You are on page 1of 31

New Era University

SCHOOL OF GRADUATE STUDIES


No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT ANG SAKLAW NITO


INTRODUKSYON

Sa buhay ng isang mag-aaral at para na rin sa isang guro, importante na may

partikular na estilo ang pamamaraan ng pagtuturo o ang pagkatuto. Hinihingi ng mabisa at

mabilis na pagkatuto ang pag-gamit ng mabubuting pamamaraan ng pagtuturo. Nakasalalay

sa mabuting paraan ng pagtuturo ang matagumpay, kawili-wili at mabisang pagkatuto ng

mag-aaral. Gayunpaman, nasa guro pa rin ang pagpapasya sa pamamaraang kanyang

gagamitin na alam niyang magiging angkop sa bunga ng pagkatuto na nais niyang makamtan

ng kanyang mga mag-aaral, angkop sa sitwasyon, angkop sa kakayahan ng mag-aaral at

gayon din sa uri ng paksang-aralin at asignaturang kanyang itinuturo. Maraming pagbabago

ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at estratehiya ng

pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyang

panahon ng teknolohiya at agham.

Maaari nating sabihin na napakalaki ng epekto sa kalidad ng edukasyon ang paraan ng

pagtuturo ng mga guro sa isang paaralan. Madami mang ibang salik ang maaring maging

hadlang para sa matagumpay na pagkatuto ng bata ay lubos pa ring mas nakakaapekto ang

paraan kung paano nailahad o ilalahad ng kanyang guro ang mga leksyon sa kanya ayon sa

napiling estilo nito. Dahil na din sa pag-usbong ng mga makabagong gamit at kasabay na
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


patuloy na pag-unlad ng teknolohiya ay nagkaroon tayo ng dalawang paraan ng pagtuturo- ito

ay ang tradisyunal at ang makabagong paraan ng pagtuturo.

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at nakalakihan. Ayon kay

Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa guro bilang

isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at sa

kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga

eestudyante. Sa ganitong sitwasyon, mas malaki ang posibilidad na maipakita at mahasa ang

mga natatagong angking galling o talent ng mga estudyante sapagkat nasu-subaybayan sila

ng tama ng kanilang guro.May ilan na nagsasabi na ang paraan ng pagtuturong ito ay isang

spoon feeding of knowledge. Nakapaloob dito ang paggamit ng mga ibat ibang makakapal

o maninipis na libro bilang batayan para sa pag-aaral at maging sa pagtuturo. Mga samut

saring libro na pinagkukunan ng mga impormasyon ng mga guro para maibahagi sa kanyang

mga estudyante. Kasama rito ang mano- manong pagsusulat sa pisara ng mga guro ng

kanilang tatalakayin. Ang paggamit ng mga makukulay at malilikhaing visual aids ang

kanilang sandata. Dito nagaganap ang normal na ayos sa isang silid aralan, kung saan ang

guro ang nagsasalita sa unahan at ang mga estudyante ang nakikinig sa kani-kanyang mga

upuan.

Gamit ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay natuturuan ng guro ang kanyang mga

estudyantehinid lamang sa larangan ng akademiko ay gayun na din sa tamang pag-uugali.

Sapagkat hindi lamang akademiko ang target na dapat makuha ng mga estudyante kundi

nakapokus din ito sa tamang pag-uugali ng mga mag-aaral. Dahil dito mas napapalawak ang

komunikataibong kakayahan ng mga mag-aaral. Gayunpaman, maaring sa paraang ito ng

pagtuturo ay nasusubaybayan ng guro ang kanyang mga estudyante ngunit may problema
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


ring kakalakip ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo, sapagkat may pagkakataon na hindi

na napapalawak ng guro ang kanyang mga talakayan dahil nakabase lamang ito sa

nakalimbag na libro. Kung minsan ay nagkakaroon din ng magbabahagi ng maling

impormasyon dahil hindi ganun ka-ayos at wasto ang teksbuk na basehan sa pagtuturo ng

isang guro.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga paraan

ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating panahon ngayon.

Ito ay nag-uugat sa ibat ibang pilosopiya na nagtataglay ng pangunahing kaisipan na iabng

iba sa tradisyunal na paraan. Kadalasay nagkakaroon ng mga kaisipang politikal, pilosopikal,

at akademikong kasanayan ang mga mag-aaral.

Ang paraan ng pagtuturong ito ay nakapokus sa kung papaano tutuklasin ng mag-aaral

ang kanyang kakayahan o angking galing na nakasubaybay lamang ang kanyang guro sa

kanya. Sa panahon ngayon ay mayroon ng isang malaking pagbabago ang nagaganap sa

dimensyon ng pagtuturo. Dahi na din sa nasa makabagong panahon na tayo,, naniniwala ang

mga eksperto na ang mga mag-aaral sa panahon ngayon ay hindi na mababansagan na na

mabagal o mahina sa pagkatuto. Ayon kay Kornhaber (2004), naiisakatuparan ng Multiple

Intelligence ni Dr. Howard Garnier sa paraan ng pagtuturo sa mga mag-aaral na

magpahalaga at magtamo ng kaparaanan para sa pagpapahayag ng kanilang mga saloobin,

kuro-kuro at damdamin ganun na din sa mga ideyang mayroon sila base sa kanilang mga

nalalaman na naitulong ng teknolohiya.

Lipas na ang panahon ng pagtuturo ng nakabatay sa mga teksbuk lamang. Ngayon ang

simula ng pagtuturo ng mga guro ng ayon sa kaalaman nila na angkop sa makabagong

panahong kanilang ginagalawan. Mula kay Vygotsky (1987), ang mga mag-aaral na handang
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


humarap sa hamon ng edukasyon ay lumalaking nagagamit ang kayang mga natutunan at

nakakadagdag ito sa atas ng pagpapahalaga niya sa sarili kung sya mismo ang tutuklas ng

paraang ito para sa sarili niya.

