You are on page 1of 11

BUHAY NI JOSE RIZAL

PERYODISASYON
1861 1882 (Mga Taon ng Pagsibol)
1882 1887 (Pagyabong sa Ibayong Lupain)
1887 1888 (Pagsapit ng Unos)
1888 1892 (Pakikibaka at Radikalisasyon)
1892 1896 (Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani)

1861 1882
Mga Taon ng Pagsibol

ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna


mula sa pamilyang inquilino
umuupa sa mga Dominico
Francisco Mercado Rizal (1818 1898)
Teodora Alonso Realonda (1826 1911)
bininyagan noong Hunyo 22, 1861 ng kura parokong si Padre Rufino Collantes
Padre Pedro Casaas nagsilbing ninong
Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda(Quintos)
ika-7 sa 11 magkakapatid
Saturnina (1850-1913)
Paciano (1851-1930)
Narcisa (1852-1939)
Olimpia (1855-1887)
Lucia (1857-1919)
Maria (1859-1945)
Jose (1861-1896)
Concepcion (1862-1865)
Josefa (1865-1945)
Trinidad (1868-1951)
Soledad (1870-1929)
Calamba
pusod ng kasaganaang agrikultural
tubo, palay, mais, prutas
maliit na tindahan, maliit na gilingan ng arina
bahay na bato sa tapat ng simbahan, may karwahe at pribadong aklatan

maagang edukasyon
ina unang guro (alpabeto, dasal, tula)
pribadong guro
Maestro Celestino
Maestro Lucas Padua
Leon Monroy
mga tiyo
Gregorio - pagbabasa
Manuel palakasan
Jose Alberto sining
Sa Aking mga Kabata* (ayon sa pagsusuri ay HINDI si Rizal ang sumulat)
Bian Maestro Justiniano Aquino Cruz

mga kasawian sa batang gulang


pagkamatay ng kapatid na si Concepcion sa edad na 3 dahil sa sakit
pagkakakulong ng 2 taon ng ina na pinagbintangan ng tangkang paglason sa
asawa (Teodora Formoso)
ng kapatid na si Jose Alberto

Ateneo Municipal (1872-1877)


bahagi ng Carthagena (externos) unang taon
Romano (internos) - mga sumunod na taon
sa simula ay di gaanong mahusay sa Espanyol kayat nasa dulo ng klase
naging emperador sa pagtatapos ng buwan
nakakuha ng gradong sobresaliente sa lahat ng asignatura
nagtapos ng Bachiller en Artes na isa sa may pinakamataas na karangalan
aktibong kasapi ng Congregacion de Maria, Academia de Literatura Espaola
at Academia de Ciencia Naturales
nahasa ang husay sa pagsulat ng tula sa pamamagitan ni Padre Francisco de
Paula Sanchez
Mi Primera Inspiracion; Felicitacion; El Embarque:Himno a la Flota de
Magallanes; Y Es Espaol: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo;
El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo; Un Recuerdo a Mi Pueblo; Alianza Intima
Entre la Religion y la Buena Educacion; Por la Educacion Recibe Lustre la
Patria; El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil; La Entrada
Triunfal de los Reyes Catolices en Granada; El Heroismo de Colon;
Colon y Juan II; Gran Consuelo en la Mayor Desdicha; Un Dialogo Alusivo a la
Despedida de los Colegiales; Al Nio Jesus; A La Virgen Maria; La Tragedia de
San Eustaquio
nag-aral ng pagpipinta (Agustin Saez), eskultura (Teodoro Romualdo de Jesus)
lilok ng imahe ng Birheng Maria mula sa kahoy na batikuling, Sagradong Puso ni
Hesus
gymnastics at pag-eeskrima

Segunda Katigbak
mula Lipa, Batangas
kaibigan ng kapatid na si Olimpia
mag-aaral sa La Concordia
nakatakdang ikasal sa kababayang si Manuel Luz

Universidad de Santo Tomas (1877-1882)


ayaw ng payagan ng inang magpatuloy sa pag-aaral ngunit nanghinayang ang ama
at kapatid
Pilosopiya at Letra
Medisina payo ni Padre Pablo Ramon
- gamutin ang inang nabubulag
Ateneo
agrimensura (land surveying)
nanatiling kasapi ng Congregacion de Maria, Academia de Literatura
Espaola

kalupitan ng guardia civil


habang nagbabakasyon sa Calamba
hindi nakapagsaludo kayat hinampas ng espada
inireklamo sa Gobernador Heneral ngunit walang kinahinatnan

