You are on page 1of 31

Colegio de San Sebastian

Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro


Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: I. KALUSUGAN
A. Kalinisan at kaayusan sa mga Pook Pampubliko
1.1 Naisasagawa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
Pook Pampubliko.
1.2 Naipapakita ang pagganyak sa iba na pangalagaan ang mga Pook
Pampubliko.
Estratehiya: Role-Playing

Panuto: Bumuo ng apat na grupo. Sa loob ng limang (5) minuto ay bumuo ng dula-dulaan tungkol sa
mga sitwasyon na ibibigay sa inyong grupo.
Mga sitwasyon:
Unang grupo:
Na-assign ang inyong klase sa paglilinis ng inyong parke para sa paghahanda sa pagdating ng
Obispo.
Ikalawang grupo:
Ang paligid ng inyong paaralan ay inyong nilinisan para sa pagsisimula ng pasukan, anu-ano
ang inyong gagawin para hindi na tambakan ito ng basura ng mga nakatira sa tabi ng inyong paaralan?
Ikatlong grupo:
Nakita mo na nagkakalat ang iyong mga kaibigan sa tabi ng dagat, ano ang iyong gagawin para
mahikayat sila na itapon sa tamang lalagyan ang kanilang mga kalat?
Ikaapat na grupo:
Ang inyong barangay ay dapat maglinis, naglilinis ka nang makita mo ang iyong pinsan na
hindi naglilinis, ano ang iyong gagawin?

Page | 1

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: A. Kalinisan at kaayusan sa mga Pook Pampubliko
1.1 Naisasagawa ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga
Pook Pampubliko.
1.2 Naipapakita ang pagganyak sa iba na pangalagaan ang mga Pook
Pampubliko.
Estratehiya: Tama o Mali

Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagpapakita ng
pagsasagawa ng paraan at pagganyak sa iba na pangalagaan ang mga pook pampubliko at MALI
naman kung hindi.
MALI 1.) Pagtatapon ng pinagkainang balat ng sitsirya sa isang parte ng parke.
TAMA2.) Paggawa ng islogan upang mapaalalahanan ang mga tao tungkol sa tamang pangangalaga
ng mga pampublikong lugar.
MALI 3.) Pagbunot sa mga halamang magaganda na nakatanim sa gilid ng kalsada.
TAMA4.) Nilinisan ng grupo ni Vina ang gilid ng palengke bilang kanilang pagsagawa ng community
extension service.
MALI 5.) Pinitas ni Mimi ang mga bulaklak ng rosas at gumamela na kanyang nagustuhan sa parke
malapit sa kanilang bahay.
TAMA6.) Pinangunahan ng Kapitan ng Brgy. Masunurin ang pagsasaayos ng kanilang plasa.
TAMA7.) Sinabihan ni Lily ang mga batang nagkakalat ng plastik na bote sa kalsadang malapit sa
kanilang tahanan.
TAMA8.) Pinapanatili ang kalinisan sa lugar kung saan makikita ang mga masasayang palaro.
TAMA9.) Nilinis ng mga mag-aaral ng isang paaralan ang baybayin ng dagat na malapit sa kanilang
lugar.
TAMA10.) Gumagawa ng paraan si Konsehal Danilo upang magganyak ang iba na pangalagaan ang
kanilang mga pampublikong lugar.

Page | 2

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________
Baitang: __________

Petsa: _______
Marka: _______

I. Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Ano ang dapat mong gawin kung nakita mong maraming pinagkainan / plastik sa paligid ng parke?
A. Magtapon na rin ng basura sa paligid
B. Huwag pansinin at magpatuloy sa paglakad
C. Kusang-loob na pulutin ang mga kalat kahit walang nakakita.
2. Nakita mong nagtapon ng balat ng kendi ang mga batang naglalaro sa parke. Ano ang gagawin mo?
A. Sumali sa paglalaro at pagkakalat
B. Isumbong sa pulis o barangay tanod
C. Magalang na pagsabihan ang mga bata na mali ang ginawang pagkakalat

3. Nagwawalis ka sa loob ng silid-aralan nang biglang nagtapon ng papel ang iyong kaklase. Ano ang
gagawin mo?
A. Hahampasin ng walis tambo
B. Isusumbong sa presidente ng silid-aralan
C. Pagsasabihan na mali ang kanyang ginawang pagkakalat
4. Naglalakad ka sa daan at nakita mo ang isang plastik na bote na nakakalat. Ano ang iyong gagawin
sa plastik na bote?
A. Tatapakan
B. Sisipain palayo
C. Pupulutin at ilalagay sa basurahan
5. Ano ang iyong gagawin kung makita mo si Mang Deroy na naglilinis ng inyong silid-aklatan?
A. Magtatapon ng basura sa harap niya
B. Kukunan ng litrato at i-popost sa instagram
C. Maghahanap ng walis at tutulungan siya sa paglilinis

Page | 3

II. Panuto: Lagyan ng tsek ang tapat ng masayang mukha


pangungusap at tapat ng malungkot na mukha

kung tama ang isinasaad ng

kung hindi tama.

Mga Sitwasyon
1. Tinambakan ng basura ang kalsada malapit sa inyo.
2. Inutusan ka ng iyong nanay na paghiwalayin ang basurang
nabubulok at di nabubulok.
3. Nagsusunog ng mga plastik na basura ang iyong kapitbahay.
4. May isang klase na gumagawa ng proyekto gamit ang mga patapong
bagay na makikita sa mga pampublikong lugar.
5. Ang mga bata sa ikaanim na baitang ay gumagawa ng compost pit
upang ibaon ang mga nabubulok na basura.
6. Nagsagawa ang inyong paaralan ng programang paglilinis ng
paaralan upang maiwasan ang lamok.
7. Nagwala ang inyong kapitbahay at itinapon sa labas ang kanilang
mga basura.
8. Pinulot ng iyong mga kaibigan ang mga nagkalat na bote ng C2.
9. Itinapon ng iyong guro ang kanyang kalat sa tamang lalagyan.
10. Nagresiklo ng mga kagamitan ang iyong mga magulang para
gawing disenyo sa loob ng inyong bahay.

III. Sagutan: Magbigay ng limang paraan upang mapangalagaan natin ang mga pampublikong lugar.
1. Iwasan ang pagpitas sa mga magagandang bulaklak.
2. Pagkakaroon ng disiplina sa sarili sa pagtatapon ng basura sa tamang lalagyan.
3. Pulutin na kaagad ang mga kalat na makikita rito.
4. Kung maaari ay iwasan ang pagkakalat.
5. Ipapaalam sa iba ang kabutihang maidudulot ng kalinisan ng mga pampublikong lugar.

