You are on page 1of 14

DEPRESYON: ISA SA DAHILAN NG KAWALAN NG

GANA SA PAG-AARAL

Pamanahong Papel
Ipinasa kay
Bb. F.
Eastern Bacoor National High School

Ipinasa ni

IV Explorers
Pebrero 10, 2014

KABANATA I:
PANIMULA

PAHAPYAW NA KASAYSAYAN:
May mga bagay sa mundo na sadyang dumarating ng biglaan o hindi inaasahan. Mga
bagay na nakapagdudulot sa ng kabutihan o positibong pananaw sa buhay, o di kayay mga
bagay na nagdudulot ng kasamaan o nagiging sanhi ng pagkakaroon ng negatibong pagtingin sa
kapaligiran. Isang halimbawa ay ang pagkakaroon ng sakit. May mga pagkakataon na ang mga
sakit na ito ay bigla-bigla na lamang nararamdaman ng isang tao at siyang nagdudulot ng
pagkakaroon ng mababang enerhiya sa katawan. May ibat-ibang uri ng sakit na maaring
maramdaman kahit bata man o matanda. Isa sa mga tinuturing na pinakamalalang sakit ay ang
pagkakaroon ng depresyon.
Sa mga larangan ng sikolohiya at sikyatriya, ang depresyon na kilala sa Ingles
bilang Major depressive disorder (MDD), recurrent depressive disorder, clinical depression,
major depression, unipolar depression, o unipolar disorder ay isang sakit sa pag-iisip na
inilalarawan ng malawakang mababang mood na sinamahan ng mababang pagtingin sa
sarili (nawala ang pagpapahalaga sa sarili), kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na
nakasisiyang mga gawain. Isa itong damdaming malungkot, miserable, sobrang pagkadismaya,
galit na nararanasan ng isang tao sa pang-araw-araw na buhay. Bata man o matanda ay maaring
makaranas ng depresyon, at sa panahon ngayon karamihan ng tinatamaan ng sakit na ito ay ang
mga teenagers. Malaki ang magiging epekto sa pamumuhay ng isang tao ng depresyon, maari
nitong baguhin ang pananaw mo sa buhay, at ang iyong katayuan at maging katinuan ng pagiisip. Palagi na lamang negatibo ang takbo ng isip at hindi na kayang gumawa ng postibong
solusyon sa mga problema.
Isa sa mga maaaring maging epekto ng pagkakaroon ng depresyon ay ang kawalan ng
gana sa pag-aaral ng mga kabataan. Dahil nga sa nagiging matamlay, pagkakaroon ng negatibong
pananaw sa buhay at kawalan ng interes o kasiyahan sa mga normal na nakasisiyang mga gawain
ang isang mag-aaral, hindi na nito nakakayanang maging aktibo at makapag-isip ng tama na
nauuwi sa pagliban sa klase, at sa kadahilanang ito, naisipan ng mananaliksik na gawing pagaaral ang bagay ukol dito at magbigay din ng mga rekomendasyon sa kung papaano iiwasang
magkaroon ng depresyon ang mga kabataan sa ngayon.

MGA LAYUNIN:
Layunin ng pag-aaral na ito na mapatunayang isa sa mga dahilan ng kawalan ng gana ng
ibang mga kabataan sa pag-aaral ay dahil sa pagkakaroon ng depresyon. Tatalakayin din ng pagaral na ito ang mga sanhi sa kung bakit nagkakaroon ng depresyon ang isang bata at higit sa
lahat, layunin nito na makapagbigay ng karagdagang kaalaman sa kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon nito at sa mga batang nakakaranas na ng depresyon, makapagbibigay din ang pagaaral na ito ng kaunting kaalaman sa kung paano mapipigil ang paglala nito at kung paano maalis
ang ganitong uri ng sakit sa mga kabataan.

