You are on page 1of 5

Mga Kababaihan ni Jose Rizal

JULIA
Noon ay buwan ng abril, 1877. Nagtungo si Rizal sa Ilog Dampalit sa Los Baos,
Laguna upang maligo. Doon nya nakita ang isang magandang babae na
nagngangalang Julia. Mula noon ay larawan na ni Julia ang nakakintal sa isipan ni
Rizal subali't tulad ng iba pang kabataan, ang paghanga ring nalimutan nang
makakilala siya ng isang dalagita ring taga-Lipa Batangas.

SEGUNDA KATIGBAK
Sinasabing unang pag-ibig ni Rizal si Segunda, ang dalagitang taga-Lipa, Batangas.
nakilala ni Rizal ang dalagang ito sa Troso, maynila sa bahay ng kanyang lola noong
buwan ng disyembre 1877, sampung buwan matapos makilala nya si Julia.
Inilarawan ni Rizal si Segunda na may mahabang buhok, matang nangungusap na
maapoy kung minsan at mapanglaw naman sa ibang pagkakataon, malarosas na
kutis na may kasamang nakatutuksong ngiti, magagandang ngipin at may kilos na
malanimpa. Unang pagtatagpo nila ay nahilingan ni Rizal na iguhit niya ang larawan
ni Segunda na kanya namang pinaunlakan. Iyon ang simula ng kanilang matamis na
pag-iibigan. Pinigilan ni Rizal ang sarili na tuluyang mahalin si Segunda dahil batid
niya na naipangako na ito sa ibang lalaki, si Manuel Luz, subali't nagpatuloy pa rin
siya sa pagdalaw dito.

VICENTA YBARDALOZA
Ang sakit na nadama ni Rizal sa paghihiwalay na iyon ay pinilit niyang pinawi sa
pagdalaw sa dalagang naninirahan sa Pakil, Laguna na tinatawag niyang binibining
L. Sinabi ni Rizal na mas matanda ito sa kanya, maputiat nagtataglay ng mga
matang kaakit-akit. Pinaniniwalaan na ang babaing ito ay ang gurong si Vicenta
Ybardaloza. Madalas na dalawin ni Rizal si binibining L bagamat ang puso niya ay
patuoloy na nagungulila kay Segunda. nahinto lamang ang pagdalaw niya kay Bb. L
nang pagbawalan siya ng kanyang ama.

LEONOR VALENZUELA
Nang ikalawang taon niya sa UST ay nakilala niya si Leonor na kapit-bahay ng mayari ng bahay na tinutuluyan ni Rizal na si Doa Concha Leyva.Si Leonor ay anak nina
Kapitan Juan at ni kapitana Sanday Valenzuela. Sila ay nagpalitan ng sulat, at upang

hindi malaman na sila'y may kaugnayan, tinuruan ni Rizal si Leonor sa pagsulat na


ang tintang ginagamit ay tubig at asin. Subalit hindi nagtagal ang kanilang pagiibigan at nagkasundo na lamang silang magturingan bilang magkaibigan.

LEONOR RIVERA
Ang pangalawang Leonor sa buhay ni Rizal. nagtagpo ang landas ni Rizal at ni
Leonor Rivera nang ipagsama ni Paciano ang kanyang kapatid sa bahay ng kanyang
tiyo na si Antonio Rivera na siyang ama ni Leonor. Ang pagmamahalan sa isa't isa
ay naramdaman nila nang masugatan si RIzal sa isang pag-aaway ng mga
estudyante sa UST at ito'y ginamot ni Leonor. Siya ay inilarawan na may maputing
balat, alon-along buhok na mamula-mula, may maliit na bibig, may kalakihan at
maitim na mata at mahahabang pilikmata, iong na may katamtamang tangos,
ngiting binabagayan ng dalawang biloy sa mala-rosas na mga pisng, matamis na
tinig na binabagayan ng kahali-halinang halakhak. Matagal nagkawalay ang dalawa
nang nagtungo si rizal sa Madrid. Ikinasal kay Henry Kipping si leonor Rivera noong
June, 17, 1891 dahil sa kagustuhan ng ina. Namatay sa panganganak si Leonor
Rivera noong Agosto, 28, 1893 ngunit may sinasabing namatay din siya dahil sa
kalungkutan.

