You are on page 1of 8

Colegio de San Sebastian

Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro


Elementary Department
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO VI

Pangalan: _________________________
Baitang: __________

Petsa: _______
Marka: _______

Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng pinakaangkop na sagot.


____1. Anu-ano ang paraang kailangang isagawa para mapanatiling malinis ang mga pookpampubliko?
A.
B.
C.
D.

Pagdura kahit saan


Pag-ihi kahit saan kapag ihing-ihi na
Paninigarilyo sa pampublikong lugar
Pagtapon ng basura sa basurahang may takip

____2.) Walang takip at nilalangaw ang basurahang pampubliko na malapit sa inyong tahanan.
Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Lagyan ito ng takip


Itapon ang basura sa ilog
Isumbong sa mayor ang di-kanais-nais na sitwasyon
Buhusan ng maraming gasolina ang basurahan at sunugin ito.

____3.) Nagkalat ang mga sirang goma at plastik sa paligid at sa kalsada na malapit sa inyong
tirahan. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Ipunin at sunugin ang mga ito


Pabayaan lamang ang mga ito
Isumbong ito sa barangay kapitan
Ipunin at itapon ang mga ito sa malalim na hukay na may takip.

____4.) Alin ang mga paraang nakagaganyak sa iba na pangalagaan ang mga pook pampubliko?
A.
B.
C.
D.

Pagtatali ng mga hayop sa parke


Pagtatanim ng marijuana sa parke
Pagpapalago ng mga halamang ornamental
Pagbunot ng mga natatanging halaman sa parke para itanim sa sariling bakuran.

____5.) Paano mo magaganyak ang iba na pangalagaan ang mga pook pampubliko?
A.
B.
C.
D.

Ipaayos ang mga lubak-lubak na kalsada


Ipakulong ang sinumang ayaw magtanim ng kahoy
Gumawa ng islogan ukol sa pangangalaga ng mga pook pampubliko.
Isumbong sa mayor ang lahat ng sumisira ng mga kagamitan sa pook pampubliko.

____6.) Para mapanatiling malusog ang katawan, ano ang nararapat gawin?
A.
B.
C.
D.

Mag-ehersisyo araw-araw
Matulog sa buong maghapon
Kumain ng maraming kanin, tinapay at pansit
Iwasan ang pagkain ng gulay at pag-inom ng gatas

____7.) Nais mong magpalakas ng braso. Ano ang gagawin mo?


A.
B.
C.
D.

Maglaro ng sipa
Maglaro ng basketbol
Magsagawa ng pagbabaras
Makipagsuntukan sa mga kaibigan

____8.) Aling gawaing pangkaangkupang pisikal ang maaaring gawin ng batang tulad mo?
A.
B.
C.
D.

Paglalaro ng chess
Paglalaro ng baraha
Paglalaro ng sungka
Pagsasagawa ng bangon-higa

____9.) Nais mong lumakas ang kalamnan ng iyong puso at baga. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Manigarilyo kapag nagugutom


Uminom ng kaunting alak araw-araw
Kumain ng maraming kanin, pansit at bihon
Kumain ng wasto at mag-ehersisyo ng katawan

____10.) Piliin ang isang paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang


yaman.
A.
B.
C.
D.

Paggamit ng lambat na malalaki ang butas sa pangingisda


Paghuli ng mga ibon at pagkuha ng mga itlog nito
Paghuli sa mga isdang buntis o mangingitlog
Paggamit ng dinamita sa pangingisda

____11.) May taniman ka ng mga gulay. Paano mo mapangangalagaan ang mga pananim mong
gulay?
A.
B.
C.
D.

Alisan ito ng mga damo at bakuran ang halamanan


Bombahin ang mga ito ng kemikal na pamatay kulisap
Patayin ng isa-isa ang mga pesteng sumisira sa mga tanim
Hulihin ng isa-isa ang mga kulisap na sumisira sa mga pananim

____12.) Kailangang gamitin ng wasto ang mga pinagkukunang yaman para mapanatili ang
mga ito. Piliin ang mga paraang dapat gawin sa pagamit ng mga ito nang wasto.
A.
B.
C.
D.