MGA SULIRANIN:
1. Ano ang ibat-ibang sintomas ng pagkakaroon ng depresyon ng mga kabataan?
2. Anu-anong mga bagay ang dapat gawin upang mapigilan ang pagkakaroon nito?
3. Paanong naging sanhi ang depresyon sa kawalan ng gana ng mga kabataan sa pag-aaral?

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

KABATAAN/KAPWA MAG-AARAL Mahalaga ang pag-aaral na ito sa mga kabataan


o sa mga kapwa mag-aaral sapagkat nakapagbibigay ito ng mga kaalaman sa kung paano
maiiwasan ang pagkakaroon ng depresyon. Higit na mahalaga ito sa mga kabataang
nakakaranas na ng ganitong uri ng sakit dahil sa pamamagitan nito, malalaman ng mga
kabataang ito kung paano ito maiaalis o malalabanan at kung anu-anong mga bagay ang

kinakailangang gawin upang hindi na muling makaranas nito.


MAGULANG Ito ay nagsisilbing gabay din sa mga magulang upang malaman ang

kinakailangang gawin nang sa gayon ay matulungan nila ang kanilang mga anak.
KAPWA MANANALIKSIK Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa mga kapwa
mananaliksik sa mga susunod na taon upang kanilang maging gabay at magsilbing

karagdagang impormasyon sa kanilang ginagawang pag-aaral.


MGA GURO Isang malaking tulong din ang pag-aaral na ito upang maging gabay ng
mga guro sa kanilang pagtuturo sa klase. Sa pamamagitan nito makakapagbibigay sila ng
mga impormasyon sa kanilang mga estudyante ukol sa kung paano maiiwasan ang
pagkakaroon ng ganitong karamdaman. Ang pag-aaral na ito ay maari lamang maging

gabay sa mga guro na kung saan ang asignaturang kanilang itinuturo ay mayroong
kinalaman sa emotional, pisikal, social o kaugalian na aspeto ng mga tao.

SAKLAW AT LIMITASYON:
Ang pag-aaral na ito ay ukol lamang sa mga pagpapatunay na ang depresyon ay isa sa
mga dahilan ng kawalan ng gana ng mga estudyante sa pag-aaral, sa mga sintomas ng
pagkakaroon ng depresyon, at sa mga bagay na maaring gawin upang maiwasan o malabanan ito.
Sakop lamang nito ang mga babae at lalaking may edad mula sampu (10) hanggang labin-walong
(18) taon at sa kahit saang lugar sa Pilipinas.
Wala ng iba pang saklaw ang pag-aaral na ito maliban sa mga nakasulat sa unang talata.

TERMINOLOHIYA:

Depresyon isang uri ng sakit sa pag-iisip kung saan malaking bahagi ng emotional na
aspeto ng isang tao ang naaapektuhan.

Sintomas mga bagay o palatandaan na nakikita sa isang tao upang masabing mayroon

siyang sakit.
Teenagers mga kabataang mga edad mula labin-tatlo (13) hanggang labin walong (18)
taong gulang.