mga grado
aprovado 1 (Pathology)
bueno 8
aprovechado / notable 6
sobresaliente 6 (karamihan ay mula sa mga kursong kaugnay ng teolohiya at batas)
itinuturing ng ilan na bunga ng diskriminasyon sa unibersidad
binigyang pabor ng mga Dominico nang pinayagang sabay na kunin ang mga
preparatoryong kurso at unang taon ng medisina
sa 24 orihinal na bilang ng mga mag-aaral, 7 lamang ang nakaabot ng ika-4 na taon
kung saan si Rizal ang ikalawa sa pinakamataas
sa 3 peninsulares at 3 insulares, 1 lamang ang umabot sa ikaapat na taon

tunay na interes ay sining at pilosopiya at HINDI medisina


maraming distraksyon
mga gawain sa Ateneo
samahan sa UST El Compaerismo (Compaeros de Jehu)
ilang kababaihan

Binibining L
taga Pakil, Laguna
higit na matanda, maaaring ang gurong si Jacinta YbardoLaza

Leonor Valenzuela
Orang
kapitbahay sa tinutuluyan sa Intramuros
mga sulat ay ginamitan ng tintang may asin at tubig kayat di nakikita kundi
idadarang sa apoy

Leonor Rivera
Taimis
mula Camiling, Tarlac
anak ng tiyo na si Antonio Rivera na tagapangasiwa ng Casa Tomasiana kung saan
rin nangupahan si Rizal
mag-aaral sa La Concordia

A La Juventud Filipina (1879)


timpalak ng Liceo Artistico Literario de Manila para sa mga katutubo
nagwagi ng unang premyo (panulat na pilak)
El Consejo de los Dioses (1880)
timpalak para sa mga Espanyol at indio
nanalo ng unang premyo (gintong singsing at busto ni Miguel Cervantes)
Junto al Pasig
isinulat sa kahilingan ng mga Heswita para sa pista ng Immaculada Concepcion
A Filipinas; Abd el-Aziz y Mahoma, Al M.R.P. Pablo Ramon

Paciano
malaking ambag sa mga ideyang politikal ni Rizal
sumpaan ng magkapatid (1878)
kay Jose mapupunta ang tungkuling itaguyod ang kapakanan ng mga Pilipino
kay Paciano babagsak ang tungkuling alagaan ang kanilang magulang, habang
sinusuportahan si Jose sa lahat ng kanyang makakaya
isa lamang ang pakakasal
sinasabing ipinakilala si Leonor Rivera upang tiyaking babalik si Jose sa Pilipinas

1882 1887
Pagyabong sa Ibayong Lupain

pagtungo sa Europa
palawakin ang kaalaman upang maikumpara ang progresibong buhay sa ibayong
dagat sa mabagal at makalumang kalagayan ng kolonya
tapusin ang pag-aaral ng medisina sa Europa at makapagsanay nang mahigit na
makabagong pamamaraan ng panggagamot sa mata
plano ay alam lamang nina Paciano at Antonio Rivera

Singapore
Colombo, Ceylon
Aden (Yemen)
Suez Canal
Port Said, Egypt
Naples,Italy
Marsailles, France
Barcelona
isinulat ang sanaysay na Amor Patrio
nailathala sa Diariong Tagalog
gamit ang pangalang Laong Laan
realisasyong ang inang bayan ay ang Pilipinas (Patria Grande, Patria
Chica)

Universidad Central de Madrid


kursong Medisina at Pilosopiya & Letra
natapos ang Licenciado en Medicina na may gradong Aprobado (1884) ngunit
hindi na kumuha ng Doktorado sapagkat di naman magtuturo
natapos ang Licenciado en Filosofia y Letras na may gradong Sobresaliente
(1885)

pagpipinta, iskultura, wikang Pranses, Aleman at Ingles sa Academia de San Carlos


pamamaril at eskrima
pagbisita sa mga silid-aklatan, pagdalo sa mga lektura, mga pista at panonood ng opera

Consuelo Ortega Y Perez


anak ni Don Pablo Ortega Y Rey, liberal na Espanyol
ginawan ng tulang A la Seorita C.O.Y.P.
napangasawa ni Eduardo de Lete

Circulo Hispano-Filipino
tula at debate
Me Piden Versos
Asosacion Hispano-Filipino
Dr. Miguel Morayta
propesor ng Kasaysayan sa unibersidad na pinatalsik dahil sa mga liberal na
paninindigan
Masonerya
sumapi sa Lodge Acacia (1883) gamit ang pangalang Dimasalang
master mason ng Lodge Solidaridad (1890) at ng Le Grand Orient France (1892)
koleksyon ng mg aklat
The Holy Bible; Lives of the Presidents of the United States; Complete Works of
Voltaire; Complete Works of C. Bernard; Complete Works of Horace; Ancient Poetry;
Works of Thuycidides; The Byzantine Empire; The Renaissance; Hebrew Grammar;
The Characters of La Bruyere; History of the French Revolution; The Works of
Alexander Dumas; Louis XIV and His Court; The Wandering Jew; Uncle Toms
Cabin

suliranin sa Calamba
pagbagsak ng ani ng tubo at palay
pagkapeste ng mga alagang pabo
pagtaas ng singil sa renta

talumpati ng papuri para kina Juan Luna (Spoliarium) at Felix Resurreccion Hidalgo
(Virgenes Cristianas Expuesta al Populacho) na nagwagi sa Pambansang
Eksposisyon ng Sining
ang pagiging henyo ay walang kinikilalang bansa, sumisibol ito kahit saan