Dahil na din sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon natin ay naiimbento na ang ibat

ibang mga gamit na makakatulong na maging basehan sa mas magandang kalidad ng

edukasyon hindi lang para sa bansa gayon na rin para sa buong mundo. Mayroon na tayong

mga personal computers, laptop, tablet ibat ibang klase ng mga cellular phones, projector, at

madami pang iba na tunay na nakakatulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral.Hindi na uso ang

pagsusulat sa pisara o paggamit ng makukulay at may samut saring pakulo sa mga visual

aids, dahil nandyan na ang projector at ang laptop na maaring gamitin upang magpakita ng

presentasyon o mga video para mas maunawaan at maintindihan ng mga estudyante ang

mga leksyon nila. Hindi na din kailangan magkaroon ng napakadaming libro ng mga guro

bilang basehan sa kanilang pagtuturo dahil sa tulong lamang ng mga computer at ng internet

connection madali na silang makakapag saliksik sa internet ukol sa leksyon nila.

Kahit wala na sa tipikal na isang silid aralan ay maari pa rin na magkaroon ng interaksyon

sa pagitan ng mga guro at estudyante dahil maaari pa din naman makakuha ng impormasyon

ang mga estudyante sa tulong lamang ng internet connection. Maaaring balikan ng mga

estudyante ang mga leksyon nilang hindi nila lubos maintindihan. Maaari din sialng

makapagbahagi sa iba ng mga natutunan nila mula sa kanilang mga guro sa tulong ng mga

social networking sites. Sa parte naman ng mga guro, upang hindi maging boring ang isang

talakayan maaari siyang gumamit ng ibat ibang pakulo sa mga social networking sites para

magkaroon ng isang msayang pagpapalitan ng mga ideya sa pagitan niya at ng mga mag-

aaral.
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Napapaloob sa makabagong siyensa ang mga kaalaman at karanasang di-maibibigay ng

tradisyunal na pagtuturo. Kung tutuusin ay mas makakalamang ang makabagong paraan ng

pagtuturo sapagkat ang nilalaman nito ay makatotohanan at mas kaugnay sa realidad na

nangyayari sa buhay. Sabi nga mula sa isang pag-aaral, ang paraan ng pagtuturo ay parang

isang libro, ang tradisyunal na pagtuturo ang unang rebisyon atang makabagong paraan

naman ay ang pinakabagong rebisyon sa proseso ng pagkatuto ng mag-aaral.

Bilang pangkalahatan, anumang paraan ang ginagamit ng mga guro, ang mahalaga ay

ang istilo ng pagkatuto ng mag-aaral na siyang tumutukoy sa kaparaanan nila ay mas higit sa

gusto ng mga mag-aaral para sa kanilang pag-aaral. Dahil sila ang nagkaroon ng pagkatuto

sa anumang mabisang estratehiya na ginagamit ng guro. Badayos (2008)

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pangunahing layunin sa pag-aaral na ito ay ang paghahambing gamit ng tradisyonal at


makabagong teknolohiya sa pagtuturo ng Filipino sa Grade 7 ng Fortune High School.
Tiniyak sa pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod:
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

1. Ano ang profayl ng mga responde batay sa mga sumusunod na suliranin.

1.1 kasarian,
1.2 edad
1.3 pinakamataas na pinag-aralan
1.4 ilang taon sa pagtuturo
1.5 kaalaman sa paggamit ng kumpyuter
1.5.1 word
1.5.2 excel
1.5.3 power point
1.5.4 Movie maker

2. Ano ang madalas na ginagamit sa pagtuturo?

1.1 tradisyunal na pagtuturo


1.2 Makabagong teknolohiya

1. Ano ang nakuhang marka sa pre-test ng mga mag-aaral batay sa:


1.1 tradisyunal na pagtuturo;
1.2 Makabagong teknolohiya na pagtuturo?
1.2.1 Movie maker
1.2.2 power point presentation
2. Ano ang nakuhang marka sa post test ng mga mag-aaral batay sa:
2.1 tradisyunal na pagtuturo;
2.2 Makabagong teknolohiya na pagtuturo?
2.2.1 Movie maker
2.2.2 power point presentation

3. Ano ang mean gain na marka ng mga mag-aaral na nailantad sa:


3.1 tradisyunal na pagtuturo;
3.2 Makabagong teknolohiya pagtuturo?
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


3.2.1 Movie maker
3.2.2 power point presentation
4. May kaibahan ba ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa pre-test at post test
batay sa:
4.1 tradisyunal na pagtuturo;
4.2 Makabagong teknolohiya pagtuturo?
4.2.1 Movie maker
4.2.2 power point presentation

6. May kaibahan ba ang mean gain na marka ng mga mag-aaral sa pagitan ng

tradisyunal at Makabagong teknolohiya pagtuturo?

7. Paano magagamit ang mga natuklasan ginawang pag aaral upang makabuo ng

gabay sa pagtuturo ng Filipino sa Grade 7.

NULL HYPOTHESIS

Ang pag-aaral na ito ay ibabatay sa tatalagang null hypothesisna:

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang mananaliksik ay naniniwala na amg Makapagdudulot ng pakinabang at

kahalagahan ang kalalabasan ng pag-aaral na ito sa mga sumusunod:


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Sa panig ng Mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang

magkaroon sila ng kaalaman ukol sa kaibahan ng tradisyonal at alternatibong pagtuturo sa

mga aralin.

Mga Guro. Ang pananaliksik na ito ay hahamon sa mga guro na makita ang kahinaan at

kalakasan ng mag-aaral sa tradisyonal at alternatibong pagtuturo. At para mabatid kung

anong uri ng pagtuturo ang gagamitin.

Sa pangasiwaan ng paaralan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makakatulong bilang

batayan ng mga administrator ng mga paaralan kung anong uri ng pagtuturo ang magaganap

sa bawat silid.

DEPED. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nakapagpapabatid sa mga opisyales ng DepEd

kung alin sa dalawang pamamaraan ang mas epektibong nagpapaunlad sa kakayahan at

kasanayan ng bawat ma-aaral at para matugunan ang pangangailangan ng paaralan sa

pagpapaangat ng kanilang mithiing pang-edukasyon.

Sentro ng Wikang Filipino. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay nagsisilbing gabay upang

malaman ang kahinaan ng mga mag-aaral sa bawat paraan ng pagtuturong ginamit.

Nagsisilbi rin itong instrumento upang maiiwasan ang kabagutan sa loob ng klase.

Mga Mamamayan. Ang resulta ng pag-aaral ng ito ay nakakatulong sa kanilang kabatiran

kung ano ang dulot ng alternatibong pagtuturo sa kaunlaran ng bawat mag-aaral.

Mga mananaliksik. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong sa iba oang mananaliksik na

gumawa ng iba pang pag-aaral sa mga paksang hindi pa gaanong napag-aaralan nang

mapaunlad pa ang pag-aaral na gagawin sa paglinang ng angking propesyon.

SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Saklaw lamang ng pag-aaral na ito ang nauukol sa paghahambing ng Tradisyonal na

Pagtuturo Sa Makabagong teknolohiya na Pagtuturo ng Pililipino sa Ikapitong Baitang .

Nakatuon lamang ng pag-aaral sa mga mag-aaral na nasa Ikapito na baitang ng

Fortune, High School sa Lungsod ng Marikina panuruang Taon 2016-2017.

KAHULUGAN NG MGA TERMINOLOHIYA

Sa lalong ikauunawa ng mga mambabasa ang mga terminong ginagamit sa pag-

aaral na ito na inayos ng paalpabeto ay binigyang linaw at katuturan ng mananaliksik gamit

ang operasyunal na pagpapakahulugan.

Ang tradisyunal na paraan ng pagtuturo ay ang ating nakagisnan at nakalakihan. Ayon

kay Novak (1998), ang tradisyunal na pamamaraan ng pagtuturo ay nakapokus sa guro

bilang isang taga-kontrol sa kapaligiran ng mga mag-aaral. Nasa guro ang responsibilidad at

sa kanya ang mga paraan at estratehiyang gagamitin sa pagtuturo sa kanyang mga

eestudyante.

Ang makabagong paraan ng pagtuturo o ang alternatibong pagtuturo ay ang mga

paraan ng pagtuturong makabago sa ating nakasanayan na umuusbong sa ating panahon

ngayon. Ginagamitan mga teknolohiya para sa pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Kompyuter o computer ay isang pangkalahatang paggamit na kasangkapan na maaaring

upang magsagawa ng isang may hangganang hanay ng mga operasyong aritmetiko o lohikal.
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

Kabanata 2

REBYU NG MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT MGA PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng mga kaugnay na literatura at mga pag-

aaral na nagbigay ng karagdagang impormasyon na nakatulong sa kasalukuyang pag-aaral.


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

Literatura

Lahat ng bagay sa mundo, natural man o gawa ng tao ay dumaranas ng tinatawag

nating pagbabago. Sapagkat walang permanente sa mundo kundi ang pagbabago kaya sa

pagtanda ng panahon, maraming pagbabago na ang makikita ng tao sa halos lahat ng

larangan ng buhay.

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

nakatutulong nang malaki sa ginawang pag-aaral dahil nagbibigay ito ng katotohanan upang

mabuo ang pag-aaral na ito.

Lokal na Literatura

Ang Paggamit ng Wikang Pambansa bilang paraan ng Pagtuturo Kung maaalala natin ang

isang kabanata ng Noli Me Tangere ni Rizal (Mga Suliranin ng Isang Guro). Ang wikang

ginagamit sapagtuturo ay ay wikang kastila gayung hindi nila naiintindihan ang ganung wika.

Dahil hindi nila nauunawaan, minimemorya at hindi maipaliwanag ng mga bata ang kanilang

aralin. Ganito rin nga ang karaniwang nangyayari ngayon sa mga estudyante sa hayskul,

kolehiyo at unibersidad sa bansa na dahil sa Ingles nagsipag-aral, at salat sa kakayahan sa

banyagang wikang ito, mabilis na nakakalimutan ang sinaulong mga leksiyon kaya

nagsisipagtapos na kabisote. Ayon kay Dr. Nemesio E. Prudente Ang paggamit ng Ingles

bilang midyum ng pagtuturo ay sapilitan at pulitikal, hindi nakabatay sa pananaliksik, sa

siyensiya ng pagtuturo, at sa mga prinsipyong sikolohikal. Ayon kay Dr. Amalia Cullarin

Rosales:

Mapanghamon, sapagka't napakaraming balakid ang susuungin ngmga nagmamalasakit sa

wikang Filipino upang maisakatuparan angadhikaing ito. Bagama't nakatagpo tayo ng


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


kasangga sa katauhan ng Pangulong Estrada sa ating adhikaing pagpapalaganap sa wikang

Filipino bilang wikang dapat na gamitin sa mga paaralan, mga tanggapan ngpamahalaan,

Kongreso at pakikipag-ugnayang panlabas, ay damang-damanaman ang pagtutol ng ilang

mga kilalang tao na ang wikang Filipino aygawing wika ng pagtuturo at pakipagtalastasan ng

ating pamahalaan. Ayon kay Padre Pedro V. Salgado,OP: | Bakit kinakailanagn sayangin

ang buong buhay sa pagaaral ng ibang wika, kung meron naman tayong sariling wika. Ayon

kay Jose T. Saragosa: Marami ang nagsikap at nagsisikap na mapayaman at mapaunlad

angwikang pambansa. Layunin ng mga pagsisikap na ito na magamit angWikang Filipino

bilang wikang panturo o midyum ng edukasyon. Naniniwalaang mga makabayang dalubwika

o linggwistiko na ang paggamit ngpambansang wika sa pagtuturo ng kaalamang teknikal at

aghamin ang susisa pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.Mahalaga ang paggamit ng Filipino

sa pagtuturo sapagkat malaki angmaitutulong nito sa intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa

isang payak napagsusuri masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong

anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng edukasyon.Kung wikang

dayuhan ang gagamitin sa pagtuturo, may tatlong proseso angnagaganap sa ating isipan:

Persepsyon (Kaalaman), Pagsasalin, Pag-unawa. Ayon kay Engr. Virgillio S. Perdigon: Ang

suliranin ng pag - aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin ang kaalaman mula sa

paaralan patungo sa masa. Ang wikang Ingles ay hindisiyang lunas. Ayon kay G. Michael Tan:

Madaling matututo ng ibang wika kasama na ang kahusayan sa mga asignaturang

Matematika at Siyensya kung mahusay na sa katutubong wika.

Lokal na Pag-aaral

Karamihan sa mga pananaliksik ay ipinahayag ang paggamit ng Kooperatibong Pagtuturo.

