitan ng pamamahagi ng mga polyeto sa mga manggagawa sa Cavite Economic Zone (CEZ) sa Rosario, Cavite bago tumulak sa nakatakadang misa ng 9:00 ng umaga sa Langkaan. Nag-alay rin ng maiksing panalangin sa lugar na mismong kinabuwalan ni Baccay kasabay ng pagtitirik ng kandila at plakard na nananawagan ng hustisya ang mga lumahok pagkatapos ng misa. Matapos ang misa at pag-aalay ng panalangin, nagmartsa sa kanto ng Langkaan ang mga manggagawang pinangunahan ng SCW at naglunsad ng maikling programa upang suportahan ng mga mamamayan ang paghahanap ng katarungan sa napaslang na lider-organisador na si Baccay. Matatandaang noong gabi ng Marso 8, 2011 nang barilin at mapaslang si Baccay habang minamaneho ang kanyang motorsiklo pauwi ng kanilang bahay sa Carmona mula sa Maeno Giken Inc. na matatagpuan sa First Cavite Industrial Estate (FCIE). At hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring nahuhuli at nakakasuhan sa pagpatay kay Baccay o di kayay inilalabas na opisyal na investigation report ang mga awtoridad. Si Baccay ay isang lider-organisador na siyang nagtatag ng MAGIKWO kaya, naniniwala ang mga katrabaho ni Baccay sa pinasukang pabrika maging ang SCW na ang pagpatay sa kanya ay may kinalaman sa paguunyon ng mga manggagawa sa kanilang pagawaan. 14 Manggagawa Manlilikha Enero - Marso 2012 15

Iba Pang Larawan Ng Pagkilos At Protesta

Balita

Talakayan Hinggil Sa OSHS At ECP, Ginanap

Naglunsad ang Workers Assistance Center (WAC) ng isang talakayan hinggil sa Occupational Safety and Health Standards (OSHS) at Employees Compensation Program (ECP) noong ika-25 ng Marso 2012 sa Bahay Manggagawa Sapa 1, Rosario, Cavite. Inorganisa ng WAC ang nasabing talakayan upang simulan ang isang kampanyangedukasyon hinggil sa usapin ng kaligtasan at kalusugan ng mga manggagawa sa loob ng pagawaan. Dinaluhan ito ng mga lider-manggagawa sa pangunguna ng Solidarity of Cavite Workers (SCW) at mula sa mga unyon na nakakaugnayan ng WAC. Magandang pagkakataon na inilunsad ang talakayang ito dahil karaniwan nang hindi pinag-uusapan o pinapansin ng mga manggagawa ang usaping pangkalusugan at pangkaligtasan sa loob ng kanilang pagawaan. Nagiging isyu lamang ito sa kanila sa panahong sila ay nagkakasakit at naaaksidente. At kapag sumapit naman ang ganitong pangyayari, hindi naman nila alam kung kanino tatakbo at kung ano ang gagawin,ani Jojit De Guzman, Pangkalahatang Kalihim ng SCW. Ayon pa sa SCW, sa kanilang karanasan ang alam lamang na karapatan ng mga manggagawa sa usapin ng kanilang pagtatrabaho sa loob ng pagawaan ay ang usapin ng kanilang sahod, benepisyo, kalayaan sa pag-oorganisa at pagwewelga. Ang usapin sa kaligtasan at kalusugan ay naisasantabi at limitado, kundiman mangmang ang mga manggagawa sa usaping ito na isang batas na dapat tiyaking nasusunod ng mga kumpanya. Sa mahabang karanasan natin sa pakikipag-ugnayan sa mga manggagawa, hindi nila alam ang tungkol sa OSHS at ito ay nakapaloob sa batas na dapat sundin ng mga kumpanya bago pa man sila magsimula ng kanilang operasyon. Tulad halimbawa ng ECP, walang manggagawang nakakaalam na ito ay ipinapatupad ng SSS at may makukuha silang suporta mula rito sa panahon na sila ay nagkasakit o naaksidente na may kinalaman sa kanilang trabaho. Si Jerry Valecruz, Secretary ng Cavite Association of Safety Practitioners (CASP) ang nagtalakay kaugnay ng aksidente sa loob ng pagawaan na isang bahagi ng kurso sa OSHS. ( sundan sa susunod
na pahina)

