You are on page 1of 6

KURSONG RIZAL Unang Termino 2016-2017

Lianne C. Javier

Mga Alituntunin sa Klase

A. Paraan ng Pagmamarka

Preliminaryong Bahagi
Preliminaryong Pagsusulit 40%
Maikling Pagsusulit 30%
Gawaing Pangklase / Post discussion test / Ulat / Talakayan
Takdang-aralin / Proyekto / Pagdalo at Gawi sa Klase 30%

Pinal na Bahagi
Pinal na Pagsusulit 40%
Maikling Pagsusulit 30%
Gawaing Pangklase / Post discussion test / Ulat / Talakayan
Takdang-aralin / Proyekto / Pagdalo at Gawi sa Klase 30%

PINAL NA GRADO: Preliminaryo + Pinal


2

B. Katumbas na Marka

1.00 96 100 %
1.25 94 95 %
1.50 92 93 %
1.75 89 91%
2.00 87 88 %
2.25 84 86 %
2.50 82 83 %
2.75 79 81 %
3.00 75 78 %
5.00 74 % at mas mababa
WF withdrew without permission (failed)
WP withdrew with permission (dropped)
FA failure due to absences

C. Pagdalo sa Klase

Ang mag-aaral ay maaari lamang lumiban ng hanggang 11 oras mula sa


klase. Sinumang lalampas sa hangganang ito ay hindi na maaaring
pumasok sa klase nang walang pahintulot mula sa Tanggapan ng Dekano.

Kung ang dahilan ng pagliban ay pagkakasakit, magbigay ng sulat mula sa


magulang at sertipikasyon mula sa doktor.

Ang pagiging huli sa klase ng 3 ulit ay katumbas ng 1pagliban.

D. Uniporme

Hindi pahihintulutan ang sinumang mag-aaral na dumalo sa klase nang


hindi nakasuot ng tamang uniporme, kasama ang UST ID.

E. Maikling Pagsusulit

Ipapaalam ang pagbibigay ng 4 na maiikling pagsusulit sa loob ng semestre.


Bibigyan lamang ng make-up na pagsusulit ang mag-aaral na may
makatuwirang dahilan sa pagliban sa klase. Mayroong lamang isang linggo
ang mag-aaral mula sa muling pagpasok upang makapagbigay ng liham
at/o sertipikasyon at makakuha ng pagsusulit.
Maaaring magbigay ng post-discussion test sa pagtatapos ng mga talakayan
/ pag-uulat upang matiyak ang pakikinig ng mga mag-aaral sa klase.

Kung lumiban sa klase, hindi maaaring bigyan ng make-up ang mga post
test at seatwork.
F. Pandaraya sa Pagsusulit

Anumang uri ng pandaraya sa mga eksamen / maikling pagsusulit / post-


discussion test ay hindi kailanman pahihintulutan. Sinumang mahuhuling
nandaraya ay kaagad bibigyan ng markang 0 para sa nasabing pagsusulit at
ipagbibigay alam sa Tanggapan ng Dekano para sa kaukulang
kaparusahan.

G. Pagpasa ng mga Gawain

Inaasahang ipapasa ang mga takdang-aralin, proyekto at iba pang gawain


sa takdang-oras. Anumang gawaing hindi naipasa sa takdang-oras ay
bibigyan ng markang 0.

H. Gawi sa Loob ng Klase

1. Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellular phone sa oras ng


klase. Tiyaking ito ay nasa silent mode upang hindi makagambala.
2. Mahigpit ding ipinagbabawal ang paggamit ng iba pang mga electronic
gadget o anupamang laruan sa loob ng silid-aralan.
3. Ang oras ng klase ay para sa Kursong Rizal lamang at hindi para sa iba
pang asignatura.
4. Hindi pahihintulutan ang pagkain (kasama na ang chewing gum) at
pagtulog sa klase.
5. Matutong magpaalam bago lumabas ng klase. Inaasahang babalik agad
sa silid matapos lumabas.
6. Mahigpit na susundin ang permanenteng ayos ng upuan. Ang sinumang
wala sa tamang lugar ay mamarkahan ng liban.
7. Inaasahang pananatilihin ng lahat ang katahimikan, kaayusan at
kalinisan sa loob ng klase.
KURSO: Kursong Rizal
DAGLAT NG KURSO: RC
KREDIT: 3 yunit

