You are on page 1of 7

(Book Report)

Ipinasa ni: Ipinasa kay:


Garcia,Steffy Anne B. Gng.Samonte

I.Pamagat
Para kay B

>May akda:
Ricky Lee

>Buod
*Irene,Ang Unang Kwento.
Sa isang coffee shop ay kasama ni Irene ang kanyang mga kaibigan na
sina,Brenda,Susan at ang kablind date ni Irene na si Donald.Habang may nag
rarally sa labas ng shop ay napatitig si Irene sa mga ito.Ngunit ibanalik din ni
Brenda ang kanyang gunita mula sa pagkakatitig sa labas.Ms.FYI ang tawag nila
kay Irene dahil sa kanyang talento sa pagsaulo ng kung anu-anong mga
bagay,name it,she knows it.Ngunit isang alaala lang ang hindi niya makontrol
,maski hindi niya gusto.Ito ang isang rally noong 1994 at ito ay nangyari sa
SanIldefonso.
Si Jordan.
Eleven lang siya noon at nasa sementeryo sila para dalawin ang puntod ng
kanyang ina.Mayroon siyang madrasta at yun si Siony,mataba at lubog ang ulo sa
balikat.She hated that town.Wala siyang kaibigan.
Hanggang isang araw ay makilala niya si Jordan,nakasilip siya sa labas ng clinic
ng nagmamadaling ginagamot ng isang Doktor at nars ang isang
tinedyer.Pinagbabaril di umano ng isang di kilalang lalaki ang magulang ni Jordan
at tinakpan lang ng katawan ng kanyang ina si Jordan upang
makaligtas.Kinaumagahan ay pinuntahan ni Irene ang binata sa Clinic ngunit wala
na ito at kinupkop na daw ni Fr.Zuiga.Mula noon ay doon na nagtrabaho si
Jordan bilang sakristan.Madalas man sabihin sakanya ni Fr.Zuiga na delikadong
bumalik sa kanilang lumang bahay ay bumabalik pa din ito at tinitititgan ang
pader kung saan bakas pa ang masamang alaala ng nakaraan habang si Irene
namany pinag mamasdan ang binata sa di kalayuan.
Isang araw habang nag didilig ng mga halaman si Jordan ay nilapitan siya ni
Irene.Tinignan lang siya ng binata at muling bumalik sa ginagawa.Ako si Irene
Magsinoc simula niya,mahusay mag memorize patuloy niaya ngunit hindi pa rin
umiimik ang binata.Bumanggit ka ng 20 words na kunektado sayong buhay
hamon niya.Sinara ni Jordan ang
gripo.Karne,aso,gulok,bukid,pako,school,damit,baril,sako,salawal,sabon,sementer
yo,gumamela,papag,five centavo coin,dugo,pasko at pinaka huli ay ang nanay.
Isang araw ay nakipag suntukan si Jordan sa tatlong tinedyer dahil kinantywan
kasing NPA daw ang kanyang mga magulang.Sa galit niya ay pinag susuntok niya
ang kanilang lider,ang anak ni Mrs.Ignacio.Biglang dumating ang mga ina ng tatlo
kasama si Mrs.Ignacio na asawa ng mayor ng kanilang bayan,pinag sasapak at
ginulpi siya ng ginang at ng mga bodyguard nito hanggang sa mawalan siya ng
malay.Dumiretso sila sa kubo at doon nakatulog si Jordan at ginamot ni
Irene.Kinabukasan ay sumugod si Mrs.Ignacio sa simbahan at pilit na pinapahingi
si Jordan ng umanhin sakanyang ginawa,labag man sakanyang loob ay nag sorry
na din siya.Isang araw habang excited ng umuwi si Irene ay nakita niya si Jordan
sa ilalim ng tulay.Lumapit sakanya si Jordan at saka nangakong Paglaki
mo,pakakasalan kita.Kinabukasan ay nagulat na lamang si Irene dahil wala na
pala ang binata sa SanIldefonso.At sa kanyang paglaki,bawat manliligaw niya at
kadate niya na nagsisimula sa J ay hindi niya na pinapnasin dahil naka reserve
lamang ito kay Jordan.The next day,kumilos ang fate..nakita niya si Jordan.Excuse
me,napatingin si Jordan.And you are?tanung ng lalaki.Niyaya siya ni Jordan sa
crowded cafe.Wala pa ring matandaan si Jordan kahit nilabas ni Irene ang cheap
watch.Hiningi ni Jordan ang number niya.Dinala ni Irene si Jordan sa isang maliit
na hotel at may nangyrai sakanila.Kinuha ni Irene ang kanyang calling card sa
bulsa ni Jordan at saka umalis.Nakatayo sa dulo ng tulay ng SanIldefonso si
Jordan.Hinahanap nito si Irene,nasa tapat nila ang prusisyon ,excuse me sabi nito
kay Bessie at hinabol ang prusisyon.Sa wakas ay hindi rin naktiis si Irene at
hinarap si Jordan at sinumbatan,araw-araw ay gumagawa ng paraan si Jordan
upang mapatawad siya nito.I-recite mo lahat ng 20 words na binigay mo noon
hamon nito sa binata,at papatawarin kita.Isang umaga ay naramdaman ni Irene
ang kanyang ina at luha sa kanyang pisngi agad siyang bumangon at pinuntahan si
Jordan.Im sorry sabi ni Jordan di ko maalala lahat ng 20 words pero mahal
kita.Nang magyakapan at maghalikan sila ay parang tumigil lahat ng relo sa
SanIldefonso.