16

Manggagawa Manlilikha

Balita

Kontraktwal Na Manggagawa, Panalo Laban Sa URC


Nakakuha ng paborableng desisyon si Magilene Ocray, dating manggagawang kontraktwal ng Universal Robina Corporation (URC) sa loob ng First Cavite Industrial Estate (FCIE) sa Langkaan, Dasmarias City matapos niyang magsampa ng kaso dulot ng iligal na pagtatanggal sa kanya ng kumpanya noong ika-31 ng July 2009. Tinanggal si Ocray sa pagawaan kasama ang hindi bababa sa 300 manggagawa sa ilalim ng Production Synergy Booster Inc. (PSBI), isang manpower agency dahil tapos na diumano ang kontrata ng mga manggagawa. Si Ocray ay nagtatrabaho na sa URC simula pa noong Oktubre 13, 2005, bagamat pinalalabas ng URC na PSBI ang totoong employer ni Ocray. Nagsampa si Ocray ng kaso noong Agosto 2009 sa National Labor Relations Commission Regional Arbitration Branch (NLRC RAB) Region IV-A. Nakakuha siya ng paborableng desisyon mula kay Labor Arbiter Danna Castillon noon pang August 31, 2010 kung saan kasama sa desisyon ng NLRC RAB IV-A ang pagpapabalik sa kanya sa trabaho (reinstatement) bilang isang regular na manggagawa ng URC at iba pang kaukulang mga kabayaran na dapat tanggapin ng isang manggagawa. Bagamat iniapela ng URC management ang desisyon sa NLRC RAB IV-A sa pambansang tanggapan nito sa Lungsod Quezon, kinatigan pa rin ng komisyon ang desisyon ng labor arbiter. Dahil sa pagkatalo, nakipagkasundo na lamang ang URC management na bayaran na lamang si Ocray ng halagang isinasaad sa desisyon dagdag pa ang separation pay na bandang huli ay binawi rin ng kumpanya. Sa kasalukuyan ay iniapela ng URC ang desisyon ng NLRC sa Court of Appeals na hindi payagan ang pagpapatupad ng desisyon ng komisyon. Bagamat ganito, nakakuha na rin ng pang-unang bayad o backwages si Ocray mula sa mga paborableng desisyon ng NLRC.

mula sa pahina 16, ...Hinggil Sa OHS at ECP...)

Samantala si Bb. Rowena Dayrit ng SSS naman ang nagtalakay hinggil sa mga benepisyong hatid ng SSS kasama na ang ECP na isang programang kanila ring ipinatutupad. Ayon kay Dayrit, Ang Employees Compensation Benets ay nagmumula sa P10 o P30 na kasama ng kontribusyon na binabayaran ng mga manggagawa SSS buwanbuwan. Dito kinukuha ang halaga na maaaring ibigay sa mga manggagawa sa panahon na siya ay nagkasakit, naaksidente, o namatay na may kaugnayan sa kanyang trabaho bukod pa sa Sickness Benet na ipinagkakaloob ng SSS. Nagpahayag ng pag-asang magtutuluy-tuloy ang simulaing sanayin ang mga manggagawa hinggil sa OSHS ang DOLE Cavite sa pamamagitan ni Bb. Lorna Gonzales na nakaugnayan ng SCW

Enero - Marso 2012

17

Balita

CBA Ng Unyon Ng Murase, Aprubado Na

Inaprubahan ng National Labor Relations Commission Regional Arbitration Branch (NLRC RAB) IV-A ang Collective Bargaining Agreement (CBA) ng Samahang Manggagawa ng Murase Hotel Care Corporation (SMMHCC) nitong January 30, 2012. Bago isampa ng SMMHCC sa compulsory arbitration ang CBA sa NLRC RAB IV-A, dinala muna ng unyon ang kaso sa National Conciliation and Mediation Board (NCMB) sa Imus para sa preventive mediation noong August 2010 dahil sa pagtanggi ng management na humarap sa negosasyon sa CBA. Sa NCMB, dalawang ulit lamang sinipot ng kinatawan ng kumpanya ang paguusap subalit pawang mga empleyado lamang ang mga ito at walang kapangyarihang magdesisyon sa usapin. Nabuo ang SMMHCC noon pang Mayo 12, 2009 at nanalo sa isang Certication Election (CE) noong Mayo 27, 2009. Simula pa Hunyo 21, 2009, isinumite ng unyon sa management ang kanilang proposal sa CBA ngunit hindi sila hinaharap nito. Ayon sa desisyon ng NLRC Region IV-A, dahil napatunayang guilty ang Murase ng unfair labor practice dulot ng pagtanggi nitong harapin ang unyon sa negosasyon sa CBA, ang CBA proposal ng unyon ay ang aprubadong CBA sa loob ng limang taon mula July 2010 hanggang 2015 na dapat ipatupad ng unyon ay management ng Murase. Nagsimula ang pag-uunyon ng mga manggagawa sa Murase Hotel Care Corporation (MHCC) noon pang taong 2007 dahil sa hindi paghuhulog ng kumpanya sa premiums ng SSS, Pag-ibig, at Philhealth sa mga manggagawa gayong awtomatiko itong kinakaltas sa sahod nila. Ang MHCC ay matatagpuan sa Cavite Economic Zone (CEZ) sa Rosario, Cavite. Ito ay pag-aari at pinatatakbo ni Norikazu Morase, isang dayuhang Hapones. Nagsimula ang operasyon ng kumpanya sa CEZ taong 1996 ngunit nauna nang nagbukas sa Paraaque noong 1994 at lumipat sa Carmona, Cavite makalipas ang isang taon. Ang kumpanya ay nagsusuplay ng sabon, shampoo, at ibat-ibang gamit panligo sa mga hotel. Ang mga produkto nito ay dinadala sa ilang lokal na hotel tulad ng Kartini, Victoria, at Sogo at maging sa mga hotel sa bansang Hapon. Bukod sa hindi pagharap sa kanila sa negosasyon sa CBA, nagsampa pa ang kompanya ng application for exemption sa Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWP) Region IV-A nang itaas ang minimum wage noong Enero 2010 mula sa dating P298 tungong P315 kada araw sa dahilang nalulugi diumano ang kumpanya. Subalit ayon sa mga manggagawa, iligal na ginamit ng management ang kanilang pirma para isampa sa RTWPB ang wage exemption noong Pebrero 16, 2011. Bagamat napakabilis na pinayagan ng RTWPB ang application for exemption, nabaliktad naman ito matapos maghain ng motion for reconsideration ang unyon dahil sa hindi pagsunod ng Murase sa proseso gaya ng pagpapaabot sa unyon bilang workers representative, na itinatakda ng batas. Sinabi sa October 3, 2011 Order na dapat iayos ng management ang arawang sahod ng mga empleyado ayon sa isinasaad ng wage order no. IV-A. Nagapela pa ang MHCC sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) pero na-dismiss din ito at kinatigan ang October 3, 2011 Order ng RTWPB. 18 Manggagawa Manlilikha