Paris
nagsanay ng optalmolohiya sa ilalim ni Dr. Louis de Weckert
nakasama ang mga kaibigang sina Trinidad Pardo de Tavera, Luna at Hidalgo
kung kailan kasalukuyang ipinipinta ni Luna ang Pacto de Sangre
nagmodelo sa ilang pinta ni Luna

Alemanya
Heidelberg
nagsanay rin sa ilalim ni Dr. Otto Becker
A Las Flores de Heidelberg
Wilhelmsfeld
tumira kay Pastor Karl Ullmer
nagsimula ng pagsusulat kay Propesor Ferdinand Blumentritt,
etnolohistang nag-aaral ng wikang Tagalog
Leipzig
isinalin ang William Tell (Guillermo Tell) at mga fairy tale ni Hans Christian
Andersen sa Tagalog
Dresden
Berlin
nakilala sina Dr. Feodor Jagor na nagsulat ng Travels to the Philippines
lumahok sa Samahang Anthropolohiya, Ethnograpiya, Heograpiya

pagsusulat ng Noli Me Tangere


sinimulan ang pagsusulat sa Espanya, natapos sa Alemanya
inspirasyon ang Uncle Toms Cabin, Doa Perfecta (Benito Perez Galdos)
naipalimbag sa Berlin sa tulong ni Maximo Viola na nagpahiram ng P300 para sa
2,000 sipi

paglalakbay sa Europa kasama si Maximo Viola


Alemanya (Dresden)
pinta ng Prometheus Bound
Austria (Leitmeritz)
unang pagkikita kay Ferdinand Blumentritt
Prague
libingan ni Nicolas Copernicus
kuwebang pinagkulungan kay San Juan Nepomuceno
Switzerland(Geneva)
Italia (Venice, Florence, Roma)
Pransya (Marsailles)
sumakay ng barko pauwi ng Pilipinas

1887 1888
Pagsapit ng Unos

dahilan ng pagbabalik sa Pilipinas


kagustuhang maoperahan ang mata ng ina
pagsilbihan ang mga kababayan
alamin ang epekto ng nobelang Noli
patunayang di lamang siya matapang dahil malayo sa Pilipinas
alamin kung bakit di na sumulat si Leonor

nagtatag ng klinika sa Calamba


nakilala bilang Doktor Uliman
nagbukas ng gymnasium
nagturo ng eskrima, pamamaril at gymnastika upang turuan ng ibang libangan ang
mga kababayan sa halip na pagsusugal
namatay ang kapatid na si Olimpia sa panganganak
hindi pinahintulutang makita si Leonor sa Dagupan

ipinatawag at kinausap ni GH Emilio Terrero


pinabantayan sa militar na si Tenyente Jose Taviel de Andrade
ipinasuri ni Arsobispo Pedro Payo, OP sa Rector ng UST ang sipi
ayon sa komiteng binuo, ang nobela ay heretiko, iskandaloso, subersibo
ipinasuri din sa Permanenteng Komisyon ng Sensura sa pamumuno ni Padre Salvador
Font, kura ng Tondo
nirekomenda ang pagbabawal ng pag-aangkat, muling paglilimbag at pamamahagi
ng nobela

P. Jose Rodriguez
isinulat ang polyetong Caingat Cayo na nagbababalang ang magbabasa ng Noli ay
gagawa ng mortal na kasalanan
Vicente Barrantes
manunulat sa Espaa Moderna na tumuligsa rin sa nobela
ipinagtanggol nina
Marcelo del Pilar Caiigat Cayo
P. Vicente Garcia Pilipinong pari
tumaas ang halaga ng sipi mula P1 ay naging P50