CONSUELO ORTEGA y REY


Si RIzal ay hindi naman kagandahang lalaki ngunit nagtataglay ng maraming
talento kaya't nagustuhan siya ng magandang anak ni Don Pablo sa Madrid na si
Consuelo. may dalawang dahilan kung bakit umayaw si Rizal sa relasyon nila:
May kasunduan na sila ni Leonor.
Ang kanyang kaibigan at kasamahan sa propaganda na si Eduardo de Lete ay may
gusto din kay Consuelo.

SEIKO USUI
Si Seiko ay 23, si Rizal naman ay 27. Nagsimula ang pag-iibigan nila nang lumipat si
Rizal sa Legasyon ng Espanya sa Azabu, distrito ng Tokyo. Humanga si Seiko kay
Rizal dahil sa pagkamaginoo nito at kahit hindi gaanong marunong ng wikang
niponggo ay pinipilt niya para lang makausap siya kaya ginawa ni Seiko ay nagsalita
siya ng wikang pranses at ingles. Doon na sana titira sa Japan si Rizal ngunit mas
nanaig ang misyon niya na na pagpapalaya sa Pilipinas. Taong 1897 matapos

mamatay ni rizal ay nagpakasal si Seiko kay Alfred Charlton, isang British guro ng
chemistry.Namatay si Seiko noong May 1, 1947.

GERTRUDE BECKETT
Anak si Gertrude ng may-ari ng bahay na tinirhan ni Rizal nang magtungo siya sa
London. Inilarawan ni Rizal si Beckett bilang babaeng may kulay brown na buhok,
asul na mata at mapupulang pisngi. HIndi rin nagtagal at umalis siya sa London
upang makalimutan na siya ni Beckett at ipagpatuloy ang misyon a Maynila.

SUSANNE JACOBE
Isa sa dalawang dahilan kung bakit masaya si Rizal nang umalis ng Belgium. Noong
Abril, 1891 pagkatapos isulat ang El Filibusterismo ay bumalik siya sa Belhika na
ikinatuwa naman ni Susanne Jacobe.

NELLIE BOUSTED
Isang babaeng maganda, matalino, mahinahon, may mataas na moralidad at
totoong Filipina. May dalawang dahilan kung bakit hindi niyaya ni Rizal si Nellie na
magpakasal: Ayaw ng ina ni Nellie kay Rizal. Ayaw palipat ni Rizal sa relihiyong
protestantismo na gusto naman ni Nellie

JOSEPHINE BRACKEN
Ipinanganak si Bracken noong October 3, 1876. ang kanyang mga magulang ay sina
James Bracken at Elizabeth Jane MacBride mga Irish. ngunit namatay ang ina nya sa
panganganak kaya't inalagaan siya ni Ginoong George Taufer. Inilarawan ni Rizal si
Bracken bilang isang babaeng irish na 18 taong gulang, may gintong buhok, asul na
mata at simpleng manamit pero elegante. Nagkita sila ni Rizal ng ipagamot ni
Bracken si Taufer kay Rizal sa Dapitan. pagkalipas ng isang buwan nagpasya ang
dalawa na magpakasal subalit nalaman ito ni Ginoong Taufer, dahil sa pagaakalang
iiwan ni Josephine ay nagbanta siyang magpakamatay. Nang bumalik si Taufer sa
Hong Kong, bumalik din si Bracken sa Dapitan upang magpakasal kay rizal. Ngunit
tinanggihan ito ni Padre Obach kaya't sila'y naghawak kamay at ikinasal ang
kanilang sarili. Dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, nahulog ang kanilang anak
na walong buwan pa lamang. Ito ay pinangalanan ni Rizal na Francisco. Bago

mamatay si rizal, binigay niya muna ang librong imitation Of Christ ni Padre Thomas
Kempis. Ikinasal si Josephine 2 taon matapos mamatay ni Rizal kay Vicente Abad.