Borja et al ( 1995 in Leyson, 1998) na inilahad ni Rufo(2007) na gumawa ng parehong


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


proyekto sa pag-aaral ng Kooperatibong Pagtuturong Estratehiya sa sekundarya sa

asignaturang science. Ang mananaliksk ay nagpuna na ang kagandahan ng Kooperatibong

pagtuturo ay ang kooperasyon at pagtitiwala sa sarili at sa isa't isa na makamtan ang

tunguhin ng grupo. Isang pag-aaral ang isinagawa ni Carvajal (1985) na inilahad ni Ruyca

(1994) sa UP Lahug, Cebu City. Natuklasan na parehong Instrumented Team Learning (ITL)

at Teacher Centered Approach (TCA) ang epektibong estratehiya sa pagtuturo ng konsepto

sa bayolohiya . Ibang lokal na pag-aaral na nagawa ni Lapa (1989) na inilahad ni Ruyca

(1994) na nagpapatunay na ang pagsasangkot sa mga estudyante sa ITL ay nagpapakita ng

makabuluhang pagbabago ng pag-uugali kaysa sa nasasangkot sa TCA. May mga

pananaliksik at mga pag-aaral kung saan ipinapakita na ang kooperatibong pagtuturo ay

isang mabuting paraan ng pagtuturo na ginagamit sa iba't ibang larangan ng edukasyon.

Maraming mga teorya ang iminumungkahi na ang kooperatib na paraan sa pagtuturo ay para

sa lahat ng lebel at uri ng edukasyon. Ayon sa pag-aaral, ang kooperatib na pagtuturo ay may

mabuting kahihintulutan na positibong pag-iisip at pang edukasyunal. May tatlo itong dulog

kung saan ay sinusunod ang kooperatib na pagtuturo, ito ay ang mga sumusunod; Cognitive

approach, Motivational approach, at Social Constructivism approach. Ang kognitibong dulog

ng kooperatib na pagtuturo ay patungkol sa mga kailangan ng konseptual na balangkas

upang matutunan ang mga bagay-bagay. Ito'y nagmumungkahi na ang mga maliliit na

pangkat ay natututo sa epektibong pamamaraan kung sila'y sinasanay sa pagbuo ng

konsepto. Ang Motivational na dulog ay patungkol sa konsepto ng pagganyak sa maliliit na

pangkat. Iminungkahi nito na ang mga estudyante ay madaling napupukaw ang interes sa

isang asignatura habang may ginagawa sa maliit na pangkat. Ito'y magkakaroon ng taguri na

one for all and all for one. Ang social constructivism na dulog naman ay tungkol sa
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


pangsosyal na diskurso kung saan kinakailangan upang magkaroon ng perpektong konsepto

at natutukan. Ito rin ay kinakailangan upang matanggal ang anumang maling kaalaman na

may relasyon sa natutuhan na uusbong sa loob ng grupo. Ayon kay Ruyca (1994), binanggit

niya sa kanyang pag-aaral tungkol sa kooperatib na pagtuturo sa mathematika 6, na ang mga

estudyante sa eksperimental na grupo na dumaan sa kooperatib na pagtuturo ay mas mabuti

kaysa sa mga estudyante sa control group kung saan sinanay sa conventional na paraan ng

pagtuturo.

Lokal na pag-aaral. Ayon Ramos Emilyn ng Delasalle university (2012) kay Maraming

pagbabago ang nangyayari sa larangan ng edukasyon maging ang mga pamamaraan at

estratehiya ng pagtuturo na nagsisilbing malaking hamon na kinakaharap ng mga guro sa

kasalukuyang panahon ng teknolohiya at agham tulad ng suliranin sa kakulangan ng

mga aklat partikular sa Cordillera. Ito ang dahilan kung bakit kailangang tumulong ang

mga guro sa Filipino na makiisa sa matinding pagnanais ng Kagawaran ng Edukasyon

(DepED) na mapabuti ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas sa paghubog sa mga mag-

aaral upang maging makabuluhang mamamayang Pilipino na kailangan ang integrasyon

ng kabutihang-asal sa kanilang pagtuturo. Kaya nilayon ng pananaliksik na ito na

patunayan ang kabisaan ng instruksyong modyular bilang isang mabisang estratehiya sa


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


pagtuturo ng Filipino. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa paghahambing sa antas ng

kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral sa College of Accountancy and Commerce

ng Saint Louis University gamit ang instruksyong modyular at tradisyunal na

pamamaraan. Ito ay isang pagtugon sa pagtuklas ng makabagong estratehiya sa

pagtuturo na mas makatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ginamit ang deskriptibo

at eksperimental na pamamaraan sa pananaliksik. Deskriptibo dahil inilarawan ang antas

ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral at eksperimental sapagkat sinubukang

tingnan kung alin ang mabisang pamamaraan sa pagtuturo ng Filipino 2 sa antas ng

tersarya. Pareho ang mga pagsusulit na naibigay sa mga mag-aaral na sumailalim sa

paraang instruksyong modyular at tradisyunal na pamamaraan kaya ang mga datos na

nalikom ay nailathala at nailarawan sa pamamagitan ng mean, T-test at F-test. Lumabas

na mas mataas ang mean score ng mga mag-aaral na sumailalim sa instruksyong

modyular kumpara sa tradisyunal na pamamaraan at natuklasang may makabuluhang

pagkakaiba ang antas ng kakayahan sa pagsusulit ng mga mag-aaral ayon sa kasarian

ngunit walang makabuluhang pagkakaiba naman ayon sa pangkat etniko at natuklasang

nahirapan ang mga mag-aaral sa mga gawaing aplikasyon.

Ayon kay Lardizabal (1995), ang pagtuturo ay isang proseso ng komunikasyon ng guro

at mag-aaral. Ang pagtuturo ay hindi na nakasalig lamang sa berbal na komunikasyon ng

guro at mag-aaral. Maraming kagamitan ang pagtuturo at pagkatuto. Ang kagamitan

pampagtuturo o kagamitang instruksyonal ay anumang karanasan o bagay na ginagamit


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


ng guro bilang pantulong sa paghahatid ng impormasyon, kasanayan, saloobin, palagay,

katotohanan, pag-unawa at pagpapahalaga sa mga mag-aaral upang lalong maging

konkreto, tunay, dinamiko at ganap ang pagkatuto.

Sa paghahanda ng mga midyang instruksyonal ay kailangang alamin ang

karakteristik at pangangailangan ng estudyante. Tiyakin ang layunin, balangkasin ang

nilalaman, iplano ang suportang kakailanganin at isaalang-alang din ang mga materyal

na paghahanguan. Sa pagsusulat, ihanay ng maayos ang mga ideya, pag-isipan at

simulang buuin ang mga gawain at fidbak, humanap ng mga halimbawa at umisip ng

mga grafiks.