Hacienda de Calamba
imbestigasyon ng mga lupain ng mga prayle sa hinalang di nagbabayad ng sapat na
buwis, sa utos ni GH Terrero
tumulong si Rizal sa pagbuo ng ulat ukol sa kalagayang agraryo sa Calamba
humantong sa pagtanggi ng mga taga-Calamba na magbayad ng renta
nagsilbing unang abogado sina Ambrosio Rianzares Bautista, pinalitan ni Felipe
Buencamino

panig ng mga taga-Calamba panig ng mga Dominico


pang-aagaw ng lupa lahat ng lupaing pag-aari ng mga Dominico
malawak na pag-aari ng mga Dominico, pati ay dokumentado
ang mga tirahan ng mga tao
pagkalugi ng taumbayan sapagkat tanging pagkalugi ng taumbayan ay dahil sa
mga Dominico ang nakikinabang pagsusugal
pagtaas ng renta taun-taon P45 P900
mataas na interes tuwing huli sapagbabayad marami sa mga lupain ay pinaupahan nang
ng renta libre, kabilang na ang pinangasiwa kay
hindi nagbibigay ang mga Dominico sa pista Paciano sa Pansol
hindi yumayaman ang mga Dominico sa
mga lupain, panustos sa UST, Letran, mga
seminaryo at misyon

*nanalo ang mga taga-Calamba sa korte ng bayan ngunit binaliktad ng Korte ng


Santa Cruz, at ng Real Audiencia ang desisyon, pabor sa orden ng Dominico na
kalaunay sinang-ayunan din ng Kataas-taasang Hukuman sa Madrid
sinira ang may 50 tahanan
pinaalis sa Calamba at pinatapon sa ibat ibang lalawigan ang mga kaanak ni Rizal
* masasalamin sa El Filibusterismo (Kabesang Tales)

mga akusasyon kay Rizal


mason
mangkukulam
espiya ng mga Aleman
naglagay diumano ng bandila ng Alemanya sa tuktok ng Bundok Makiling
pinayuhan ni GH Terrero na umalis na ng Pilipinas
bago umalis ay isinulat ang Himno al Trabajo bilang parangal sa mag taga-Lipa, Batangas
sakay ng barkong Don Juan patungong Hongkong, nakilala si Perfecto Rufino Riego na
makatutulong sa pagpuslit ng mga sipi ng Noli sa Pilipinas, kasama si Jose Maria
Basa
ayon kay Riego, nabanggit ni Rizal na isa ring dahilan sa madaliang paglisan ng bansa ay
ang nais na patunayang kaya niyang tumungo kahit saan, anumang oras kahit walang
salapi kaugnay ng alok ng mga prayleng Dominico, Augustino, Recolletos na
gagastusan ang pag-aaral sa ibang bansa, P500 maaaring kunin sa anumang bangko

1888 1892
Pakikibaka at Radikalisasyon

Hong Kong
nakita ang yaman ng Ordeng Dominico na nagmamay-ari ng maraming negosyo
(bahay paupahan, sosyo sa mga bangko)
Macau
kolonya ng Portugal
Japan
tumuloy sa Legasyong Espanyol upang patunayang hindi siya sangkot sa anumang
subersibong gawain laban sa Espanya
rickshaw paglabag sa dangal ng tao
nag-aral ng Nihongo, kabuki, judo
Seiko Usui (O-Sei-San)
marunong mag Ingles at Pranses
Tetcho Suehiro
mamamahayag na kumakalaban sa kawalang katarungan
isinulat ang Dead Traveler at Storm over the Southern Sea

Estados Unidos
paghanga sa kaayusan, kaunlaran
kawalan ng pagkakapantay-pantay ng lahi
pagkwarantina sa barkong Belgic, dahil sa mga sakay na mga Tsinong coolie
diskriminasyon sa mga itim
ang Amerika ay isang may napakahusay na kalayaan ngunit para lamang sa mga puti

London
Sucesos de las Islas Filipinas ni Antonio Morga
sinaliksik sa British Museum sa tulong ni Dr. Reinhold Rost

sandaling pagbisita saPransya at Espanya kung kailan unang nakilala sina Marcelo del Pilar
at Mariano Ponce

nabalitaan ang pagtatatag ng pahayagang La Solidaridad sa pamamatnugot ni Graciano


Lopez Jaena
sumulat ng mga artikulo sa ilalim ng pangalang Dimasalang at Laong Laan
La Vision del Fray Rodriguez
Liham sa mga Dalaga ng Malolos

mga eskultura
Prometheus Bound
The Triumph of Death Over Life
The triumph of Science Over Death

Gertrude Beckett
anak ng may-ari ng inuupahan sa Primrose Hill
ginawan rin ng eskultura
nilisan ang London sa pangambang mapalapit nang husto sa kanya

