You are on page 1of 1

Ang bullying ay isang mabigat na issue sa ating lipunan.

Ito ay katanggap tanggap at


maraming mga sumusuporta sa mga kilos protesta para mahinto na ito. Ang bullying ay hindi
makatao, ano sa tingin niyo? Epektibo ba ang mga protesta para mahinto na ito? Sa tingin
niyo na tama ang mga nangyayari sa mundo nati ngayon? Hindi! Sa kabila ng paglaban nati sa
bullying, nagyayari parin ito. Bakit?

Ano nga ba ang bullying? Ang bullying ay ang paulit-ulit na berbal, pisikal, at saykologikal na
pang-aabuso kasama ang hindi tamang pag gamit ng kapangyarihan ng isang indibidwal o
grupo patungo sa isa o marami pang tao. Maari itong magdala ng pang matagalang epekto sa
mga taong apektado. Ang bullyig ay maaaring maisagawa sa pamamagitan ng harap harapan
na pambu-bully, pagpapakalat ng mga tsismis, at cyber bullying. Sa ngayon, ang dalawang
paraan ay unti-uti ng naglalaho ngunit ang pangatlo, ang cyber bullying ay patuloy na
lumalala. Tayo ay nabubuhay ngayo sa ika-21 a century na laganap ang ibat-ibang
teknolohiya na nilikha natin upang mapanatili ang komunikasyon pati sa mga mahal natin sa
buhay. Pero ito ngayo ang nagbibigay ng daan upang mabully ang ibang tao at abusohin.

Ang bullying ay kinakabilang bilang isang krimen sa ibang istandards. Pero bakit nga ba ito
nangyayari? Narito ang ilang dahilan kung bakit ito nagaganap. Kalimitan, ang mga batang
magkakaedad ang nagbu-bully sa isat-isa. Akala kasi nila na masaya ito at magiging sikat sila
o cool. Nararamdaman nilang mas makapagyarihan sila o di kaya gusto nilang palagi silang
nakakalamang. Pero hidi ito mangyayari kung maayos ang pag papalaki ng mga magulang sa
kanilang mga anak. At sinisigurong may maayos na gabay mula sa mga kamag-anak, guro at
mga kaibigan at iba pang taong naka paligid sa kanya.

Ang kabuuag punto? Kailangan nang mahinto ang bullying. Masyado na itong
nakakapaminsala at nakaksakit sa ibang tao. Dapat tayong sumuporta sa mga kilos laba sa
bullying.

You might also like