IV. Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod.


1.) Ang malinis na kapaligiran ay nakapagpapagaan ng kalooban. (5 puntos)
Sagot: Ibig sabihin nito, kapag malinis ang ating paligid ay mararamdaman natin ang kasiyahan dahil
hindi tayo mamomroblema sa maruming paligid. Isa pa, kapag malinis rin ang ating paligid ay
magiging malinis ang hangin na ating malalanghap na siyang magiging dahilan ng pagkakaron natin ng
magaan na pakiramdam.

Page | 4

2.) "Dakilang mamamayan ang may pakialam sa kapaligiran" (5 puntos)


Sagot: Ibig sabihin nito, ang mga taong gumagawa ng paraan upang mapanatili ang kalinisan, ang mga
taong inaalagaan ang kapaligiran ay mga taong dakila sapagkat mayroon silang kamalayan na hindi
lang para sa kanilang mga sarili kundi para na rin sa lahat. Sila ang mga taong dapat pasalamatan at
bigyang pugay dahil gumagawa sila ng kabutihan para sa kapakanan ng nakararami.

V. Gawin: Gumawa ng tatlong babala tungkol sa kalinisan sa mga pook pampubliko tulad ng parke,
kalye, lugar piknikan at iba pa. (5 puntos)

Panatilihin ang kalinisan ng


kapaligiran

Itapon ang basura sa


tamang lalagyan

Maging responsableng mamamayan sa


pagpapanatili ng kaayusan sa ating
pampublikong lugar

Page | 5

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: B. Kakayahang Pangkatawan
1.1 Naisasagawa ang mga gawaing pang-kaangkupang pisikal.
1.2 Naisasagawa ang mga pagsubok sa kaangkupang pisikal
Estratehiya: Pagpupuno ng table

Panuto: Punuan ang table ng Physical Fitness Test sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
nakapaloob dito.
Colegio de San Sebastian
Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro

Elementary Department
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: _________________________
Baitang: __________

Petsa: _______
Marka: _______

Hanay A
G 1. Bilis
I 2. Lakas
J 3. Puwersa
H 4. Liksi
B 5. Katatagan ng kalamnan ng puso at baga
D 6. Katatagan ng kalamnan ng katawan
Page | 6

A 7. Kahutukan
C 8. Pagkasunus-sunuran
E 9. Koordinasyon
F 10. Balanse

Page | 7

Page | 8

II - Panuto: Lagyan ng tsek ang tapat ng bola kung ito ay gawaing pang-kaangkupang pisikal at
tapat naman ng kompyuter kung ito ay hindi gawaing pang-kaangkupang pisikal.
Mga Gawain
1. Pagkokompyuter
2. Paglalaro ng Basketball
3. Pagjogging
4. Paglangoy
5. Panonood ng T.V.
6. Pakikinig sa radyo
7. Paglalaro ng holen
8. Paglalaro ng Minecraft
9. Paglalaro ng Badminton
10. Pagsasagawa ng Cartwheel
11. Pagsasagawa ng Push Up
12. Pagseselfie
13. Pagbabasa ng libro
14. Pagluluksong-Lubid
15. Pagsasagawa ng Ehersisyo

III - Paglahahad
Panuto: Magbigay ng limang (5) gawaing pang-kaangkupang pisikal.
1. Pagsasagawa ng Ehersisyo
2. Pagtakbo/jogging
3. Paglalaro ng Sepak Takraw
4. Paglalaro ng Basketball
5. Pagsasagawa ng Tumbling
IV Ipaliwanag
1. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mataas na antas ng kakayahang pangkatawan? (5
puntos)

Ang kalusugang pangkaisipan at pandamdamin ay higit na umuunlad.


Higit na magbubunga ng mabuti ang anumang gawain sapagkat nagiging tiyak at wasto
ang pagkilos.
Ito ay nakapagbubunsod ng kaunlarang pangkabuhayan.
Ito ay nagbubunsod sa kaunlarang panlipunan.

Page | 9

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Kompetensi: C. Pangangalaga sa mga Likas na Pinagkukunang Yaman
1. Nabibigyang halaga ang matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang-yaman
1.1 Naisasagawa ang mga paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na
pinagkukunang- yaman.
1.2 Sumusunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunangyaman.
1.3 Ipinakikita ang wastong paraan ng paggamit ng pinagkukunang yaman.
Estratehiya: Multiple Choice
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot:
1. Ano ang dapat gawin bago iwanan ang lugar piknikan o kampingan?
A. Iwanan ang apoy na ginamit sa pagluluto.
B. Patayin ang apoy na ginamit sa pagluluto.
C. Hayaang nakakalat ang mga basura sa lugar.
2. Ano ang dapat gawin kapag may tao o mga taong lumalabag sa tuntunin at patakaran sa
paggamit ng pinagkukunang-yaman?
A. Sumali sa kanya/kanila.
B. Huwag siya/silang pansinin.
C. Isumbong sa may kapangyarihan o awtoridad.
3. Kailan ginagawa ang pangangaso?
A. Sa panahong pinapayagan ng patakaran.
B. Sa panahong nanaisin ng mamamayan.
C. Sa panahong maraming hayop ang maaring mahuhuli.
4. Alin ang isang paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang yamang dagat?
A. Pagkuha sa mga korales sa dagat upang maibenta.
B. Pag-iwas sa pagkuha ng mga korales sa dagat.
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
5. Alin ang isang paraan ng matalinong pangangalaga ng likas na pinagkukunang-yamang
kagubatan?
A. Illegal logging o pagputol ng puno sa panahong ipinagbabawal ito.
B.Tree planting o pagtatanim ng mga bagong puno sa mga kagubatan.
C. Pagsasawalang-kibo sa mga isyung illegal logging at kaingin sa mga kagubatan.
Page | 10

6. Kung ikaw ay puputol ng puno, kailan mo ito dapat gawin?


A. Sa anumang panahong nanaisin mo
B. Sa panahong pinapayagan ang patakaran
C. Sa panahong maraming puno ang maaring putulin
7. Kung ikaw ay mangingisda, anong uri ng lambat ang dapat mong gamitin?
A. Mahal na uri ng lambat
B. Anumang uri ng lambat
C. Lambat na may malalaking butas
8. Ano ang maaaring bunga ng hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit
ng pinagkukunang yaman?
A.Tuluyang pagkawasak o pagkasira ng pinagkukunang yaman
B. Kalutasan sa suliraning pang-ekonomiya ng bansa
C. Pagdami ng mga produktong pang-export
9. Kapag may nakita kang babala sa isang pook na pinagkukunang yaman, ano ang dapat mong
gawin?
A. Huwag pansinin ito
B. Sundin ang iniuutos nito
C. Suwayin o labagin ang ipinag-uutos nito
10. Bakit gumagawa ang pamahalaan ng mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng
pinagkukunang yaman?
A. Upang mapangalagaan ang mga pinagkukunang yaman
B. Upang hindi mabawasan ang mga ito
C. Upang dayuhin ang ating bansa ng mga turista