*Sandra,Ikalawang kwento
Travelers Inn ito ang pangalan kung saan dinala ni Irene si Jordan at dito
din nag tatrabaho si Sandra-ang cashier.32 taong gulang at
maganda,pagdating sa ugali ay laging niyang tinitimbang kung ano ang
tama at mali.Nag umpisa ang kwento niya noong 17 pa lamang
siya.Marami siyang manliligaw,ngunit ni isa saknila ay wala siyang
magustuhan.Isang hapon ay inutusan siya at kanyang kuya Lupe ng
kanilang ina upang kumuha ng ilang paninda sa bodega.Pinag tulungan
nilang buhatin at dahil sa bigat nitoy muntik na nilang mabitawan kaya
nagkahawakan sila ng kamay.2 araw hindi umuwi ang kuya niya matapos
ang nangyaring yun sa bodega.At ng bumalik si Lupe ay hindi naman sila
nag papansinan.Isang gabi ay wala ang kanilang mga magulang at
pumasok ang kanyang kuya sa bodega,nagkatitigan lang sila at tinawid ng
kanyang kuya kung ano mang distansya ang namamagitan sakanilang
dalawa.Ilang beses naulit ang insidenteng iyon mga panakaw na sulyap at
ang paglulutoi niya ng paboritong ulam ng kuya niya.Natuwa ang kanilang
magulang dahil sa pagiging close nilang magkapatid.Pero iniisip din ni
Sandra na mali ang kanilang ginagawa.Isang gabi habang nasa bodega sila
ni Lupe at magkayakap,parehas na walang suot ay naramdaman nila ang
kamay ng kanilang ama at pinag susuntok nito si Lupe.Habang ang
kanyang ina ay dali-dali siyang tinakpan ng kumot.Pinalayas siya ng
kanilang ama,ngunit gusto siyang isama ni Lupe.Sinabi nitong mahal niya
si Sandra ngunit dahil sa takot ni Sandra ay pinag kaila niyang mahal niya
si Lupe.Lumipas ang Christmas,Valentines,Mothers Day,Newyear..alam
nilang may kulang pa din.Isang araw ay naaksidente ang kanilang
magulang,namatay agad ang kanilang ama ngunit ang kanilang ina ay
naghihingalo sinabi nito kay Sandra na hanapin ang kanyang kuya
Lupe.Pumunta siya sa Maynila at nakitira sa tiyahin at nag aaral tuwing
gabi para sa vocational course.Dumating ang araw na nagka boyfriend siya
isang pag-ibig na pinag aralan.Si Ruben,tuwing namamasyal sila ay
dinadala siya nito sa Luneta.Isang gabi habang pauwi na sila ni Ruben
galing Luneta ay napadaan sila sa madilim na lugar ng Baywalk.Naholdap
ang cellphone ni Ruben ngunit hindi nakuha ang kay Sandra dahil nagulat
siya sa nakita niya kung sino ang lalaking iyon.Lumipas ang mga araw at
may tumatawag sakanya ngunit walang boses,isang araw ay nag salita
ito,Sandra... sapat na ito upang mapaiyak siya.Nagkita sila sa isang
motel at nasundan pa ito ng kanilang pag labas-labas at pagkain kung saan-
saan.Nang magbuntis siya ay nagpakalayo-layo siya sa mga kamag-anak at
dating kaibigan.Belinda,ito ang pangalan ng kanyang anak,isang araw ay
bumalik siya sa Room23 nagbabakasali.May kumatok sa pinto at lumitaw
si Ruben dala ang mga rosas at ang tapat nitong pag-ibig
sakanya.Nagpakasal si Ruben at Sandra at naging isang mabuting asawa at
matatag na ina dahil sa mahina ang puso ni Betina.Isang araw ay tumawag
ang katiwala ng kanilang lumang bahay at sinabing nilooban daw ito ang
kailangan niyang umuwi.Sa pag uwi niya ay parang bumalik lahat ng sakit
at alalaang pilit niyang kinakalimutan ang pintuang minsan niyang
minahal.Ngunit sa paglipas ng panahon ay natanggap na niya na wla na
ang kanyang kuya Lupesa buhay niya.Na may sarili na siyang pamilya
kasama si Ruben at 3 anak.