Balitrato
---kontribusyon mula sa tanggapan ng CEZ Zone Administrator, Atty. Norma B. Cajulis. Hindi kabilang sa mga dumalo sa nasabing seminar ang mga kinatawan ng unyon at manggagawa.

ISTATISTIKA

Kalagayan Ng Trabaho Noong 2011


(sa milyong bilang)
40 35 30 37.2

walang trabaho

25 20 15 10 5 0

7.2

2.8

Pagkakabahagi ng Labor Force na 40 milyon

Ang nasa labor force ay yaong mga 15 taong gulang pataas na mayroon o walang trabaho maliban sa mga hindi naghahanap ng trabaho dahil sa ibat ibang kadahilanan tulad halimbawa ng mga maybahay na misis, estudyante, may kapansanan at retirado na. pinagkunan: Bureau of Labor Employment & Statistics - DOLE, 2012

25 20.5 20

sumasahod mula sa kamaganak na kasambahay

kulang ang trabaho

15

11.0

10

4.3

1.4

Pagkakabahagi ng May Trabaho Batay sa Klase ng Manggagawa Enero - Marso 2012 19

nagtatrabaho sa negosyo ng pamilya nang walang sahod

sahurang manggagawa

may trabaho

may sariling negosyo

Balita

Empleyadong Inakusahan Ng Pagnanakaw, Napawalang-Sala

Nanalo si Sheryll Dayao, isang import-export staff laban sa kumpanyang kanyang pinapasukan na Park Apparel Manufacturing Corporation na matatagpuan sa loob ng Cavite Economic zone (CEZ) matapos siyang iligal na tanggalin nito sa trabaho noong Enero 23, 2010. Nagsampa si Dayao ng kasong illegal dismissal sa opisina ng National Labor Relations Commission Regional Arbitration Branch (NLRC RAB) IV-A noong Pebrero 23, 2010 matapos na tanggalin siya ng Park Apparel management dahil naiwala diumano ni Dayao ang halagang P200,000 na pambayad sana ng kumpanya sa import/export duties nito. Una nang natalo sa NLRC RAB IV-A ang kaso ni Dayao matapos na i-dismis ni Hon. Labor Arbiter Renell Joseph Dela Cruz noong Setyembre 30, 2010 dahil diumano sa kawalan ng merito ng kaso. Iniakyat ni Dayao ang kaso sa punong tanggapan ng NLRC sa Quezon City para iapela ang kanyang kaso. Idinepensa ni Dayao ang kanyang sarili sa akusasyon ng management sa paggigiit na walang naganap na honest to goodness na imbestigasyon ukol sa kanyang kaso. Gayundin na sa loob ng mahabang taon ng kanyang pagtatrabaho sa kumpanya ay hindi siya nakawala ni isang sentimo at higit na malalaki pa kaysa sa ibinibintang sa kanyang nawawalang halaga ang kanyang mga nahawakan sa kanyang pagtatrabaho. Lumabas ang desisyon ng komisyon ng NLRC noong July 29, 2011 pabor kay Dayao. Sa desisyon ng komisyon, si Dayao ay ginawaran ng reinstatement without loss of seniority rights and privileges at backwages mula nang siya ay tanggalin sa trabaho hanggang sa aktwal na pagpapabalik sa kanya sa trabaho (reinstatement). Pinababayaran din ng komisyon sa Park Apparel management ang attorneys fees ni Dayao. Balitrato

