You are on page 1of 9

Si Emili Aguinaldo y Famy (22 Marso 18696 Pebrero 1964) ay isang Pilipinong heneral, politiko at pinn

ng kalayaan, at ang unang Pangulo ng Republika ng Pilipinas (20 Enero 18991 Abril 1901). Isa siyang bayaning
nakibka para sa kasarinlan ng Pilipinas. Pinamunuan niya ang isang bigong pag-aalsa laban sa Espanya noong
1896. Makaraang magapi ng Estados Unidos ang Espanya noong 1898, ipinahayag niya ang kalayaan ng Pilipinas at
umupo bilang unang pangulo ng Pilipinas noong Hunyo 1899. Malakas ang kaniyang loob subalit nilarawang baguhan
sapagkat naniwalang tatangkilin ng Estados Unidos ang kaniyang hangarin. Nang maging ganap at lantad ang mga
hangarin ng Estados Unidos hinggil sa Pilipinas, muli niyang pinamunuan ang isang pag-aaklas mula 1899 hanggang
1901. Nadakip siya sa bandang hul ng mga Amerikano noong Marso 1901, makaraang makipaglaban sa loob ng
dalawang taon. Nanumpa siya ng katapatan sa Estados Unidos subalit nagsuot ng isang itim na bow tie hanggang sa
tuluyang nakamit ng Pilipinas ang kalayaan noong 1946. Tumakbo siya blang pangulo noong 1935 ngunit nagapi sa
halalan ni Manuel Quezon. Sa mga hulng panahon ng kaniyang bhay, nagsilbi siya sa Konseho ng Estado ng
Pilipinas. Siya rin ang pinakabatang pangulo ng Pilipinas.

Si Emilio Jacinto y Dizon (15 Disyembre 1875 16 Abril 1899), ay isang Pilipinong rebolusyonaryo at kilala
bilang Utak ng Katipunan. Ipinanganak si Emilio Jacinto sa Tondo, Maynila at ang mga magulang niya ay sina
Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran, at lumaon at lumipat sa Unibersidad
ng Santo Tomas upang mag-aral ng abogasiya. Naging kamag-aral niya rito sina Manuel Quezon at Sergio Osmea.
Hindi siya nakapagtapos sa kolehiyo, at sa gulang na 17, si Emilio Jacinto ang pinakabata sa lihim na samahan na
tinawag na Katipunan. Naging tagapayo siya sa mga usaping pampiskalya at kalihim ni Andrs Bonifacio. Lumaon ay
nakilala siya bilang Utak ng Katipunan. Inatasan siya ni Bonifacio na mamuno sa Laguna. Siya ay nakasulat ng mga
akda tulad ng A Mi Patria at ang Kartilya ng Katipunan. Siya rin ay isa sa mga sumulat ng pahayagan ng Katipunan
na tinatawag na Kalayaan. Sumulat siya sa pangalang "Dimasilaw" at ginamit ang alyas na "Pingkian" sa Katipunan.
Namatay sa sakit na malarya si Jacinto noong 16 Abril 1899 sa Magdalena, Laguna.