Tipirin ang paggamit ng tubig


Hayaang tumutulo ang tubig sa gripo
Bumili ng mga gamit kahit hindi kailangan
Buksan ang lahat ng ilaw, telebisyon at iba pang aplayansis kahit walang gumagamit

____13.) Alin sa mga sumusunod ang pinakamainam na paraan ng tamang paggamit ng mga
pinagkukunang yaman?
A.
B.
C.
D.

Bubuhusan ko ng lason ang dagat


Gagamit ako ng dinamita sa pangingisda
Gagamit ako ng lambat na malalaki ang butas
Gagamit ako ng lambat na pinung-pino ang mga butas

____14.) Iwasan ang panghuhuli ng mga isda kapag spawning season o panahong ____ ang
mga isda.
A.
B.
C.
D.

Malalaki na
Bagong pisa
Nagugutom at payat
Nangingitlog o nagbubuntis

____15.) Piliin ang mga gawaing pansibiko na dapat lahukan ng mga batang katulad mo.
A.
B.
C.
D.

Pagpapaganda ng sarili
Clean and Green Program
Pagpapalago ng sariling kayamanan
Pagsama sa kampanya sa pagpapalaganap ng ipinagbabawal na droga

____16.) Kailangang _____ ang anumang gawaing pansibikong inilulunsad ng pamahalaan sa


sariling lugar.
A.
B.
C.
D.

Lahukan ng kusa
Ipagwalang bahala
Pagmasdan lamang
Lahukan kung gusto lamang

____17.) May mga gawaing pansibiko na ilulunsad ang pamahalaan sa inyong lugar. Ano ang
gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Pumunta sa ibang lugar


Iwasan ang paglahok sa gawaing pansibiko
Lahukan ng kusa ang bawat gawaing pansibiko
Huwag lumahok sa gawain ng mga kabarangay

____18.) Masama sa tao ang paninigarilyo sapagkat nagtataglay ito ng nicotine na nakasisira sa
____.
A.
B.
C.
D.

Baga
Mata
Bato
Braso

____ 19.) Nakasasama sa kalusugan ng tao ang pagkain ng junk foods sapagkat nagdudulot ito
ng ibat-ibang uri ng sakit, lalo na ng sakit sa _____.
A.
B.
C.
D.

Bato at utak
Kuko at buhok
Tainga at bibig
Katawan at ilong

____ 20.) Aling lalagyan ng pagkain ang nakasasama sa kalusugan ng tao?


A.
B.
C.
D.

Styrofoam
Dahon ng saging
Kristal na pinggan
Babasaging pinggan

____ 21.) Nagkaisa ang mga mag-aaral sa ikaanim na grado na magdaos ng palatuntunan ukol
sa pagbibigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng mga bagay/produkto na may masamang
epekto sa kalusugan at kapaligiran. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Magsawalang bahala at manood na lang sa sinehan


Alamin muna kung magkano ang multa kapag hindi sumama
Magkunwaring may mabigat na karamdaman kaya uuwi na lamang
Kusang tumulong sa pagbibigay ng impormasyon upang makatulong sa iba

____ 22.) Paano makalalahok sa kampanya laban sa mga sakit na nakahahawa?


A.
B.
C.
D.

Maligo sa dagat at ilog


Linising mabuti ang buong bahay at paligid
Tabihan sa pagtulog ang may sakit na nakahahawa
Gamitin ang baso, pinggan at iba pang kagamitan ng kasambahay na may sakit na
nakahahawa

____ 23.) Ito ay isang paraan ng paglahok sa mga kampanya laban sa mga produktong
nakapipinsala sa kapaligiran at may masamang epekto sa mga tao.
A.
B.
C.
D.

