You are on page 1of 1

Jun Isaac M.

Bulquerin

Ms. Madilene Landicho

2013-10618

Anthro 10 THU-1

Kuwaresma

Para sa sulating ito, ang gagamitin kong batayan ay ang dokyumentaryong palabas na
Kuwaresma na aking napanood sa isang klase ko sa Kasaysayan. Nakita ko sa palabas ang
paraan at katawan ng pagbabago. Na ang tradisyong ito ay buhay na ng ilang daang taon,
ngunit kagaya ng kahit anong bagay, dumaan rin ito sa pagbabago buhat ng panahon.
Ang pamamaraan ng tradisyon ay nag evolve ngunit ang diwa at kahulugan nito ay
nanatili. Naipakita ang pagbabago sa pamamagitan ng pagpapaganda ng mga rebulto. Kanila
itong binibihisan at mararamdaman din natin kung gaano kaimportante ang pagdiriwang na
ito para sa mga Pilipino. Idagdag mo pa ang pagpaparada sa kanila na tila mga bitwin sa gabi.
Kahit na ang panahong ito ay pagpapakasakit, nakuha paring maging maligaya at kahalinahalina ang pagdaraos dito.
Makikita rin natin na ang pagpapasakit o pagpepenitensya sa panahong ito ay di
naman ganoon katindi tulad ng sa panahon ng mga Kastila ayon sa dokyumentaryong aking
napanood. Tayong mga Pilipino lamang ang nagpaigting ditto dahil naniniwala tayong mas
mapapatawad an gating mga kasalanan kung lalo nating sasaktan ang ating mga sarili.
Nakakagawa tayo ng mga extremes dahil sa ating paniniwala. Na minsay bumubulag sa
atin sa katotohanan.
Karagdagan para sa ideya na itoy isang ebolusyon, pinapanatili natin ang tradisyong
ito at lalong pinapaganda o pinalulupit upang bigyan lalo ito ng buhay. Masasabi natin na ang
tradisyon ay isang daynamic na proseso na kung saan hindi ito titigil kahit magdaan man ang
ilang daang taon. Maaaring mag-iba ang tawag dito, mag-iba ang pamamaraan ngunit hindi
magbabago ang diwa at ideyang ipinaparating nito.
At para sa pagtatapos ng aking repleksyon, masasabi kong ang mga tradisyong ito ay
huwag sanang mawala. Dahil nakikita mo ang mga tao na nagkakaisa upang mapaganda at
maayos na madaraos ang pagdiriwang at nakikita din natin ang kanilang ibat-ibang dahilan
sa paggunita nito. Isa pa ay nagkakaroon ng moral standards ang mga tao dahil sa kanilang
paniniwala na nagpapaalam sa kanila kung ano ang tama at mali. At panghuli, sa panahon
natin ngayon, malabong hindi magbago ang paraan ng pagdaraos natin ng mga tradisyon
sapagkat maraming mga impluwensya sa labas ang nakakapasok sa ating kultura, kaya hindi
na nakagugulat kung sa susunod na taon ay kakaibang paraan na ito ipagdiwang. Ngunit, ang
mahalaga lang naman ay hindi natin makalilimutan ang tanging diwa at kahulugan nito.

You might also like