20

Manggagawa Manlilikha

Usapang Legal

Ang DOLE Department Order 18-A At Pangongontrata Sa Trabaho


Atty. Remigio D. Saladero Jr. babayaran ng agency tuwing tatlong taon. Sa ilalim ng patakarang ito, tinitiyak ng pamahalaan na ang mga agency na may sapat na kakayanan lamang ang maaring mangontrata. Iyung mga patakbuhin o y-by-night na agency ay mahihirapan nang mangontrata dahil sa taas ng capital requirement o sa taas ng registration fee. Pangatlo, sa ilalim ng D.O. 18-A, ang paulit-ulit na pagtanggap ng kompanya ng mga manggagawang kontraktuwal sa ilalim ng iisa o kahit paiba-ibang agency ay mangangahulugan na ang kompanya ay gumagawa ng labor-only contracting na ipinagbabawal ng batas. Ibig sabihin, kapag agency worker ang isang manggagawa at pagkatapos ng limang buwan ay kinuha siya ulit ng kompanya bilang agency worker na naman, indikasyon ito na ang kompanya ay nagpapairal ng labor-only contracting. Dahil dito, maaaring idemanda ng manggagaw ang kompanya at maaring ituring na regular na manggagawa ng kompanya, kahit na siya ay ipinasok ng agency. Pang-apat, inuutos din ng D.O. 18-A na ang employment contract sa pagitan ng isang contractual employee at kanyang agency ay kailangang maging kasing haba ng service contract sa pagitan ng agency at ng kompanya. Kapag mas maigsi ang employment contract ng manggagawa sa agency kaysa service contract ng agency sa kompanya, ituturing ding nagkasala ng labor-only contracting ang kompanya at magiging regular na empleyado ang mga manggagawa kahit sila ay sa ilalim ng agency. Halimbawa, kinontrata ng isang kompanya ang isang labor agency para maging tagapaglinis ng kubeta ng kompanya sa loob ng isang taon. Nagpirmahan sila ng Enero - Marso 2012 21

Nitong Nobyembre 2011, inilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) and Dept. Order No. 18-A, ang bagong alituntunin sa labor contracting. Batay sa mga press release na inilabas ng DOLE, masasabing malaking ginhawa ang maidudulot ng bagong regulasyong ito sa kalagayan ng mga manggagawang sakop ng mga agency o subcontractor. Ano nga ba ang nilalaman ng DOLE D.O. 18-A na wala sa dating batas ng umiiral tungkol sa labor contracting? Una, kailangan na ang malaking capital para maging isang lehitimong labor contractor. Para makapangontrata, kailangan munang magkaroon ng rehistro ang isang agency mula sa DOLE. Para mabigyan ng rehistro, kailangang ang isang agency ng korporasyon, partnership o kooperatiba ay may paid-up capital na hindi bababa sa P3-Milyon. Kapag ang agency naman ay isang single proprietorship, kailangang hindi bababa sa P3-M ang kanyang net worth. Kung di nila naaabot ang ganitong halaga, hindi sila maaaring bigyan ng rehistro bilang legitimate labor contractor. Matatandaan na sa lumang batas, sinasabi lamang na kailangang may sapat na kapital ang isang labor contractor, bagamat walang tiyak na halagang binabanggit. Sa ilalim ng D.O. 18-A, hinihingi na ang P3-M bilang minimum paid-up capital o minimum net worth ng labor agencies. Pangalawa, mas mataas na ang babayaran ngayon ng mga ahensiya para mabigyan sila ng rehistro bilang legal na kontratista. Maaalala na sa dating batas ay kailangan lamang nilang magbayad ng P100 bilang registration fee sa DOLE Regional Ofce para mabigyan ng rehistro. Sa ilalim ng D.O. 18-A ay P25,000 na ang registration fee na dapat ibayad ng isang labor contractor. Ang P25,000 na ito ay

isang service contract na nagsasabing sa loob ng isang taon, ang agency ang maglilinis ng mga kubeta sa kompanya. Kinuha ng agency si Juan bilang tagalinis ng kubeta. Ngunit ayon sa kontrata sa pagitan ng agency at ni Juan, tatagal lamang nang limang (5) buwan ang serbisyo ni Juan. Hindi puwede ito, ayon sa D.O. 18-A. kailangang ang kontrata ni Juan at ng agency ay maging kasinghaba din ng service contract sa pagitan ng agency at ng kompanya. Sa medaling sabi, kailangang maging isang taon din. Dahil sa nilabag ang ganitong patakaran, ituturing ang kompanyang nagkasala ng labor-only contracting at maging regular na empleyado nito si Juan. Panglima, kapag may unyon sa kompanya ngunit pinakontrata pa rin ng huli ang ibang gawain at gumamit ito ng agency para rito, obligadong ipakita ng kompanya sa unyon ang service contract sa pagitan ng kompanya at ng agency. Obligado ring ipakita ng agency sa unyon ang employment contracts ng contractual employees na kinuha ng agency. Iniuutos ng D.O. 18-A ang ganitong patakaran at anumang paglalabag ay ituturing na laboronly contracting. Sa madaling sabi, kailangang bigyan ng kompanya ang unyon ng kopya ng mga kontrata kaugnay sa pagsu-subcontract na ginagawa ng kompanya. Sa pamamagitan nito, mapaghandaan ng unyon ang anumang masamang balak ng kompanya. Kapag hindi nagbigay ng kopya ng kontrata ang kompanya, ituturing siyang gumagawa ng labor-only contracting at dahil ditoy magiging regular na ang lahat ng contractual employees ng kompanya. Pang-anim, sinasabi rin ng D.O. 18-A n kailangang hindi lalagpas ang bilang ng mga contractual o agency employees sa bilang na nakasaad sa collective bargaining agreement (CBA), kung meron man. Ibig sabihin, maaaring magkaroon ng kasunduan ang unyon at ang kompanya 22 Manggagawa Manlilikha

