You are on page 1of 29

ANG MAIKLING KWENTO

Katuturan:
- isang anyo ng panitikan na naglalayong magsalaysay ng isang mahalaga at nangigibabaw na pangyayari
sa buhay ng pangunahing tauhan at nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.

- maikling katha na nagsasalaysay at tumatalakay sa madulang bahagi ng buhay. Hindi ito pinaikling
nobela o buod ng isang nobela.

- Isang uri ng masining na pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan at ang diwa ay napapalaman sa isang
buo, mahigpit at makapangyarihang balangkas na inilalahad sa isang paraang mabilis ang galaw.

Pangkat ng mga Manunulat ng Maikling Kwento


1. sumusunod sa dating pamamaraan ng pagsulat – nanininwalang mahalagang magkaroon ng isang
balangkas ang maikling kwento.
2. sumusunod sa makabagong pamamaraan – naniniwalang hindi na kailangan pa ng balangkas sa
pagkatha ng kwento kundi ang higit na mahalaga ay maikintal sa isipan ng mga mambabasa ang isang
larawang hindi kaagad-agad maaalis sa kanilang gunita o madama nila ang masidhing damdaming pilit na
titinag sa kanilang kalooban.

Mga Katangian ng Maikling Kwento:


1. Tumatalakay sa isang madulang bahagi ng buhay.
2. Gumagamit ng isang pangunahing tauhang may mahalagang suliranin at ng ilang ibang mga tauhan.
3. Gumagamit ng isang mahalagang tagpo o ng kakaunting tagpo.
4. Nagpapakilala ng mabilis na pagtaas ng kawilihan hanggang sa kasukdulan na sinusundan kaagad ng
wakas.
5. Nagtataglay ng iisang impresyon o kakintalan.

Mga Sangkap ng Maikling Kwento:


1. Banghay – tumutukoy sa maayos, kawing-kawing at magkakasunod na mga pangyayari.
2. Tauhan – tumutukoy sa mga tauhang gumagalaw sa kwento na maaaring pangunahing tauhan at
pantulong na tauhan.
Dalawang Uri ng Paglalarawan ng May-akda sa Tauhan:
a. tuwirang pagpapahayag - kung binabanggit ng may-akda o ng ibang tauhan sa kwento ang mga
katangian ng tauhan
b. madulang pagpapahayag - kung matimpi ang paglalarawan ng tauhan, na nangangahulugang
mahihinuha ang katangian ng tauhan sa pamamagitan ng pagkilos at pagsasalita niya.
3. Tagpuan – tumutukoy sa lugar at oras ng pinangyarihan ng kwento.
Makatotohanan ang daigdig na inilalarawan sa ating imahinasyon upang
makatotohanan din ang pangyayaring magaganap dito.
4. Paningin – pananaw na pinagdaraanan ng mga pangyayari sa isang kwento.

Nakikilala rito ang mga sumusunod:


a. paglikha ng nagsasalaysay
b. ang lugar at panahong sumasaklaw sa pagsasalaysay
c. ang taong pinagsasalaysayan nito.
d. ang relasyon ng pagsasalyasay at ang pangyayaring isinasalaysay
e. kung gaano ang nalalaman ng nagsasalaysay.

Mga Uri ng Paningin:


A. paningin sa unang panauhan – ang may-akda ay sumasanib sa isa sa mga tauhan na siyang
nagsasalaysay ng kwento sa pamamagitan ng unang panauhang “ako”
B. paningin sa pangatlong panauhan – ang nagkukwento ay gumagamit ng pangatlong panauhan
na malayang nagsasalaysay ng mga pangyayari sa kwento. Ang nagsasalaysay ay maaaring
pumasok sa isipan at damdamin ng mga tauhan at sabihin sa bumabasa kung ano ang kanilang
iniisip o nadarama. Nabibigyan din ng puna at pakahulugan ang kilos ng mga tauhan. Nasasabi
ng nagsasalaysay ang lahat ng gusto niyang sabihin o itago ang nais niyang itago.
C. tinakdaang obhetibong paningin – ang pananaw ay limitado sa isa lamang tauhan sa kwento.
Maaaring ang pangunahing tauhan o di kaya‟y alinman sa mga katulong na tauhan sa kwento
ang tagapagsalaysay.
D. obhetibong paningin o paninging palayon – ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing kamera o
malayang nakalilibot habang itinatala nito ang bawat nakikita at naririnig. Ang tagapagsalaysay
ay hindi nakakapasok sa isipan ng tauhan at hindi rin nakapagbibigay puna o paliwanag.
Tumatayong tagapanood lamang siya ng mga pangyayari sa kwento. Nakikita niya ang
ginagawa ng mga tauhan, naririnig ang sinasabi nila , ngunit hindi niya tuwirang
masasabi ang kanilang iniisip o nadarama.
E. paninging panarili – isang paraan ng pagsulat na sa pamamagitan ng daloy ng kamalayan o
“stream of consciousness”. Sumusulong ang kwento sa pamamagitan ng paglalahad ng may-
akda na ang isipan at damdamin ay naaayon sa damdamin at kaisipan ng isang tauhan lamang.
Isinasalaysay ang kwento sa pamamagitan ng unang panahunan (first person). Gayunman hindi
ginagamit ang panghalip na “ako”.
F. paninging laguman – magkasamang paggamit ng paninging panarili at palayon sa kwento. Sa
pamamagitan ng paningin na ito malawak ang kalayaan ng awtor sa pagsasalaysay, bagaman
hindi rin siya dapat pumasok sa katauhan ng isang tauhan maliban sa pangunahing tauhan.
5. Paksang-diwa o tema – tumutukoy sa kaisipang iniikutan ng katha. Ito ang sentral na ideya ng
kwento na naghahayag ng pagkaunawa sa buhay. Ito ay hindi dapat ihayag sa isang salita o parirala
lamang kundi sabihin ito sa isang buong pangungusap.
Halimbawa:
“ ang pagsama ng isang tao”

- kundi ihayag ang buong pangungusap nang ganito:

“kung minsan, ang pagsama ng isang tao ay dala ng mapapait niyang karanasan sa buhay ”
6. Katimpian – masining na paglalarawan sa damdamin. Ang maingay at nagpapalahaw na pag-iyak
ay di tanda ng kalaliman ng kalungkutan; di gaya ng tahimik, pigil at di mailuhang pighati.
7. Pahiwatig – tinatalakay ang pangyayaring nagaganap sa isang akda. Ipinahihiwatig ang
pangyayaring inaakalang mahalaga sa kwento. Dahil dito, nagiging malikhain ang mga mambabasa
sapagkat naiiwan ang kanyang guniguni o imahinasyon sa mga pangyayaring nagaganap o
maaaring maganap sa maikling katha. Sa pamamagitan din nito‟y nagiging matimpi ang
pagsasalaysay, hindi nagiging kabagu‟t bagot sa sinumang bumabasa ang paglalantad ng mga
sunud-sunod na pangyayaring inaakalang napakahalaga bilang isa sa pangunahing sangkap ng
maikling kwento.
8. Simbolo – ito ang mga salita na kapag binabanggit sa isang akdang pampanitikan ay nag-iiwan ng
iba‟t ibang pagpapakahulugan sa mambabasa.
Halimbawa:

Ang puti ay kumakatawan sa kalinisan o kawagasan samantalang ang pula ay kumakatawan sa


katapangan o kaguluhan.

9. Suliranin – mga problemang kinakaharap ng mga tauhan sa kwento. Ito ang nagbibigay daan upang
magkaroon ng kulay at kawili-wili ang mga pangyayari sa kwento. Dito makikita kung paano
kakaharapin ng mga tauhan ang paglutas sa suliraning kinakaharap.

10. Tunggalian – ito ang nagbibigay-daan sa madudulang tagpo upang lalong maging kawili-wili at
kapana-panabik ang mga panggyayari kaya‟t sinasabing ito angsanligan ng akda. Nagsisimula ito
sa paghahangad ng pangunahing tauhan na hahadlangan ng sinuman o anuman sa katuparan. Ang
sagabal o katunggaling lakas ay dapat na nababagay sa kahalagahan ng layunin ; at dapat na
magdulot ng pananabik at kasiyahan sa mga mambabasa sa dakong huli.

Mga uri ng Tunggalian:


a. tao laban sa tao
b. tao laban sa sarili
c. tao laban sa kalikasan

11. Kasukdulan – dito nagwawakas ang tunggalian. Pinakamasidhing pananabik ang madarama ng
mga mambabasa sa bahaging ito sapagkat dito pagpapasyahan ang kapalaran ng pangunahing
tauhan o bayani sa kwento. Subalit bago sumapit ang pinakarurok na ito ng kasabikan, kailangang
magduyan muna ang pananabik ng mambabasa sa isang lundo na sa ilang saglit, mabibitin ang
tinurang pananabik sa kahihinatnan ng pangunahing tauhan.
12. Himig – ito‟y tumutukoy sa kulay ng damdamin. Maaaring mapanudyo, mapagtawa at iba pang
magpapahiwatig ng kulay ng kalikasan ng damdamin.
13. Salitaan – ang usapan ng mga tauhan. Kailangang magawang natural at hindi artipisyal ang
dayalogo.
14. Kapananabikan – nalilikha ito sa paglalaban ng mga tauhan o ng bidang tauhan laban sa mga
kasalungat niya. Ito ang pagkabahalang nararamdaman ng mga mambabasa bunga ng hindi matiyak
ang magiging kalagayan ng pangunahing tauhan sa kanyang pakikipagtunggali.
15. Kakalasan – ito ang kinalabasan ng paglalaban ng mga tauhan sa akda.
16. Galaw – tumutukoy ito sa pagkakalahad o pag-unlad ng kwento mula sa pagkakalahad ng suliranin
hanggang sa malutas ang suliraning ito sa wakas ng katha.
17. Wakas – bagama‟t ang kwento‟y maaari nang magwakas sa kasukdulan, may mga pagkakataong
kailangan pa rin ng katuusan upang ipahayag ang mga pangyayari pagkatapos ng kasukdulan.
Maaari itong ipaloob ang paliwanag o pahiwatig sa tiyak na sinapit ng pangunahing tauhan sa halip
na ipaubaya na lamang sa mga mambabasa.

Mga Bahagi ng Maikling Kwento


1. Pamagat – tumutukoy sa pangunahing paksa ng kwento. Dito umiinog ang buong diwa at daloy ng mga
pangyayari.
2. May-akda – tumutukoy sa sumulat o lumikha ng kwento. Sa pagtalakay sa bahaging ito ay dapat makilala
kahit na pahapyaw lamang ang katangian ng sumulat upang maikumpara ang kanyang talino at pagkatao
sa paglikha ng mga kwento at ang kaugnayan nito sa sariling karanasan, pananaw sa buhay at sa paligid
na kanyang kinabibilangan.
3. Panimula – ito ang simulain ng kwento. May iba‟t ibang paraan ng pagpapakilala
rito:
a. Pagpapakilala sa mga tauhan – ipinababatid ang kanilang pagkatao lalo na ang pangunahing
tauhan, mapangibabaw ang katangian ng pangunahing tauhan upang magkagiliw agad sa kanya
ang mga mambabasa.
b. Pagpapahiwatig ng suliraning kakaharapin ng mga tauhan – kailangang pagitawin ang
suliranin ng pangunahing tauhan upang matiim sa isipan ng mga mambabasa na sa kanya iinog
ang mga sumusunod pang pangyayari.
c. Pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa ng damdaming pagigitawin sa kwento – ang lahat
ng mga pangyayari sa tauhan sa akda ay kailangang isang damdamin lamang ang antigin sa mga
mambabasa.
d. Paglalarawan ng tauhan – sa „di tuwirang pamamaraan, magagawa ng may-akdang madama ng
mga mambabasa ang kapaligirang gagalawan ng mga tauhan lalo na ng mga bayani sa akda;
mahalaga ito upang madaling matiyak ng mga mambabasa ang suliraning kakaharapin ng
pangunahing tauhan at ang damdaming nais maantig sa mambabasa.