Pagbili ng alak
Pagbuo ng poster
Pagsama sa pagnanakaw
Pagtitinda ng bawal na gamot

____ 24.) Nakapipinsala sa kapaligiran at may masamang epekto sa tao ang mga kemikal na
pambomba o pamatay-lamok at iba pang kulisap. Paano mo hihikayatin ang mga tao na iwasan
ang paggamit sa mga ito?
A. Magbahay-bahay at sabihing huwag bibili ng mga ito
B. Sunugin ang plantang gumagawa ng mga kemikal na nakalalason
C. Ipatigil ang operasyon ng plantang gumagawa ng mga kemikal na nakalalason sa
kapaligiran
D. Gumawa ng poster na nagpapahiwatig ng pagsugpo ng mga peste at kulisap kahit hindi
gumagamit ng kemikal
____ 25.) Kailangang ____ muna bago magbigay ng desisyon.
A.
B.
C.
D.

Humingi ng bayad
Magsuri ng mabuti
Tumanggap ng suhol
Isaalang-alang ang pagkakaibigan

____ 26.) May di-kilalang taong pumunta sa inyong bahay. Wala ang iyong mga magulang.
Nagpupursigeng pumasok sa inyong bahay ang di-kilalang tao. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Ipahabol sa aso ang taong di-kilala


Isumbong agad sa mga kapitbahay na isang magnanakaw ang nasa bahay
Papasukin sa bahay ang taong di-kilala at ibigay ang anumang magustuhan nila
Magalang na sabihing wala ang mga magulang at sabihing bumalik na lang sa ibang araw

____ 27.) Aling pasya ang dapat sang-ayunan?


A. Pasya ng matatalino
B. Pasya ng nakararami
C. Pasya ng mayayaman
D. Pasyang nakabubuti para sa lahat
____ 28.) Ano ang dapat isaalang-alang sa pagbibigay ng desisyon?

A.
B.
C.
D.

Halagang matatanggap
Kabutihan ng nakararami
Propesyon ng nagbigay ng desisyon
Katalinuhan ng taong nagbigay ng desisyon

____ 29.) Magdaraos ng ika-25 anibersaryo ang inyong paaralan. Sanay kayo sa marangya o
magarbong handaan. Masyado ng mahal ang mga bilihin ngayon. Paano niyo idaraos ang inyong
anibersaryo?
A.
B.
C.
D.

Mangutang upang maitaguyod ang magarbong selebrasyon


Huwag ipaalala ang nalalapit na anibersaryo upang hindi gaanong mapaghandaan
Magpasalamat sa Diyos at maghanda ng sapat lamang para sa lahat ng kasapi nito
Ipagdiwang pa rin ng magarbo ang anibersaryo kahit alam na kukulangin sa pinansyal na
aspeto

____30.) Nais mong sumali sa mga kampanya tungkol sa matapat at maagang pagbayad ng
buwis. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Sasama ako sa rally laban sa pagpapatupad ng EVAT


Magkukuwento ako ng mga kwentong engkantada sa aking kababata.
Magbabahay-bahay ako para ikampanya ang matapat at maagang pagbayad ng buwis.
Gagawa ako ng poster at islogan tungkol sa maagap at matapat na pagbabayad ng buwis.

____31.) May kampanya ang pamahalaan laban sa pang-aabuso at pagmamaltraro sa mga bata
o _____.
A.
B.
C.
D.

Child care
Drug abuse
Child abuse
Sexual Abuse

____32.) Inaabusong seksuwal ng kanyang sariling ama ang isa sa mga kababata mong babae.
Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Ipakulong ang ama ng kababatang babae


Tulungan ang kababata na dumulog sa tamang awtoridad
Hikayatin ang kababatang babaeng umalis ng walang paalam sa kanilang bahay
Tulungan ang kababatang makapagtrabaho sa ibang bansa bilang DH o Domestic Helper

____33.) May kampanya ang pamahalaan laban sa pang-aabuso ng paggamit na ipinagbabawal


na droga o ____.
A.
B.
C.
D.