kung ilang manggagawa ang maaaring ipasubcon ng kompanya o ibigay sa agency o labor contractor. Hindi maaaring sumobra ang kompanya sa pinagkasunduang bilang. Kung lumabag dito ang kompanya, ituturing itong nagkasala ng labor-only contracting at ang agency workers na kanyang kinuha ng labag sa kasunduan ay ituturing na regular na manggagawa ng kompanya. Yun ang mga importanteng pagbabago sa batas ng labor contracting na dinuloy ng D.O. 18-A sa ilalim ni Secretary Rosalinda Baldoz. Ngunit ang susunod na tanong ay ganito: Ito ba talaga ang gusto ng mga manggagawa natin? Ang D.O 18-A ba ang tugon sa kanilang pagtutol laban sa contracting-out ng trabaho? Ang sagot ay hindi. Ang nais ng mga manggagawa ay tuluyang mawala ang contracting-out of labor sa anumang uri at anyo. Sa ilalim ng D.O. 18-A, patuloy pa ring pinapayagan ang job contracting at ang pinagbabawal lamang ay ang laboronly contracting. Nais nating mapawi ang lahat ng pangungontrata sa paggawa, ma-job contracting man ito o labor-only contracting. Totoong pinaigting ng D.O. 18-A ang pagbabawal sa labor-only contracting, ngunit patuloy naman nitong kinakandili ang job contracting. Kaya mangangahulugan pa rin ito nang patuloy na paglilipana ng mga labor agency at patuloy na paglaganap ng contracting-out sa trabaho. Ang matagal nang hinihintay ng mga manggagaway isang batas na magbabawal sa lahat ng uri at anyo ng pangungontrata sa trabaho. Ang D.O. 18-A ay maituturing na isang palamuti lamang, ngunit hindi ito ang tugon sa matagal na nilang hinaing.
Inilathala nang may pahintulot mula kay Atty. Saladero; Nalathala sa kanyang kolum na Husgahan Natin sa Pinoy Weekly Online noong 10 Pebrero 2012

Repleksyon

Landas Tungong Regularisasyon

Ako si Jhovz, galing sa lalawigan ng Neuva Ecija. Kagaya ninyo iniwan ko ang aking probinsya dala ang pag-asa na maiba naman ang takbo ng buhay, hindi upang takasan ang buhay sa probinsya, bagkus ay mapabu lamang ito. Nangahas akong dumayo at makipagsapalaran upang maghanapbuhay dito sa Cavite sa pag-aakalang maganda ang hanapbuhay dito kahit ang kahulugan pa nito ay malayo sa aking mga mahal sa buhay. Pumasok akong manggagawa sa Daeduck Philippines Inc. bilang kontraktwal. Bilang manggagawang kontraktwal sa pabrikang aking pinagtrabahuhan sa loob ng kulang anim na taon, umasa akot nangarap na isang araw ay magiging regular ang katayuan sa pabrikang pinagtatrabahuhan. Maximum Solu ons Corpora on ang huling agency na humawak sa amin habang nagtatrabaho sa loob ng Daeduck dahil ang sinundan nito na Silverpeak Manpower Agency ay kahina-hinalang nagsara nang kami ay tumindig at naghangad ng pagiging regular. Sa haba ng taon at pagpapalit ng agency, hindi kailanman naputol ang pagtatrabaho ko sa loob ng Daeduck kulang na nga lang ay pumasok ako kahit nagkakasakit at hindi makabangon. Sa pagtatrabaho ko sa Dadeduck bilang kontraktwal na manggagawa, nakita at naranasan ko na iba ang trato sa aming mga manggagawang kontraktwal. Bukod sa pagkakaiba sa sahod at benepisyo namin kumpara sa mga regular na manggagawa, ramdam namin ang diskriminasyon o hindi pantay na pag ngin sa aming mga kontraktwal. Sa isang banda, ang mababang pag ngin na ito sa a ng mga kontraktwal rin ang nagtutulak sa a n upang patuloy na asamin ang pagkakaroon ng regular status sa trabaho kaya anumang sabihin sa a n, sinusunod na n. Hindi na n nalalaman na karapatan pala na ng maregular at labag sa batas ang nagaganap na iskemang labor-only-contrac ng sa mga pagawaan. Pero tulad din ninyo ako noon, walang alam sa aking mga karapatan at may pangambang kapag hindi pinaniwalaan at sinunod ang mga bagay na sinasabi ng mga nakatataas sa a n ay mawawalan tayo ng trabaho. Bu na lamang at may unyon sa aming pagawaan. Sa pamamagitan ng unyon, nakilala ko at ng mga kasama ko pang kontraktwal ang solidarity of Cavite Workers (SCW) at Workers Assistance Center (WAC) na siyang naglinaw sa amin ng aming kalagayan at ang pangangailangan ng lakas ng loob para baguhin ang umiiral na maling kalakaran. Mahabang panahon din ang ginugol naming para kumbinsihin ang sarili magpasya. Pero hindi kasing haba ng pamamalaging kontraktwal sa loob ng kumpanya. Ang naisip ko na lang, kung wala akong gagawin ngayon, baka sisihin ako ng magiging mga anak kapag nalaman nilang wala akong ginawa sa panahon ko upang pabu hin ang sitwasyon para hindi ibayong hirap ang dinaranas nila. Dagdag pa, sa bawat taon na i natagal naming sa loob ng pabrika at nanana ling kontraktwal, lalong tumi ndi ang aming pangamba na mawalan ng trabaho dulot ng humihinang pangangatawan dulot ng mahirap na trabaho at pagkakaroon ng edad. Lalo na sa panahon ngayon na paglampas mo ng edad 25, mahirap ka ng matanggap sa trabaho. Kaya nabuo ang pasya namin. Kailangang hamunin ang sitwasyon, kailangang hamunin ang batas! Kaya kami ay nagsampa ng kaso para sa aming regularisasyon sa loob ng pagawaan sa Na onal Labor Rela ons Arbitra on Branch (NLRC RAB) IV-A sa Calamba, Laguna. Gayunman, malinaw sa aming mga magkakasama na hindi magiging madali ang papasukin naming laban at ang labanan sa kaso ay inaabot ng taon. Bagamat inabot namin na matanggal sa trabaho, ( sundan sa pahina 25) Enero - Marso 2012 23