Si Melchora Aquino (kapanganakan 6 Enero 1812, kamatayan 2 Marso 1919) o Tandang Sora ay hindi
nagkaroon ng pagkakataong mag-aral subalit kung pakikipagkapwa tao ang pag-uusapan ay nasa kanya na ang mga
katangiang maaring ituro ng isang guro sa paaralan. Siya ay may isang maliit na tindahan sa Balintawak. Tinagurian
siyang Tandang Sora, sapagkat matanda na siya noong sumiklab ang himagsikang pinamumunuan ni Andres
Bonifacio noong taong 1896. Siya ay ikinasal kay Fulgencio Ramos, isang cabeza de barrio at may anim na anak.
Namatay si Ginoong Ramos noong pitong taong gulang pa lang ang kanilang bunsong anak. Noong Agosto, 1896, ang
kalupitan ng mga Kastila ay lalong tumindi dahil sa pagkakatuklas ng nalalapit na paghihimagsik ng mga katipunero
ni Andres Bonifacio. Maraming mamamayan ang hinuli at pinahirapan at pilit na pinagtatapat ng tungkol sa mga
lihim ng Katipunan. May mga nakatakas at sa kagubatan nakapagtago at dito nila nakatagpo si Tandang Sora.
Kinupkop sila ng matanda, pinakain at pinabaunan ng konting salapi at pinapupunta sa lugar na ligtas sa pag-uusig
ng mga Kastila. Lahat ng dumudulog sa munting tahanan ni Tandang Sora ay kanyang pinagyayaman, bata man o
matanda, babae o lalaki. Natunugan ng mga Kastila ang kabutihan ni Tandang Sora, lalo na sa mga katipunero kaya't
siya ay hinuli at ipinatapon sa pulo ng Marianas. Bumalik sa Pilipinas si Tandang Sora nang ito ay nasa pamahalaan
na ng mga Amerikano. Matandang-matanda na siya at walang nalalabing ari-arian. Nabuhay siyang isang dukha at
namatay sa karalitaan noong 2 Marso 1919. Siya ay nakahimlay sa kanyang bakuran sa Balintawak (na ngayon ay
kinatatayuan ng Himlayang Pilipino, Tandang Sora, Lungsod ng Quezon)

Si Gregorio del Pilar ay ang pinakabatang heneral na lumaban sa Digmaang Pilipino-Amerikano. Siya ay
isinilang sa Bulakan, Bulakan noong Nobyembre 14, 1875 kina Fernando del Pilar at Felipa Sempio.
Si del Pilar ay unang nag-aral kay Maestro de la san jose at pagkatapos ay nagpatuloy sa paaralan ng
mananagalong na si Pedro Serrano Laktaw. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila noong 1880 at tumira sa
bahay ng kanyang tiyo na si Deodato Arellano kung saan sinasabing itinatag ang Katipunan. Sa murang isipan ni del
Pilar natimo ang mapanganib na mensahero ng mga propagandista. Noong Marso 1896, nagtapos siya sa Ateneo sa
kursong Bachiller en Artes, binalak niyang magturo subalit sumiklab ang apoy.
Sa murang gulang sumapi siya sa Katipunan. Naging pinuno ng mga katipunero at sumanib siya sa tropa ni
Col. Vicente Enriquez kung saan napalaban siya at bunga ng maigting na pagtatanggol siya ay nahirang bilang
tinyente sa gulang na 19. Ginawa siyang heneral ng isang brigada sa gulang na 22. Ang pagsalakay niya sa
Paombong, Bulakan at Quingwa (ngayon ay Plaridel, Bulakan) ang nagpatanyag sa kanya. Napahanga niya si
Aguinaldo at itinaas siya bilang tinyente kung saan pinalaya niya ang lalawigang ito. Nang mamatay si Hen. Antonio
Luna si del Pilar ang humalili sa maliit na hukbo ni Aguinaldo. Nang tinugis sila ng mga Amerikano sa Pasong Tirad
noong Disyembre 2, 1899, nagpaiwan siya upang abangan ang mga kaaway habang tumatakas si Aguinaldo.