Drug abuse
Child abuse
Sexual abuse
Womens right

____34.) Minamaltrato ng kapitbahay niyong amo ang batang katulong nila. Ano ang gagawin
mo?
A.
B.
C.
D.

Huwag makialam upang hindi madamay


Paalisin ang bata sa bahay ng kanyang amo
Babalaan ang amo na isusumbong siya sa mga pulis
Kasama ang iyong magulang ay idulog ninyo ito sa Bantay-Bata

____35.) Sinasabing ____ sa pagbibigay ng pasya ang pagiging makatwiran at walang


kinakampihan.
A.
B.
C.
D.

Pantay
Mahina
Palabiro
Malakas

____36.) Paano mo maipakikita ang pagiging makatwiran at pantay sa pagbibigay ng pasya?


A.
B.
C.
D.

Pumanig sa marurunong
Kampihan ang mayayaman at kilala sa lipunan
Bigyan ng positibong pasya ang makapagbibigay ng suhol
Pakinggan at suriing mabuti ang dalawang panig bago magbigay ng pasya.

_____37.) Inutusan ka ng iyong guro na itapon ang nakakalat na lata ng mountain dew sa loob
ng inyong silid-aralan. Nang itatapon mo na ang basura ay nakita at nabasa mo ang babala
tungkol sa pagtapon ng basura sa tamang lalagyan. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Itatapon ito sa lalagyan ng mga nabubulok


Itatapon ito sa lalagyan ng mga nareresiklo
Itatapon ito sa lalagyan ng mga di-nabubulok
Ilagay na lamang sa kahit saang parte ng basurahan

_____38.) Mula noon ay talagang malusog na si Gabby. Gusto niyang maging tama ang
kanyang timbang sa kanyang edad kung kaya't nagsasagawa siya ng mga ehersisyo at iba pang
gawain. Tama ba ang ginawa ni Gabby?
A.
B.
C.
D.

Opo, nang sa gayoy maging maayos ang hubog ng kanyang katawan


Opo, dahil maiiwasan niya ang paggastos sa pagbili ng pagkain
Hindi po, dahil magkakasakit siya sa ginagawa niya
Hindi po, dahil pagagalitan siya ng kanyang ina

____39.) Nakapipinsala sa karagatan at iba pang lamang dagat ang paggamit ng kuryente sa
pangingisda. Paano mo hihikayatin ang mga tao na iwasan ang paggamit nito?
A.
B.
C.
D.

Isuplong sa mga pulis ang mga mangingisdang gumagamit ng kuryente


Pasabugin ang mga bahay ng mga mangingisdang gumagamit ng kuryente
Pumunta sa ibat-ibang bahay at sabihing huwag gumamit ng kuryente sa pangingisda
Manghikayat ng ibang kabataan na gumawa ng islogan upang maiwasan ang paggamit ng
ganitong paraan sa pangingisda

_ ___40.) Bago gumawa ng desisyon, _______ muna ang sitwasyon upang hindi magsisi sa
bandang ________.
A.
B.
C.
D.

Suriin at huli
Tingnan at huli
Subukin at huli
Pantayin at huli

___ _ 41.) Ang kapitan ng inyong barangay ay nagpatupad ng ordinansa tungkol sa mahigpit na
pagbabawal sa paggamit ng plastik sa pagbili ng kahit anong produkto sa palengke. Ano ang
gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Matutong hindi sumunod sa ordinansa sa inyong barangay


Magpasaway at laging kalimutan ang lalagyan tuwing bibili
Hindi makikialam at hindi naman ako ang bumibili sa palengke
Matutong sumunod dahil para din ito sa kapakanan ng mga tao sa barangay

____42.) Nagdesisyon ang inyong pamilya na magmanukan. Ibang hayop ang nais mong
alagaan dahil sa tingin moy hindi angkop ang mga manok sa inyong lugar. Ano ang gagawin
mo?
A. Pagampanan sa maliit na kapatid ang gawaing iaatas ng magulang sakaling matuloy ang
pagmamanukan.
B. Ipaliwanag ang iyong panig sa iyong mga magulang upang mapagdesisyunan ninyo ng
tama
C. Pasamain ang loob ng mga magulang upang hindi matuloy ang planong pagmamanukan
D. Umalis sa bahay ng walang paalam kapag hindi sinunod ang iyong gusto
____43.) Naglunsad ang pamahalaan sa inyong lugar ng mga kampanya laban sa child abuse,
sexual abuse at drug abuse. Ano ang gagawin mo?
A.
B.
C.
D.