Sinasabi ngang walang kagamitang panturo ang maipapalit sa isang mabuting

guro, ngunit isang katotohanang hindi maitatanggi na ang mabuting guro ay gumagamit

ng mga kagamitang pampagtuturo tungo sa mabisang pagkatuto ng mga estudyante.

Ayon kina Abad at Ruedas (2001), ang mga kagamitang pampagtuturo, tulad ng

midyang instruksyonal ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pag-katuto,

halimbawa:

Nagbubunga ito ng wastong gawi sa pag-aaral;

Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral sapagkat higit na napasisigla at

napagagaan ang proseso ng pagtuturo at pagkatuto;

Nagdudulot ito ng maayos, madali, makahulugan at mabisang pagtuturo at

pagkatuto;
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Nag-aambag ito ng ibat ibang karanasan sa mga mag-aaral tungo sa pagtatamo

nila ng mga minimithing kaalaman, pagkakamit ng kasanayan at pagpapahalaga sa

kanilang sarili at kapaligiran;

Nagbibigay ito ng mga tunay at ibat ibang kalagayan upang mapasigla ang

pansariling gawain ng mag-aaral;

Nagkakaroon ng tiwala sa sarili ang mag-aaral at guro sapagkat may direksyon

ang pagtuturo at pagkatuto;

Nagkakaroon din ang mga guro ng kawilihan, magaan at sistematikong pagtuturo;

Nababawasan ang pagiging dominante ng guro sa pag-sasalitao pagtalakay ng

aralin sa loob ng silid-aralan.

Gayunpaman, may mga limitasyon din ang paggamit ng multimedia sa silid-aralan tulad

ng; kaamitang panteknolohiya (hard-ware at software), kakayahang panteknolohiya

(para sa mga mag-aaral at mga guro) at oras o panahon na kakailanganin sa pagpaplano,

pagdidisenyo, pag-linang at pagtatasa sa mga gawaing pang ultimedia.

Ang multimedia ay dinisenyo upang mapagaan ang proseso ng pagtuturo at

pagkatuto. Sa pamamagitan ng multimedia, nagiging kapanapanabik, nakagaganyak at

natutulungan ang mga mag-aaral na matuto sa makabagong paraan.

Makikita sa gumagamit ng multimedia ang mga totoong mundo sa pamamagitan ng

mga tunog, , mga larawan at bidyo na maaaring hindi nararanasan ng mga mag-aaral sa

tradisyunal na paraan ng pagtuturo ng guro. Tumataas din ang antas ng interaksyon ng


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


mga mag-aaral. Hindi na sila pasibo kundi mga mag-aaral nang aktibong nakikilahok sa

mga gawain.

Ang mga rekurso ng multimedia ay makatutulong sa mga gurong lumilikha ng mga

gawain o karanasan sa pagkatuto ng bawat indibidwal ng mag-aaral. Ang mga gawain at

karanasang ito ay magpapakilala sa pagpapahalaga ng mga kakayahan ng bawat mag-

aaral.

Sa mabilis na pagbabago ng sanhi ng mga makabagong teknolohiya, ang mga guro

ay magkakaroon ng kaalaman at kakayahang panteknolohiya upang makaagapay sa

panahon ng digital. Sa larangan ng edukasyon ngayon, may mga indibidwal na

nagtataglay ng kagalingan at kakayahan sa pagtuturo gamit ang impormasyon sa

komunikasyong panteknolohiya o yaong tinatawag nating Information and

Communication Technology (ICT).

Ayon pa nga kay Dr. Johari Bin Mat, Secretary-General ng Ministry of Education ng

Kuala Lumpur, Malaysia, sa isang kumperensya tungkol sa E-Learning noong Mayo,

2000:

Technology has been and is becoming an important component of teaching and

learning in the educational system Information and Communication Technology (ICT)

provides powerful tools for accessing, storing and disseminating information Our

approaches to teaching, preparing contents and delivering learning materials needs to be

adjusted according to the existence of this technology. The classroom is no more static
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


physical set-up, but rather a dynamic existence. Teachers should be able to integrate

technology in their process of teaching and learning Technology supports learning. It

will enable teachers to pursue traditional goals with new fervor and success. This ipact

of technology will give a new dimension to the quality of the education system.

Technology supports the learners to bring about significant change in learning.

Banyagang literatura. Ayon kay Novak (1998), Ang tradisyunal na pagtuturo ay yaong

nakapokus sa guro bilang taga kontrol sa kapaligiran ng mag-aaral. Ang kakayahan at

responsibilidad ay nasa guro at ginagampanan niya ang tungkulin bilang instruktor sa

paggamit ng talakayan sa leksyon at nagsisilbing tagapagdesisyon sa laman ng kurikulum at

mga posibleng kalalabasan nito ang pinag-uusapan. Tinatangkilik nila ang mag-aaral bilang

knowledge holes na kailangang punan ng sapat na kaalaman at impormasyon. Sa

katunayan, ang mga tradisyunal na guro ang siyang dahilan sa katagumpayan ng pagkatuto

ng mga mag-aaral. Dito sila unang namulat sa kaalaman sapagkat ito ang unang ginamit ng

mga guro na paraan sa pagtuturo.

Ang pagkatuto ay kadalasang nauugnay sa silid-aralan at dito nakikita ang kompetisyon. Ang

laman at ang pagpapahayag ng aralin ay isinasaalang-alang bilang mahalagang salik at

mahahasa dito ang kakayahan ng mag-aaral sa pamamagitan ng pagsasanay. Ang laman ng

aralin ay di na dapat alamin sa konteksto Theroux (2002), Johnson and Johnson (1991).

Sa madaling salita, ang pagkatuto ay nasa aralin at kalakaran ng guro sa kanyang pagtuturo.

Dito nagsisilbing instruktor ang guro sapagkat sa kanyang talakayan, siya ang nagdadala at

nagbibigay ng mga impormasyon sa mga mag-aaral. Ang ginamit ng mga guro sa ayos ng

silid-aralan ay ang kumbensyunal na kung saan nakahanay lamang ang mga upuan.
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


May dalawang mahahalagang sinabi si Theroux (2002) tungkol sa tradisyunal na pagtuturo:

Una, ito ay pagtuturo sa maraming kurso at kinakailangan ito upang maunawaan ng maayos

ang mga nilalaman na makatutulong sa mag-aaral. Ang tradisyunal na pamamaraan ng

pagtuturo ay ang paggamit ng simpleng modelo na ginawa ng guro.