Page | 11

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________
Baitang: __________

Petsa: _______
Marka: _______

I. Panuto: Basahin ang mga sitwasyon at bilugan ang titik na nagsasaad ng tamang
pangangalaga ng mga pinagkukunang yaman.
1. Nagkamping kayong magkakaklase at mayroong kayong ginagawang siga. Ano ang dapat
ninyong gawin bago lisanin ang lugar?
A. Iwanan na lang ito
B. Patayin ang apoy bago iwan
C. Hayaang kusang mamatay ito
2. Ang mga lugar piknikan, parke, kalye ay dapat na:
A. Panatilihing malinis
B. Pinababayaang marumi
C. Hinahayaan ang mga manggagawa na binabayaran ng pamahalan na lamang ang maglinis
3. Kapag may nakita kang babala sa isang pook na pinagkukunang-yaman. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Huwag pansinin ito
B. Sundin ang inuutos nito
C. Suwayin o labagin ang pinag-uutos nito
4. Ano ang maaaring bunga ng hindi pagsunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit
ng pinagkukunang yaman?
A. Tuluyang pagkawasak o pagkasira ng pinagkukunang yaman
B. Kalutasan sa suliraning pang-ekonomiya ng bansa
C. Yayaman ang bawat isa
5. Nakita mo na binabato ng ibang bata ang mga korales sa dagat, ano ang gagawin mo?
A. Makikisali sa pagbato sa mga korales
B. Isusumbong sa mga lider ng inyong lugar
C. Pagsasabihan sila na mali ang kanilang ginagawa

Page | 12

II. Panuto: Lagyan ng tsek ang tapat ng Like sign (


ang tapat naman ng Unlike sign (

) kung ito'y dapat gawin ng mga tao at

) kung ito ay hindi dapat gawin ng mga tao.

Mga Gawain
1. Pagtatanim ng puno.
2. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
3. Pagsali sa mga kampanya tungkol sa pangangalaga ng
pinagkukunang yaman.
4. Paghihikayat sa mga tao na alagaan ang kalikasan.
5. Sumama sa pagpuputol ng puno.
6. Pagsama sa Prayer Brigade para sa pagtigil ng
pagmimina.
7. Pagreresiklo ng mga sirang gamit.
8. Pagsira sa mga bagong sibol na halaman.
9. Pagtatapon ng mga basura sa ilog.
10. Pakikiisa sa programang linis-bayan.

III. Panuto: Sumulat ng limang (5) wastong paraan ng paggamit ng mga pinagkukunang
yaman.
1.) Palitan kaagad ang mga punong pinutol.
2.) Ipanalangin na sana'y itigil na ang pagmimina.
3.) Iwasan ang paggamit ng dinamita sa pangingisda.
4.) Iwasan ang pagtatapon ng basura lalo na ang mga plastik sa dagat.
5.) Kumuha lang ng sapat at huwag labis-labis upang may magamit pa sa susunod.

Page | 13

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Kompetensi: II. KATOTOHANAN
A. Karunungan Tungo sa Maunlad na Buhay
1. Naipapaliwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad at
ikabubuti ng nakararami
Estratehiya: DAPAT o DI-DAPAT

Panuto: Lagyan ng tsek


gawin o di-dapat gawin.

ang kahon kung ang mga sumusunod na pangungusap ay dapat

DAPAT

DI-DAPAT

1.) Ginagamit ang sariling karunungan upang makalamang sa


kapwa
2.) Nakikiisa sa mga gawain na makatutulong sa mga hirap sa
pag-aaral.
3.) Huwag sabihin ang tamang gagawin upang hindi malaman ng
iba.
4.) Maging bukas sa pagsagot sa mga tanong ng ibang tao upang
makapagbigay kaalaman
5.) Ugaliing maging makasarili sa pagtanggap ng impormasyon
6.) Magsilbing inspirasyon sa marami sa pamamagitan ng
paglalahad ng impormasyon na sa tingin moy makatutulong
sa iba
7.) Isiping kapag sinabi ang tama ay hindi din makatutulong sa
iba
8.) Maging praktikal sa pagbibigay ng sagot, kung hindi ka
binibigyan huwag mo ring bigyan
9.) Maging mapagmataas. Kapag marami ka ng alam
ipagmayabang mo.
10. ) Gamitin ang karunungan upang maging kapaki-pakinabang
na mamamayan.

Page | 14

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Kompetensi: A. Karunungan Tungo sa Maunlad na Buhay
1.1 Kusang sumasali/lumalahok sa mga gawaing pansibiko
Estratehiya: Story with guided questions

Panuto: Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Tasyong Sutil, Saan ka Patutungo?


Mga Tauhan:
Tasyo - mangingisda
Igme - mangingisda
Sela - asawa ni Tasyo
Cita - anak ni Tasyo
Emil - isa ring mangingisda
Anton - pamangkin ni Tasyo
Gng. Abad - Barangay Kagawad

Mang Tasyo: Maglilimang oras na ako rito sa laot, pero hanggang ngayon, iilang pirasong isda
pa lamang ang aking nahuhuli! Alam ko na ang kailangan ko! Eto! Dinamita! Isang hagisan lang
nito.., tiyak, daang isda ang mahuhuli ko.
Nakita ng ibang mangingisda ang ginawa ni Tasyo...
Mang Igme: Ultimo maliliit na isda, namatay! Biruin ba naman kasing gamitan ng dinamita!
Emil: Mauubos ang mga isda sa parteng ito ng dagat kapag hindi tumigil si Tasyo sa ginagawa
niyang mapaminsalang paraan ng pangingisda!
Mang Igme: Marami na nga sa mga kasamahan nating mangingisda ang natutukso nang
isuplong siya sa mga Maykapangyarihan e! Ang problema nga lang walang makapagbigay ng
sapat na katibayan na sangkot nga si Tasyo sa iligal na pangingisda!
Emil: Dahil nga hindi siya sumasabay sa sinuman sa atin sa pangingisda. Solo siya kung
pumalaot.
Mang Igme: Iyan pa ang isang ipinagtataka ko. Bakit ba parang talagang ayaw niyang
makipagkaibigan? Mulat sapul pa, bata pa man tayo, ang sungit na ng Tasyong yon! Marami na