Paris
Samahang Kidlat pagsasama-sama ng mga kabataang Pilipino na nasa Paris sa
panahon ng Eksposisyong Unibersal
Indios Bravos pagmamalaki sa lahing indio tulad ng mga Indian Americans
RDLM (Redencion de los Malayos)

pagkakalathala ng anotasyon ng Sucesos de las Islas Filipinas


isinulat ang satirikang Por Telefono bilang sagot sa pag-atake ni Padre Salvador Font sa
Noli Me Tangere
nasimulan din ang paglalathala ng Filipinas Dentro de Cien Aos sa La Solidaridad
matrahedyang pagwawakas ng pangongolonya ng Espanya kung hindi
magpapatupad ng pagbabago
interes ng Estados Unidos na manakop
Brussels, Belgium
mas tahimik at higit na mura ang pamumuhay
patuloy na pagsusulat sa La Solidaridad
La Verdad Para Los Todos, Verdades Nuevas, Una Profanacion, Diferencias,
Ingratitudes, Sin Nombre, Sobre la Nueva Ortografia de la Lengua Tagala,
Cosas de Filipinos, Sobre la Indolencia de los Filipinos
tulang A Mi Musa

masasamang balita buhat sa Pilipinas


pagkatalo ng kaso sa Real Audiencia, kautusan ng pagpapatalsik sa mga taga-
Calamba
demanda laban sa ama kaugnay ng di pagbabayad ng upa sa mga paring
Dominiko
pagpapatapon sa kapatid na si Paciano at mga bayaw na sina Antonio Lopez at
Silvestre Ubaldo sa Mindoro
pagpapatapon sa 1 pang bayaw na si Manuel Hidalgo sa Bohol sa utos ni GH
Valeriano Weyler

pamumuna
pagsusugal ng mga Pilipino sa Madrid
plano ni Jaena na magtungo sa Cuba
Dapat siyang umuwi sa Pilipinas at mamatay na naninindigan sa kanyang mga
ideya. Minsan lang namamatay ang isang tao, at kung hindi pa siya mahusay
na mamamatay, naglaho na ang isang magandang pagkakataong hindi na
babalik muliKung kailangan mang may mamatay, hayaang mamatay siya sa
kanyang sariling bayan, mula sa kanyang bayan, at para sa kanyang bayan
(hango sa sulat ni Rizal kay Mariano Ponce)

Suzanne Jacoby / Suzanne Thill


pamangkin ng tagapangasiwa ng inuupahang bahay
sa isang sulat ay tinawag si Rizal na little bad boy

Madrid, Espanya
apela sa Tribunal Supremo para sa natalong kaso ng pamilya sa Calamba
Marcelo del Pilar bilang abugado
humingi ng tulong mula sa Asocacion Hispano Filipino upang makausap ang
Ministerio de Ultramar ngunit di nakumbinsi ang bagong Ministro na si Antonio
Maria Fabie
itinuloy ang marahas na pagpapaalis sa mga taga-Calamba

iba pang kasawian


balita ng pagkamatay ng mga kaibigang sina Jose Maria Panganiban at Feliciano
Gonzales Timbang
alitan kay Antonio Luna dahil kay Nelly Boustead
alitan kay Wenceslao Retana
hinamon ni Rizal ng duelo dahil sa paninira sa pamilya
balita ng pagpapakasal ni Leonor Rivera sa inhinyerong Ingles na si Henry Kipping

hidwaan kay Marcelo del Pilar


halalan kung sino ang magsisilbi bilang Responsable na tagapamuno ng kanilang
gawain sa Espanya, kasama na ang pagpapalakad ng La Solidaridad
sinuportahan nina Mariano Ponce, Galicano Apacible, Edilberto Evangelista,
Jose Alejandrino, atbp
Apacible: marami sa amin ang sumuporta sa kandidatura ni Rizal sapagkat ang
kanyang paninindigan ay paghiwalay sa Espanya at higit na radikal

tinanggihan ni Rizal ang pagkakahalal at tuluyang nilisan ang Madrid


nagbitiw sa kilusang propaganda upang bigyan ng pagkakataon ang ibang
makapagsulat sa pahayagan, at di na mahati ang samahan sa Espanya
di na muling sumulat para sa La Solidaridad
hindi na ang La Solidaridad ang tamang instrumento ng pakikipaglaban
nawalan na ng pag-asa para sa Espanya
ang pakikipagdebate sa pamahalaan ay pagsasayang lamang ng panahon

Marcelo del Pilar Jose Rizal


tumungo sa Espanya upang hingin ang mga tanging dahilan ng pagtungo sa Europa ay
sumusunod: para sa mga kaalamang wala sa Pilipinas
Pilipinas bilang lalawigan ng Espanya matapos makapag-aral, katungkulan
mga Pilipino bilang mamamayang ng mag-aaral na umuwi sa bayan at
Espanyol tulungang ang kababayan
pantay na proteksyon sa ilalim ng pagsikapan ng pagpapalaganap ng
Saligang Batas kaliwanagan sa mga Pilipino
ugat ng suliranin ay frailocracia ugat ng suliranin ay kolonyalismong
Espanyol