Pangalawa, ito ang pagtuturo na hindi maaring matugunan sa patuloy na paglago ng

teknolohiya. Ang tradisyunal na pagtuturo ay hindi maaaring baguhin dahil ang kapalit na

problema ay ang mataas na halaga ng mga bagong modelong kagamitan sa pagtuturo.

Ngunit ayon kay Aquino (1997), ang modernong pagtuturo at teknolohikal na pagbabago sa

ika-21 na siglo ay nakapokus sa kompetisyon sa mga paaralan. Ang ginamit sa alternatibong

pagtuturo ay isang pangunahing bahagi ng teknolohiya ng makabagong-likha at teknolohiya

sa makabagong ideya na kinatawan ang resulta ng pagpapatupad sa modernong disenyo ng

teknolohiya bilang susi sa pagkamit ng katagumpayan sa pagkatuto ng mag-aaral sa loob ng

klase.

Kaya sa kabila ng paglago ng teknolohiya sa kalagitnaan ng 19 na siglo, ang pagpasok nito

sa sistema ng edukasyon ay nagiging huli. Sa nabanggit sa tiyak na kasaysayan ng

teknolohiya sa larangan ng edukasyon Reiser, R.A., (1997) sa Elliot, S. et. al. (1996), sa mga

taong 1980 at 1990 lumaganap ang kasaganahan ng teknolohiya. Huli na nang malaman na

ang kompyuter ay may malaking papel na ginampanan sa proseso ng pagtuturo-pagkatuto.

Sa pamamagitan ng teknolohiya, tataas ang oportunidad ng pagtugon, napapalawak ang

akademikong oras at nasasali ang mag-aaral sa lahat ng proyekto na may kani-kanilang

disenyo kung saan ito ay isang sandigan para sa epektibong pagtuturo at epektibong

pagkatuto Elliot, S. et. al. (1996).


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Sa katunayan,di lamang teknolohiya ang nagpapatakbo sa paaralan ngunit pati rin ang mga

guro (Sheingold at Harvey) sa Elliot, S. et. al. (1996), ipinakita ang impresyon na may mga

guro na hindi gumagamit ng teknolohiya sa kanilang pagtuturo at iba na gumagamit ng

teknolohiya sa kanilang pagtuturo sa sekundarya ay pinababa nito ang kanilang kakayahan.

Sa pag-aaral ni Ely; Elliot, S. et. al., (1996), pinatutunayan sa mga nasabing resulta sa itaas

ng ilahad niya ang mga dahilan kung bakit di ginamit ng mga guro ang teknolohiya sa kabila

ng pag-unlad nito: a.) takot; b.) mahinang software at walang oras para mapa-unlad; c.)

naniniwalang ang tekolohiya ay di nakatutulong; d.) kulang sa mataas na panahon ng

pagpaplano; e.) itinuturing na kakompetensiya ang teknolohiya; f.) kulang sa suporta ng

administrasyon; g.) napapahaba ang oras at nangangailangan ng kakayahan; h.) iba-iba ang

papel ng guro; i.) di tanggap ng lipunan. Nasasaad nito na kailangan bigyang aral ang guro at

lipunan bilang iisa ang kahalagahan sa paggamit ng teknolohiya sa sistema ng edukasyon.

Ang mga resulta na nailahad ay nagpapakita ng marami sa mga guro na di gumagamit ng

teknolohiya dahil sa sila ay takot sa teknolohiya mismo at di sang-ayon sa mga teoryang nasa

likod ng mga bagong inobasyon. At ang takot na ito ay nag-ugat sa pagiging walang

kaalaman at kakulangan sa karanasan.

Karagdagan pa ni Ely na karamihan sa mga guro ay walang pormal o impormal na

pagmanipula gamit ang kamay na kasanayan sa programming at pangunahing edukasyon sa

teknolohiya, maliban na lamang sa mga bagong nagtapos na kung saan sila mismo ay

nagboluntaryong mag-aral sa teknolohiya para sa pampersonal na kaalaman. Karamihan din

sa mga guro ay natatakot makasalamuha ng mga mag-aaral na may mas malawakan na

kaalaman ukol sa teknolohiya- takot na mapahiya. Kailangan talaga ang kaalaman sa

teknolohiya para matagumpayan ang pagtuturo gamit ang media sa loob ng klase.
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Ayon kina Abellera et. al. (1990), ang media bilang bahagi ng alternatibong pagtuturo ay

isang komponent ng instruksyong panteknolohiya bilang daan ng komunikasyon na maaaring

pang-edukasyon na pangangailangan at kahalagahan. Ito ay binubuo ng mga pangunahing

kagamitan na panteknolohiya para malinang at mapadali ang proseso ng pagkatuto ng mag-

aaral sa kinabibilangan ng hardware tulad ng telebisyon, DVD players, at iba pang panturong

makinarya at software gayang naka -program na mga teksto, mga pelikula, at iba pa.

Dagdag pa nina Hayden at Torkelson (1973) mula sa nakalimbag na aklat nina Abellera et. al.

(1990), may apat na iminungkahing pamantayan para sa pagtuturo gamit ang muti media sa

kanyang klase:

Una, maging bukas sa inobasyon. Kung may problema sa kagamitan agad mag-isip ng

alternatibo at maging bukas sa anumang suhestyon para matagumpayan ang pagkatuto ng

mag-aaral.

Ikalawa, epektibong paggamit ng media. Dapat batid ng bawat guro na ang epektibong

paggamit ng media ay mabisang paraan para sa tiyak at angkop na pagpaplano, paghahasa

at pagproseso ng pagkatuto. Ang kaibahan ng anyo ng mensahe at kaangkupan sa tiyak na

media para sa tamang uri ng pagkatuto ay kinakailangang isaalang-alang sa pagpili ng media

at epektibong paggamit nito sa pagtuturo ng paksa.

Ikatlo, pagbuo ng kasunduan para sa tuloy-tuloy na pagtataya. Ang siyentipikong

pamamaraan ay nakasalalay sa patuloy na pagtataya para sa epektibong hakbang ng

pagkatuto. Ang mga try-outs na pagsasanay ay kailangan para malaman ng guro ang tiyak na

feedback kung saan ang dapat linangin para lalong matuto ang kanyang mag-aaral.

