You are on page 1of 2

REPORTER : Ngayon ay makasasama natin si Ginoong Romeo Makan ang direktor

ng panrehiyong centro sa wikang Filipino Region VII.

REPORTER : Magandang-magandang umaga po.

G. ROMEO MAKAN: Maayong buntag, magandang umaga.

REPORTER : Ano naman po ang mga expectations niyo para sa tatlong araw na ito?

G. ROMEO MAKAN: Ahh, Unang-una,Ahmm kami kasi sa Region 7 wala kaming


problema dahil meron kaming Akademyang Bisaya na tumutulong sa
DepEd sa pakikipag-ugnayan ng panrehiyong centro sa wikang Filipino
para mapadali ang implementasyon sa mother tongue based multillingual
education sa Region 7.

REPORTER : Opo, Kumusta naman po ang pagtanggap ng mga guro at ng mga


estudyante ninyo?

G. ROMEO MAKAN: Ahh, wala, ah positibo sila dahil unang-una habang iniisip pa ang
programang ito mayroon ng programa ang akademyang bisaya,
nagkaroon na sila ng pilot testing para sa implementasyon ng MTB-MLE
sa pangunguna ni Atty. Adelino B. Sitoy, Municipal Mayor sa lungsod ng
Kurduba.

REPORTER : So nakikita niyo po, na yung mga estudyante na talagang mas


nadadalian na sila ngayon?

G. ROMEO MAKAN: Maganda ang performans nila, maganda, maganda ang


performans.

REPORTER : At malayo ito kumpara sa dating sistema ng edukasyon?

G. ROMEO MAKAN: Meron talagang deperensiya. Maganda ang performans talaga at


mapadali ang pagtuturo dahil sa paningin ng mga guro, ahhh, mother
tongue ito eh. Wikang Kinamulatan eh so mapadali nila ang kanilang
pagtuturo at madaling mauunawaan sa mga estudyante.

REPORTER : Ano po yung mga improvements na pwedeng gawin para mas matulak
pa ang paggamit ng mother tongue or sa wikang Filipino na rin.

G. ROMEO MAKAN: Ay kung tutuusin sa kasalukuyan, nagsusulat po ako ng aklat


para ginagamit nila at gagamitin pa nila kaso lang parang kailangan ang
budget na makatututok tayo ng budget dito.
REPORTER : Opo, so budget po talaga ang kailangan. Peru ano naman po yung mga
challenges ang hinaharap mo bilang manunulat?

G. ROMEO MAKAN: Ahmm, sa akin wala. Madali lang, madali lang. wala wala. Kasi
may oras ako eh. May panahon ako eh. May panahon ako para
makasulat dahil bilang direktor meron akong oras na bakanti na
makapagsulat talaga.

REPORTER : Opo. So maganda talagang marinig na hindi po kayo nahihirapan.

G. ROMEO MAKAN: Hindi po kami nahihirapan dahil nagkaroon kami ng pakikipag-


ugnayan sa DepEd at tsaka sa Akademyang Bisaya, nagtutulungan kami.

REPORTER : Okay, maraming-maring salamat po.

G. ROMEO MAKAN: Ay wala pong anuman. Daghang salamat.

You might also like