Page | 15

ang nagtangka na kaibiganin siya kasama na ako roon pero lahat ay nabigo. Hindi siya
interesado na makipagkaibigan sa kahit na sino!
Emil: Dapat siguro nating alalahanin na hindi naging masaya ang kamusmusan ni Tasyo. Wala
siyang namulatang ina.
Mang Igme: Oo nga. Sabi ng nanay ko, namatay daw ang nanay ni Tasyo pagkatapos na
pagkatapos siyang maisilang! At natatandaan mo pa ba ang ugali ng tatay niya nong yon ay
nabubuhay pa? Mas masungit pa kay Tasyo!
Emil: At ang bagsik, di ba? Kahit sa gitna ng kalye, kinakastigo si Tasyo! Grabeng kastigo.
Mang Igme: Kung sabagay, ako man siguro ang lumaki sa bugbog, magkikimkim din siguro ako
ng malaking galit sa mundokatulad ni Tasyo!
Sa bahay ni Tasyo...
Cita: Mano po, Inay
Inay Sela: Kaawaan ka ng Diyos, anak. Natagalan ka yata sa pag-uwi ngayon?
Cita: Nagmiting pa po kasi kami pagkatapos ng klase namin. May naging panauhin po kasi kami
sa eskuwela na isang ecologist.
Inay Sela: Ano yon?
Cita: Isang eksperto po tungkol sa relasyon ng kalikasan sa tao at iba pang nilalang. Pinagusapan po namin ang ibat ibang dahilan kung bakit unit-unti at patuloy na nasisira ang kalikasan
sa buong daigdig. At gayundin po kung paano ito maaawat at mapangangalagaan.
Inay Sela: Napakaraming mas mabibigat na problema ang mga tao tulad ng pangkabuhayan.
Bakit yan pa ang pinag-aaksayahan ninyo ng oras?
Cita: Kapag tuluyang nasira ang kalikasan ay baka lubusan nang mawalan ang lahat ng tao ng
ikabubuhay, Inay! Isipin nyo pag nakalbo ang kabundukankapag nasira ang mga kakahuyan!
Hindi lang tayo mawawalan ng mga kahoy na pinagmumulan ng maraming gamit ng taohindi
na rin maaawat ang patuloy na pagbaha sa tuwing magkakaroon ng malakas na ulan. At
malamang masimot pati na tubig na gamit natin sa pang-araw-araw. Gaya ng karagatan natin
kung patuloy itong aabusuhin sa pamamagitan ng maling pagkuha ng ibat ibang yamang dagat,
tulad ng mga isda darating ang araw na mauubos ang mga yamang dagat sa ating paligid.
Hindi na natin pakikinabangan ang dagat tayo ang lugi. Hindi po ba?
Mang Tasyo: Hindi ka pa titser, eh nagdudunung-dunungan ka nang masyado!
Cita: Kayo po pala itay..
Inay Sela: Tamang-tama ang dating mo, Tasyo. Maghahapunan na tayo. Maghugas ka na ng
kamay at nang makakain na tayo!
Kinabukasan
Mang Tasyo: Tena, Anton. Lumakad na tayo at tanghali na.
Anton: Opo Tiyong.
Inay Sela: Saan ba kayo pupuntang mag-amain at nagmamadali yatang masyado sa pag-alis ang
tiyo Tasyo mo, ha, Anton?
Page | 16

Anton: Nagyayaya po ang Tiyong na magpunta kami sa bayan, Tiya Sela.


Inay Sela: Magsasabong na naman siguro yan, ano?
Mang Tasyo: O, e ano naman kung magsabong ako? Hindi ko naman hiningi o kinulimbat mula
sa ibang tao ang ipangsasabong ito! At saka sa hirap ko sa pangingisda sa halos araw-gabi,
karapatan ko naman ang magpahinga at magdibersyon paminsan-minsan. Tulad ngayon! Tena,
Anton! Tena! Sasama ka ba sa akin o hindi?!
Anton: EhTiyong. Uh s-sasama ho. Uh, maiwan na muna naming kayo, Tiya Sela!
Gng. Abad: Magandang umaga po, Mang Tasyo! Magandang umaga, Anton.
Anton: Magandang umaga rin po sa inyo, Gng. Abad.
Gng. Abad: Mabuti at nasalubong ko kayo, Mang Tasyo. Talagang sa inyong bahay po ako
pupunta ngayon, e. At kayo ang sadya ko. Aanyayahan ko po kasi kayo na dumalo sa pagtitipon
ng ating barangay. Pag-uusapan po natin ang mga paraan para mapaunlad natin ang ating
pamayanan. Mamayang hapon ho yonpagkatapos ng tanghalian
Mang Tasyo: Hindi ako puwede. May lakad ako.
Gng. Abad: Kahit sandali po lamang
Anton: Puwede na siguro nating ipagpaliban ang pagpunta sa bayan, Tiyong, kung...
Mang Tasyo: Huwag mo kong pinangungunahan, Anton! Pupunta ako sa bayan ke kasama ka o
hindi! Maiiwan ka na ba?
Anton: Uhh-hindi ho sasamahan ko pa rin ho kayo.
Mang Tasyo: Bilisan mo na kung ganoon!
Anton: Pasensiya na ho kayo, Gng. Abad Alam na naman siguro ninyo ang ugali ng Tiyo
Tasyo!
Gng. Abad: Alam ko, Anton. Ang totoo e nagbabakasakali lamang ako. Hindi pa rin pala
nagbabago si Tasyo! Hindi pa rin nya gustong makisama sa mga kanayon nya.
Anton: Pasensiya na po! Dyan na po kayo!
Sa kabilang dako
Emil: Oy, Igme, kailan ka pa nakabalik?
Mang Igme: Kahapon pa, Emil.
Emil: Kumusta naman ang dinaluhan mong seminar tungkol sa pagsasanay sa makabagong
pangingisda at pag-aalaga ng ating mga coral reefs?
Mang Igme: Aba, mabunga, Emil. Marami akong natutunang makabagong paraan sa
pangingisda! Magagaling ang mga nagturo sa aming mga mangingisda na nagbuhat pa sa ibatibang bahagi ng Pilipinas.
Emil: Tiyak na mapapakinabangan mo nang husto ang natutuhan mo!
Mang Igme: Hindi lamang ako ang makikinabang dito, Emil. Tayong lahat na mangingisda sa
barangay natin!
Page | 17