Ikaapat, panatilihin ang aspetong pangkatauhan ng bawat teknolohiyang pampagtuturo o

pang edukasyon. Gamitin ang mga kagamitang panteknolohiya bilang isang komponent ng
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


alternatibong pamamaraan at hindi bilang pag-alis ng pagkamakatao kundi, bilang

kagamitang pagtuturo-pagkatuto sa pagitan ng guro at mag-aaral.

Para mapagtagumpayan ang proseso ng pagkatuto ng mag-aaral, kailangan isaalang-alang

ng gurong nagtuturo kung anong pamamaraan ang kanyang gagamitin na karapat-dapat sa

kanila at para sa pambihirang tagumpay at mabisang pagkatuto ng mag-aaral.

Ayon kina Crooks (1988) McKeachie (1986) and Wergin (1988) masusuri natin ang pagkatuto

ng estyudante base sa kung paano siya mag isip ng isasagot sa isang tanong na siyang

sumasalamin sa napag-aralan niya. Halimbawa, kung ang pagsusulit na kaniyang inaasahan

ay nakatuon sa mga katotohanan (facts), ang gagawin niya ay kakabisaduhin ang mga

detalye. Kung ang pagsusulit ay kinakailangan ng paglutas sa isang problema o

pagpapalawak ng kaalaman ay pinapairal niya ang malalim na pag unawa at kung paano nito

iaapply ang mga impormasyon. Bilang guro, ang pagsasagawa ng ganitong istilo ng

pagtuturo ay nakakatulong upang masukat ang katagumpayan ng iyong pagpeprisinta ng

materyal. Huli, ay sa ganitong paraan, nasusukat o nalalaman ng isang guro kung ano ang

mga paksa o mga kasanayan ang hindi nauunawaan ng mga mag-aaral. Ayon naman sa mga

ekspertong sina Jacob at Chase, ang pagsusulit ay ang pinaka-komprehensibong paraan ng

pagsubok, karaniwang ibinibigay sa katapusan ng termino, at isa o dalawang beses sa

panahon ng semestre. Ang pagsusulit ay mas limitado sa saklaw, na tumutuon sa isang

partikular na paksa.Samantala ang maikling pagsusulit (quiz) ay mas limitado at karaniwang

ibinibigay sa loob ng labing limang minuto o mas mababa.

Banyagang Pag-aaral Ayon kay Riel (1996) na ang teknolohiya ay mabilis na nagpapabago

sa maraming aspekto sa lipunan, at higit na malaki ang epekto nito sa mga kabataan kaya

nararapat lamang iksamining mabuti ang mga pagpaplano ng paggamit ng Multimedia sa


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


loob ng klase upang maibigay sa kanila ang mainam na edukasyon. Pinaniniwalaan na ang

mga mag-aaral sa kasalukuyan ay nangangailangan ng maraming kasanayan para sa

kanilang propesyon pagdating ng araw upang makasabay sa mundong laging nagbabago.

Ibinahagi din ni Riel (1995) ang kanyang karanasan hinggil sa kanyang ginawang

ekspereminto sa aplikasyon ng teknolohiya sa loob ng klasrum at nalaman nya na ang

kanyang mga estudyante ay aktibong nakikisali sa talakayan, pinagawa din nya ang kanyang

mgaestudyante ng mga proyekto na mayroong kaugnayan sa kompyuter at mula dito ay

nakita nyaang magandang perpormans ng mga mag-aaral, iginiit din nya na kapag ang

Edukasyunal na Teknolohiya ay nailapat ng tama at wasto sa mga mag-aaral ay magiging

maganda ang prosesong pagkatuto

Inilabas naman ni Shepherd (2001) ang kanyang teorya na hinggil sa kabutihan

ngMultimedia sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ayon pa sa kanya na ang mabuting

pagplaplanong Multimedia ay nakakatulong sa mga mag-aaral upang malinang ang

kanilang kakayahang pangteknolohiya upang maging kapaki pakinabang sa lipunan sa

darating na panahon, iginiit din nya na mayroong kabutihang hatid ang paggamit

ngMultimedia

sa klase gaya nalang ng mga sumusunod:

1.Nagiging aktibo at nakikisali sa talakayan ang mga mag-aaral.

2. Mas nagiging interesado sila sa mga itinuturo ng mga guro gamit ang powerpoint

presentation. At dahil dito ay mas nadaragdagan ang kanilang kaalaman.

3. Nadaragdagan ang kanilang kaalaman, tungkol sa teknolohiya at dahil dito ay hindi sila

magiging mangmang o walang muwang sa patuloy na pag-unlad nito.

4.Bumilis ang kanilang pagkatuto o kaalaman.


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Ayon naman kay Merrill (1986) sa librong COMPUTER IN EDUCATION na ang

pinakamahalagang layunin ng edukasyon ay ang maihanda ang mag-aaral sa mundong

laging nagbabago at malinang ang kanilang mga kakayahan at papel ng teknolohiya sa

lipunan ay isa samga importanteng salik upang mapatupad ang layuning ito. Ayon sa pag-

aaral na isinagawa nnina Norton at Wiburg (2003), ang konsepto ng teknolohiya ay

maitutumbas sa salitang Technique na ang ibig sabihin ay ang tamang paraan ng

pagpili at pagkilala kaugnay sa mga kaparaanang nagagamit ng tao sa kanyang mga

gawain.Ang angkop at tamang pagpili ng teknolohiya na ating gagamitan sa ating mga klase

ay nararapatding isaalang alang nang sa gayon ay mas epektibo itong mailapat sa bawat

aralin. Nagagawakasi nito na mas maging produktibo pa ang kalidad ng edukasyon ng isang

lipunan bukod pa dito mas napapabilis din nito ang akses ng bawat estudyante at Guro sa

impormasyong saanmang dako sa daigdig.

Ayon kay Villacorta (2003) ang edukasyon ay ang pagpapaabot sa mga mag-aaral ngmga

kaalaman, kakayahan, at kaugaliang higit na magbibigay sa kanila ng pagkakataong maging

produktibo at malayang mamamayang makapag-ambag sa kaunlaran ng kanilang lipunan.