4. Tunggalian – ito ang paglalaban ng pangunahing tauhan at ng kanyang mga kasalungat na maaaring isa
ring kapwa tauhan, o ng kalikasan o ng damdamin na rin niya.
5. Kasukdulan – ito ang pinakamataas na uri ng pananabik; sa bahaging ito ng akda humigit-kumulang at
malalaman na kung nagtagumpay o nabigo ang pangunahing tauhan sa paglutas niya sa kanyang
suliranin.
6. Wakas – ito ang kinalabasan at naging resulta ng pakikipagtunggali ng mga tauhan sa mga suliraning
kinaharap. Ito rin ang pinakadulong pangyayari ng daloy ng kwento.

MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento

1. Ang Pamagat
Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:
1. hindi pangkaraniwan
2. Kapansin-pansin
3. kapana-panabik

Mga Pamagat na Dapat Iwasan


1. pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”
2. pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.”
3. pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.”
4. pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”

Maaaring Maging Mabuting Pamagat


1. pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni
N.V.M. Gonzales.
2. pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute.
3. pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo
4. isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey
Centeno
5. katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na Lupa ni
Liwayway Arceo.
6. Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose
F. Sibal

2. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay


Mailalarawan nang buong limnaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang
ilarawn kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi
dapat tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring
limabas na malayo sa katotohanan. Isang halimbawa‟y isang manunulat na naglalarawan sa
kanyang kuwento na tungkol sa bansang Inglatera ngunit hindi pa siya nakararating sa naturang
bansa.
Magagawang malinaw at kapani-paniwala ang paglalarawan o pagsasalaysay sa
pamamagitan ng pagamit ng tiyak na mga katangian o tiyak na mga pangyayari.

Sa ganitong paglalarawan, kailangang ilarawan ang pook na pagdarausan ng kasayahan,


ang kapaligiran, mga ilaw, mga pagkain, at iba pang bagay na maaaring makatulong sa pagbuo ng
larawan sa isip ng mga mambabasa.

3. Ang Usapan sa Kuwento


Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:

1. pagiging natural – Kailangan ang sagutan ay katulad ng sa tunay na usapan. Nauugnay ang
sinasabi ng sumusunod na nagsalita sa sinabi ng nauna. Mayayamot ang bumabasa kung sa
dalawang nag-uusap ay isa lamang ang palaging nagsasalita at ang kausap ay tagausisa lamang
na kahit mawala ay hindi magiging kakulangan sa kuwento.
Ang mga sinasabi ng tauhan ay hindi dapat na napakahaba na tila nagtatalumpati,
maaring mahaba ang sinasabi ng tauhan kung gayon ang hinihingi ng kuwento.
Hindi kailangang maging buo ang pangungusap.Maaring magsalita, isang parirala, o
paputol-putol ang pagsasalita.
2. angkop ang tauhang nagsasalita – Sa pagsasalita ng tauhan ay kailangang makilala ang likas
niyang sarili at ang damdaming nag-udyok sa kanyang ikinilos. Kailangan ang isang tauhan ay
mamumukod sa mga kasaman niya sa pamamagitan ng kanyang mga sinasabi. Maari siyang
seryoso, madaldal, palabiro, utal, nakayayamot, o kaya‟y mapambuska.
3. angkop na pangyayari – Kailangan sa pamamagitan ng sinasabi ng tauhan ay malaman ng
mambabasa kung anong damdamin ang nag-uduok sa kanya upang magsalita nang ganoon.ang
isang taong nagsisisi nang buong puso ay hindi magsasalita nang mapangmataas. Ang isang
taong takut na takot ay hindi maaring magsalita nang mahinahon at buong katalinuhang sagutin
ang tanong sa kanya. Kung ang tauhan ay nagtatampo, bayaang makilala ang pagtatampo sa
kanyang mga sinasabi.
4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento – Kailangan ang pag-uusap ay tumutulong
sa pagsulong na galaw ng kuwento. Ang pag-uusap ay hindi dapat gamiting kasangkapan upang
maiparangalan ng may-akda ang kanyang karunungan at kaliksihang isip.

4. Paglalarawang-Tauhan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng mga manunulat sa
paglalarawan ng tauhan:
1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga kasangkapang kanyang
ginagamit
6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang kinakaharap
7. paglalarawan ng mga sinasabi nfg ibang mga tauhan tungkol sa isang tauhang tinitukoy sa
kuwento
8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang tauhan
5. Masining na Pagsulat
May tatlong parran ang masining na pagsulat.
1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.

Mga Kailangan ng Isang Maikling Kuwento


Tunggalian
May dula o kilos na madula ang isang kuwento. Kailangang magkaroon ng tunggalian
upang magkaroon ng dula. Tinatawag na tunggalian ang paglalaban ng pangunahing tauhan at iba pang
mga tauhan. Ang isang kaisipan ay maaring makipagtunggali sa isa pang kaisipan. Ang
ikapagtatagumpay ng alinman sa dalawa ay nasa manunulat. Maari namang ang isang tauhan ay
makipagtunggali sa kalikasan, tulad ng bagyo, at iba pang dulot ng kalikasan.
Nakapagdudulot ito ng kapanabikan at kasiyahan sa mga mambabas ang bawat
tunggalian. Hindi mabuting kuwento ang isang akdang walang tunggalian. Hindi ito magiging kawili-wili sa
mga mambabasa.

Kasukdulan
Nagbibigay na pananabik sa mga mambabasa ang bawat tunggalian. Ang mga
tungggalian sunud-sunod ay dumarating sa isang tanging bahagi na nagdudulot ng pinakamasidhing
pananabik. Ang bahaging ito ng pinakamasiding pananabik ay tinatawag na kasukdulan.
Katapusan
Ang mga mambabasa‟y nananabik kung ano ang magiging wakas ng kuwento hangga‟t
hindi sumasapit ang kasukdulan. Nagpapatuloy ang mga mambabasa sa pagbasa upang malaman kung
ano ang mangyayari sa pangunahing tauhan. Ang kuwento‟y magwawakas na pakatapos ng kasukdulan.
Hindi dapat na pahabain pa ang kuwento pagkatapos ng kasukdulan sapagkat mawawala ang ganda nito.
Dagling sundan ng wakas. Ang isang makabagong manunulat ay maingat sa pagtatapos ng kanyang
kuwento. Ang wakas ay malimit na ipinapaubaya niya sa guni-gini ng kanyang mambabasa.

MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA MAIKLING KUWENTO

Ang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na maikling kuwento ay ang mga sumusunod:
1. Kaisahan
Ang kaisahan ng maikling kuwento ay tumutukoy sa isang panggitnang kaisipan.
Kailangang makapag-abuloy sa kaisahan ng kaisipang nais palitawin ng may-akda ang bawat
bagay sa kuwento. Ang mga kilos at pag-uusap ng mga tauhan ay nararapat ding makapag-abuloy
sa kaisahan. Ang kaisahan ay bumubuo sa isang pangungusap mataposs mabasa ng mambabasa
ang kuwento. Maaaring isaisip ng isang mambabasa na ang paksa ng kuwento ay tungkol sa
pagmamahal ng isang magulang sa kanyang anak, ang pagkamakabayan ng isang lalaki, ang
kahalagahan ng karunungan, ang pagtatagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan,
pagpapahalaga sa karapatang pantao, atbp.
Ang Mabuting Pagpapahayag
Ang mabuting pagpapahayag ay pagpili ng mga wastong salita na angkop sa diwang nais
ipahatid ng may akda. Ang paggamir ng mga pili at angkop na mga salita ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan
ng mga ito ay magiging mabisa ang kaisipang ipinapasok ng manunulat sa mga tauhan at magiging malinaw ang
paglalarawan. Ang mahusay na pagpapahayag ay nakatutulong sa kaisahan ng kuwento.
Ang Pamamaraan
Iba‟t iba ang pamamaraang ginagamit ng mga kuwentista. Ang bawat isa‟y may sariling
kakanyahan. Ang mga manunulat na sumasang-ayon sa dating pamamaraan ng pagsulat ng maikling kuwento ay
nanniniwala sa pamamaraang nagbibigay-diin sa balangkas. Ang pamamaraang ito ay may mga sumusunod na
bahagi:
i. Panimula (Kasama rito ang tagpuan)
Maraming tungkuling ginagampanan ang panimula. Inilalahad nito ang tagpuan(setting) na
siyang nagpapakilala sa mga mambabasa ng mga tauhan,panahon, at lunan ng kuwento. May mga kuwentong
inilalahad na lahat ng tagpuan, ang tatlong sangkap ng tauhan, panahon, at lunan. Kung minsan nama‟y ang
inilalahad ng tagpuan ay tauhan at panahon lamang, ipinauubaya na sa mga mambabasa na hanapin ito sa
kabuuan ng kuwento?
ii. Saglit na kasiglahan
Ang mga bahaging naglalahad ng unang suliraning inihaharap ng lunas ay tinatawag na
saglit ng kasiglahan. Higit na umaakit sa mga mambabasa ang bahaging ito upang ipagpatuloy ang pagbasa. Ang
pag-aakit ng mga mambabasa sa panimula dahil sa pamamaraang ginagamit ng may-akda ay pansamantala
lamang. Ibang uri ng pagkaakit ang naramdaman nila ang pamiminto ng isang pangyayaring gumising ng isang
tiyak na damdamin kung hindi man maging kawili-wili.

iii. Mga Suliraning Inihahanap ng Lunas


Ipinaliwanag sa dakong unahan na ang saglit ng kasiglahan ay simula ng pagtungo sa
paglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Ang susunod ay mga pangyayaring kailangang maayos ang
pagkakalikha at pagkakahanay. Ang naturang mga pangyayari ang bumubuo sa mga suliraning inihahanap ng
lunas. Ang mga ito ay lumilikha sa isang pagkawiling pasidhi nang pasidhi hanggang sumapit ang pinakamasidhi
na tinatawag na kasukdulan.
iv. Kasukdulan
v. Kakalasan

Mga Uri ng Maikling Kwento


 Kwento ng Pag-ibig
 Kwento ng Katutubong –kulay
 Kwento ng Tauhan
 Kwento ng Kaisipan
 Kwento ng Katatakutan
 Kwento ng Kababalaghan
 Kwento ng Katatawanan
 Kwento ng Talino
 Kwento ng Pampagkakataon
 Kwento ng Kapaligiran
 Kwento ng Makabanghay
MGA BAGAY NA MAHALAGA SA Pagsulat ng Maikling kuwento