Repleksyon

Sentimyento
(Monologue Ng Isang Manggagawa) Bok Ordoez

Manggagawa ako Trabaho otso oras, parang wala ng bukas. Pag sinabihang over me, go go go para big me! Kayod kalabaw sa pabrika, ganyan ako, pare ayaw ko na atang magpahinga. Eh bakit kamo, i natanong mo? No choice talaga, no choice ako. Ei, sa liit ba naman ng per oras ko, kulang tres sientos, ang minimum dito. Me baby pa ako. Paano pa kong tatanggi sa extrang trabaho? Gusto mo, magkwenta pa ako? Sige Siyete mil kinyentos (7,500.00) ang natanggap ko sa isang buwang pagpapakaalipin sa pabrika ko, sanlibot lima na dito ang sa renta ng bahay ko, limandaan ang sa LPG, dalawandaan sa tubig, tatlong daan sa kuryente, isanlibo ang pamasahe ko sa isang buwan papasok sa pabrika, isanlibo ang panggatas ng anak ko. Pang-grocery ng esmi ko para sa mga sabon at ilang gamit pang-isang buwan, nasa isang libo naman ano pa ba wala na atang na ra Aha, pangkain namin sa loob ng isang buwan! Dalawang libo na lang.. Yun ang pagkakasyahin naming mag-anak sa loob ng 30 araw! Pumapatak na ang budget namin ay 66 pesos na lang sa isang araw. Kaya niyo yun? Laking pasalamat ko nga at magaling mag-budget ang misis ko. At isa pa, ma isin at mapagpasensya sa take-home pay na iniuuwi ko, he he he. Kaya naman, hataw ako sa trabaho. Naaawa din naman kasi ako sa pamilya ko. Minsan gusto ko silang ipasyal sa mall, kapos naman ako. Gusto ko sana silang ibili ng mga bagong damit, kaso sa liit ng suweldo ko, pangarap na lang ata iyon para sa tulad kong obrero. Paano pa kaya kung magkasakit ang bunso ko? Saan kukuha si Papa ng pampaospital at panggamot niya? Ay, di ko pa masagot iyan! Malamang matutulad ako sa mga kasamahan kong nakasangla ang kanilang mga ATM sa mga pautangan. Magiging miyembro na din siguro ako sa natawag nilang LONDON! Alam niyo yun? Loan dito loan doon. LONDON! Hindi na makaahon! Hayy, buhay, sa awa ng Diyos, hindi pa naman ganun. At huwag naman sana Knock on wood nga ba? Hehehe! Medyo kinakaya pa namin ang pasanin sa ngayon kasi nga hindi pa ganun ang aming kinakaharap na gastusin. Ang inaalala ko lang ay ang future, pare. Ang future, alam mo yun? Ilang panahon pa at mag-aaral na ang anak ko, paano ko pa kaya mapapagkasya ang sinasahod ko? Kahit siguro gaano kahusay mag-budget ang misis ko, kung wala namang babadye n hindi niya kakayanin. Sa sistema pa naman ng gobyerno na n, halos ipagdamot ang dagdag na sahod! Kelan nga ba huling nagtaas? Ah ewan. Hindi ko na matandaan. Paano, di ko rin maramdaman! Magtataas ng kaun , halimbaway dose pesos, tumataas naman ang bilihin at serbisyo na mas mataas pa sa dose. Hoo! Katapus-tapusan, parang mas gugustuhin mong huwag ng magtaas ang sahod! Paano nga, pakitang-tao lang ang pagtaas, pero di naman makaagapay sa patuloy na pagtaas ng bilihin. Yun kasing RTWPB nga ba iyun..? Ang me kasalanan diyan eh! Yung Wage Board! Sila ang nagkukwenta daw ng a ng pangangailangan at nagtatakda kung magkano ang idadagdag sa a ng mga sahod! Masyado silang kampi sa mga kapitalista. Iniisip nila ang kapakanan daw ng mga iyon samantalang hindi nila naiisip ang a ng kapakanan na siyang maghapong kumakayod at nagbibigay ng tubo sa mga mamumuhunan. Ei, di ba, ang kuwenta ng NEDA, yung Economic Development Authority, halos nasa 900 pesos na ang a ng daily cost of living?Ang a ng pangangailangan sa isang araw 24 Manggagawa Manlilikha