Emil: Paano namang makikinabang pati kami, eh ikaw lamang naman ang...
Mang Igme: Balak kong ibahagi sa lahat ng ibang mangingisda rito ang mga natutuhan ko,
Emil. Iimbitahin ko ang lahat ng mga mangingisda para maituro ko sa kanila at sa iyo ang napagaralan ko nang naroon ako sa seminar.
Sa bahay ni Tasyo
Cita: Itay, hindi po ba kayo inanyayahan ni Mang Igme na dumalo sa pagtitipong gaganapin sa
Barangay Hall ngayong hapon?
Mang Tasyo: Inanyayahan.
Cita: E, bakit nandito pa kayo hanggang ngayon? Ang alam ko ay kani-kanina pa yon
nagsimula.
Mang Tasyo: Ano naman ang gagawin ko roon?
Cita: Di makinig po. At magtanong, kung maroon kayong gustong higit na liwanagin.
Mang Tasyo: Wala akong hilig sa daldalan!
Cita: Itay, hindi naman yon basta daldalang walang wawa at halaga. May kinalaman po yon sa
hanapbuhay nyo sa pangingisda. Ayaw po ba ninyong matutuhan ang makabagong
pamamaraan ng pangingisda?
Mang Tasyo: Tama na sa kin ang nalalaman ko. Kulang pa ba naman yon? Eh, nakasalawal pa
lang ako, nangingisda na ko! Ano pa ba ang puwedeng ituro sa aking ng maski na sino?!
Samantala
Mang Igme: Kailangang makipagtulungan sa amin ang itay mo sa pagsisikap naming mapalago
ang mga isda sa ating karagatan, Cita. Hindi namin siya pinagbibintangan, pero kung hindi siya
matututong magmalasakit sa mga isda sa dagat at maging sa mga coral reefs na tirahan ng mga
isda, mauubos ang nagbibigay sa atin ng kabuhayan!
Cita: Ano po ang gusto ninyong gawin, Mang Igme?
Mang Igme: Kumbinsihin mo ang Itay mo na makiisa sa amin!
Nang makauwi ng bahay si Cita
Cita: Ikaw ang napiling mamuno sa proyektong naglalayon na pangalagaan, iligtas at palaguin
ang mga coral reefs sa ating karagatan, Itay!
Mang Tasyo: Ano? At sino naman ang nagbigay kay Igme at sa kanyang mga kasamahan ng
karapatan na piliin ako? Ayoko namang sumali sa mga kalokohan nila, a!
Cita: Inirekomenda ko kayo kina Mang Igme, Itay!
Mang Tasyo: Ikaw ang nagrekomenda sa akin?
Cita: Opo. Kasi, nadinig ko sa pulong, naghahanap sila ng isang taong malawak ang kaalaman
tungkol sa karagatan at sa mga yamang dagat. At pati na rin ang tungkol sa pangingisda. At sabi
ko sino pa ang mas gagaling kaysa sa inyo sa paksang yon, eh kanyo nga, wala pa kayong
salawal, nangingisda na kayo!

Page | 18

Mang Tasyo: Ano?! Ano bang pinagsasabi mo? Kako, nakasalawal pa lang ako, nangingisda na
ko! Lokang bata ire! Kung sabagay, totoo yang sinabi momusmos pa man ako kabisado ko na
ang dagat, mapailalim at mapaibabaw nito. Oo, marami akong maituturo sa kanila tungkol sa
kung paano nabubuhay at maaring patuloy na mabuhay ang ating mga yamang dagat!
Cita: Yan ang tatay ko! Magaling talaga! E, di Itay, sasabihin ko na ke Mang Igme na dadalo
kayo sa pulong sa makalawa?!
Mang Tasyo: Uh... s-sige... pero... sasama ka, ha?
Cita: Ba, siyempre naman, Itay! Gusto ko rin yatang makinig sa mga ituturo ninyo kina Mang
Igme
WAKAS...

Sagutan ang mga sumusunod na tanong.


1.) Ano ang unang asal ni Mang Tasyo hinggil sa pakikilahok sa proyekto sa komunidad?
Sagot: Hindi nakikialam si Tasyo at sa tingin ko ay wala siyang pakialam sa mga bagay na
ganito.
2.) Anong klaseng tao si Mang Igme pagdating sa pakikilahok sa mga aktibidad sa komunidad?
Sagot: Si Mang Igme ay masigasig sa pakikilahok at pakikiisa sa mga aktibidad sa kanilang
komunidad. Bukas siya sa pagtulong sa mga kapwa niya mamamayan.
3.) Ano ang ginawa ni Mang Igme upang hikayatin si Mang Tasyo na sumapi sa kanilang
pagsisikap na pabutihin ang barangay?
Sagot: Kinausap ni Mang Igme ang anak ni Tasyo na si Cita upang ito mismo ang magsabi at
manghikayat sa kanyang ama.
4.) Paano kaya mahihikayat ni Mang Igme si Mang Tasyo upang tigilan na ang paggamit ng
dinamita sa pangingisda? Magiging matagumpay kaya si Mang Igme?
Sagot: Sa pamamagitan ng masinsinang pagkausap at pagkumbinsi kay Mang Tasyo na tigilan
na ang paggamit ng dinamita na nakasisira sa karagatan. Opo, dahil mukhang nagbabago na ang
ugali ni Mang Tasyo sa kung paano makisama at makitungo sa kanyang kapwa mamamayan.
5.) Anong aral ang makukuha mo mula sa kuwento ni Tasyo tungkol sa kahalagahan ng
pakikilahok sa mga aktibidad ng inyong barangay?
Sagot: Ang pakikilahok sa mga aktibidad sa aming barangay ay makatutulong upang maging
mulat ang bawat isa sa mga bagay na kailangang pagtuunan ng pansin at bigyang aksyon dahil
kung ang bawat isa ay may pakialam at alam kung paano mabigyang halaga ang mga gawaing
pansibiko tiyak na magiging maayos ang lahat ng bagay.

Page | 19

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Kompetensi: A. Karunungan Tungo sa Maunlad na Buhay
1.2 Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng
mga bagay/produkto na may masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran.
Stratehiya: TAMA O MALI / Multiple Choice