Si Apolinario Mabini y Maranan (Hulyo 23, 1864Mayo 13, 1903), kilala bilang ang "Dakilang Lumpo" o
"Dakilang Paralitiko", ay isang Pilipino teoretista na nagsulat ng konstitusyon ng Unang Republika ng Pilipinas noong
1899-1901, at naglingkod bilang ang kauna-unahang punong ministro noong 1899. Ipinanganak siya sa Talaga,
Tanauan, Batangas sa mahihirap na mga magulang, sina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan.
Siya ay natuto ng abakada mula sa kanyang ina at ang pagsulat ay sa kanyang ingkong natutuhan. Nag-aral
siya sa mataas na paaralan at nagpatuloy sa Colegio de San Juan de Letran na kung saan natamo ang katibayan sa
pagka-Bachiller en Artes at naging propesor sa Latin. Sa Unibersidad ng Santo Tomas naman siya nakapagtapos ng
pagkaabogado noong 1894. Samantalang nag-aral ng batas, sumapi siya sa La Liga Filipina ni Jose Rizal.
Si Mabini ay nagkasakit noong 1896 ng paralisis ng bata na lumumpo sa kanya. Ipinasundo siya ni
Aguinaldo at sila'y nagkamabutihan. Siya'y lihim na ipinatawag ni Aguinaldo at hinirang siyang opisyal na tagapayo.
Nang pasinayaan ni Aguinaldo ang Pamahalaang Republika inatasan niya si Mabini bilang kalihim panglabas at
pangulo ng mga konseho. Sa panahong ito isinulat niya ang kanyang tanyag na akdang "Tunay na Dekalogo".
Noong 1899, si Mabini ay nabilanggo sa Nueva Ecija. Kanyang isinulat noon ang "Pagbangon at Pagbagsak
ng Himagsikang Filipino", "El Simil de Alejandro", at "El Libra". Noong ika-5 ng Enero, 1901, si Mabini ay ipinatapon
sa Guam, ngunit kusa siyang nagbalik sa bansa noong Pebrero, 1903 kapalit ng panunumpa ng katapatan sa Estados
Unidos. Siya ay nagkasakit ng kolera at namatay noong ika-13 ng Mayo, 1903 sa Nagtahan, Maynila.

Si Andrs Bonifacio y de Castro (30 Nobyembre 1863 10 Mayo 1897) ay isang Pilipinong makabayan at
rebolusyonaryo. Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon naging Supremo ng kilusang
Katipunan na naglayong makamtan ang kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng Himagsikang
Pilipino. Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan blang unang Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi
siya opisyal na kinikilala. Noong 7 Hulyo 1892, isang araw pagkatapos ihayag ang pagpapatapon kay Rizal, itinatag ni
Bonifacio at ng iba pa ang Katipunan, o kapag binuo ay Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak
ng Bayan. Ang lihim na samahan ay naglalayon ng kasarinlan mula sa Espanya sa pamamagitan ng armadong
himagsikan. Sa gitna ng rebolusyon, isang halalan ang naganap sa Tejeros, Cavite, sa kahilingan ng mga
Katipunerong Magdalo na ang lumahok ay mula sa Cavite lmang. Nanalo sa pagka-pangulo si Emilio Aguinaldo,
Lider ng Katipunang Magdalo at ang Supremo ay naihalal sa mabbang posisyong Tagapangasiwa ng Panloob
(Interior Director).
Kinasuhan si Bonifacio ng sedisyon at pagtataksil ng mga Magdalo. Habang hindi pa naka-aalis ng Cavite,
siya ay ipinahuli at ipinapatay ni Aguinaldo sa kaniyang mga tauhan. Iniutos kay Mariano Noriel na ibigay ang hatol
sa isang selyadong sobre kay Lazaro Makapagal. Iniutos ang pagbaril kay Bonifacio kasma ang kaniyang kapatid na
lalking si Procopio Bonifacio noong 10 Mayo 1897 malapit sa Bundok Nagpatong (o Bundok Buntis).