Kung ganun, bakit ang binibigay pa din sa a n ng Wage Board ay hindi man lang umabot sa tatlong daan na minimum daily rate? Hay buhay-pinoy! Me ikukuwento pa ako sa iyo, pare nun nga palang tumama ang krisis sa bansa, nakow! Halos sampung araw lang sa isang buwan ang aming ipinapasok sa loob ng tatlong buwan. Dusa pare! Madami pa sa aking mga kasamahan, lalo na iyong mga hindi regular ang pinagbakasyon at pinagtatanggal nung nagkabawasan. Ayun, kaya lalo silang nalubog sa LONDON! Mabu na lang nga at nasuportahan pa kami ng mga magulang namin ni esmi. Suwerte lang kami ng kon kumpara sa iba kong kasamahan. Kasi me mga magulang pa kaming mababait he he he. Ang inaalala ko nga, paano kung isa ako sa for life ang ginawang pagpapabakasyon? Ano na ang magiging buhay namin ng pamilya ko? Hirap pa namang makahanap ng trabaho sa panahon ngayonkailangan mo ng dumaan sa mga ka-partner na agency ng mga kumpanya. Nang sa gayon, hindi na tayo magiging regular sa pabrika. Regular na lang tayong nawawalan ng trabaho kada limang buwan. Tama ba naman iyon? Hayy, ayokong maging mapanisi sa gobyerno pero, ang ganitong sistema kanino ba na n dapat ipukol na kasalanan? Di ba sa kanilang mga namumuno? Hindi naman iiral ang ganitong sistema ng kontraktwalisasyon kung hindi pahihintulutan ng gobyerno, di ba? Kaya tuloy, nagkalat ang mga agency sa palibot ng mga sonang pangekonomiya. Nag-iiskrin ng mga kabataang uhaw sa trabaho dahil sa hirap ng buhay dito. Ang mga agency ay parang mga buwitre na nag-aabang ng inosenteng masisila! Wala na hindi na siguro magkakaroon ng lakas ang mga manggagawa na maiparinig ang aming mga nig para mabago ang kalagayan namin. Biruin mo, manggagawa ka ng isang pabrika pero ang amo mo pala ay iyong agency na siyang nagpapasahod sa iyo! Tama ba naman iyon? Paano kaya kung madisgrasya ka sa loob ng pabrika, sino ang sasagot? Ah, siguro, yung agency! Sana naman pare, sa kasalukuyang administrasyon, maikunsidrera itong aking mga sen myento at kahit paano ay mabago ang aming kalagayan. Ayokong mawalan ng trabaho pero gusto ko namang maging disente ang aking natanggap na sahod. Iyun bang makakasapat sa pamumuhay ng aking pamilya. At siyempre, ang ka yakan sa hanapbuhay hindi iyong basta na lang tanggalin dahil sa kalagayang kontraktwal o agency worker. Sana mawala na ang mga kontraktwal at ang lahat ay maging regular na, di ba? Yun naman ang tama di ba? Ano, pare, ayos ba ang aking kahilingan ke P-noy?

mula sa pahina 23, Landas Tungong Regularisasyon)

napatunayan naming tama ang aming hakbangin dahil nanggal lamang kami makalipas ang isang buwan na kami ay idinedeklarang manggagawa ng Daeduck noong Agosto 2011. Kaya mga kapwa kong manggagawa na pawang mga kontraktwal sa loob ng isang taon o higit pa sa iisang pabrika, tayoy tumindig at magkaisa laban sa abusadong kapitalista. Maramihan na ng isampa ang kaso para sa a ng regularisasyon sa tanggapan ng gobyerno na dapat nagtatanggol at nangangalaga sa a ng karapatan at kapakanan. Tayong mga uring manggagwa ay higit na malakas kaysa kapitalista, kung tayo ay sama-sama, nagkakaisa at organisado. Ipaglaban na n ang karapatan sa hanapbuhay na makakamit lamang kung tayo ay lalaban. Ipaglaban na n ang karapatan sa hanapbuhay. Laban uring manggagawa. Enero - Marso 2012 25