6. Ang Pamagat

Ang isang mabuting pamagat ay may mga sumusunod na katangian:


 hindi pangkaraniwan
 Kapansin-pansin
 kapana-panabik
Mga Pamagat na Dapat Iwasan
 pangkaraniwan – halimbawa ay “Ulam”
 pamagat na magbubunyag sa lihim ng kuwento – halimbawa ay “ Anak na Suwail,Nagsisi.”
 pamagat na maituturing na labag sa mabuting panlasa – halimbawa ay “Naaagnas na Bangkay.”
 pamagat na masasabing kahangalan – halimbawa ay “Apoy na Mainit.”
Maaaring Maging Mabuting Pamagat
pook na may malaking kinalaman sa kwento halimbawa: Lunsod, Nayon at Dagat-dagatan ni
N.V.M. Gonzales.
 pinakamahalagang tauhan sa kuwento halimbawa: Impong Sela ni Epifanio Gar. Matute.
 pinakamahalagang bagay sa kuwento halimbawa: Bakya ni Hernando R. Ocampo
 isipin o damdaming naghahari sa kuwento halimbawa : Maghilom May Balantukan ni Mabini Rey
Centeno
 katotohanang pandaigdig o katotohanang pinatunayan sa kuwento: Uhaw ang Tigang na Lupa ni
Liwayway Arceo.
 Isang mahalagang pangyayari sa kuwento halimbawa: May Gunita Pa Ang Mga Bulaklak ni Jose
F. Sibal
7. Ang Pagiging Sang-ayon ng Akda sa Karanasan sa Buhay
Mailalarawan nang buong linaw ng isang manunulat ang mga bagay na nais niyang ilarawan
kung ang mga ito ay naaayon sa mga paksang nasasaklaw ng kanyang karanasan. Hindi dapat
tumalakay ng mga paksang hindi nasasaklaw ng kanyang karanasan sapagkat maaaring limabas na
malayo sa katotohanan..
8. Ang Usapan sa Kuwento
Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mabuting usapan:
1. pagiging natural
2. angkop ang tauhang nagsasalita
3. angkop na pangyayari
4. pagkakaroon ng kaugnayan sa galaw ng kuwento
9. Paglalarawang-Tauhan
Ang mga sumusunod ay mga karaniwang pamamaraang ginagamit ng
mga manunulat sa paglalarawan ng tauhan:
1. paglalarawan ng isipang naghahari sa tauhan
2. paglalarawan ng paraan ng pagsasalita ng tauhan
3. paglalarawan ng mga bahagi ng kanyang katawan
4. tiyak na pagsusuri ng kanyang katauhan
5. paglalarawan ng kapaligiran katulad ng tirahan ng tauhan o ng mga
kasangkapang kanyang ginagamit
6. paglalarawan ng kanyang mga kilos batay sa mga pangyayaring kanyang
kinakaharap
7. paglalarawan ng mga sinasabi ng ibang mga tauhan tungkol sa isang
tauhang tinitukoy sa kuwento
8. paglalarawan ng damdaming kanyang ginigising sa mga kasama niyang
tauhan
10. Masining na Pagsulat
May tatlong paraan ang masining na pagsulat.
1. Huwag talampakin ang bagay na maaaring ipahiwatig lamang
2. Dapat na maging matimpi: Kailangan ay katimpian sa damdamin at katimpian
sa pananalita.
3. Paggamit ng mga salita at pariralang nakatatawag-pansin.
MASINING NA PAGSUSURI NG MGA PILING TULA SA FILIPINO
===================================================================
Ang pag-aaral na pinamagatang “Masining na Pagsusuri ng mga Piling Tula sa
Filipino” ay isinagawa upang ipakilala at ipakita sa mga mambabasa na ang Panitikang
Filipino ay maaaring maging tanglaw sa pagsusuri at pagpapahalaga at pagpapahalaga
ng mga tula.
Hinanap sa pamamagitan ng masusing pagsusuri o ng tiyak na kasagutan sa mga
sumusunod na tanong:
1. Anu-ano ang uri ng tula ayon sa kaanyuan at layunin?
2. Ano ang magagandang kaisipan na nahahayag at nailalarawan sa bawat tula?
3. Anong mga katangian na nahayag ng bawat makatang pinag-aralan?
4. Anong implikasyon sa buhay ng mga mag-aaral at mambabasa ang mga
natuklasan sa pag-aaral ng mga tula?
Dahil sa ang suliranin ng pag-aaral ay tumalakay sa mga katangian na nakapaloob
sa tula, ay gumamit ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at paraang
paglalarawan (descriptive method).

Lagom sa Paraan ng Pag-aaral


Nilikom ng mananaliksik ang lahat na kailangang materyal sa pag-aaral. Ito ay
nagmula sa ibat - ibang aklat na ginagamit na sangguniang pampaaralan. Binasang
mabuti ang bawat tula, pinag-aralan at sinuri ang mga uri ayon sa kaanyuan at salig sa
layunin at hinanap din ang mga katangian ng makatang sina Amado V. Hernandez at
Teo S. Baylen sa pagkatha ng kanilang mga panulat. Ang mga natuklasan sa pag-aaral
ay may implikasyon sa buhay ng mga mambabasa at mag-aaral.

Gumamit sa kanyang pag-aaral at pagsusuri ang mananaliksik ng pagsusuring


pampanitikan at palarawang pagsusuri.

Sinuring mabuti ang mahahalagang bahagi ng tula upang makuha ang sadyang
pinag-uukulan ng mga halaga nito.

LAGOM SA NATUKLASAN URI NG TULA AYON SA KAANYUAN

Isang Dipang Langit – Ito ay pandamdamin, sumusunod sa marangal na batas ng buhay,


matapat at realistiko, sa buhay ni Hernandez ay totoong nangyari.

Ang Panday – Ito ay pandamdamin sapagkat may kaugnayan sa tunay na buhay ng tao,
ang gawain ng panday.

Ang Buhay – Ito ay pandamdamin. May damdaming nagpapataas sa kalagayan ng tao,


makatotohanan. Hindi lahat ng ibig ay makakamtan.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – Pandamdamin, nauugnay sa buhay
karanasan ng tao.

Ang Tao – Tulang pandamdamin, may kaugnayan sa tototong buhay, nagsasaad ng


damdaming pansarili.

Laboratoryo at Dambana – Tulang pandamdamin, mayaman sa paglalarawan, payak at


maiksi, ang pagkakaroon ng bukas na isipan sa pagbabago at kababaan ng
loob.
Takip Silim at Lumang Lambat – Tulang pasalaysay, naghahayag ng mga pangyayari sa
buhay ng tao. Ang pag-aalala sa nakalipas ay magpapahalaga sa buhay ng tao.

Ang Tuod na Tulay – Tulang pandamdamin, naghahayag ng katotohanan sa buhay.


Pakikibaka sa buhay na nangangailangan ng pagtitiis, pagtitiyaga at kung minsan
kawalan ng pag-asa.

URI NG TULA AYON SA LAYUNIN

Isang Dipang Langit – naglalarawan ng tunay na nangyayari sa buhay ng sumulat.


Naglalahad ng aral.

Ang Panday – mapaglarawan ng buhay, mapagpanuto, nagbibigay ng patnubay sa


buhay.

Ang Buhay – nagtuturo ng aral. Nagbubukas ng isipan na ang buhay ay may ibat-ibang
kahulugan.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – naglalarawan ng kalikasan ng tao, ng paligid
nito, ang paghihirap ng bayan, ng sambayanang Pilipino sa kamay ng mga Kastila.

Laboratoryo at Dambana – nagbibigay kabatiran sa wastong paggamit ng modernong


teknolohiya at maging bukas ang isipan sa anumang pagbabago.

Takip Silim at Lumang Lambat – naglalarawan, mapagpanuto at gumagabay kung paano


gamitin ang buhay na makabuluhan upang sa panahon ng katandaan ay hindi
makaramdam ng panghihinayang.

Ang Tuod na Tulay – nagbibigay ito ng aral at mga kabatiran sa buhay kung paano
mamuhay ang tao sa mundo. Gumagabay sa mambabasa ng mga dapat ikilos o
gawin upang maging matatag ang sarili.

MAGAGANDANG KAISIPAN NA NAIHAHAYAG AT NAILALARAWAN SA BAWAT TULA

Isang Dipang Langit – magtiis, magtiyaga, huwag lang palipin ang diwa at panitik.

Ang Panday – sa kabila ng maruming kaanyuan ng panday, siya ay dakila sa bayan.

Ang Buhay – hindi lahat ng naisin ng tao ay makakamtan, may ligaya at lungkot.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan – nagtitiis hanggang makakaya, kung dumating
na ang sukdulan, ay gumaganting parang bulkang sumasabog.

Laboratoryo at Dambana – ang imbensyon ng tao kung hindi wasto ang paggamit ay
magdudulot ng masaklap na kapahamakan. Kababaang loob na tanggapin ang
pagbabago.

Ang Takip Silim at Lumang Lambat – ang buhay ay parang pagmamalakaya, samut-
saring karanasan ang mahihila sa dagat ng buhay na lalong nagpapatingkad ng
kulay sa tunay na kahulugan ng buhay.

Ang Tuod na Tulay – huwag mawalan ng pag-asa, pagkat nasa huli ang pakinabang at
maging huwaran sa katatagan upang maging inspirasyon ng mga taong nawawalan
ng pag-asa.
KATANGIAN NG MAKATANG PINAG-ARALAN

Amado V. Hernandez. Siya ay may katangiang pukawin ang damdamin ng


mambabasa sa pagbibigay ng kahulugan ng buhay. Siya ay tinaguriang “Makata ng
Manggagawa” sa ating panitikan sa dahilang nasasalamin sa kanyang mga tula ang
marubdob na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa. Para sa kanya, ang tula ay
halimuyak, taginting, salamisim. Ang panitik ang makapangyarihan at ayon sa kanya ang
hari ang nagpapayuko ng panitik. Mayamang maglarawan at magpahayag ng
katotohanan, kung ano ang anumang mangyari sa buhay. Siya ay malikhain, at may
kasiyahan sa pagkatha (humor).

Teo S. Baylen. Siya ay may kakayahang tulungan ang mambabasa sa pagkilala


ng buhay sa tanglaw ng kabutihan at kagandahan ng pananaw. Sa tula niyang
“Takipsilim at Lumang Lambat” at “Tuod na Tulay” ay naglalarawan ng kalagayan ng
buhay. Pinupukaw ang ating damdamin ni Baylen sa kanyang tulang “Laboratoryo at
Dambana”. Sa pagkamalawak ang kakayahan upang mag-isip at dumama ng mga
bagay-bagay na binabanggit ng kanyang mga tula. Umaakay sa matuwid at
makatotohanan ang mga panitik ni Baylen.

Implikasyon Ng Mga Natuklasan Sa Pag-Aaral Sa Buhay Ng Mga Mag-Aaral At Mambabasa

Sa mga magagandang kaalaman mula sa pag-aaral ay lumalawak at yumayaman


ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral hinggil sa buhay. Hinuhubog ang kanilang
diwa at damdamin sa paraang dakila at marangal. Iginagabay sila sa wastong
kaparaanan upang magtamo ng buhay na makatuwiran at dalisay.

KONKLUSYON
Ang mga sangkap ng tula ay nagpapaganda at nagiging mahalaga upang mataglay
ng uri ang tula. Punong – puno ng magaganda at makabuluhang kaisipan ang mga tula
na huhubog sa pagkatao ng mga mambabasa. Ang mga may – akdang mahuhusay, may
malikhaing guni-guni ay nakagagawa ng mga mapaglarawang mga panitikan. Maraming
ginintuang aral at kaalaman para sa mga mambabasa ang mga tulang pinag-aralan.

REKOMENDASYON
1. Pag-ibayuhin pa ang pag-aaral at pagsusuri hinggil sa mga sangkap ng tula upang
mapaningning pa ito.
2. Pahalagahan ang mga magagandang kaisipan mula sa mga tula upang magamit
na halimbawa sa buhay.
3. Maging masigasig at bigyan ng pandama ang pag-aaral ng tula upang makilala ang
mga tagong kagandahan nito.
4. Sanaying magbasa ng magaganda at may-uring mga tula upang makita ang
maramingf katotohanana sa buhay.
5. Mag-aral at magsaliksik pa ng maraming tula upang makahango ng mabubuting
aral at halimbawa sa buhay ng tao.
ANG SINING NG PAKIKIPAGTALASTASAN

Kahulugan
Nagsimula sa salitang Latin na “communis” na nangangahulugan ng “panlahat o para sa lahat”
ang komunikasyon o pakikipagtalastasan.