Biarritz, Pransya
tumuloy sa pamilyang Boustead, niligawan at inalok ng kasal si Nelly Boustead
hindi natuloy dahil sa kondisyong yakapin ang Protestantismo
di gusto ng ina sa paniniwalang ang hangad ay ang yaman ng pamilyang Boustead

Ghent, Belgium
tumungo kasama si Jose Alejandrino upang maghanap ng murang palimbagan para
sa El Filibusterismo
sinimulang isulat nang umuwi sa Calamba at natapos sa Biarritz
tingi-tinging bayad sa manlilimbag hanggang mahinto
tinulungan ni Valentin Ventura na matapos ang pag-imprenta

Hong Kong
orihinal na balak ay bumalik na ng Pilipinas ngunit pinigilan ng mga kaibigan (Luna,
Ventura, Pardo de Tavera)
pinayuhan ni Paciano na sa Hong Kong na lamang manirahan upang di malagay sa
panganib
pinahiram ni Jose Maria Basa ng pamasahe patungong Hong Kong
nagtatag ng klinika at nagpraktis ng pagiging optalmologo
naging kilalang siruhano sa mata, binayaran ang mga pinagkakautangan
muling nakapiling ang pamilya
Francisco, Paciano, Silvestre Ubaldo (bayaw), Teodora, Lucia, Josefa, Trinidad
bago nakarating ang ina (74 edad) ay hinuli at pinaglakad ng 4 na araw
patungong Santa Cruz, Laguna sa salang di paggamit ng tamang
pangalan
inoperahan sa ikalawang pagkakataon ang mata ng ina

proyekto sa Sandakan (Borneo)


gawing Bagong Calamba
pag-upa sa 100,000 ektaryang lupain sa loob ng 999 na taon
hiningan ng pahintulot si GH Eulogio Despujol ngunit di sumang-ayon dahil sa
magiging kakulangan ng mga manggagawa sa Pilipinas, bukod sa di makabansa ang
nasabing hakbangin

mga naisulat habang nasa Hong Kong


Ang Mga Karapatan ng Tao
A la Nacion Espaola
Sa Mga Kababayan
Una Visita a la Victoria Gaol
Colonization du British Nor Borneo, par des Familles de Iles Philippines
saligang batas ng La Liga Filipina
ideya ni Jose Maria Basa

pasyang bumalik sa Pilipinas


itatag ang La Liga Filipina
pabulaanan si Eduardo de Lete sa isinulat sa La Solidaridad na inabandona ni Rizal
ang pakikipaglaban para sa bayan
kausapin si GH Despujol ukol sa proyekto sa Sandakan

nag-iwan ng 2 liham sa kaibigang Portuges na si Dr. Lorenzo Marques sa tagubiling ito ay


bubuksan lamang sa kanyang kamatayan
para sa magulang, kapatid at kaibigan
para sa mga Pilipino

kasabay ng pagbibigay ng garantiya ng kaligtasan ng Konsul ng Espanya sa Hong Kong,


hinainan si Rizal ng kaso laban sa relihiyon at bayan sa Pilipinas

1892 1896
Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani

dumating sa Pilipinas kasama si Lucia


binisita si GH Despujol upang ihingi ng kapatawaran ang ama
binisita ang mga kapatid at mga kaibigan sa Gitnang Luzon
itinatag ang La Liga Filipina
noong ika-3 ng Hulyo 1892
sa bahay ng kaibigang si Doroteo Ongjunco sa Ylaya, Tondo
motto Unus Instar Omnium (isa tulad ng lahat)
mga layunin
pagbubuklod ng kapuluan
pagtutulungan sa panahon ng kagipitan
pagtatanggol sa lahat ng uri ng karahasan
pagtataguyod ng edukasyon, agrikultura, kalakalan
pag-aaral at pagsasakatuparan ng mga reporma
pamunuan at kasapi
Pangulo Ambrosio Salvador
Piskal Agustin de la Rosa
Ingat-Yaman Bonifacio Arevalo
Kalihim Deodato Arellano (bayaw ni Marcelo del Pilar)
Apolinario Mabini, Andres Bonifacio, Timoteo Paez, Pedro Serrano Laktaw, atbp.

muling ipinatawag ni GH Despujol dahil sa nakitang babasahing Pobres Frailes


(sinasabing akda ni P. Jacinto) sa mga gamit ni Lucia
Hulyo 7 pinaaresto at ikinulong sa Fuerza Santiago
Hulyo 15 isinakay sa barkong Cebu upang ipatapon sa Dapitan, Zamboanga