Kwento Ng Kasalukuyang Kalagayan


Marie Ann Garcia/BUDZ Madaming nangangailangan, madaming nag-aagawan Tuwing may Job Fair na mababalitaan Ito ang kalagayang karaniwang nararanasan Ng karamihan sa atin Hirap makipagsiksikan, nakabilad ka pa sa arawan kung minsan Inaabot pa ng gutom at uhaw sa pilahan Udyok sa sarili, konti na lang at malapit na Sandali na lang ang ipag-aantay Maiabot man lamang ang resume ay masaya na Ala pa din kasiguraduhan na matatawagan Sa trabahong inaplayan Meron ba talagang inaasahan gayong wala pa itong katiyakan? Sa dami ng mga aplikante Kumpetisyon talaga simula pa lang sa examination Hanggang sa interview ay salang-sala na Unti-unti ay nababawasan pa Hanggang iilan na lang ang matitira Sitwasyong ganito, baon ng bawat isa ay tatag ng kalooban Iniisip at inspirasyon ay pamilya Na umaasa na magkaroon ng magandang kinabukasan Ang iba ay galing pa sa malalayong lugar Dumayo upang makipagsapalaran Pera pa ay pangutang din lamang Tipid na tipid at kalkulado ang dapat gastusin Ito na,,,,hawak ay kontrata Nakapaloob ang limang buwang pagsusumikap sa loob ng kumpanya Ngunit andun pa din ang pangamba Pagkat di talastas ang sistema nitong kapitalista
November 30, 2009

26

Manggagawa Manlilikha

Sa Kuko Ng Kontraktwalisasyon
Jovener Valdez Kaibigan, bilanggo ka ba ng pag-asa pag-asa na sanay magkaroon ng tiyak na hanapbuhay, sa hanapbuhay na pantawid-buhay sa iyong mga mahal? Paano kung ikaw ay biktima ng kawalang katarungan tumatapak sa iyong mga karapatan bilang isang manggagawa? Manggagawa, karapatan mo ang magkaroon ng katiyakan sa hanapbuhay! Ngunit sinasadya ng mga dayuhang may-ari ng pabrika mga pabrikang nagpapabansot sa ating kaisipan at sumisipsip sa ating kabataan, kabataang nakatali sa pagiging kontraktwal habambuhay. Kaibigan, labanan at buuin natin ang nagkakaisang lakas lakas na babali sa kuko ng kontraktwalisasyon, kontraktwalisasyon na salot sa ating hanapbuhay!

Sandata
Orjie Tayoto Mistulang halimaw ang ganid na kapitalista Sa pagsasamantala sa mga manggagawang Puhunay dugot pawis Mabuhay lamang ang mahal na pamilya Ang lahat na ito ay may katapusan Kung tayo magkakaisa at magtutulungan Walang pagsubok na di kayang lampas an Bastat sa prinsipyo tayo manindigan Ngunit maraming balakid ang dapat harapin Tulad ng mga taong baluktot ang hangarin Kaya makamit lamang ang ating mithiin Ang mga sakripisyo ay ating titiisin Buksan ang isipan wag magbulag-bulagan Upang di maloko ng mga dilawan Isaisip natin ang tunay na kaginhawahan Ang magandang buhay at kinabukasan Ang mga namumuno ay sadyang manloloko Upang pahirapan ang kapwa Pilipino Magaling manlinlang at gumawa ng milagro Upang bawasan ang kakarampot na sweldo Palakasin ang matibay na sandata Ito ay ang diwa ng pagkakaisa Sa ganid na kapitalista ito ang pupuksa Patnubayan nawa tayo ng Amang Lumikha

Sina Jovener Valdez at Orjie Tayoto kapwa mga manggagawa ng Daeduck Philippines Inc. na nasa Cavite Economic Zone (CEZ)

Enero - Marso 2012

27

Sa Dapithapon Ng Buhay
Ni Bok Ordoez Obrerong nilipasan ng kulay. Kumupas na yaring mga kamay; May bukas pa bang naghihintay, Sa dapithapon niyaring buhay? Ilang limang buwan ng pangangalay, Sa trabaho na walang humpay; Ipinamalas ang galling nang buong husay, Parang basahang ilang ulit tinapon, niluray. Sa aking pamilyay kaytagal na nawalay, Tiniis nang labis yaring lumbay; Sa pagnanais na aking maialay, Ga-mumong kita, ngunit marangal, dalisay. Palipat-lipat, patulay-tulay, Kapag kontratay natapos, bukas, aplay; Bakit nga baa ting batas, hindi pantay, Sa mga regular kamiy kasama ngunit hiwalay? Atngayong umedad, hapon na nitong buhay, Higit sampung kumpanya, sipag ay naialay; Anong aasahan sa aking paghimlay, Mayroon nga ba, kahit butil ng palay? Kaya, samahan niyo akong tumunghay, Sabayan sa king pagninilay-nilay; May darating bang bukang-liwayway, Sa mga pangarap na ginahis, niluray?

Ang tulang ito ay isinulat upang imulat ang mga manggagawang kontraktwal at agency workers sa kanilang kaaba-abang kalagayan nang sa gayon ay sama-samang makipaglaban at magsulong ng regularisasyon sa trabaho. Upang magkaisang labanan at ibasura ang kontraktwalisasyon

You might also like