Ayon kay Webster, ang pakikipagtalastasan ay pagpapahayag; pagbibigay o paghahatud ng


kabatiran sa mabisang paraan; isang pakikipag-usap; isang pakikipag-unawaan. Samakatuwid, ito ay
paraan ng tao upang buhayin o bigyang-kahulugan ang kanyang salita sa isipan ng ibang tao sa
pagpapahayag ng mensahe.

Kahalagahan ng Pakikipagtalastasan
1. Ito’y gawaing panlipunan
2. Ito’y may kahalagahang pampulitika
3. Ito’y mahalaga sa alinmang propesyon

Pagpapahayag
Ano ang mabisang pagpapahayag?
Kailangang malinaw ang isang pagpapahayag sapagkat ang layunin nito ay maihatid sa
mambaabasa ang mga iniisip. Ano ang halaga ng mahuhusay na ideya kung hindi naman maiintindihan
ng mambabasa? Ang isang mabisang pagpapahayag ay iyong nagpapalinaw sa isang konsepto o ideya,
lalo na iyong mahirap maunawaan.
Kailangang maganda, sapagkat may mga mambabasang dapat maaakit sa mga sinusulat na ito
upang ipagpatuloy at tapusin ang pagbabasa.
Kailangang mabigat, sapagkat kaya nagsusulat ang isang tao ay dahil mayroong sasabihin sa
mga mambabasa na sukat kapulutan nila ng mga mahhalagang impormasyon o kaisipang
makapagbabago sa mga dati nilang ginagawa o iniisip.
Kailangang nababatay sa realidad at katotohanan sapagkat ang pangunahin sa lahat ay
magkaroon ang manunulat ng kredibilidad sa kanyang mga mababasa.
Samakatuwid, dalawa ang mahalagang sangkap ng pagpapahayag: ano ang iyong sinasabi at
paano mo ito sinasabi. Ang una’y tinatawag na nilalaman. Tinatawag ding ideya na kung umikot sa
iisang bagay ay tinatawag na paksa. Kahit na napakasimple ng paksa, sa kamay ng isang nagsusulat na
may mahusay na pamamaraan ang mababaw ay lumalalim, ang simple’y nagiging mabigat, ang
ordinaryo’y nagiging kapana-panabik, ang buong sulatin ay nagiging makapangyarihang
tagapagpahayag ng kaisipan at damdamin ng tao.

URI NG PARAAN NG PAGPAPAHAYAG


PAGLALAHAD
Ang paglalahad ay isang paraan ng pagpapahayag na ang hangarin ay gumawa ng isang
malinaw, sapat at walang pagkiling na pagpapaliwanag sa anumang bagay na nasasaklaw ng isip ng
tao. Kung ibig nating ipaliwanag ang kahulugan o katuturan ng isang salita, paraan ng paggawa ng
isang bagay, isang simulain, isang layunin, teorya, o palagay, paglalahad ang pinakamalaking bahagi ng
sinusulat at binabasa. –aklat, diksyunaryo, manwal, ensayklopidya, artikulo, editoryal, panunuri sa aklat,
dula, pelikula, komposisyong pangmusika at palatuntunan sa radyo.

Paglalahad

Ang mabisang paraan ng pagpapahayag ng kaisipan at damdamin ng tao sa kanyang pang-araw-


araw na pakikipagtalastasan sa kanyang kapwa ay paglalahad.

Ito’y ginagamit sa pagpapaliwanag ng pamamaraan o proseso ng paggawa ng isang bagay at ng


pagsasakatuparan ng direksyon at pagpapaliwanag ng mga hakbang na dapat isagawa kaugnay ng
isang gawain.

Sa pamamagitan ng paglalahad ay naipaliliwanag ang kahulugan ng isang ideya at katuturan ng


isang salita, ganoon din ang pagkilala natin sa isang bagay, tao o palagay. Higit sa lahat, natutunan ang
likas na pagkapalatanong ng tao.

Mga Batayang Prinsipyo ng Paglalahad


Ang pagsusulat ng paglalahad ay dapat nag awing mabisa at makabuluhan, kawili-wili at higit sa
lahat, malinaw. Malinaw itong matatawag kung ayos ang detalye at tiyak at maikli ang paliwanag.
Iwasan ang paghaahlu-halo ng mga ideya na hindi mawarian kung nasaan ang puno at nasaan ang
dulo.

Gawing kronolohikal at magkakugnay-ugnay ang mga hakbang sa pagpapaliwanag ng proseso o


pamamaraan. Mabisa at malinaw ang pahayag kung ipinaliliwanag ang mga terminong ginamirt. Hindi
kailangang gumamit ng mga mabibigat na salita o malalalim na kahulugan ang mahalaga ay
pagkaunawa ng mambabasa sa hangad niyang mabatid.

Uri ng Paglalahad

1. Pagbibigay – Katuturan – ito ay maaaring diksyunaryong pagbibigay-katuturan. May tatlong


bahagi ang pagbibigay-kahulugan. Ang una’y ang pananalita, ang salita o pariralang nais bigyan
ng kahulugan. Ang ikalawa ay ang kaurian o kaisipang kinabibilangan ng pananalita. Ang ikatlo
ay ang kaibahan o mga katangiang naiiba ng bagay o kaisipang nililiwnag. Halimbawa ang
salitang babae (salitang nais bigyan ng kahulugan) ay isang uri ng tao (Kaurian) na may
kapasidad magsilang ng sanggol (katangiang naiiba)
Ito ang pinakakaraniwang uri ng paglalahad. May dalawang uri ng pagbibigya kahulugan:
ang katuturang maanyo (formal definition) at ang sanaysay na pangkatuturan (essay of
definition).
Ang katuturang maanyo ay nasasalig sa isang makatwirang paghahanay ng mga salita na sa
ilang kataga ay nagbibigay ng lalong malaking kaalaman, May tatlong sangkap ito: (1) ang
pananalita o ang salitang binibigyang kahulugan: (2) ang kaurian ng bahay o kaisipang
kinabibilangan ng pananalita; at (3) ang kaibhan o mga katangiang ikinaiiba ng bagay na
nililiwanag sa mga kauri nito.
May mga pagkakataong humihingi ng mahigit sa isang katuturang maanyo ang isang talakay. Sa
mga gayong pagkakataon ay may angkop nasanaysay na pangkatuturan. Pangunahing layunin
ng sanaysay na pangkatuturan ang magbigay ng kahulugan. May ilang kaparaanang magagamit
sa ganitong paglalahad:

a. Paghahambing o Pagtatambis – kadalasang ang binibigyang kahulugan ay paksang hindi


kilala o hindi abot ng karanasan ng bumabasa na upang higit na makilala ay inihahambing o
itinatambis sa mga bagay na kilala na. sa ganoong paraan ay nagiging higit na madali ang
pag-unawa.
b. Pag-uulit – Ang katutuiran ng salita o paksa ay inuulit-ulit nginit sa iba’t ibang salita at
pannaw na ang layunin ay bigyan ng lalo pang diin, inaw at bigat ang naunang kahulugan.
c. Pagpapahindi – binaganggit ang mga bagay o sangkap na karaniwang ipinagkakamali sa
salita o paksang tinuturuan. Iniisa-isa ang mga ipinagkakamaling ito at ipinakikitang hindi
kaugnay ng tunay na kahulugan ng salita o paksang tinuturan. Sapagkat baka hindi ganap na
maunawaan ng babasa, kailangan ding ang pagbibigay ng wastong kahulugan ay pakalinawin.
d. Pagsusuri – dito’y ipinaghihiwalay ang mga sangkap o bahaging bumubuo ng isang abagy,
konsepto, palagay at teorya upang ang bawat isa’y mapag-aralan sa kanyangkaugnayan sa
kabuuan at sa ibang bahagi o aspeto. Sa pagsusuri ay pilit na pinalilinaw ang mga masalimuot
na bagay- bagay, sanhi o layunin.
e. Pagpapakilala sa Pinagmulan ng Sanhi at Bunga – ipinaliliwanag ditto ang pinanggalingan ng
isang bagay o paksa, bakit nagkagayon, ano ang kalalabasan o ano ang mapakikinabangan.
Dapat ito’y nababatay sa katotohanan sapagkat pinagmulan, sanhi at bunga ang
ipinaliliwanag.
f. Gumagamit ng halimbawa
g. Gumagamit ng paglalarawan
h. Gumagamit ng paulit-ulit ngunit bagong pagpapahayag

2. Pagsunod sa panuto o pamamaraan


3. Pangulong tudling o editoryal
4. Suring-basa
5. Siyentipikong ulat
6. Sanaysay

Halimbawa ng Sanaysay na Pangkatuturan


Ang Lipunang Makatao
A.P. Tumangan

Kailangan natin ngayon ang isang lipunang makatao; isang lipunang pinamumunuan ng mga
Pilipinong nagmamahal sa kanilang sariling wika at kattutubong kaangkinan; isang lipunang may mga
mamamayang katulad ng kanilang mga ninuno ay mga maka-Diyos, matulungin, mapagkaibigan at
mabuti; isang lipunang may mga pinunong hindi lamang makatarungan sa kanilang pamamalakad kundi
may mga pinunong marunong umunawa at magpakababa; isang lipunang ang mga mamamaya’y
masunurin sa batas at nakikipagtulungan sa kanilang mga pinuno.

Makatao ang isang lipunang hindi makasarili kundi iniisip ang para sa kabutihan ng lahat.
Makatao ang lipunan kung ito’y maka-Diyos – yaong ang pag-ibig sa Lumikha ay inihahayag sa paggawa
ng mabuti, sa kapwa – sa lipunang ang lahat, mayaman o mahirap, marunong o mangmang ay pantay-
pantay sa kanilang mga karapatan at mga kapanagutan. Makatao ang lipunang makabayan na dahilo sa
katapatan at mga pag-ibig sa bayan ay haharapin ang mga digmaan upang ipagtanggol ang kalayaan at
katahimikan ng kanyang bayan.

(Gumamit ng paulit-ulit ngunit bago’t bagong pagpapahayag)

PAGLALARAWAN

Kahulugan

Ang paglalarawan ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o kakintalang likha ng pandama.


Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig, at pansalat, tinatala ng sumusulat ng paglalarawan
ang mga detalye na kanyang namasid om kaya’y makatawag ng kanyang pansin.
Ang paglalarawan ay nauukol lamang s amga bagay sa kanilang pag-iisa, at ang layon ay
maipakita kung paano ang isang bagay ay naiiba sa mga kauri niya.

Mga Katangian ng Paglalarawan

a. Pagpili ng Paksa
b. Pagpili ng Pananaw
c. Pagbuo ng Pangunahing Larawan
d. Pagpili ng mga sangkap
e. Banggitin ang layunin ng paglalarawan

Mga Uri ng Paglalarawan


1. Karaniwan. Ito’y nagbibigay-kaalaman tungkol sa isang bagay ayon sa ayos ng bagay na
inilalarawan at ayon pa rin sa pangkalahatang pangmalas.
2. Masining o malikhain. Bukod sa nagtataglay ng katangina ng karaniwang paglalarawan, dapat
pang pumukaw ng guniguni. Pinagagalaw ng awtor ang guniguni ng mga mambabasa upoang
makita ang larawan ayon sa damdamin at isipan ng manunulat. Sa pagbuo ng makasining na
paglalarawan, makatutulong ang paggamit ng mga salitang nagbibigay-kulay, tunog, galaw at
matinding damdamin. Nakatutulong din ang paggamit ng tayutay o salitang patalinghaga.