Dapitan
nanirahan sa bahay ni Kapitan Ricardo Carnicero, corregidor ng Dapitan
1 sa 3 nagwagi sa loterya
P6200
P2000 sa ama
P200 kay Jose Maria Basa
natira ay ibinili ng lupain sa Dapitan at Talisay

palitan ng sulat nina Rizal at Padre Pablo Pastells


ipinadala rin si Padre Francisco de Paula Sanchez upang tulungan si Padre Antonio
Obach na hikayatin si Rizal na iwaksi ang kanyang mga pagkakamali sa relihiyon

parihabang bahay kung saan si Rizal nakatira kasama ang bumisitang ina, kapatid na sina
Trinidad, Narcisa at Maria, at pamangkin sa likod nito ay ang nakahiwalay na
istruktura ng kusina
oktagonal na bahay kung saan tumutuloy ang mga estudyante dinagdagan ng isa pang
kwadradong bahay
21 16 na mag-aaral
sa halip na magbayad ay tumutulong sa ibat ibang proyekto para sa komunidad
pagbabasa, pagsusulat, wikang Espanyol at Ingles, heograpiya, kasaysayan,
matematika, geometry, moralidad, agham, palakasan (gymnastics, boksing,
paglangoy, arnis, atbp)
klase ay mula ika-2 hanggang ika-4 ng hapon
2 maliit na kubo para sa mga pasyente pambabae at panlalaki
libre ang panggagamot sa mahihirap na pasyente
nagturo ng paggamit ng halamang gamut

gumawa ng sistemang patubig para sa mga tahanan sa Dapitan


nilinis ang mga latian at masusukal na lugar upang mabawasan ang mga insidente ng
malaria
mapa ng Mindanao
katulong si Padre Francisco de Paula Sanchez, inayos ang plaza ng pueblo at nilagyan ng
pailaw ang mga daan gamit ang langis ng niyog
heksagonal na bahay na tirahan ng mga alagang manok
nagnegosyo sa pangingisda, kopra, apog kasosyo ang isang mangangalakal na si Ramon
Carreon
nagtatag ng kooperatiba ng mga magsasaka
nagturo ng makabagong paraan ng pagtatanim, pag-ani at pagmamanupaktura ng abaka
nag-angkat ng makinarya mula sa Amerika
nakaimbento ng sulpukan (lighter) na gawa sa kahoy at makinang gumagawa ng ladrilyo
(bricks)
nangalap ng mga ispesimen ng mga halaman at hayop

nagpatuloy sa pag-aaral ng ibat ibang wika


Cebuano, Subanun, Tagalog, Ilokano, Malay
mga akdang naisulat
A Ricardo Carnicero,
Himno A Talisay,
El Canto del Viajero, Mi Retiro
eskultura
Mothers Revenge

Kapitan Juan Sitges


corregidor na pumalit kay Carnicero

Florencio Namanan
nagpanggap na kaanak na si Pablo Mercado
lumalabas na inupahan ng mga paring Recolletos upang mag-espiya at maghanap
ng ebidensya laban kay Rizal

Josephine Bracken
Irlandes na 18 taong gulang
mula sa Hong Kong
dumating sa Dapitan upang ipagamot ang ama-amahang si George Taufer
nagplanong magpakasal ngunit di pinahintulutan ng simbahan dahil sa pagiging
mason ni Rizal
nagkaroon ng anak na pinangalanang Francisco ngunit agad binawian ng buhay
dahil kulang sa buwan

Pio Valenzuela
ipinadala ng Katipunan upang sumangguni ukol sa Himagsikan
tinutulan at sinabing di pa napapanahon ang rebolusyon dahil kulang sa kahandaan
at kagamitan
bagamat marami ang mga kasaping masa, di sapat ang suporta mula sa
mayayamang pamilya
kulang sa armas at kasanayang pandigma
payong lapitan si Antonio Luna

liham mula kay GH Ramon Blanco na pinahihintulutang magtungo sa Cuba upang


magsilbing doktor
una ng ipinayo ni Blumentritt upang makalaya sa pagka-destierro
ibinenta ang mga lupain at iba pang ari-arian
bumalik sa Maynila kasama si Josephine, Narcisa, ilang pamangkin at mag-aaral
sakay ng barkong Espaa

Maynila
hindi inabutan ang barkong Isla de Luzon papuntang Espanya
inilipat sa barkong Castilla habang hinihintay ang susunod na barkong bibiyahe
(Agos.6Set.2, 1896)
isinakay sa barkong Isla de Panay patungong Espanya
pinayuhan ni Don Pedro Roxas na magpaiwan sa Singapore ngunit tumanggi
lumabas ang utos ng pagpapa-aresto kay Rizal

dumating sa Barcelona noong Oktubre 3, 1896


nagsilbing bantay si Hen. Eulogio Despujol
ikinulong sa Montjuich
isinakay muli sa barkong Colon noong Oktubre 6, 1896 upang ibalik sa Pilipinas