*Erica,Ikatlong Kwento
Maldiaga,isang lugar sa globo kung saan walang pag-ibig.Si Erica,isang
dalagang nag hahanap ng pag-ibig.May bali-balita sa Maldiaga na kung
saan may isang matandang nakahap ng PAG-IBG sa ibang mundo at yun
ang gustong mahanap ni Erica.Isang araw habang naglalakad si Erica ay
napadpad siya sa isang sapa,unti-unti siyang hinihigop nito hanggang
siyay lamunin ng sapa.Hanggang sakanyang pag angat ay napadpad siya
sa isang lugar na hindi niya alam kung saan.Nakakita siya ng isang
flowershop Love My Flowers ang pangalan nito.Sa loob ay may
magandang matandang babae na parang bumbilya ang buhok dahil itoy
nakapusod.Natawa ito kay Erica dahil sa sinabi ng dalaga,sabay abot ng
tuwalya sakanya.Mrs.Baylon daw ang pangalan nito,patay na ang kanyang
asawa ngunit mayroong isang anak-si Jake.Habang nagkakasiyahan sa pag
tali ng buhok ang dalawang babae ay pumasok si Jake at palipat-lipat ng
tingin sa dalawa hanggang sa tawa sila ng tawa.Nang makita ni Erica si
jake nasabi niya sa sarili na sa lalaking iyon niya gustong umibig.Sigurado
siyang matututo din siyang umibig.Naiinggit si Erica kay Mrs.Baylon at sa
dalawa nitong kaibigan,si Elizabeth at Sari,dahil kahit na wala na ang mga
asawa nila ay nagsasama-sama pa rin sila tuwing biyernes at naghahanda
ng paboritong ulam ng kanilang mga asawa,nag papatugtog ng mga theme
song nila at sabay-sabay na nagdarasal.
While Jake is promiscuous.Ang tingin niya sa babae ay object of
conquest lang.Kung ano ang gusto ng kanyang ina,automatic ay ayaw
niya.Gustong magkatuluyan ni Mrs.Baylon si Jake at Erica dahil parang
anak na ang turing ng babae kay Erica.Isang araw ay niyaya ni Jake si
Manila si Erica halos maptili ang dalaga sa sobrang saya.At nagkatotoo
nga ang sinabi ni Mrs.Baylon sakanya na lahat ng mga babae niya ay
dinadala niya sa townhouse nito na katabi ng townhouse ng dalawa pa
nitong kaibigan ni sina Louie at Byron.Gustong ikulong ni Jake sakanyang
mga bisig si Erica at halikan ito ngunit may kung anong awa siyang
nararamdaman at hindi niya ito magawa.Lahat ng maisip ng dalaga ay
binibigay ng binata.Isang biyernes ng gabi sa townhouse ni Jake ay may
nangyari sakanila.Habang nakapatongsi Jake kay Erica ay hinihintay ni
Erica na may maramdaman siya pero wala talaga.Matututo din akong
magmahal..pangako nito kay Jake.Nang matunugan ni Mrs.Baylon na
wala pa ring epekto ang Love spell ay inudyukan nito si Jake na mag
propose sa dalaga sa darating na kaarawan ni Jake.Baka hindi pa siya
handa..sagot ni Jake Akong bahala..ang sabi nman ni
Mrs.Baylon.Nagmakaawa siya kay Erica,Kailangan ka namin ni
Jake..parang anak na din ang turing ko sayo hanggang sa mapatango na
lang si Erica.Imbitado ang mga naging ex ni Jake at hinihiling na sana
magkalindol o sunog wag lang itong matuloy.Habang kumakanta si Ogie
Alcasid ng Kailangan Kita ay tinawag nito si Jake at Erica sa harapan at