Halimbawa ng Paglalarawan
Paglalarawan ng Damdamin
(Masining na paraan)

Hindi siya dalawin ng antok. Inihudyat na ng kanilang relong pandingding ang ikalabindalawa ng
gabi ngunit gising na gising pa rin siya sa kanyang pagkakahiga. Tila may mga tinig na humuhugong sa
kanyang tainga. At kapag ipinipikit niya ang kanyang mga mata, mga larawang lumilitaw sa kadilimang
nakikita ng balintataw ng kanyang mga mata.
Malalimn ang paghingang bumangon siya sa kanyang katre. Umingit ang nayutyot na ”spring”
nito. Malamig ang pawis na butil-butil na gumiti sa kanyang noo at sa pag-agos sa kanyang mga pisni
ay pinalis ng kanyang kamay na nadama niyang nanginginig. Hindi na kinapa ng kanyang mga paa ang
kanyang tsinelas sa ilalim ng kanyang katre nakayapak niyang tinungo ang nakabukas na durungawan.
Ibig niyang kiligin nang dampulayan ng hangin ang kanyang pawisang mukha. At tila wala sa loob na
inihaplos niya sa kanyang mukha ang dalawang kamay.
Nanginginig pati ang buntunghiningang nagwala sa dibdib niyang tila nadaraganan ng isang
mahigpit na bagay. At salamat sa buntunghiningang iyon at nabawasan ang paninikip ng kanyang
dibdib. Nawala rin ang panunurot ng kanyang bidhi. Huminto rin ang paggiti ng butil-butil na malamig
na pawis sa kanyang noo. Tila maalong dagat na tumahimik ang kanyang nababalisang damdamin.

Mula sa kuwentong ”Ang Liham”


A.P. Tumangan, Tagumpay, Okt.8, 1969

PAGSASALAYSAY

Kahulugan

Ang pagsasalaysay ay isang paraan ng pagpapahayag na nagkukuwento ng pangyayari o kawil


ng mga magkakaugnay na mga pangyayaring maaaring totoo o dili kaya’y mga pangyayaring bunga ng
imahinasyon o guniguni.

Ang pagsasalaysay ay isa sa pinakagamitin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ng tao sa


kanyang kapwa. Ang layunin nito ay maikuwento ng isang pangyayari o kawil ng pangyayari.

Ano ang Pinagkukunan ng Tao ng Kanyang isinasalaysay?

1. Karanasan
2. Pagbabasa
3. Pakikinig
4. Pagtatala ng mga nararanasan, nabasa at narinig

Uri ng Salaysay

Inuuri ang lalong marami sa dalawa ang pagsasalaysay: ang salaysay na nagpapabatid
(informative narrative) at ang masining na salaysay (artistic narrative). Ang salaysay na nagpapabatid
ay isinusulat upang maghatid o magbigay ng mga kaalaman o kabatiran sa mga mambabasa,
samantalang ang masining na salaysay ay isinusulat upang makaaliw. Ang salaysay na nagpapabatid ay
walang banghay (plotless) samantalang karaniwang may banghay ang salaysay na masining.

Mga Uri o Halimbawa ng Salaysay na Nagpapabatid

1. Salaysay na nagpapaliwanag (expository narrative)


2. Salaysay na pangkasaysayan (historical narrative)
3. Salaysay na nakaraan (reminiscent narrative)
4. Salaysay na paglalakbay (travel narrative)
5. Salaysay ng pakikipagsapalaran (narrative of adventure)
6. Salaysay na patalambuhay (biographical narrative)
7. anekdota (anecdote)
8. Kathang salaysay (sketch)

Katangian ng Mabuting Salaysay

1. May mabuting pamagat


2. Mahalagang paksa
3. Wastong pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. Kawili-wiling simula at wakes

Katangian ng Maikling Kuwento

1. Banghay
2. Paningin
3. Suliranin
4. Paksang-diwa
5. Himig
6. Salitaan
7. Kapanabikan
8. Pagtutunggali
9. Kakalasan
10. Kasukdulan
11. Galaw

TALATA

Kahulugan

Ang talata ay binubuo ng isang pangungusap o magkakaugnay na mga pangungusap na nagpapahayag


ng isang bahagi ng kabuuan ng isang pagkukuro, palagay o paksang-diwa.

Mga Uri ng Talata (Ayon sa Kinalalagyan ng Komposisyon)

1. panimulang Talata – Ito ay nagsasaad ng paksa at layunin ng isang pagpapahayag sa


isang malinaw na paraan. Tinitiyak nito kung ano ang ipinaliliwanag, pangangatwiranan
ilalarawan o isasalaysay at kung minsa’y kung paano ang gagawing pagtalakay o paglapit sa
paksa.
2. Talatang Ganap – Ang pagpapaunlad ng mga pangunahing bahagi ng sentral na ideya ang
pangunahing tungkulin ng mga talatang ganap. Karaniwang nakikita ito sa kalakhang bahagi ng
sulatin na sa kabuuan ay pagtalakay nang ganap sa mga paksang pangungusap sa kanyang
kaisahan at ganap na paglinang sa paksang-diwa ng sulatin sa kanilang kabuuan.
3. Talata ng Paglilipat-diwa – Mahalaga ito tungo sa ikapagtatamo ng ugnayan at kaisahan ng mga
pahayag. Nilalagom nito ang mga sinundang seksyon ng komposisyon o ipinahihiwatig ang
pagsulong ng paksang tinalakay. Kadalasang sinasabi rito ang pagkakaugnayan ng alinmang
dalawang magkasunod na bahagi ng komposisyon.
4. Talatang Pabuod – Ginagampanan ng talatang ito ang paglalagom o pagbubuod sa
mahahalagang pahayag sa katawan ng komposisyon. Natatagpuan ito sa gawing hulihan ng
komposisyon.
5. Malayang Talata – Kapag ang talata ay nagpapahayag ng isang paksa lamang, ito ay tinatawag
na malaya. Ito’y para nanag isang maikling komposisyon. Madalas gamitin ito ng mga manunulat
ng pangulong tudling, mga kolumnista at sa mga sumusulat ng patalastas.

Mga Uri ng Talata (Ayon sa Paksa o Nilalaman)

1. Talatang Naglalahad – Ito ay talatang nagpapaliwanag, nagbibigay-katuturan at pakahulugan.


2. Talatang Naglalarawan – Layunin ng talatang ito ang ipamalas sa bumabasa o nakikinig ang
isang larawan sa kabuuan sa hangad na ipinakitang isang bagay ay naiiba sa mga katulad nito.
3. Talatang Nagsasalaysay – Ito ay talatang nagsasaad ng pangyayari o karanasan upang
makapagbigay ng damdamin sa mamababasa.
4. Talatang Nangangatwiran – May layunin ang talatang ito na patunayan sa tulong mga katibayan
o katwiran ang katotohanan ng isang palagay o proposisyon.

Katangian ng Mabuting Talata

1. Nagtataglay ng isang paksang pangungusap, lantad o di-lantad


2. Nagtataglay ng isang diwa, hindi lamang bahagi nito.
3. May kaisahan. Alisin ang di-kaugnay na bagay.
4. May kaayusan. Ang pangungusap nito ay isinaayos sa paraang kaakit-akit.
5. May karampatang haba. Iwasan ang sunud-sunod na maiikling pangungusap gayundin naman
ang sunud-sunod na mahahabang pangungusap.
6. May wastong kayarian. Ito ay may wastong pasok at palugit; nagtataglay ng mga salitang dapat
mapasama roon at hindi sa iba pang talata.
7. Gumagamit ng wastong pang-ugnay ayon sa diwa ng sinusundan talata ng isang komposisyon.
Ang Paksang Pangungusap ng Talata

Ang paksang pangungusap ng talata ang pinakabuod ng talata. Hindi nito sinasabi ang lahat-
lahat tungkol sa talata, subalit ito ang nagpapahiwatig ng kaisahan ng talata sapagkat ito ang
nagpapahayag ng paksa o ideya.
Hindi lahat ng mga talata ay may lantad na paksang pangungusap subalit ang isang mabuting
talata ay kailangang magkaroon ng kahit isang di-lantad na paksang pangungusap. Nagsisilbi itong
patnubay upang di malihis sa paksang tinatalakay at maiwasan ang pagpasok ng mga bagay na walang
kabuluhan sa tinatalakay.
Mabisa ang paksang pangunguspa kung ang mga ito’y ginagamit sa iba’t ibang lugar sa loob ng
talata. Nakapanghihinawa kung ang mga talata ay palaging nagisismula sa paksang pangungusap.
Kinakailangang ito ay mapahayag sa iba’t ibang paraan sa iba’t ibang bahagi ng talata. Ang anyo nito ay
maaaring patanong, paturol o naglalahad at nagbubuod. Maaaring ito’y lumitaw sa gitna o sa hulihan ng
talata bukod sa karaniwang lugar na nasa simula.

PANGANGATWIRAN

Kahulugan

Ang pangangatwiran ay isang pamamaraan sa komunikasyon na ginagamitan ng lohika upang


makaimpluwensya. Ang impluwensyang ito kung minsan ay naglalayong mapagtibay ang mga dating
saloobin o aktitud, subalit kadalasang ito’y ginagamit upang bumuo ng mga bagong saloobin.
Ang tunay na pangangatwiran ay yaong naghahayag ng mga konklusyong hinugot mula sa
katotohanan. Ito’y naglalayong makaimpluwensya ng pag-uugali at pag-iisip. Ang binibigyang-diin ay
isang panig lamang ng suliranin.
Ang katotohanan ay natutuklasan sa pamamagitan ng kanais-nais na pagmamatuwid.
Nagmamatuwid tayo upang ang iba’y mapapaniwala natin sa katotohanan ng ating pananalig at
makahikayat na sila’y kumilos alinsunod doon.

Dalawang Uri ng Pangangatwiran

1. Pabuod (inductive reasoning) – Ang pangangatwirang ito ay nagsisimula sa maliit na halimbawa


o katotohanan at nagtatapos sa isang panlahat na suliranin. May tatlong paraan ang ganitong uri
ng pangangatwiran:
a. Ang Pag-uugnay ng Pangyayari sa Sanhi. Bawat pangyayari ay may sanhi. Ang
pangangatwiran natin ay nagsisimula sa mga sanhi tungo sa bunga o ang patumbalik nito.
Ang ating konklusyon ay isang pahayag na ang isang pangayayri’y bunga ng isa pang
pangyayari.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid na kaya hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat
hindi siya nagbalik-aral.

b. Gumagamit ng Pagtutulad. Inilalahad ang magkatulad na katangian, sinusuri ang mga ito
at dito humahango ng konklusyon. Ang konklusyon sa ganitong pangangatwiran ay
masasabing pansamantala lamang.
Halimbawa:
Magtayo tayo ng kooperatiba sa ating kolehiyo sapagkat ang kolehiyo sa Kabanatuan, sila
ay may kooperatiba at malaki ang napapakinabang.
Ang pagmamatuwid na si si Miss dela Cruz ay mabuting guro sapagkat ang ama’t ina niya
ay mahusay ring mga guro.
c. Gumagamit ng Katibayan at Pagpapatibay. Ang pagmamatuwid ay nanghahawakan sa
mga ebidensya, katibayan at patunay.
Halimbawa:
Ang pagmamatuwid ni Lucio ang salarin sapagkat sa kanya ang nakuhang sapaang
tsinelas sa tabi ng bangkay. Kay Lucio rin ang buckle ng sinturong siyang ipinamalo sa
namatay na natagpuan sa di-kalayuan sa lugar ng krimen. Si Lucio ay nakagalit ng napatay.
2. Pangangatwirang Pasaklaw (Deductive Reasoning) – Dito ang isang masaklaw na katotohanan ay
ikinakapitr natin sa isang tiyak na pangyayari. Ang anyo ng ganitong pangangatwiran ay
tinatawag na silihismo, isang anyo ng pagmamatuwid na binubuo ng isang Pangunahing
Batayan (PB) (major premise); iusang pangalawang batayan (pb) (minor premise) at
isang konklusyon (k) (conclusion).
Dalawang katangian ang dapat taglayin ng isang silohismo: dapat maging totoo at mabisa.
Samakatuwid, dapat maging totoo ang sinasabi sa mga batayan at ang konklusyon ay
maliwanag na tinatangkilik ng mga batayan kaya’t hindi maiiwasan. Hindi makagagawa ng
anumang konklusyon kailanman’t walang isang terminong nakapaloob sa dalawang
batayan. Ito ang tinatawag na panggitnang termino. Ito’y napapaloob sa isa sa iba pang
mga termino (panaguri ng punong batayan) samantalang kinapapalooban naman ng
natitirang termino (simuno ng pangalawang batayan). Ang terminong simuno ang
konklusyon ay tinatawag na pangalawang termino at ang terminong panaguri ng
konklusyon ay tinatawag na punong termino. Maliwanag na makikita ang mga ito sa
sumusunod na halimbawa. (Ang PB, pb, k ay kumakatawan sa Punong Batayan,
pangalawang batayan at konklusyon)

Huwaran:

PB Ang lahat ng A ay B.
pb Ang K ay A.
k Ang K ay B.