I. TAMA O MALI:
TAMA1.) Binanggit ni Aling Nena sa kanyang anak ang masamang epekto ng paggamit ng katol
sa kalusugan.
MALI 2.) Masyado kung gumamit ng gadgets si Arianne.
MALI 3.) Pinapagamit ni Laurice ng marijuana ang kanyang anak upang maging adik.
MALI 4.) Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakabubuti upang mapalakas ang puso at baga.
MALI 5.) Sumama sa mga nagtitinda ng ipinagbabawal na gamot.
TAMA6.) Umiwas sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
TAMA7.) Sinabi ni Mira sa kanyang mga kamag-aral ang napanuod niya tungkol sa masamang
epekto ng masyadong panunuod sa telebisyon.
TAMA8.) Makibahagi sa paglutas ng mga isyu tungkol sa pang-aabuso sa mga kabataan.
TAMA 9.) Ipagbigay alam sa ama ang masamang epekto ng paninigarilyo.
TAMA10.) Sabihin sa kapatid ang masamang dulot ng insecticide.
II. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
C 11.) Nakita mong labis kung gumamit ng insecticides si Mang Kanor. Bilang may alam sa
masamang epekto nito sa kalusugan, ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ito.
B. Magsawalang-kibo na lamang.
C. Kusang tumulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng insecticides
sa kalusugan.
A 12.) Alam mo ang masamang epekto ng pagkain ng junk foods sa kalusugan ng isang tao.
Madalas mong makita ang iyong kaibigan na kumakain nito. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sabihan ito na masama ang epekto ng pagkain ng junk foods sa kanyang kalusugan.
B. Humingi sa kanya ng kanyang kinakain.
C. Magsawalang-kibo na lamang.
Page | 20

C 13. Hindi alam ng kaibigan mong si Toti kung softdrinks o fresh juice ang bibilhin sa kantina.
Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag na lamang uminom.
B. Sabihing softdrinks na lamang ang kanyang bilhin.
C. Sabihing fresh lemon juice ang bilhin at ang masamang epekto ng pag-inom ng softdrinks.
C 14. Nalaman mong ang kapitbahay ninyong si Aling Minda ay gumagamit ng katol upang
hindi siya lamukin at ang kanyang mga anak sa gabi. Ano ang dapat mong gawin?
A. Huwag pansinin ito.
B. Hayaan na lamang na masanay sila sa usok na nagmumula rito.
C. Ipaliwanag sa kanya na masama sa katawan ng tao ang usok na nalalanghap mula rito.
B 15. Isa si Nathalie na nagboluntaryo upang makatulong sa pagpapalaganap ng impormasyon
tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo sa ating katawan. Nakita niyang naninigarilyo ang
kanyang nakatatandang kapatid na lalaki. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Hindi na lang papansinin ito at baka mapagalitan
B. Sabihin dito ang masamang epekto ng paninigarilyo
C. Sigawan at sabihing walang pakialam sa buhay dahil naninigarilyo ito

Page | 21

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sabalayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: A. Karunungan Tungo sa Maunlad na Buhay
1.3 Masigasig na lumalahok sa mga kilusan/kumpanya
Stratehiya: Tsek o Ekis

Panuto: Ilagay ang Tsek () sa patlang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng masigasig na
pakikilahok sa mga kilusan/kampanya para sa kabutihan at Ekis (X) naman kung hindi.
X 1.) Si Nena ay walang pakialam sa kampanya laban sa pagmimina sa kanilang lugar.
2.) Nanguna si Dexter na lumahok sa kilusang pangkalinisan.
X 3.) Isang malaking pasanin para kay Junior ang maging parte ng kampanya laban sa droga.
4.) Maagang nagpatala si Susan nang malaman niya ang tungkol sa kampanya sa pag-iwas sa
vote-buying.
5.) Isa si Ramon sa nagpasimula sa kilusan laban sa Dengue at Malaria.
6.) Ang bawat mamamayan ay masayang nakikiisa upang mapaglabanan ang problema ukol sa
polusyon.
X 7.) Hindi nakikialam ang pamilya ni Mang Juan sa mga kilusan na makatutulong sa kanilang
pamayanan.
8.) Ang bawat estudyante sa paaralan ay masigasig na nakikisama sa kampanya laban sa premarital sex.
9.) Ang mga guro ay nanguna sa kilusan sa pagpapaganda ng bawat klasrum sa paaralan.
10.) Si Mang Nestor na isang mangingisda ay nanguna sa pagsasabi sa kanilang Punong
Baranggay ukol sa paggawa ng kampanya laban sa iligal na pangingisda.

Page | 22

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Edukasyon sa Pagpapakatao VI

LAGUMANG PAGSUSULIT
Pangalan: _________________________
Baitang: __________

I. Panuto: Lagyan ng puso


ikabubuti ng nakararami.

Petsa: _______
Marka: _______

ang patlang kung ang mga pangungusap ay para sa ikauunlad at

____1.) Si Leni ay sumama sa paglilinis ng kalat sa mga baybaying-dagat.


____2.) Hindi tumugon si Nestor na ipakalap ang impormasyon tungkol sa impormasyon sa pagiwas sa pagsusunog ng plastik.
____3.) Mas pinili ni Sisa na manuod na lang sa telebisyon kaysa maging parte ng kampanya
laban sa cyber bullying.
____4.) Pinasimulan ni Konsehal Matute ang pagbabawal sa mga mamamayan na magpatugtog
ng malakas sa gabi upang hindi makabulabog sa iba.
____5.) Itinapon lang ni Eufemia ang mga flyers ukol sa masamang epekto ng pagmimina na
natanggap niya sa halip na ibigay ito sa iba upang malaman nila.
____6.) Hindi maipinta ang mukha ni Rica nang sumama siya sa kilusang kontra sa illegal
logging sa kanilang lugar.
____7.) Pinilit pa si Luna ng kanyang ina na lumahok sa gaganaping feeding program sa
kanilang paaralan.
____8.) Nagsabi kaagad si Lester sa organizer ng kompanya laban sa kaingin system ng
mabalitaan niya ang tungkol dito
____9.) Ginagamit ni Melanie ang kanyang mga libreng oras para makatulong sa
pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa masamang epekto ng paninigarilyo.
____10.) Nakiisa si Evelyn sa clean and green project na programa ng isang ahensya ng kanilang
munisipalidad.

Page | 23

II. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod.


1.) Ang mataas na paaralan ng Sta. Ana ay nagsagawa ng drill at seminar upang malaman ng
bawat isa ang mga gagawin sa oras na tumama ang lindol sa kanilang lugar. Si Riza na isa sa
mga estudyante ng paaralan na ito ay hindi man lang kakikitaan ng masayang pakikilahok at
pinili na lamang na magtago sa palikuran kasama ang ibang kaibigan upang makaiwas sa
pakikiisa sa isinagawang paghahanda. Para sa iyo, tama ba ang ginawa ni Riza? Bakit?
Ipaliwanag ang iyong sagot. (10 puntos)
Sagot: Hindi tama ang ginawa at inasal ni Riza sa ginanap na drill at seminar sa kanilang
paaralan. Bilang estudyante dapat tayong sumunod sa mga ipinapagawa ng mga nakatataas sa
atin dahil ang mga bagay na ito ay para din naman sa kapakanan ng bawat estudyante ng
paaralan. Karagdagan dito ay pinagkaitan niya ang sarili niya kasama ang kanyang mga kaibigan
ng kaalaman ukol sa tamang gagawin sakaling dumating ang hindi inaasahang sakuna tulad ng
lindol.