Leonor Rivera,Maria Reyna Fuentes, Dona Teodora Alonzo, at si Josephine Bracken


kasama naman si . Ang bawat babae ay may papel sa buhay ni Rizal at sa
kasaysayan ng mga Pilipino. Si Leonor Rivera ay naging importante sa mga nobela
at mga sinusulat niya. Si Dona Teodora Alonzo ay ang mapagmahal na ina ni Rizal,
at si Josephine Bracken naman ay ang babaeng minahal at ikinasal kay Rizal
Ang mga babaeng ito ay maihahalintulad sa mga gawa ni Rizal at sa mga kwentong
Pilipino. Si Maria Reynalyn Rivera ay makukumpara kay Maria Clara habang si
Josephine Bracken naman ay tulad ni Salome. Si Salome ay isang tauhan galing sa
Noli Me Tangere pero di isinama sa publikasyon kaya kakaunti lamang ang
nakakaalam sa kanya. Si Josephine ang may pinakamaraming pagtutulad; siya ay
ikinukumpara kina Gabriela Silang at Joan of Arc dahil tulad nila, siya rin ay
naglaban kasama ng mga Katipunero kahit namatay na si Rizal. Siya ay naging
isang malaking papel sa kasaysayan ng Pilipinas, ang partisipasyon niya sa Battle
of Silang at Battle of Dasmarinas, hanggang sa pagkamatay niya noong taong
1902 dahil sa AIDS.
May pito pang babae na makikita sa buhay ni Rizal: Segunda Katigbak, Leonor
Valenzuela, Consuelo Ortiga, O-Sei San, Gertrude Beckette, Nelly Boustead,
Suzanne Jacoby. Lahat sila'y may maliit o malaking epekto sa buhay ni Rizal.
Si Segunda Katigbak at si Leonor Valenzuela ang una niyang mga pag-ibig bago
siyang pumunta sa Espanya. Nagsimula siya sa kanyang pagsusulat ng mga letra at
tulang panliligaw sa kanila.
Si Consuelo Ortiga, isang anak ni Pablo Ortiga, ang pag-ibig ng isang kaibigan ni
Rizal, si Eduardo se Lete. Dahil dito, marahil pumunta sina Rizal at mga kaibigan
niya sa bahay Ortiga. Dito, umibig si Consuelo kay Rizal. Dahil sa kanyang pag-ibig
kay Leonor Rivera at dahil sa kayang kaibigan si Eduardo, di siya nag-ibig kay
Consuelo Ortiga.
Si O-Sei San ay anak ng isang Hapon na "samurai." Tiunuruan niya si Rizal ang
paraan ng pagpipinta na tawag ay "sumie." Tinulungan niya rin si Rizal na gumaling
sa pagsasalita ng wikang hapon. Kung wala siyang tungkulin na tulungin ang
kanyang bansa, nanatili sana siya sa tabi ni O-Sei San.
Noong nasa London si Rizal, Nakitira siya sa bahay ng pamilyang Beckett. Si
Gertrude ay ang panganay sa babaeng magkakapatid at na-inlove na inlove siya
kay Rizal. Bigla na lang umalis at pumunta sa Paris si Rizal para makaiwas kay
Gertrude pero bago siyang umalis, natapos niya ang "carving" ng tatlong
magkakapatid at ibinigay niya ito sa kanila bilang simbolo ng kanilang
pagkakakilala.

Dahil nawala kay Rizal si Leonor Rivera, nasa-isip niya ang posibilidad na manligaw
sa ibang babae. Noong naging bisita siya sa isang city resort na tawag ay Blarittz,
nakilala niya ang dalawang babaeng anak ng may-ari ng lugar. Tinuruan siya ng
magkapatid kung paano "mag-fence." At si Nellie Boustead, isa sa dalawa ay "nainlove" kay rizal. Hindi tumuloy ang kanilang relasyon nila hangang kasal dahil ayaw
maging protestano si Rizal at ayaw ng nanay ni Nellie dahil hindi gaanong mayaman
si Rizal.
Pumunta si Rizal sa Brussels galing Paris dahil mahal makatira sa Paris. Dito nakitira
siya sa boarding house ng dalawang babaeng magkapatid na apelido ay Jacoby. Si
Suzanne ay "na-inlove" kay Rizal at umiyak siya noong umalis si Rizal papuntang
Madrid. Sinulatan niya si Rizal noong nakaalis na siya.

user-1456505435

You might also like