Halimbawa:
A B
PB Ang lahat ng tao ay mamamatay.
K A
pb Si Juan Reyes ay tao
K B
k Si Juan Reyes ay mamamatay.

Sanggunian:
Tumangan, A.P. Sr. et.al. (1986) Sining ng pakikipagtalastasan. Metro Manila: National Bookstore Inc.

Si Bathala (nasa ibabaw), isang diwata (nasa ilalim),


at isang sarimanok(nasa gitna).
 Kilala rin siya bilang Bathalang Maykapal. Siya
ang makapangyarihang diyos, pinaniniwalaan ng
mga sinaunang Tagalog at hari ng mga Diwata.
Lahat ng mga paniniwalang ito ay naimpluensya
ng mga Kastila .
 Pinalitan nila ang lumang pananampalataya ng mga lumang Tagalog sa Kristiyanismo. Si Bathala ay
inuugnay sa Diyos ng rehiliyong Kristiyanismo, at ang ibang diyos-diyosan ay pinalitan ng mga santo.
Kaya, sa panahong nagyon, ang salitang "Bathala" ay tinatawag sa Diyos ng Rehiliyong Kristiyanismo ng
mga Pilipino nagyon.
 Sa Mitolohiyang Pilipino, ang Diwata or Lambana ay mitolohiyang pigura gaya ng fairies o nymphs.
Sinasabing sila ay nananahan sa malalaking puno gaya ng acacia andbalete at pinaniniwalaan na espiritung
tagapagbantay ng kalikasan, tagapagbigay ng pagpapala at sumpa sa sinumang nangangalaga o sumisira sa
kabundukan at kalikasan. Sa Filipino baybayinang Sanskrit na salitang devadha, ay mula sa Sanskrit na
salitang dev, nangangahulugang kabanalbanalan.
 The salitang "diwata" ay hango sa iba’t ibang kahulugan mula sa konsepto ay iniuugnay sa mga mitolohiya
noong pre-colonial. Malimit ito ay isang ginagamit upang tukuyin ang isang nilalang gaya ng diwata o
engkantada, o gaya ng mga nabanggit. Ang salitang "diwata" ay kasingkahulugan ng "anito," at ang
paggamit ng salitang "diwata" ay kilala sa Katimugan ng Pilipinas, habang ang "anito" ay ginagamit at
kilala sa Hilagang bahagi.
 Ang lalaking diwata ay tinatawag na enkanto, at nananahan sa karagatan. Ito ay karaniwan sa mga
mangingisda na nag-aalay sa engkanto ng karagatan upang magkaroon ng masaganang huli.
 Ang Mitolohiyang Pilipino ay nababatay sa iba’t ibang pangkat ng tao o tribo sa kalupaan ng bansa kaya
maraming kuwento at nagkakaiba-iba ang mga ito. Narito ang ilan sa kanilang mga diyos at diyosa ng
mitolohiyang Pilipino:
 Bathala. Punong diyos ng mga Tagalog
 Kaptan. Sa Visayas, siya ang kataas-taasang doyos na nananahan sa kalangitan. Nakipagtalo siya kay
Maguan na nagtapon siya ng mga tipak ng mga bato kaya nabuo ang mga isla ng Pilipinas.
 Idianalé. Ang diyosa ng pag-aasawa sa mga sinaunang Tagalog
 Sidapa. Diyos ng kamatayan. Naniniwala na siya ay nananahan sa tuktok ng of Mt.Madia-as, sa lalawigan
ng Antique.
 Apong Sinukuan. Ang diyosa ng araw at diyosa ng Mt.Alaya(Arayat)sa lalawigan ng Pampanga.
 Apong Malyari. Diyos ng buwan at ng Mt.Pinatubo. Sinasabing kapatid ni Apong Sinukuan.
 Amihan. Diyosa ng hanging Amihan o Personification of the Northeast Wind.
 Pughe. Hari ng mga dwende. Sa hilaga. Nahahati ang mga dwednde – puti at itim.
 Dian Masalanta. Ang dyosa ng pag-ibig at pagsilang sa sinaunang Tagalog.
 Lakapati. The hemaphrodite deity of fertility among the ancient Tagalogs.
 Dal'lang. Dyosa ng kagandahan. Nagbibigay ng kagandahan sa kanyang tagasunod.
 Lalahon. The visayan goddess of fire, volcanoes, and harvest. In ancient times people were feared her
because she sent locust to destroy harvest when she's angry.
 Kidul. Ang dyos ng lindol.
 Kalinga. Ang dyos ng kulog.
 Agui. Ang dyos ng apoy, kapatid ni Agwe..

 Maguayan. The sea deity of the ancient Visayans. He/She is also believed to be the ferryman of the dead in
Sulad(hell).
 Mandarangan - dyosa ng mga ispiritu at digmaan ng Bagobo mythology.
 Siginaugan. Dyos ng impyerno
 Deltise. Ang dyos ng mambabarang
 Kilubansa. Dyos ng paghilom. Ama ni Dihas
 Dihas. Dyosa ng mga halamang gamot
 Pasipo. Dyos ng musika
 Sirenha. Dyosa ng mga isda – ang mga sirena ang kanyang mga anak
 Oghep. Dyos ng bundok at burol .
 S'dop (sodop). Dyosa ng ginto
 Dayea. Dyosa ng mga lihim
 Bayoa. Dyos ng sanduguan
 Aspene. Dyosa ng kabibe.
 Punho. Diyos ng mga puno.
 Haspe. King of the Tamaos.
 Halmista. The visayan god of magick. Some say that he is a former baylan who turned into a god.

 Bathala/Alah – pangunahing Diyos
 Idionale – Diyos ng mabuting gawain
 Anion Tabo – Diyos ng hangin at ulan
 Apolaki – Diyos ng digmaan
 Hanan – Diyos ng mabuting pag-aani
 Mapolan Masalanta – Patron ng mangingibig
 Libongan – Tagatanod sa pagsilang ng isang buhay
 Limoan – Tagapangasiwa sa namamatay
 Tala – Diyos ng pang-umagang bituin
 Apolake (or Adlaw), god of the sun
 Amanikable, the ruler of the seas
 Anitan, the guardian of lightning.
 Bathala (also known as Kabunian, Malayari, Apo, and Lumawig) the ruler of the heavens
 Dian Masalanta the goddess of love,
 Mayari (or Bulan in other areas), the goddess of the moon,
 Tala, goddess of the stars

 Mabubuting Espiritu

 Patianak – Tagatanod sa lupa


 Mamanjig – Tagapangiliti sa bata
 Limbang – Tagatanod sa kayamanang nasa ilalim ng lupa

 Masasamang Nilalang
 Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
 Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan
ang kalahati ng kanyang katawan.
 Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol
 Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
 Salot – nagsasabog ng sakit
 Tiktik – isang ibong kasama ng aswang
 Tanggal/Aswang – matandang babaeng sumisipsip ng dugo ng sanggol. Sa kanyang paglalakbay, iniiwan
ang kalahati ng kanyang katawan.
 Tama-Tama- maliit na taong kumukurot o nagpapaiyak ng sanggol
 Kapre – maitim na higanteng laging nakatabako
 Salot – nagsasabog ng sakit

 Ang mitolohiya tungkol sa mga aswang ay bantog sa Visayas, lalo na sa mga lalawigan ng Capiz, Antique
and Iloilo.

Pagsasalin

Noong pang panahon ng Babylon hanggang sa kasalukuyang panahon, panahon ng


makabagong teknolohiya gamit ang computer t iba pa, ay batayang masasabing suliranin sa pagsasalin.

Suliranin ng isang tagapagsalin kung ano ang mas higit na pipiliin sa pagitan ng anyo at
kahulugan ng salita. Kapag ang pinili ang istilo ng orihinal may posibilidad na masira ang kahulugan,
samantala ang pagpili ng literal na content ay karaniwang nawawala ang istilo nito.

Tunay na ipinakikita at ipinakikilala na magkaiba ang wika sa isa‟t isa. Nag-iiba pa ang midyum
ng komunikasyon batay sa proseso ng pag-inog nng pagbabago na nagiging suliranin ng tagapagsalin.
Kinakailangan magbigay puwang ang wika sa pagtanggap ng mga bagong karunungan at bagong
organisasyon ng karunungan. Kinakailanga ng wika na makapagbigay ng panlipunang realidad upang
mauri nito ang iba‟t ibang karanasan batay sa iba‟t ibang uri ng tao sa lipunan. Binabagayan dapat ng
wika ang pagbabagong kinakaharap sa lipunang at ng tao. Sabi ni Julio Casares (1956) na ang “
Pagsasalin wari‟y isang warehouse – na kung ang pagmamanman ng mga opisyales ay hindi mahigpit,
baka walang pakundangang pumasok ang maraming smuggled at banyagang idyoma kaysa sa
panglinggwistikang pananaw.”

Sa isang tagapagsalin, suliranin nito kung ang pagsasalin ay isang sining o agham? Ito ba ay
isang kasanayang matatamo lamang sa pamamagitan ng pagsasanay o kaya‟y tumutukoy sa ilang
pamamaraang dapat ilarawan at pag-aralan? Sa katunayan, ang pagsasanay sa pagsasalin ay
magkaiba sa teorya – bagaman ang mga elementong makasining ay kinakailangan sa isang mahusay
na pagsasalin, subalit ang mga linggwist at philologist ay malaki ang paniniwala at kamalayan na ang
proseso ng pagsasalin ay higit na angkop isakatuparan sa isang masining na paglalarawan. Kapag
pinag-uusapan ang “agham ng pagsasalin” ang pokus ay nasa paglalarawang aspeto nito. At kung ang
linggwistika ay inuring isang inilalarawang agham – gayundin ang paglilipat ng mga mensahe mula sa
iba‟t ibang wika, ang proseso ay isinasagawa sa isang maagham na paglalarawan. Doon sa mga
nanggigiit na ang pagsasalin ay isang sining – yaong lamang at wala ng iba, karaniwang nabibigo sa
pagtuklas ng mga karagdagang alituntunin sa pamamaraan sa makabuluhang gamit nito.

Larangan ng Pagsasalin

Ang larangan ng pagsasalin ay maaaring mahati sa tatlong uri ayon kay Jakobson. Ang unang
uri ay tinatawag na:
a. intalingual – ito‟y pagbabago lamang ng mga salita sa loob ng magkaparehong wika. Ang
ganitong proseso ay maaaring mag-interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan ng
paggamit ng ibang sign sa loob ng magkaparehong wika.
b. Interlingual translation - tinatawag rin itong „translation proper‟. Ito ay may layuning mag-
interpret ng mga verbal sign sa pamamagitan nng mga verbal sign ng ibang wika. Subalit ang
pokus nito ay hindi lamang paghahanap ng katugmang simbolo (i.e. salita-sa-salita) kundi
maghanap ng katugmang simbolo sa tumpak na pagkakahanay.
c. Intersemiotic o transmutation – ito‟y pagsasalin ng isang mensahe mula sa isang
masistematikong simbolo patungo sa iba.Halimbawa ang isang berbal na mensahe ay
maaaring mai-transmute sa pammagitan ng pagwagayway ng kanilang bandila sa tumpak na
pamamaraan gaya sa pagbibigay ng mensahe ng Navy.