2.) Si Linda ay isang matalinong estudyante sa isang sikat na paaralan sa Pilipinas. Marami ang
humahanga sa kanya ngunit may isang dahilan din kung bakit ayaw siya ng marami lalo na ng
kanyang mga kaklase. Dahil lubos na matalino ay puro sarili niya lang ang pinaniniwalaan niya,
sa oras na may ipinapagawa ang kanilang guro na group projects ay sinasarili niya lang at hindi
humihingi ng tulong sa iba. Ilag din sa kanya ang ilan dahil imbes na tulungan niya ang
nagpapaturo sa kanya ay binubulyawan niya ang mga ito at minamaliit pa. Sa tingin mo
nagagamit ba ni Linda ang kanyang karunungan para sa kabutihan ng nakararami? (10 puntos)

Sagot: Tayo ay binigyan ng biyaya ng Diyos upang maibahagi ito sa iba. Para sa akin, hindi
nagamit ni Linda ang natamong karunungan para sa kabutihan ng nakararami sapagkat ang
kanyang ginagawa ay puro pansarili lamang. Hindi natin masisisi si Linda ngunit mali naman
ang kanyang ginagawa dahil pinagkakaitan niya ang iba niyang kagrupo upang matuto sa mga
kailangang gawin idagdag pa ang masamang ugali niya na laitin ang mga mahihina niyang
kaklase. Kahit sino ay walang karapatang manlait at mangmata ng kapwa kahit gaano ka pa
katalino.

Page | 24

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao
Kompetensi: B. Pasya para sa nakararami
1. Nakapagbibigay ng tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami
1.1 Nakapagbibigay ng mga tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami
batay sa ginawang pagsusuri.
Stratehiya: OO o HINDI

Panuto: Isulat ang OO sa patlang kung ang mga sumusunod na pangungusap ay nagbibigay ng
tamang desisyon para sa nakararami at HINDI kung pansarili lamang.

OO 1.)Ang Mayor ng isang lalawigan ay nagpatupad ng Free Plastic Community para


maiwasan ang sobrang basura sa kanilang lugar.
HINDI 2.) Si Senador Dimacilala ay kumuha ng pondo sa kaban ng bayan para maipagawa ang
sarili niyang bahay-bakasyunan.
OO 3.) Si Gng. Filosopa na isang punongguro sa Mababang Paaralan ng Sta. Rosa ay humingi
ng pondo at tulong sa mga magulang upang maipagawa ang bakod ng kanilang paaralan.
OO 4.) Ang ideyang 10 o clock curfew ni Pangulong Duterte ay makatutulong upang
masiguro ang kaligtasan at kaayusan ng bawat Pilipino.
HINDI 5.) Ang pagtanggi ni Mary Jane sa posisyong pagka-gobernador sa kanilang paaralan ay
nagpapakita ng kanyang malasakit sa mga kapwa mag-aaral.
OO 6.) Ang oplan Sagip Isda ni Kapitan Santiago ay isinagawa sa kanilang barangay upang
mapangalagaan at maproteksyunan ang mga maliliit na isda laban sa mga gahamang
mangingisda.
OO 7.) Ang pagpayag ni Kongresman Amarillo na buksan ang Heritage Park sa kanilang lugar
ay nagpataas ng antas ng kanilang ekonomiya.
HINDI 8.) Pinili ni Juan na manahimik na lang upang hindi masangkot sa kaso sa pagpatay sa
kanilang amo sa kampanyang kanyang pinagtatrabahuan.
HINDI 9.) Tinalikuran ni Jaime ang kanyang tungkulin sa kanilang opisina upang hindi malugi
sa dami ng gawa kumpara sa kanyang mga katrabaho.
OO 10.) Bilang Presidente ng kanilang organisasyon, pinasimulan ni Isa ang proyektong Tanim
Puno upang masagip ang Mundo kasama ng ibang miyembro.

Page | 25

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sabalayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: B. Pasya para sa nakararami
1.2 Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon
Stratehiya: Slogan at Poster making
Panuto: Bumuo ng apat na grupo, ang bawat grupo ay bibigyan ng sampung minuto upang
makagawa ng slogan at poster sa mga solusyon na pwedeng magawa sa mga susunod na usapin:
Unang Grupo: Pagmimina
Ikalawang Grupo: Iligal na Pangingisda
Ikatlong Grupo: Kalinisan sa Kapaligiran
Ikaapat na Grupo: Droga
Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI
Kompetensi: B. Pasya para sa nakararami
1.2 Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon
Stratehiya: Role playing
Panuto: Bumuo ng apat na grupo, ang bawat grupo ay bibigyan ng sampung minuto upang
makagawa ng dula-dulaan sa mga solusyon na pwedeng magawa sa mga susunod na usapin:
Unang Grupo: Pagmimina
Ikalawang Grupo: Iligal na Pangingisda
Ikatlong Grupo: Kalinisan sa Kapaligiran
Ikaapat na Grupo: Droga

Page | 26

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: B. Pasya para sa nakararami
1.3 Naipapakita ang pagiging makatwiran at pantay na pagtingin sa pagbibigay
ng pasya.
Stratehiya: Pagpapaliwanag

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1.) Si Erlinda, Dina at Maricel ay matalik na magkakaibigan simula pa lang sa pagkabata ngunit
isang araw ay nagkagulo at nag-away si Dina at Maricel ukol sa kung sino ang unang dapat
samahan ni Erlinda sa paggawa ng kanilang ipapasang proyekto. Kung ikaw ang nasa kalagayan
ni Erlinda, ano ang gagawin mo? (5 puntos)
Sagot: Kakausapin ko sila ng maayos at sasabihin na sabay-sabay na lang namin gagawin
ang aming proyekto upang maiwasan ang di-pagkakasundo. Magtutulungan na lang kami upang
matapos agad ito at maipasa sa takdang oras.

2.) Bilang isang aktibong kasapi ng Simbahan, inanyayahan kang dumalo sa gaganaping seminar
sa Sabado na kasabay naman sa pagdalo mo sa selebrasyon sa pinangakuan mong kaibigan.
Hindi ka makatanggi sa Seminar dahil inaasahan ka ng ibang miyembro ng samahan niyo at
hindi mo rin naman gustong paasahin ang iyong kaibigan. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang
gagawin mo? (5 puntos)
Sagot: Kakausapin ko ang aking kaibigan tungkol sa bagay na ito. Ipapaliwanag ko ang
aking gagampanan sa Simbahan at sasabihin kong hahabol na lang ako sa kanyang selebrasyon
dahil hindi naman ito aabot ng gabi. Hihingi na agad ako ng paumanhin sa kanya.