Iwasan ang pagpapagamot sa doktor para hindi ma-overdose sa gamot


Sabihin sa mga magulang na ipinagbabawal na ng pamahalaan ang pag-aanak
Lumahok nang kusa sa kampanya ng pamahalaan upang magtamo ng kaalaman
Iwasan ang pag-aasawa, pag-aanak at pagbili ng mga gamot upang makatulong sa
pamahalaan

_ ___44.) Inutusan ka ng iyong nanay na sunugin ang mga plastik na nakatambak sa likod ng
inyong bahay ngunit napag-aralan ninyo na ang pagsusunog ng plastik ay isa sa mga dahilan ng
pagkabutas ng ating ozone layer. Ano ang gagawin mo?
A. Sunugin pa rin at baka pagalitan ni inay
B. Itapon na lang sa kabilang lote dahil wala namang makakakita
C. Iresiklo ang pwede pa at ibenta ang iba upang kumita rin at makaiwas sa pagkabutas ng
ozone layer
D. Maghukay na lamang at ibaon sa lupa nang sa gayoy maging pataba sa mga pananim sa
inyong bakuran
____45.) Ngayon ay tag-ulan, maraming sakit ang maaaring idulot ng mga lamok, langaw at iba
pang insekto. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong ka sa pagpuksa nito?
A.
B.
C.
D.

Itapon sa likod-bahay ang mga basura


Ilagay sa isang sulok ang mga gamit na sira na
Ibaon ang mga basura at iresiklo ang maaari pa
Iimbak sa labas ng bahay ang mga sirang gamit

_ ___46.) Paano tayo makatutulong sa Programang Clean Air Environment?


A.
B.
C.
D.

Sunugin ang mga basura


Ibaon ang lahat ng basura sa lupa
Magtanim ng mga punongkahoy sa paligid
Ilagay ang lahat ng basura sa isang sisidlan

____47.) Paano mo matutulungan ang pamayanan sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga likas na


yaman tulad ng ilog at dagat?
A.
B.
C.
D.

Maglagay ng bakod sa paligid nito


Mangisda at mamingwit palagi dito
Tumira sa mga lugar na malapit dito
Iwasan ang pagtatapon ng basura sa mga lugar na tulad nito

____48.) Bilang bata, paano mo magaganyak ang ibang tao para mapangalagaan ang mga likas
yamang tubig?
A.
B.
C.
D.

Ipaalam ang kabuluhang naidudulot nito


Gumawa ng karatula na huwag sirain ito
Isumbong sa mayor ang sumisira nito
Ipakulong ang mga lalapit dito

____49.) Maraming bumibili sa tindahan ninyo subalit napansin mong ang mga balat ay
ibinabagsak o itinatapon lamang nila sa daan. Paano mo maiiwasan ang ganitong gawi ng mga
mamimili?
A.
B.
C.
D.

Maglagay ng karatula tungkol sa tamang pagtatapon ng basura


Maglagay ng basurahan sa tabi ng tindahan
Pagsasabihan sila tuwing bibili
Isusumbong sa kapitan

____50.) Pumunta si Lito sa bukid. Nakakita siya ng isang balon na pinagkukunan doon ng mga
tao ng kanilang tubig para sa paglilinis ng mga kagamitang pambahay. Nakita niya ang mga bata
na naghuhugas dito ng mga dahong tuyo. Ano ang dapat niyang sabihin?
A.
B.
C.
D.

Sige, dumihan mo
Hala! ano ang ginagawa niyo?
Bahala kayo kung ano ang gusto niyong gawin
Ginagamit ng tao yan kayat huwag ninyong dumihan

You might also like