You are on page 1of 2

Conversation with Chief Barangay Tanod in Barangay 157 Malibay, Pasay City.

Marlo: sir, ano po ba yung mga kadalasang nae-encounter niyong pong mga problema
dito?
Barangay Tanod: actually ang kadalasang naeencounter naming problema rito yung
problemang parang away ng asawa, yung pampamilya lang. Mga halimbawa yung mag
kapit-bahay, minsan lang naman, nagkakaroon ng tampo, minsan lang. Pero hindi
naman talaga nagkakaroon ng mga problema madalas. Paminsan-minsan lang.
Marlo: Uhm. Sir napansin ko po pala sa environmental code nyo, naiimplement nyo po
ba yon dito?
Barangay Tanod: Sa ngayon kasi pumasok si Duterte, naiimplement namin yan. Kasi
nung hindi pa pumapasok si Duterte, medyo hindi namin naiimplement yon dahil sa
syempre kasi yung halimbawa sa droga, meron kasi yang ahensya lang na dapat
tumutok dyan. Pero kaming mga barangay, dito sa barangay natin, kumbaga sa ano
namomonitor lang sila. Na tapos nababawasan lang ng konti kasi yung iba dyan
galing sa labas, pumupunta dito dumadayo, halimbawa bibili ng droga. Pero nung
pumasok si Duterte, medyo naimplement ng husto kaya medyo lumie-low ang
kalakaran ng droga. Tapos yung curfew, yung curfew ganoon naiimplement po natin
yan araw-araw naiimplement natin yan.
Marlo: uhm, sir pagdating naman po sa mga community facilities po may mga kulang
po bang mga facilities dito?
Barangay Tanod: Meron naman. Hindi naman maiwasanSo yun yun bali yung mga
pambarangay pa na pangangailangan namin, marami namang kakulangan pa. Example
dyan yung basketball court namin para sa kabataan. Andyan ang aming daycare. So
yon yon
Marlo: uhm kasi po yun po yung mga gusto po naming I address. Yung mga problema
po talaga dito na pwede pa po namin mas mapaganda yung barangay Ano po yung
kadalasang yung mga programa dito na iniimplement nyo po?
Barangay Tanod: ang kadalasang pumapasok na mga programa dito mga kasi
maraming mga LGO na napasok dito. Parang scholarship program, mga ganyan
tapos feeding program, mga ganyan yan yung mga kadalasan na ano tapos yung
mga medical mission, mga ganyan. Yan yung mga madalas nagagawa sa barangay
namin.
Marlo: uhm pagdating po sa mga medical mission, may mga medical faciltiies po ba
kayo na accessible po dito?
Barangay Tanod: Actually wala eh. Ano lang eh.. halimbawa hetong barangay, yung
mag memedical mission meron silang mga doctor na dala. Kase ano lang naman,
check-up, check-up
Marlo: San po nila isinasagawa yung mga iyon?
Barangay Tanod: Dito, dito lang sa barangay na to. Kadalasan na ginagawa dito sa
barangay. Ito yung ginagamit namin. Yung andyan sa kwarto. Yung mga feeding
program namin, halimbawa dyan sa labas, doon sa basketball court ngayon kung
talagang malakihan, doon yon sa basketball court kasi may bagong gawa kaming
basketball court, medyo malawak ng konti. Doon madalas na kung may activity na
malalaki, doon naming ginagawa.
Marlo: Ano raw po yung kadalasan na mga trabaho ng mga residente po dito?
Barangay Tanod: Kadalasang trabaho dito, mga saleslady, labandera, mga pedicab
driver, yan tindahan, security, mga nagbabasura nangongolekta ng basura. Yung
mga ganoon, yun ang mga trabaho dito. Kokonti lang dito yung mga tintawag nating
mga nag oopisina. Security, mga ganyan.. yun mga trabaho nila.
Karsten: uhm sir tuwing may bagyo po ba naapektuhan po ba yung area since may
estero po dyan?
Barangay Tanod: Pag may bago, hindi kami masyado apektado kasi may ilog
kaming katabi. Yung ilog naming katabi, napuno lang yan nung bagyong Ondoy. Medyo
napupuno lang sya, kasi dati... hetong areang to sa ilog andyan yung mga bahay.
Yung magkaroon ng mga project si PNOY na lahat ng bahay sa ilog aalisin at ilalagay
sa ibang lugar, napasama yung area namin na lahat ng nasa ilog na bahay kasi dati
nakalawit yung mga bahay na yan eh may mga bahay yan doon eh. Yan naalis
yan nadala sa Cavite. So nung andyan pa yan, yung mga bahay na yan pag may
bagyo, apektado yung andyan sa ilog na yan. Kaya minsan may nahuhulog, may
naaanod mga ganon. Kasi yung bahay nila napapasok ng tubig. Eh minsan malakas
yung agos nyan, yung iba naaapektuhan. Pero yung mga ganon kalakas na bagyo
mabibilang palang naman eh. Saka sa area namin nagkaroon ng mapalad na mapili
ng DRRMC na matulungan nila. So yung mga barangay officials, mga tanod nag
training dyan. In case na may mga disaster na ganoon, lalo na sa barangay namin,
madali naming maagapan. Yon mga malalaking bagyo o malalakas talaga na kaya
maapektuhan yung barangay so yon.

You might also like