3.) Ang inyong guro sa Asignaturang Filipino ay nagpagawa ng dula-dulaan para sa inyong paksa
sa susunod na araw kaalinsabay sa paggawa mo ng iba pang proyekto sa ibang asignatura at
pagpapraktis para sa nalalapit na kutilyon ng iyong pinsan. Para sa iyo, paano mo haharapin ang
ganitong sitwasyon? (5 puntos)
Sagot: Magkakaroon ako ng time management. Aayusin ko ang aking oras upang
magampanan ko ang lahat ng aking mga tungkulin.

Page | 27

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department

Asignatura: Edukasyon sa Pagpapakatao VI


Kompetensi: B. Pasya para sa nakararami
1.3 Naipapakita ang pagiging makatwiran at pantay na pagtingin sa pagbibigay ng pasya.
Stratehiya: Dula-Dulaan

Panuto: Bumuo ng apat na grupo, ang bawat grupo ay bibigyan ng limang minuto upang
gumawa ng maigsing dula sa kung paano maging makatwiran at pantay sa pagtingin sa
pagbibigay ng pasya.

Page | 28

Colegio de San Sebastian


Buenavista, Sablayan, Occidental Mindoro
Elementary Department
Edukasyon sa Pagpapakatao VI
LAGUMANG PAGSUSULIT

Pangalan: _________________________
Baitang: __________

Petsa: _______
Marka: _______

I. Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI ang pangungusap.


TAMA 1.) Makiisa sa mga gawain o kilusang makatutulong sa inyong pamayanan.
TAMA 2.) Maging makatwiran sa pagbibigay ng pasya upang hindi makasakit ng damdamin ng
iba.
MALI 3.) Si G. Bernardo ay humingi ng tulong sa mga kasapi ng kanilang organisasyon para sa
pansariling kapakanan.
TAMA 4.) Ang paggamit ng kulambo sa pagtulog ay isang paraan upang makaiwas sa mga
lamok na maaaring maging dahilan ng pagkasakit.
MALI 5.) Maging makasarili sa paggawa ng desisyon upang maiangat ang sarili sa iba.

II. Panuto: Isulat sa patlang ang kung para sa kabutihan o kaunlaran at naman
kung para sa kasamaan o sariling kapakanan.

1.) Nagkaroon muna ng tamang paghatol sa nasasakdal bago siya hinatulan ng tamang
parusa.

2.) Ipinanukala ni Mayor Ding ang mga programa na makatutulong sa mga magsasaka.
3.) Sinarili ni Mary Jean ang natanggap niyang impormasyon upang makakuha ng mas
mataas na marka.

4.) Nang makita ni Lucy na hawak ni Ruben ang nawawala niyang kwintas ay agad niya
itong pinagbintangang nagnakaw niyon kahit hindi pa niya alam ang tunay na dahilan at
pangyayari.

5.) Ipinaliwanag ni Consolacion sa kanyang mga kapatid kung paano mabibigyan ng


solusyon ang pagbaha batay sa kanilang napag-aralan.

Page | 29

III. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na sitwasyon (5 puntos)


1.) Isang araw ay nakita mong nag-away ang dalawa mong kapatid na si Joy at si Jane. Tinanong
mo sila kung bakit, ang sabi ni Joy ay itinago daw ni Jane ang kanyang relo ngunit itinanggi
naman ito ng huli. Hindi mo alam kung sino ang paniniwalaan mo sapagkat alam mo na hindi
naman nagsisinungaling ang isa sa mga ito. Kung ikaw ang nasa ganitong kalagayan, ano ang
gagawin mo?
Sagot: Bilang nakatatandang kapatid hindi muna ako gagawa ng konklusyon ukol sa nangyari sa
halip ay kakausapin ko muna sila ng maayos at gagawa ako ng paraan upang malaman ang tunay
na dahilan kung bakit nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawa kong kapatid.
2.) Narinig mo sa balita na sa susunod na buwan ay may paparating na bagyo na magdudulot ng
malawakang pagbaha sa inyong lugar. Naalala mo na napag-aralan ninyo ang ilan sa mga
solusyon na pwede ninyong gawin upang mabawasan ang sobrang pagbaha katulad na lamang ng
paglilinis sa mga daluyan ng tubig at pagtatanim ng puno. Ikaw bilang bata, paano ka
makatutulong sa usaping tulad nito?
Sagot: Bilang bata ang magagawa ko sa maliit na paraan ay ang pagkausap sa aking mga
magulang tungkol sa mga solusyon na maari naming gawin sa aming pamayanan. Gayundin ang
pagsasabi ng aking nalalaman sa aking mga kaibigan upang maipaabot ang ganitong kaalaman sa
kanilang mga magulang.
3.) Halimbawa ikaw ay naitalaga bilang Presidente ng inyong klase at isa sa iyong mga pinagiisipan ay ang magiging proyekto ng inyong administrasyon sa taong ito. Maraming ibinibigay
na suhestyon ang ilan sa iyong mga kaklase ngunit para sa inyo na mga kasapi ng inyong
organisasyon ay hindi gaanong mapapakinabangan ang mga ito. Ikaw bilang pinuno ay may
naisip na ngunit hindi mo naman alam kung magugustuhan ba nila ito. Kapag ikaw ang nailagay
sa ganitong sitwasyon, paano mo haharapin ang bagay na ito?
Sagot: Ipapaliwanag namin sa aming mga kaklase ang dahilan kung bakit hindi namin gagawin
ang kanilang mga naisip na suhestyon sa maayos na paraan. Pagkatapos ay ilalahad ko naman
ang ideyang aking naisip sa kanila upang mapag-usapan namin ng mabuti. Kung anut ano man
ang mangyari, kaming lahat ay mag-uusap upang maayos ang bagay na ito.
4.) Si Jun-Jun ay kapitan sa kanilang barangay. Habang naglilibot ay naobserbahan niya ang
kakulangan sa patubig sa mga palayan ng mga magsasaka. Naisipan niyang banggitin ang isyung
ito sa kanyang mga kasama sa barangay upang makatulong sila kahit papaano, magbibigay siya
ng suhestyon tulad ng paggawa ng sistemang patubig upang maging sagot dito. Para sa iyo tama
ba ang ginawang aksyon ni Kapitan Jun-Jun?
Sagot: Para sa akin ay tama po dahil ang naisip niyang aksyon ay makatutulong sa maraming
magsasaka, kahanga-hanga ang kanyang ipinakitang simpatya sa kanyang mga kabarangay.

Page | 30

Page | 31

You might also like