DESKRIPSYON NG KURSO:
Ang kurso ay nauukol sa buhay, mga gawa, kaisipan at mithiin ni Jose Rizal, sa layuning
mahubog sa mga mag-aaral ang malalim na pagkilala at pagpapahalaga sa mga ambag
ng pambansang bayani tungo sa pagbubuo ng bayang Pilipino. Ang kurso ay gumagamit
ng kritikal at mapanuring pagtalakay kay Rizal sa konteksto ng kasaysayan ng Pilipinas.

MGA LAYUNIN NG KURSO:


Sa katapusan ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Matalakay ang buhay, mga gawa, kaisipan at mithiin ni Rizal kaugnay ng
pagbubuo ng bayang Pilipinas.
2. Makilala ang mahahalagang kaganapan at salik na humubog sa kabayanihan ng
pambansang bayani.
3. Masuri ang kahalagahan ng mga aral na iniwan ni Rizal at ng iba pang bayaning
Pilipino.
4. Malinang ang inspirasyong ibinahagi ng pambansang bayani upang magsilbing
gabay sa lipunang Pilipino sa kasalukuyan at sa hinaharap.

BANGHAY-ARALIN:
INTRODUKSYON
A. Kahulugan ng Bayani
B. Kahalagahan ng Batas Rizal
C. Pagpili kay Dr. Jose P. Rizal bilang Pambansang Bayani

UNANG BAHAGI BUHAY NG BAYANI


A. Mga Taon ng Pagsibol (1861-1882)
B. Pagyabong sa Ibayong Lupain (1882-1887)
C. Pagsapit ng Unos (1887-1888)
D. Pakikibaka at Radikalisasyon (1888-1892)
E. Takipsilim ng Isang Buhay at Bukangliwayway ng Isang Bayani (1892-1896)

IKALAWANG BAHAGI MGA AKDA NI JOSE RIZAL


A. Mga Sanaysay
1. Ang Pilipinas sa Loob ng Sangdaang Taon
2. Tungkol sa Katamaran ng mga Pilipino
B. Mga Liham
1. Sa Mga Dalaga ng Malolos
2. Liham kay Blumentritt
3. Huling Dalawang Liham
4. Manipesto ng Disyembre 15
C. Mga Piling Tula
1. Sa Aking mga Kabata
2. Sa mga Kabataang Pilipino
3. Ang Awit ni Maria Clara
4. Huling Paalam
A. Mga Nobela
1. Noli Me Tangere
2. El Filibusterismo

MGA SALIGANG AKLAT:


Almario, Virgilio S. Jose Rizal: El Filibusterismo. Quezon City: Adarna House, 2007.
____________________. Jose Rizal: Noli Me Tangere. Quezon City: Adarna House,
2007.
____________________. Rizal: Makata. Manila: Anvil Publishing, Inc., 2007.
____________________. Si Rizal: Nobelista. Quezon City: UP Press, 2008.
Coates, Austin. Rizal Philippine Nationalist Martyr. Hongkong: Oxford University
Printing Press, 1968.
Constantino, Renato. Veneration without Understanding.
De Ocampo, Esteban. Why is Rizal the Greatest Filipino Hero?. Manila: National
Historical Institute, 2008.
De Viana, Augusto V., et. al. Jose Rizal: Social Reformer and Patriot. Manila: Rex
Book Store, 2011.
____________________. Jose Rizal in Our Times. Mandaluyong City: Books Atbp
Publishing Corp., 2011.
Guerrero, Leon Ma. The First Filipino: A Biography of Jose Rizal. Manila: National
Historical Institute, 1969.
Hornedo, Florentino H. Ideas and Ideals: Essays in Filipino Cognitive History.
Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2001.
National Historical Commission of the Philippines. Jose Rizal: Events in the
Philippine Islands. Manila: National Historical Commission of the Philippines, 2011.
____________________. Jose Rizal: Letters with Family Members. Manila: National
Historical Commission of the Philippines, 2011.
____________________. Jose Rizal: Prose. Manila: National Historical Commission of
the Philippines, 2011.
Nery, John. Revolutionary Spirit. Quezon City: Ateneo de Manila University Press,
2011.
Ocampo, Ambeth R. Makamisa: The Search for Rizals Third Novel. Quezon City:
Anvil Publishing, Inc., 2008.
____________________. Meaning and History: The Rizal Lectures. Manila: Anvil
Publishing, Inc., 2001.
____________________. Rizal Without the Overcoat. Pasig: Anvil Publishing, Inc., 2000.
Ocampo, Nilo S. Etikang Tagalog. Quezon City: Lathalaing P.L., 1997.
____________________. Kristong Pilipino. Quezon City: Bagong Kasaysayan, 2010.
Quibuyen, Floro. A Nation Aborted. Quezon City: Ateneo de Manila University
Press, 1999.
Schumacher, John N. The Propaganda Movement, 1880 1895. Manila:
Solidaridad, 1973.
Vao, Manolo O. Light in Rizals Death Cell. Quezon City: New Day Publishers,
1985.
Villarroel, Fidel. Jose Rizal and the University of Santo Tomas. Manila: UST Press,
1984.
Zaide, Gregorio F. and Sonia M. Zaide. Jose Rizal Life Works and Writings of a
Genius Writer, Scientists and National Hero. Quezon City: All Nations Publishing Co. Inc.,
1999.
KURSONG RIZAL

PANGALAN: Dones, Maria Ronalee 3 BIO8

TELEPONO: 09275146004

LALAWIGANG PINAGMULAN: Mangatarem, Pangasinan

HIGHSCHOOL NA PINAGTAPUSAN: Mangatarem National High School

Sa iyong personal na pananaw, mahalaga ba ang pag-aaral ng Kursong Rizal? Bakit /


bakit hindi?

Sa aking pananaw itoy mahalaga sapagkat naipapakita nito ang kahalagahan ng


mga nagawa ni Jose Rizal para sa kasarinlan ng ating bayan. Isa rin itong pagpapakita ng
natatanging galiing ng mga Pilipino sa ibat-ibang aspeto katulad na lamang ng mga
nagawa ni Rizal. Maituturo din nito ang mga kagawian, kultura, pamumuhay at ang
reyalidad na bumubuo sa ating pagka-Pilipino.

Ano ang iyong mga inaasahan sa pag-aaral ng Kursong Rizal sa semestreng ito?
a. Aralin
Inaasahan kong marami akong matutunan sa kursong ito hinggil sa mga
gawa, naitulong at akda ni Rizal na magbibigay ng malaking kahulugan sa ating
buhay sa kasalukuyan.

b. Gawain
Inaasahan kong ang mga Gawain ay magiging marami dahil sa mga
babasahin

c. Grado 1 / 1.25
Bakit?
Hindi naman po masamang umasa. Susubukan kong pagbutihin ang pag-
aaral sa kursong ito upang makuha ko ang aking nais na marka.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
---------------------------------------

Pagtataya sa Kurso

1. Para sa iyo, naging makabuluhan ba ang semestreng ito sa pag-aaral ng Kursong


Rizal? May naiambag ba ito sa iyo bilang mag-aaral / kabataan / Pilipino? Bakit /
bakit hindi?

2. Ano ang positibong tumatak sa iyo sa mga tinalakay / ginawa sa kurso? Bakit?
3. Ano ang pinaka hindi naibigan sa mga tinalakay / ginawa? Bakit?

4. Ano ang iyong maimumungkahi upang higit na mapabuti / maging mas interesante
ang pag-aaral / pagtuturo ng Kursong Rizal?

You might also like