Ang pagsasalin ay binubuo ng maraming paghihigpit dala ng kultura, linggwistika.


Pangliteraturang istilo at mass media. Ang pagsasalin ng mga dokumentong legal –
halimbawa, mga batas ay nakasulat sa wikang Ingles na isasalin sa wikang Filipino ay
kapapalooban ng pagkakaiba-iba ng bawat wika dahil magkaiba ang saloobin sa
pamamalakad ng batas.

Katuturan at Layunin ng Pagsasalin

 Ang pagsasaing-wika ay paglalahad ng ibang wika ng katumbas na kahulugan sa isang wika.


 Ang pagsasaling-wika ay isang paraan ng pagpapalit ng diwang inihayag sa isang wika ng
katapat na diwa sa ibang wika.
 Ang pagsasaling-wika ay palitan ng kahulugan sa ibang wika at paglalahad nito sa ibang
pananalita. (Webster‟s New World Dictionary of the American Language)
 Ang pagsasaling-wika ay pagbibigay ng diwa o kahulugan sa ibang wika (New Standard
Dictionary)
 Ang pagsasaling-wika ay isang sining ng pagpapahayag ng isang orihinal na akda nang hindi
nababago ang diwa at kaisipang ipinahahayag nito tungo sa ibang wika. (Santiago, 1976)

Apat na Kategorya ng Pagsasalin

Naglahad si Savory ng apat na kategorya ng salin:

1. Saling nagbibigay ng kabatiran gaya ng anunsyo, patalastas at paunawa.\


Halimbawa:
Second-hand books are sold here.
Salin: Nagbibili rito ng mga librong gamit na.

2. Sling sapat o yaong saling halos hindi mapagpasyahan para sa karaniwang mambabasa, na ang
ibig lamang ng mga mambabasa ay ang nilalaman ng akda.
Halimbawa:
Fate of the Earth
Salin: Satanas sa lupa

Seven last Word


Salin: Huling wika.
3. Saling sumasaklaw sa iba‟t ibang porma gaya ng tuluyan sa tula, tula sa tuluyan o tula sa tula.
Halimbawa:
The hour I spnet with thee, dear heart
Are a string of pearls to me;
I count them over, everyone part,
My rosary, my rosary.
Salin:
Ang mga sandaling kasama kita, ay para kang kwintas.
Paulit-ulit at paisa-isa kong binibilang ang mga ito
katulad ng mga rosaryo.

Ang mga sandali na kasama kita,


Sa pakiwari ko‟y kwintas na perlas;
Binibilang-bilang nang paisa-isa
Na wari‟y rosaryo ng wagas na pagsinta.

4. Saling siyentipiko o teknikal


Halimbawa;
Astronomy amplitude metric system
Salin: astronomiya taas ng alon sistemang metriko

Geostructural mapping amino acid


Salin: heoistruktural na pagmamapa amino acid

Dalawang Uri ng Salin

1. Lantad na Salin (Overt Translation) – ang lantad na salin ay karaniwang kailangan ng orihinal na
teksto ay nakatali sa kultura ng pinagmulang wika at malayang katayuan sa komunidad ng
pinagmulang wika. 9House, 1977)
2. Di-Lantad na Salin (Covert Translation) – ang di-lantad na salin ay karaniwan kapag ang alin
mang dalawang nabanggit na kondisyon ay wala (House, 1977)

Katangian ng Isang Tagasalin


Ayon sa aklat na Masaklaw na Pilipino na Belvez, Catacataca at Villafuerte (1984), halos
nagkakaisa ng paniniwala sina Savory (1959) at naida (1969) tungkol sa mga katangiang dapat taglayin
ng isang tagasaling-wika. Sapagkat ayon sa kanila‟y dapat na mag-angkin ito ng:

1. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.


2. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin.
3. Sapat na kakayahan sa pampanitikang paraan ng pagpapahayag.
4. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.
5. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansang kaugnay sa pagsasalin.

Katangian ng Isang Mahusay na Salin

1. Kailangang katulad na katulad ng orihinal ang diwa, ang estilo at paraan ng pagsulat ay katulad
ng sa orihinal at taglay ang ”luwag” at ”dulas‟ ng pananalitang tulad ng sa orihinal, upang
hangga‟t maaari ay magparaang orihinal (Santiago, 1976).
2. Kailangang matagumpay na matamo ang layuning maipahatid ito sa kinauukulang target (Nida,
1976)
3. Kailangang kumakatawan ito sa orihinal nang hindi nilalapastangan ang wikang kinasalinan
(Medina, 1988)
4. Kailangang meaning-based na nangangahuluganh dapat itong magpahayag ng tamang
kahulugan o diwa ng orihinal sa tunay na porma ng pokus ng wika. (Lacson, 1984)
5. Kailangang may sensibilidad, naipahahayag ang nilalaman at paraan ng orihinal, may natural at
madulas na ekspresyon at tumutugon sa pagtanggap na tulad ng orihinal (Nida, 1964)

Mga Pamantayan sa Pagsasaling Wika

1. Higit na pahalagahan ang wikang kasalukuyang ginagamit ng bayan kaysa wikang nakasulat.
Maaaring ang wikang nakasulat ay nahagi na ng nakaraan kaya‟t hindi na ginagamit sa kasalukuyan.
Piliin ang mga salitang higit na gamitin.

Halimbawa:
”Nakain ka ba ng litson?”
Dapat: ”Kumakain ka ba ng litson?”
”Nilandi niya ang tubig sa tapayan.”
Dapat: ”Nilaro niya ang tubig sa tapayan.”
2. Isaalang –alang ang kaisahan sa anyo ng mga saliatng hinihiram sa ibang wika. Halimbawa, kung
isasalin ang mga salitang ‟agriculture and civilization‟ sa Filipino, ang anyo ay dapat na:

Pagsasaka at kabihasnan

Hindi pagsasaka o sibilisasyon o agrikultura at kabihasnan

3. May mga salitang magkakasingkahulugan. Alin man sa mga ito ang maaaring gamitin subalit
kailangang iangkop ang salita sa sinasaling teksto.

Halimbawa:
Kulay asul ang baro niya
Kulay bughaw ang baro niya

Ingles: He belongs to the royal blob.


Salin: Siya‟y nabibilang sa dugong bughaw.
Mali: Siya‟y nabibilang sa dugong asul.

4. Maging matipid sa paggamit ng mga salita.

Ingles: You make plans for the school year.


Salin:
1. Gumawa ka ng plano para sa taong panuruan.
(Matipid) 2. Magplano ka para sa taong panuruan.

5. Sa pagsasalin, hindi maiiwasan ang pagpapakahulugan. Kung sakaling magkaroon ng ibang


pakahulugan sa itutumbas na salita, umisip ng ibang maaaring ipalit dito.

Halimbawa: They moved to another place.


Salin: 1. Sila ay gumalaw sa ibang lugar.
Wasto 2. Sila ay lumipat sa ibang lugar.

6. Hangga‟t maaari, iwasan ang paggamit ng panumbas na salita na may kaanyo sa ibang wika sa
Pilipinas, subalit hindi kakahulugan.

7. Ang mga daglat at akronim na tinatangap na o kinikilalang unibersal ay di na kailangan iayon sa


baybay ng katumbas sa Filipino.

Halimbawa: UST, QC, BPI, PTA, DepEd


ng umaga – n.u. ng hapon n.h.

8. Kapag ang ang pamagat ay may kahirapan isalin, bigyan ito ng katumbas pagkatapos maisalin ang
buong nilalaman ng materyales na isasalin.
Narito ang ilan pang mga suliranin sa pagtutumbas.

Sa panlinggwistika

1. Isa-sa-isang katumbas – (dito ang isang tagapagsalin ay dapat na gumamit ng diksyunaryong


bilinggwal)

W1 leksikon (salita) W2 – leksikon

Halimbawa:
Instrument – kagamitan
Civilization – kabihasnan
2. Isa – sa – maraming latumbas

W2 leksikon (a)
W1 leksikon W2 leksikon (b)
W2 leksikon (c)

Hal.:
young child
bata protegee
mistress

3. Marami – sa – iisang katumbas

W1 leksikon (a)
W2 leksikon (b) W2 leksikon
W3 leksikon (c)

Hal.:
Maanghang ang sili
Mainit ang plantsa hot
May lagnat ang bata

Ano ang dapat mong gawin?

a. Maaaring manghiram, subalit lalagyan ng panipi


Halimbawa:
Ang pag-aaral ng “discourse” ay ang pangkomunikatibong paggamit ng mga pangungusap sa
mga gawaing pansosyal.

b. Panghihiram nang may pagbabago

1. hiramin ang salita subalit baybayin ayon sa ating palabaybayan


Hal.: consistent – konsistent

2. hiramin ang katumbas na salita sa Kastila


Hal.:
Ingles organism
Kastila organismo
Filipino organismo
academic - academico - akademiko

3. lumikha
Hal.: index – talatuntunan
Vocabulary – talasalitaan

Mga Batayang sangkap ng Pagsasalingwika:

Ang Teksto – ito ay dapat na nakasulat; ano mang haba ng wika na may pagkakaugnay-ugnay sa isa‟t
isa ang bawat sangkap, at nagkakaroon ng isang kabuuang may pagkakaugnay-ugnay

Teksto

Mga Katangiang Mga Katangiang


Panlinggwistika Ekstralinggwistika
Mga Pamantayan Estilo Mga Katangian Nilalaman
Ng Teksto

Mga Katangiang Bisa sa babasa


Intensyunal
(may-akda)

Mga Katangian ng Teksto

Pagpapaliwanag:
Ang isang teksto ay maaaring may mga katangiang panlinggwistika at pang-ekstralinggwistika.

Panglinggwistika – ito‟y pagtutuon ng pansin sa mga anyo ng wika at gramatika, at ng pagkaakiba-iba


ng wikang isinasalin (W!) at ng wikang pagsasalinan (W2)

Halimbawa:
English verbal construction:
She ate the fruit. Kinain niya ang prutas.

Filipino nominal construction:


Siya ay kumain ng prutas.
It was she who ate the fruit, or She was the one who ate the fruit.

Mga Pamantayan:

Ang mga salita at ideya ng orihinal ay nararapat na nasa isang salin, kaya‟t kapag ang isang
salin ay binasa, kinakailangang ito‟y maging salamin ng orihinal na sinulat tulad din ng pagiging salamin
ng isang salin.

Ang Estilo.

Ang estilo ng orihinal ay dapat na naipakikita ng isang salin at dapat ding aralin ng isang slain
ang estilo ng tagapagsalin.

Pang-esktralinggwistika – ito‟y nauukol sa pangkalikasan at pangkultural tulad ng mga


sawikain, matalinghangang pananalita atbp.

Halimbawa:
English; He is stubborn.
Filipino: Matigas ang ulo niya.

Tulad ng nabanggit na, ang nilalaman ay kailangang magkakaugnay sa isa‟t isa. Kalakip dito ang
layunin ng may-akda at kung paano ito magiging epektibo sa mga mambabasa.