Singapore
sa pakiusap nina Antonio Ma. Regidor at Sixto Lopez, tinangka ng abogadong si
Hugh Fort na hainan ng writ of habeas corpus upang mapalaya ngunit nabigo

dumating sa Maynila noong Nob. 3


ikinulong sa Fuerza Santiago kung saan naroon din ng iba pang pinaghihinalaang
kasabwat sa Himagsikan, kabilang na si Paciano

sinimulan ang imbestigasyon noong Nobyembre 20


ginamit na ebidensya ang ilang liham ni Rizal sa kanyang pamilya at kaibigan, liham
ng ilang kaibigan ni Rizal, ilang akda ni Rizal tulad ng Kundiman at A Talisay,
talumpati ni Emilio Jacinto, testimonya ng mga pinahirapang bilanggo
rekomendasyong litisin sa isang hukumang militar
mula sa 100 pangalan, pinili ni Rizal na tagapagtanggol si Luis Taviel de Andrade

mga akusasyon
pangunahing tagapagtatag at buhay na kaluluwa ng insureksyong Pilipino
tagapagtatag ng mga samahan, pahayagan at aklat na nagpapaalab at
nagpapalaganap ng mga ideya hinggil sa rebolusyon

bago magsimula ang paglilitis, pinalitan si GH Ramon Blanco ni GH Camilo de Polavieja


sumulat si Rizal ng manipesto
hinihingi ang pagwawakas ng rebelyon at pakikipapaglaban para sa mga kalayaan sa
pamamagitan ng edukasyon
di pinahintulutang ipalabas ng mga awtoridad

Disyembre 26
nagsimula ang paglilitis at sa araw ding iyon ay nagdesisyon ang korte-militar na si
Rizal ay maysala at dapat parusahan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing
squad

Disyembre 28
nilagdaan ni GH Polavieja ang hatol na kamatayan

Disyembre 29
pinaalam kay Rizal ang hatol at sintensya
inilipat sa kapilyang may mga relihiyosong imahen upang mahikayat na bumalik sa
Katolisismo
binisita ng mga dating guro at pari mula sa Ateneo
Padre Miguel Saderra Mata, Luis Viza, Antonio Roselle, Federico Faura, Jose
Vilaclara, Vicente Balaguer
Santiago Mataix - mamamahayag ng El Heraldo de Madrid
pagsulat ng tulang nakilala bilang Ultimo Pensamiento (Mariano Ponce) / Ultimo
Adios (P. Mariano Dacanay)
itinago sa loob ng alkohol na lutuan na ibinigay kay Trinidad
usapin ng retraksyon
unang binuksan ni Padre Balaguer ang isyu
ipinadala ni Arsobispo Bernardo Nozaleda kay Padre Balaguer ang burador
na palalagdaan kay Rizal ang bersyong inihanda ni Padre Pio Pi
ang sinang-ayunan ni Rizal
binago nang kaunti at isinulat ang retraksyon kung saan itinatakwil ang
Masonerya at mga ideyang anti-Katoliko
binisita rin ng ina, mga kapatid na si Trinidad, Narcisa, Lucia, Josefa, Maria
iba pang Espanyol tulad nina Padre Estanislao March, Don Silvino Lopezes
Tuon,Don Gaspar Cestao, abogadong si Hen. Taviel de Andrade

Josephine Bracken
binigyan ng sipi ng aklat na Imitacion de Cristo

sumulat ng liham para kay Blumentritt, Paciano, sa ama at ina

Disyembre 30 6:30 nu
simula ng martsa mula Fuerza Santiago patungong Bagumbayan
kasama sina Taviel de Andrade, Padre March at Vilaclara
nakatali ang bisig
normal ang pulso ayon kay Dr. Felipe Ruiz Castillo
nagwika ng Consummatum est

Disyembre 30 7:03 nu
binaril nang patalikod ngunit pumihit kayat bumagsak nang nakaharap sa pagsikat
ng araw

hindi ibinigay sa mga kaanak ang labi


inilibing sa di na ginagamit na sementeryo ng Paco kung saan natagpuan ni Narcisa
nilagyan ng palatandaang RPJ
sa pag-okupa ng mga Amerikano sa Maynila, pinayagang kunin ang kanyang labi
dinala sa bahay ni Narcisa sa Binondo
inilipat noong Disyembre 30, 1912 sa base ng itinayong bantayog sa Luneta
Motto Stella (disenyo ni Richard Kissling)

You might also like