KABANATA II:
MGA KAUGNAY NA
PAG-AARAL AT
LITERATURA

Ayon sa isang artikulo ng Nagoya International Center, ang depression ay isang sakit sa
mental na tinatawag na Sipon ng Puso. Kahit sino, kahit anong nasyonalidad, kahit ilang taong
gulang, kahit babae o lalaki man, maaaring magkaroon ng depresyon. Ang tanda ng depresyon ay
tumatagal ang isang kondisyong pagkalumbay o matamlay na karamdaman, kawalan ng sigla o
gana sa buhay, kawalan ng halaga o mababang pagtingin sa sarili, insomnia o hindi nakakatulog,
kahirapan sa konsentrasyon, kawalan ng ganang kumain o iba pa. Mahigit 120 milyon ang
pasyente ng depresyon sa buong mundo. Ang depresyon ay isang pansamantalang kondisyon
kung mabibigyan ng maagang lunas.
Ibat iba ang sanhi ng depresyon. Nararamdaman ang stress depende sa pamumuhay o
ginagawa ng isang tao. Kapag tumatagal ang masamang kondisyon ng katawan ng hindi alam
ang sanhi, posibleng mayroon nang depresyon. Kung may problema, huwag sarilihin mag-isa.
Kumonsulta sa pamilya o kaibigan.
Kapag nararamdaman ang depresyon, kailangang pagpahingahin ang pusot isipan ng
mabuti. Kailangan na rin uminom ng gamot depende sa kalagayan ng pasyente. Kaya humingi
kayo ng tulong sa psychiatrist, neurologist o mental health specialist.
Ayon din dito, kahit sino, maaaring magkaroon ng depresyon, hindi maliban sa mga
bata. Nararamdaman na rin ng mga bata ang stress at dahil sa mga stress, nagkakaroon ng
depresyon kagaya ng mga matatanda. Maaaring magkasakit mula sa mga 10 taong gulang. Kung
hindi pa umabot sa 10 taong gulang, kahit napansin ninyo ang tanda ng depresyon, madalas ito
ang pansalamantalang pagkalumbay o problema sa paglaki ng bata. Hindi parehas ang tanda ng
depression ng bata at adult, kaya kailangang mag-ingat.
Karaniwan, ang mga batang may depresyon ay nagpupumilit magsabi ng kanilang
damdamin at kalooban. Maaaring tanda ng depression ang mga sintomas na pisikal kagaya ng
sakit sa ulo, sakit sa tiyan, pagbaba ng score o pagsasabi ng ayaw pumasok sa paaralan.
Kadalasan hindi tumatagal ang depresyon ng bata at minsan lang sa buhay ang pagkakaroon ng
depresyon.
Palatandaan1 : Pagbabago sa Pisikal
Pagbabago sa pagtulog, pagbabago ng dami ng kinakain. Nanghihina ang katawan.
Palatandaan2: Pagbabago sa Mental
Nawala ang sigla o gana sa buhay o sa anumang gawain na datiy nagbibigay-kasiyahan.

Ayaw mag-aral at bumaba ang score sa paaralan.


Nagbabago ang lagay ng loob at paraan ng pag-iisip.
Palatandaan3 : Pagbabago sa Gawain
Umiiwas ng ibang tao. Naging mabagal ang kilos. Hindi mapakali o hindi nananatili sa
isang lugar. Nagrerebelde. Sinasaktan ang sarili niya o sinubukang magpakamatay
Paraan ng Paggamot sa Depression ng Bata
Kapag kumonsulta sa inyo ang titser o school counselor tungkol sa kalagayan ng anak
ninyo, kailangang pakinggan ng mahinahon at mag-isip kayo kung ano ang tamang paraan para
sa anak ninyo kasama ng mga titser. Ang pagpapagamot ng depresyon ng bata ay pag-inom ng
gamot, counseling, play therapy o iba pa. Nagpapasiya ang doktor kung anong paraan ang bagay
sa batang may depresyon. Kaya kumonsulta kayo ng mabuti sa doktor. Sa mga taon na ito,
mayroon nang gamot para sa derpesyon na maliit lang ang side effect, kaya nakakainom na rin ng
gamot ang mga bata.
Ano ang Magagawa Para sa Anak?
Kasama ng paggamot ng dalubhasa, mahalaga na rin ang tulong ng pamilya. Ang
pagrerebelde o malamig na kilos o sinasabi ay hindi totoo nilang nararamdaman laban sa taong
pinaghahalagaan nila. Kung nahihirapan kayo, nahihirapan din sila. Kapag gumaling sila ng
maikling panahon, kumonsulata kayo sa titser o school counselor para madali silang makabalik
sa paaralan.
Isa ring artikulo ang nasagap ng mananaliksik ukol sa epekto rin ng depresyon sa mga
teenager. Ito ay nagmula sa programang Salamat Dok na may paksang Teenage Depression.
Masarap at masaya ang buhay teenager! Kung maraming naaaliw, mayroon din namang
nalulungkot dahil mayroon silang pinagdadaanang hindi nila kontrolado--ang depresyon. Ang
depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng
labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kayay sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones,
problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta
sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Itoy maaaring pangmatagalan o pabalikbalik.

Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo't nasa edad sila na hindi na
bata, pero hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahahanap siya ng kalayaan. You have to
respect also na ang teenager would want privacy, paliwanag ni Dr. Genuina Ranoy, Child and
Adult Psychiatrist sa The Medical City.
Sa huling tala ng World Health Organization, umaabot na sa 350 milyong tao na may
ibat ibang edad ang naapektuhan ng depresyon. Bagamat may mga gamot dito, kakarampot
lamang ang nalulunasan. Ang isa pang nakakalungkot na katotohanan: isa lamang sa bawat
limang teenager na dumaranas ng depresyon ang natutulungan.
Hindi kagaya ng matatanda, karaniway umaasa pa rin ang mga kabataan na mapapansin
ng kanilang mga magulang o ng iba pang nakatatanda ang kanilang nararamdaman. Ayon sa mga
eksperto, mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan ng sakit na ito. Kapag hindi
agad natulungan ang bata at hindi naiwasan ang masasamang dulot nito, maaari itong mauwi sa
pagpapakamatay.
Palatandaan at Sintomas ng Teenage Depression

Kalungkutan at kawalan ng pag-asa


Walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan
Iritable at magagalitin
Madalas na pag-iyak nang walang dahilan
Lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan
Pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog
Hirap sa konsentrasyon
Mababa ang tingin sa sarili
Pagod at kulang sa sigla
Sumasagi sa isip ang pagpapakamatay

Kung malala ang nakikitang sintomas, huwag balewalain! It's a must to seek professional
help. May mga anti-depressant na nakakaganda o nakakawala ng physical symptom ng
depression. Meron ding psychotherapy, dito pinag-uusapan kung ano ang problema. Habang
ginagamot ang bata, kasama ang family. Dahil sila ang kasama sa bahay, sila ang makakatulong
o makakapag-monitor sa bata, paalala ni Dr. Ranoy.

Dagdag pa ni Dok, sa mga magulang o tagapag-alaga, mahalagang suriin kung gaano na


katagal lumabas ang mga sintomas na ito, kung gaano na ito kalala at kung malaki na ang
ipinagbago ng ikinikilos ng kanilang mga anak sa normal.
Tagubilin sa mga Magulang

Maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak


Maging mahinahon sa pakikinig sa kanilang problema
Iwasang sumigaw o manumbat
Tanggapin ang inyong anak bilang sila
Iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan
Ipakita sa anak ang pag-aaruga
Ibalanse ang mga panuntunan sa bahay

Kung ang magulang naman ang isa sa stressors sa pinagdaraanan ng anak, kailangang
maging bukas sila na sumailalim din sa psychotherapy para mas alam nila ang gagawing
solusyon sa depresyon ng anak.
Hindi biro ang teenage depression ngunit sa husto at tamang gabay ng magulang, katulong
ang payo ng eksperto, maaari itong mapagtagumpayan at maiwasan.

KABANATA Iv:
Konklusyon at
rekomendasyon

KONKLUSYON:

1. Narito ang mga sintomas ng pagkakaroon ng depresyon sa mga kabataan ayon sa


obserbasyon at sa tulong nga mga literature. Una ay ang pagbabago sa pisikal na anyo ng
isang bata o teenager. Halimbawa rito ay ang pagbabago sa pagtulog, pagbabago ng dami
ng kinakain. Nanghihina ang katawan. Pumapayat, at halata sa kanyang pisikal na anyo
na malaki ang pinagdadaanan niyang problema. Ikalawa ay ang pagbabago sa mental a
aspeto. Halimbawa ay ang nawala ang sigla o gana sa buhay o sa anumang gawain na
datiy nagbibigay-kasiyahan, ayaw mag-aral at bumaba ang score sa paaralan at
nagbabago ang lagay ng loob at paraan ng pag-iisip. At ang ikatlo ay ang pagbabago sa
gawain. Halimbawa rito ay umiiwas sa ibang tao, naging mabagal ang kilos, hindi
mapakali o hindi nananatili sa isang lugar, nagrerebelde at sinasaktan ang sarili niya o
sinubukang magpakamatay. Naririto pa ang ibang mga sintomas; kalungkutan at kawalan
ng pag-asa, walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan, iritable at magagalitin,
madalas na pag-iyak nang walang dahilan, lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan,
pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog, hirap sa konsentrasyon, mababa ang tingin sa
sarili, pagod at kulang sa sigla at sumasagi sa isip ang pagpapakamatay.
2. Maraming mga hakbang ang maaaring gawin upang mapigilan ang pagkakaroon nito.
Naririto ang ilan; kailangang pagpahingahin ang pusot isipan ng mabuti, kailangan na rin
uminom ng gamot depende sa kalagayan ng pasyente, kaya humingi kayo ng tulong sa
psychiatrist, neurologist o mental health specialist. Para sa mga kabataan naman na
dumaranas ng depresyon, naririto ang mga kinakailangang gawin ng mga magulang para
sa kanilang mga anak; kumonsulata kayo sa titser o school counselor para madali silang
makabalik sa paaralan, o maaari ring dalhin sa doktor upang malaman ang maaaring
gawin sa kanilang mga anak. Para naman sa mga teenager na dumaranas din ng
depresyon, naririto ang maaaring gawin ng mga magulang para sa kanilang mga anak;
maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak, maging mahinahon sa pakikinig sa
kanilang problema, iwasang sumigaw o manumbat, tanggapin ang inyong anak bilang
sila, iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan, ipakita sa anak ang pagaaruga, ibalanse ang mga panuntunan sa bahay. At higit sa lahat, para sa mga kabataan
naman na hindi pa nakakaranas ng depresyon, kinakailangang maging positibo lang lagi
sa buhay at sa oras na mayroong malaking problemang pinagdadaanan, huwag kalimutan
na mayroong Diyos na gumagabay sa atin at kahit kailan ay hindi tayo pababayaan.

3. Naging sanhi ang depresyon sa pagkawala ng gana ng mga kabataan sa pag-aaral


sapagkat sa oras na nagkaroon na sila ng ganitong sakit, kasabay ng pagbabagong pisikal
ay naaapektuhan din ang mga emosyonal at spiritual na aspeto sa kanilang buhay. Sa
kadahilanang ito, nawawalan ng enerhiya o lakas ang isang mag-aaral na gawin ang mga
bagay-bagay na mayroong kinalaman sa pag-aaral. Kung kayat, isang dahilan ang
pagkakaroon ng depresyon ng isang kabataan sa kawalan ng gana sa kanilang pag-aaral at
kalimitang nauuwi sa pagbagksak sa mga asignatura nito o kaya naman humihinto sa
pag-aaral.

REKOMENDASYON:
Sa mga taong nakakaranas na depresyon, maaaring sundin ang mga sumusunod na
hakbang na naisaad na sa naunang talata at para naman sa mga taong walang nararanasang
depresyon sa kanilang buhay ngayon, upang maiwasan ang pagkakaroon nito, panatilihin lang
ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa mga bagay-bagay. Huwag din kalilimutang
mayroong Diyos na gumagabay sa atin sa araw-araw. Magdasal lang palagi sa Kanya na
tulungang malampasan ang mga problemang dinaranas sa buhay at iyon ang pinakamainam na
solusyon.

bibliograpiya

Nagoya International Center, October 13, 2009. Nakuha mula sa


www.nicnagoya.or.jp/shared_images/.../kenko1fi.pdf
www.wikipedia.com/depresyon
http://www.remate.ph/2012/05/dulot-ng-depresyon-at-pagkabahala/#.Uvg0kmJdX0E
http://www.abs-cbnnews.com/current-affairs-programs/10/12/12/salamat-dok-teenage-depression

You might also like