Kahusayan ng Tagapagsalin

Tagapagsalin

Orihinal Salin

Kahusayan sa W1 Kahusayan sa Paglipat

Kahusayan sa W2
Kahusayan sa Kahusayan sa Pagbibigay
Pagbibigay-kahulugan ng mensahe

Kahusayan sa Pagsususri Kahusayan sa Pagbuo

Aqng pagiging mabisa sa salin ay nakaslalay sa lkahusayan ng tagapagsalin mula sa orihinal.


Tulad ng nabanggit sa unang pahina, ang tagapagsalin ay mahusay sa dalawang wikang kasangkot sa
pagsasalin. Ang mabuting pagpapakahulugan sa W1 ay nagbubunga ng kahusayan sa pagbibigay ng
ideya o kaisipan sa W2. At kung mahusay ang kanyang pagkakasuri sa nilalaman ng W1, ang bawat
bahagi sa W1 ay nagkakaroon ng mabisang kabuuan.

Mga Proseso sa Pagsaalingwika

Literal Hindi Literal

Panghihiram Pagpapalit Pagpapalit

Transposisyon Modulasyon

(Pagsasalin (Pagsasaling (Pagsasabi (Pagkuha ng


Sa isa-sa-isang Literal) sa sariling kahulugan)
Salita) pangungusap)

Pagpapaliwanag:
Ayon sa balangkas sa itaas ang pagsaaling wika ay nagsisimula sa literal na pagsasalin sa
pamamagitan ng panghihiram at pagpapalit. Ang pagpapalit ay sa paraang isa-sa-isang salita o kaya‟y
pagsasaling literal. Pagkaraa‟y pag-aaralan kung paano maaaring gawing hindi literal. Ang pagsasalin
ay maaaring ipahayag sa paggamit ng sariling pangungusap o pagkuha kaya ng kahulugan sa teksto ng
wikang isinaalin.

Batay sa sinulat ng dalubwika (Einar Haugen), iminungkahi niya ang sumusunod na hakbang sa
pagsasalingwika.

1. Pagsusuri – sa pagsasalin, kailangang basahin muna ang teksto sa orihinal na wika (W1). Dapat
alamin ang mga sumusunod:
a. kahulugan ng bawat salita
b. pagkagamit ng bawat salita sa isang pangungusap
c. kung ang pagpapakahulugan ng isang salita sa mga salita ay maaapektuhan ng nilalaman.

2. Paglilipat – inililipat ng tagapagsalin ang nilalaman sa wikang pinagsasalinan.

3. Pagbabago – pagsulat muli sa teksto sa sariling pangungusap.

Pagsasalin ng Matayutay na Pahayag.


Nagkakaroon ng suliranin sa pagsasalin ng matalinghagang mga pahayag. Hindi dapat isiping
ang bawat salita‟y may hustong katapat sa alin mang ibang wika. Ang matalinghagang kahulugan ay
ibinabatay sa taglay na kahulugan ng pangunahing diwa.

Hal.:
Only five loyal souls reported for work.
Salin Lima lamang matatapat na manggagawa ang dumating para
magtrabaho.

Paraan sa Pagsasalin ng mga Tayutay

1. Dapat isalin ang diwa ng salita sa payak na kahulugan. Ang wikang isinasalin (W1) na matayutay
ay magiging payak sa wikang pinagsasalinan (W2).
Hal.:
The Philippines elected national officials inh 1998.
Ang mga mamamayang Pilipino ay naghalal ng pambansang pamunuan noong 1998.

2. Kailangang panatilihin ang orihinal na salita at dagdagan ng kahulugan upang pasighiin ang
damdamin. Nangyayari ito kadalasan, sa panulaan.
Hal.:
He drank 3 bottles.
Uminom siya ng tatlong boteng serbesa.

3. Dapat tumbasan ng kapwa matayutay o idyomatikong pananalita ang isinaalin. Ang matayutay na
wikang isinasalin (W1) ay tinutumbasan din ng matayutay na wikang pinasasalinan (W2)
Hal.:
Don‟t hurt his good name.
Huwag mong sirain ang maganda niyang pangalan.

Hango sa pag-aaral ng ginawa


Ni Teresita Fortunato

Mga Hakbang sa Panghihiram

May iba’t ibang uri ng panghihiram.

1. Paghihiram na Dyalektal
- Iba’t ibang uri ng Tagalog ang naririnig sa kamaynilaan. Tagalog-
Maynila, Tagalog-Nueva Ecija, Tagalog-Bulacan, Tagalog-Bataan,
Tagalog-Cavite, Tagalog-Batangas, Tagalog-laguna, Tagalog-Quezon,
atb.
- Ang mga taga-lalawigang di-Tagalog ang unang wika ngunit
nakapagsasalita at nakauunawa ng Tagalog ay madaling
maimpluwensyahan ng kanyang pangalawang wika.

2. Panghihiram na Kultural
- May mga salita sa Filipino na hiram sa ilang wikang lalawiganin gaya ng
sumusnod: bana, ditse, sangko, pinakbet, jihad, inday, Ramadan,
kasingkasing, moret, kalipay, hadji, Bicol Express, mag-urong, atb. na
naging bahagi na ng ating kultura.
- May mga salitang hiniram natin sa ibang bansa ngunit patuloy pa rin
nating ginagamit dahil nagging bahagi na ang ating kultura gaya ng
sumusunod; spaghetti, lasagna, Light Rail Transit, internet, computer,
diskette, text messaging, cellphone, Xerox, atb.
Sa paghahanap ng panumbas sa mga hiram na salita buhat sa wikang Ingles,
maaaring sundin ang mga sumusunod na paraan:

1.Ang anumang pinagkukunan ng mga salitang maaaring itumbas ay ang leksikon


ng kasalukuyang Filipino, kung mayroon.

Halimbawa:

Hiram na Salita Filipino

rule tuntunin
ability kakayahan
skill kasanayan

2. Sa panghihiram ng salita na may katumbas sa Ingles at sa Kastila, unang


preperensya ang hiram sa Kastila. Iniaayon sa bigkas ng salitang Kastila ang
pagbabaybay sa Filipino.

Halimbawa:

Ingles Kastila Filipino

check cheque tseke


liter litro litro
education educacion edukasyon

3. Kung walang katumbas sa Kastila o kung mayroon man ay maaaring hindi


maunawaan ng nakakaraming tagagamit ng wika, hiramin nang tuwiran ang
katawagang Ingles at baybayin ito ayon sa mga sumusunod na paraan:

A. Kung consistent ang ispeling ng salita, hiramin ito nang walang pagbabago.

Halimbawa:

Ingles Filipino

reporter reporter
editor editor
soprano soprano

B. Kung hindi konsistent ang ispeling ng salita, hiramin ito at baybayin nang
consistent sa pamamagitan ng paggamit ng 20 letra ng dating Abakada.

Halimbawa:

Ingles Filipino
control kontrol
meeting miting
leader lider
teacher titser
truck trak

C. Gayunpaman, may ilang salitang hiram na maaaring baybayin sa dalawang


kaanyuan, ngunit kailangan ang konsistensi sa paggamit.
Halimbawa:
barangay baranggay
kongreso konggreso
tango tanggo (sayaw)
kongresista konggresista

*May mga salita sa Ingles ( o sa banyagang wika) na maaaring pansamantalang


hiramin ng walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:
coach rendezvous
sandwich pizza pie
clutch champagne

D.Mga salitang hiram sa ibang katutubong wika na nagtataglay ng unikong


katangiang cultural. Gayunpaman, walang magiging problema kung iayon man
kaagad ang ispeling ng mga ito sa palabaybayang Filipino sapagkat kitang- kita
naman na ang ispeling ng mga wikang katutubo ay isinunod lamang sa
palaybaybayang Kastila.

Halimbawa:

cañao = kanyaw
hadji = hadyi
masjid = masdyid

Batay sa pag-aaral na isinagawa ni Bernales (1991), inilahad niya ang paraan ng


patutumbas sa pagsasalin ng mga katagang Ingles sa Filipino gaya ng sumusunod:

1. Spanish 1 – panghihiram sa Ingles sa pamamagitan ng pagkuha ng katumbas


sa Kastila nang walang pagabbago ang baybay.
Halimbawa:
Ingles Kastila Filipino
Microbe microbio microbio
Liquid liquido liquido
Solid solido solido

2. Philippine Dialects – panghihiram mula sa mga katutubong wikain sa Pilipinas.


Halimbawa :
Ibanag – vugi (egg of fish)
Tausug – azan (first call to prayer)
Ilocano – pinacbet (Ilocano delicacy)

3. Retrieving – muling pagkuha ng mga sinauna o lipas na katawagang Tagalog


na iilan-ilan na lamang ngayon ang nakakaunawa.
Halimbawa:
Ingles Filipino
Angle siha

4. Coining / Driving – paglikha o pagbuo ng mga salitang maipanunumbas:


Halimbawa:
Ingles Filipino
Biology haynayan
Gynecologist dalubsakit-babae

5. Foreign Language – panghihiram ng katawagan ng ibang wikang dayuhan


(maliban sa Ingles at Kastila) nang walang pagababgo sa baybay.
Halimbawa: Filipino
Italyano – pizza pie
Pranses - Bon Voyage
Latin - modus operandi

6. English to Tagalog one-on-one Correspondence – pagsasalin sa pamamagitan


ng katumbas o pinakamalapit na katumbas sa Tagalog.
Halimbawa:
Ingles Tagalog
Freedom kalayaan
Life buhay
Book aklat

7. Combination – kombinasyon ng dalawa o higit pang mga pamamaraan.


Halimbawa:
Ingles Filipino
Debated nagdebate
Government- Kontrolado ng Pamahalaan
Controlled
Presidencial Decree Dekri ng Pangulo

Mga Terminong likha o Hango

Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain kaya di-katakataka kung


makalikha tayo ng mga terminolohiyang maaangkin natin bilang orihinal na
wikang nagging bahagi na ng ating kultur gaya ng sumusunod:

Salitang likha/hango Kahulugan


Punlay mula sa salitang punla at buhay
Sadulawit mula sa salitang sayaw, dula at awit
Altanghap mula sa salitang almusal, tanghalian at hapunan
Tapsilog mula sa salitang tapa, sinangag at ilog
Banyuhay mula sa salitang bagong anyo ng buhay

Ang mga salitang bakla ay maaari ring maihanay sa kategoryang ito ay gaya
ng sumusunod:

Salitang bakla kahulugan


Badaf babae dapat
Bading baklang may dating
Chika tsismis kata
Wis walang ibig sabihin
Lucrecia luka-luka
Mga Terminolohioyanng Pang-agham at Pang-Teknolohiya at ang
kaugnayan nito sa bansang nanghihiram at Bansang pinaghihiraman.

Sa pamplet na ”Ang Wikang Filipino sa Information Age” (1997) ni Ponciano


B.P. pineda, dating Punong Komisyuner ng Komisyon sa Wikang Filipino, inamin
niyang ”ang mga katawagang kemikal ay maaari nang tapatan sa ating wika
ngunit kailangang panatilihin ng mga sagisag internasyunal gaya ng
sumusunod”:i

Iron (baka) - Fe
Water(tubig) - H20
Calcium carbide (kalburo) – CaC2
Lime (apog) CaO
Tin (lata) – Sn
Sulfur (asupre) – S

Pagsasalin ng Terminolohiyang Pang-agham at Pangteknolohiya

Aftershock sunod na paglindol


Ash fall abong ulan
Geology heolohya
Seismology saysmolohiya
Fault line palyadong linya

Sanggunian: Retorika Filipino 3:Para sa Antas Tersarya


Reresita S. Buensuceso
Jose Dakila N. Espititu pp. 91-96

Villafuerte, Patocino V. (2001). Introduksyon sa pagsasaling-wika: teorya, mga halimbawa at


pagsasanay. Pamantasang Normal ng Pilipinas: Grandwater Publications and Research
Corporation. Makati City

You might also like