nag umpisa si Jake..Gusto kitang makasama habang buhay..Will you
marry me? Habang kinikilig anag lahat at gusto ng sumagot ni Erica ng
yes I will marry you,I want to be Mrs. Jake Baylon ay hindi niya
magawa,kaya ang nasabi niya Im sorry Jake...! Habang umiiyak si Jake
ay tumakbo palabas si Erica at naglakad sa kawalan.Nakarating siya sa
may Baywalk kung saan ay pinagmasdan niya ang dagat,hinihilang na
kunin na siya nito at ibalik sa Maldiaga ngunit mukhang impoible
ito.Nakarinig siya ng hikbi,ang akala niya ang sakanya ngunit hindi,dahil
tapos na siyang umiyak.Paglingon niya ay ang baklang assistant director
na nakilala nila dati ni Jake,iniwan daw siya ng kanyang boyfriend.
Lumipas ang panahon,isang taon na rin ang nakakaraan simula ng
mangyari ang pag-iwan niya kay Jake.At ito siya ngayon isang magaling at
magandang host at endorser.Mayroon siyang sikat na sikat na show Wats
ur prob,Lov?nag papayo siya sa mga taong may problema sa pag-
ibig.Hanggang isang araw ay may di inaasahan siyang bisita-si
Mrs.Bayron.Kailangan ko ang tulong mo sabi nito at sumama siya sa
babae.Pagdating nila sa isang resort,habang umuulan at malakas ang
hangin pumasok sila sa isang kwarto at doon niya nakita ang parang
lantang gulay ng si Jake.Hindio ito nag sasalita at walang
emosyon.Kwenento lahat ng ginawa ni Jake para lang mahanap si Erica
hanggang sa isang araw ay maaksidente ito.Umiyak at awang-awa si Erica
sakanya,humingi siya ng patawad dito at niyakap si Jake.Isuinuko ni Erica
ang kanyang karera sa showbiz at inalagaan si Jake,ginawa niya ang lahat
upang manumbalik ito ngunit wala talaga.Isang araw ay habang may
kinukuha si Erica sa loob ng bahay at nasa labas naman si Jake ay
pakiradam nitoy may humihigop sakanya papunta sa dagat.Habang
papalapit si Jake sa dagat ay lalong lumalakas ang tinig ng babae at
bumulusok siya sa tubig.Sa pag-angat niya ay nasa sapa na siya ng
Maldiaga ang lugar kung saan nanggaling si Erica.Kinupkop siya ng mga
tao doon.Habang si Erica at Mrs.Baylon ay walanag ideya kung nasaan at
biglang nawala si Jake.Bumalik si Erica sa dati nitong buhay sa
showbiz.Nagpakasal sila ng isang batang-batang,gwapong executive at
may ari ng Tv Network.At pinalabas sa nuong Pilipinas ang kanilang
kasal.Nagpa-sponsor sila ng libreng kasal,200 couples ang pumunta ang
ibay matagal ng nagsasama,ang ibay binigyan lang ng isa pang
pagkakataon ang kanilang pagsasama dahil nainspire sa kwento nila.

II.Tauhan
Irene-Jordan
Sandra-Lupe
Erica-Jake
Ester-Sara
Bessie-Lucas
Fr.Zuiga
Mr.&Mrs.Ignacio
Mrs.Baylon
VII.Wakas
Naging isang guro si Lucas.Habang naglalakad papunta sakanyang kotse ay
tinulungan niya ang isang babae na hirap-hirap sa mga pinamili.Handa na
siyang lumaban muli at harapin ang mga susunod na bukas kahit na sa gabiy
alam niyang may kirot pa rin sakanyang puso.

You might also like