Si Gabriela Silang (19 Marso 1731 20 Setyembre 1763) ay ang unang Pilipinong babae na namuno sa isang
paghihimagsik noong kolonisasyon ng mga Kastila sa Pilipinas. Nang namatay ang asawa niyang si Diego Silang,
ipinagpatuloy niya ang pinaglalaban ng asawa.
Siya ay ipinanganak bilang Maria Josefa Gabriela Cario Silang noong 19 Marso 1731 sa Caniogan, Ilocos Sur
(Santa, Ilocos Sur). Siya ay nagpakasal laban sa kanyang kagustuhan nang siya ay isa pa lamang menor de edad. Ang
lahat ng mga pangyayaring iyon ay pawang kagustuhan lamang ng kanyang ama. Natupad ang nais ng ama ni
Gabriela nang napunta kay Gabriela ang kayamanan ng kanyang asawa nang ito ay namatay at siya ay maagang
nabiyuda. Lumipas ang ilang taon at napangasawa naman ni Gabriela si Diego Silang. Magiting na lumaban si Diego
sa mga Kastila at napalaya ang Vigan. Sila ay nanirahan sa Vigan magmula noong Setyembre, 1762, hanggang sa
mamatay si Diego at muli nitong pagkabiyuda.
Ang naudlot na pakikipaglaban ni Diego Silang ay buong giting niyang ipinagpatuloy. Subalit sa kasamaang
palad, ang kanyang puwersa ay nawalang laban sa libu-libong lakas ng mga Kastila at kawalan interes ng mga Ingles
nang nilagda ng kasunduan sa pagtatapos ng Pitong Taong Digmaan sa Paris noong Pebrero 1763. Si Gabriela ay
dinakip at binitay noong 20 Setyembre 1763. Siya ay tinaguriang Unang Babaeng Heneral at Unang Babaing Martir
dahil sa kanyang katapangan at kagitingan para sa kapakanan ng bayan.
Ang kanyang katapangan ang naging inspirasyon ng pagtatag ng partido pampolitika na GABRIELA.

Si Lapu-Lapu (nakilala 1521) ay isang datu sa pulo ng Maktan, isang pulo sa Kabisayaan, Pilipinas, na
nakilala bilang pinakaunang katutubo ng kapuluan na lumaban sa pananakop ng mga Kastila. Siya rin ang dahilan
ng pagkamatay ng manlalakbay na si Fernando Magallanes. Itinuturing siya bilang pinakaunang bayaning Pilipino.
Kilala rin siya sa mga pangalang ilapulapu, Si Lapulapu, Salip Pulaka, at Khalifa Lapu o Caliph Lapu (ibinabaybay
din bilang Cali Pulaco), subalit pinagtatalunan ang pinagmulan ng mga pangalan nito.
Ang mga mamamayan ng Kapuluan ng Sulu ay pinaniniwalaan na si Lapu-Lapu ay isang Muslim na mula
sa mga Tausug. Pinaniniwalaan din na si Lapu-Lapu at Rajah Humabon ay mga nagtatag ng Kasultanan ng Cebu.
Bilang isang pinuno ng Maktan, si Lapu-lapu ay sadyang may matibay na paninindigan. Bilang patunay dito, ay
mariin niyang pagtanggi sa mga mapanlinlang mga alok ni Magellan. Ayon kay Magellan, bibigyan niya ng
magandang posisyon at natatanging pagkilala si Lapu-lapu, subalit kapalit nito ang pagkilala at pagtatag ng
pamahalaang Kastila sa kanyang nasasakupan at sa ilalim pa nito, ay ang sakupin ang buong Pilipinas at angkinin
ang mga lupang tunay na pag-aari ng mga nitibo at partikular na ang kamag-anak at pamilya Lapu-Lapu (Lapulapu).
Labis na ikinagalit ni Magellan ang pagtanggi ni Lapu-lapu sa kanyang alok.
Samantala, isang anak na lalaki ni Datu Zulla, kaaway ni Lapu-lapu, ang pumanig kay Magellan at kanilang
binuo ang paglusob sa lokal ng Maktan. Hatinggabi ng 26 Abril 1521 nang si Magellan, kasama ng kanyang mga
kapanalig na mahigit na isang libo ay naglayag upang sakupin ang lokal ng maktan.Sa Opon kung saan matatagpuan
si Lapu-lapu noon at sampu sa kanyang mga kaanak. Sa kabilang dako ay handa namang salubungin ito ng may
1,500 mandirigma ni Lapu-lapu. Sila ay nakapuwesto sa may baybaying-dagat. Nang magsalubong ang dalawang
puwersa ay nagsimula ang isang umaatikabong labanan sa Maktan. Sa bandang huli ay nagapi ni Lapu-lapu si
Magellan nang tamaan niya ito sa kaliwang binti. Si Magellan ay bumagsak sa lupa at dito siya tuluyang pinatay ng
mga sakop ni Lapu-lapu.

You might also like