Ibig sabihin ang edukasyon ay ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng karunungan bilang

produkto oend result kaakuhan ng isang indibidwal. Nangangahulugan lamang ito na

sinumang tao nasumailalim o sasailalim sa gawaing ito ay hindi matatakasan ang mga

pagbabago sa kanyang paniniwala at mga ideolohiya sa buhay na makakaapekto hindi

lamang sa kanyang sarili bagkus sa lipunang kanyang ginagalawan.


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


KONSEPTUWAL NA BALANGKAS

Ang pag-aaral na ito ay nakakawing sa konsepto ni Castrodes, M. (2011) na hindi

maiwasan ang pag-unlad dahil sa mabilis na paglaganap ng teknolohiya saan mang dako.

Katunayan nito ay maraming mga guro na ang gumagamit ng makabagong teknolohiya

particular na ang kompyuter. Sa panahong ito masasabing malaki ang nagiging impluwensiya

ng kompyuter sa pagtuturo upang pagkalinang ng mag-aaral.

Ipinakita ng konseptuwal na balangkas na ito ang mga karanasan at kasanayan

ng guro sa pag gamit ng Multi-media sa Pagtuturo ng asignaturang Pilipino sa ikapitong

baiting at ang mga guro na hanggang ngayon ay makaluma parin ang paraan ng pagtuturo.

Gayon din ipinakita sa balangkas na ito ang resulta ng dalawang paraan ng pagtuturo sa

pamagitan ng pre-test at post test. Dito makikita kung paano makatulong sa isang guro lalo

na sa mga mag-aaral ang pag-gamit ng makabagong teknolohiya at kung ano ang kaibahan

ng resulta ng mga mag aaral na dumaan sa pagtuturo na gamit ang karanasan at kaalaman

ng guro sa bagong teknolohiya.

Profayl ng mga responde batay sa mga


sumusunod:
Edad
Pinakamataas na naabot na pinag-aralan
Taon sa pagtuturo
Mga kaalaman sa paggamit ng compyuter
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

Ginagamit sa pagtuutro:
Tradisyunal
Makabagong teknolohiya

Paghahambing ng Tradisyunal na
Pagtuturo sa Makabagong
Nakuhang marka sa Pre-test ng mga
teknolohiya pagtuturo ng
mag-aaral batay sa:
asignaturang Pilipino sa ikapitong
baiting.
Tradisyunal na pagtuturo
Makabagong teknolohiya na pagtuturo

Nakuhang marka sa Pre-test ng mga


mag-aaral batay sa:
1.Tradisyunal na pagtuturo
2.Makabagong teknolohiya na pagtuturo

Kaibahan ng mga nakuhang marka


mga mag-aaral sa pre-test at post test
batay sa:

Tradisyunal na pagtuturo
Makabagong teknolohiya na pagtuturo

Paano magamit ang natuklasan


resulta sa pagtuturo ng asignaturang
Pilipino

PARADIGMO NG PANANALIKSIK
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Ang Paradigmo na ito ay naglalarawan ng malinaw na pagdaloy ng ibat ibang

variable sa input tungo sa output nito. observation at Evalultion ang gagamitin upang

mailahad nang tuna yang mga suliranin ayon sa degri ng karanasan na kanilang Makita.

Ang unang kahon ay ukol sa profayl ng mga responde batay sa antas ng kasarian,

edad, pinakamataas na pinag-aralan na naabot bilang mga guro, taon ng pagtuturo at mga

kaalaman sa paggamit ng kumpyuter.

Ang ikalawang kahon ay naglalaman ng kaalaman at husay ng mga guro kung ano

ang madalas na ginagamit sa pagtuturo.

Ang ikatlong kahon ay pagpapakita ng mabisang resulta ng dalawang paraan ng

pagtuturo, dito makikita kung alin ang mas epektibo sa larangan ng pagtuturo lalong lalo na

panahong ito.

Sa ikaapat na kahon ay ilalahad ang pagkakaiba ng dalawang paraan sa pagtuturo ng

asignaturang Pilipino sa ikapitong baiting.

Ang Ikalimang kahon ay naglalaman kung paano gagamitin sa pagtuturo ng

asignaturang Pilipino ang mga natuklasang resulta at pananaliksik.

Kabanata 3

PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]

Ilalahad sa kabanatang ito ang pamaraang gagamitin sa pananaliksik, ang responde,

gagamiting instrumento at teknik, paraan sa pagsasagawa at pagpapakahulugan ng datos

tungkol sa pag aaral.

DISENSYO NG PANANALIKSIK

Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok

sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.

Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na

pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Kaligiran o Lokal ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa mga mag-aaral sa FORTUNE HIGH SCHOOL

nasa ikapito na Baitang.

Tagapagtugon ng Pananaliksik

Ang mga tagapagtugon ng pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral sa FORTUNE HIGH SCHOOL

SA LUNGSOD NG MARIKINA na nasa Ikapitong baitang sa Mataas na Paaralan. May 20 mag-aaral

na tinuturuan gamit ang tradisyonal na pagtuturo at 20 ring mag-aaral para sa Makabagong

teknolohiya pagtuturo na random na pagpipili.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang mga


New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


Exam

Pre-test

Post-test

Paraan ng Paglilikom ng mga Datos

Gagamit ang kasalukuyang mananaliksik sa pag-aaral na ito ng mga sumusunod na

paraan:

1.Bago gumawa ng pag-aaral na ito ay hihingi muna ng pahintulot ang

mananaliksik mula sa Punong Guro ng paaralan para gumawa ng pag-susuri sa

mag aaral..

2.Pupuntahan ng kasalukuyang pananaliksik ang opisina ng punong guro at

sangay ng nasabing paaralan at humingi ng permiso na gawing tagapagtugon ang

mag-aaral na nasa Ikapitongbaitang.

3.Itataala ng kasalukuyang mananaliksik ang mga katangian at natuklasang

impormasyon mula sa gagawing pagtatalakay at pagtataya sa loob ng klase.

PAGTRATO SA DATOS

Ginagamit ang paires t test para makuha ang kaibahan ng nakuhang marka ng mga mag-
New Era University
SCHOOL OF GRADUATE STUDIES
No. 9 Central Avenue, New Era
Quezon City, Philippines

[Type text] [Type text]


aaral sa pre-test at post test batay sa tradisyunal na pagtuturo at makabagong teknolohiya sa

pagtuturo.

Formula: t = (X1-X2)-do

(n1-1)S1+(n2-1)S2 1 1

You might also like