You are on page 1of 2

Ang Pinagmulan ng Wika

Ang Tore ng Babel- Sa simulay iisa ang wika at magkakapareho ang mga ginagamit ng lahat ng tao sa daigdig. Nagkaisa
silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Nais nilang maging tangay at gawin ang anumang
kanilang gustuhin kaya sila ay pinarusahan upang magkawatak-watak.
Teoryang Ding Dong- Batay sa teoryang ito, nagmula raw ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa mga
tunog ng kalikasan at mga naririnig sa kanilang kapaligiran. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang boom ay palaging
naikakabit sa pagsabog, splash sa paghampas ng tubig at whoosh sap ag-ihip ng hangin. Sinasabing ang panggagaya sa
tunog ng kalikasan ay bunga ng walang kaalaman sa mga salita ng mga sinaunang tao. Kasama rin dito ay ang mga tunog ng
mga bagay-bagay.
Teoryang Bow-Wow- Ang wika ay nagmula raw sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa tunog na nagmumula
sa mga hayop. Pinaniniwalaang nabuo ng mga tao ang kanilang unang salita sa panggagaya sa mga ito.
Teoryang Pooh-Pooh- Isinasaad sa teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang namumutawi sa mga
bibig ng sinaunang tao nang nakararamdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng tuwa, galit, sakit, sarap,
kalungkutan, at pagkabigla.
Teoryang Ta-ta - Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao paggalaw ng dila.
Ito raw ang naging dahilan ng paglikha ng tao ng tunog at natutong magsalita.
Teoryang Yo-he-ho- Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na kapag
nagtatrabaho nang magkakasama.

Sa kabila ng napakaraming teoryang pinagmulan ng wika, hindi pa rin matiyak kung paano, saan, at kailan nagsimula ang
wika. Ngunit sa gitna ng pagtukla nito, nanatili ang katotohanang ang wika ay umuunlad at nagbabago kasabay ng pagbabago ng
panahon at lipunan.

Kasaysayan ng Wikang Pambansa


Malalaman natin ang pinagmulan ng ating wikang pambansa. Maraming tanong ang sasagutin ng paglalahad ng kasaysayang
ito.Bago pa man ito itinalaga bilang wikang pambansa ay marami na itong pinagdaanan.
Panahon ng mga katutubo
1. Teorya ng Pandaruyuhan
Dr. Henry Otley Beyer - Amerikanong antropologo noong 1916.
Negrito
Indones
Malay
Dr. Robert B. Fox- Pinabulaanan ang teorya ng ni Beyer.
1. Taong Tabon-natagpuan sa yungib ng Tabon sa Palawan noong 1962 na tinatayang nanirahan nang
50,000 taon ang nakararaan.
Dr. Armand Mijares- natagpuan ang isang buto ng pang sinasabing mas matanda pa sa taong tabon.
2. Taong Callao- Natagpuan sa kuweba ng Callao sa Cagayan na sinasabing nabuhay nang 67,000 taon
na ang nakalilipas.
2. Teorya ng Pandarayuhan mula sa Rehiyong Austroneysano
Isa sa pinakabagong teorya tungkol sa pinagmulan ng lahing Pilipino.
Welheim Solheim- Ama ng Arkeolohiya ng Timog silangang aysa, nagmula ang mga unang tao sa Pilipinas sa
isla ng Sulu at Celebes.
Peter Bellwood- Galing sa Australia National University, sinasabing nagmula ang mga unanag tao sa Pilipinas
sa Timog Tsina at Taiwan.
Sadyang naging isang malaking palaisipan sa mga siyentipiko at antropologo kung paano umusbong o saan nagmula ang
mga taong unang nanirahan sa Pilipinas. Kung susuriian ang unang taong nanirahan sa Pilipinas ay nagtataglay ng mga patakarang
pangkabuhayan, kultura at paniniwalang panrelihiyon. Gayundin, mahihinuha na sila man ay may sarili nang wikang ginagamit ngunit
pinaniniwalaang walang kahit isang wika ang nanaig noon. Gayunpaman napatunayang marunong bumasa at sumulat ang mga
katutubo. May sinusunod silang pamamaraan ng pagsulat ay Baybayin.
Baybayin- Ito binubuo ng ng labimpitong titik- tatlong patinig at labing-apat na katinig. Binibigkas ang katinig na may
kasamang tunog na pantinig na /a/. Kung ang patinig naman ay bibigkasin na may kasaang patinig na /e-i/ nilalagyan ng tuldok sa
taas, samantalang tuldok sa ibaba naman kung ang nais isama ay /o-u/. Ito ay ginagamitan ng dalawang pahilis (//) sa hulihan ng
pangungusap.

Panahon ng mga Espanyol


Layunin nilang ikintal sa isip at puso ng mga katutubo ang kristiyanismo.
Tinatwag nilang barbariko, di sibilisado, at pagano ang mga Pilipino
Naging isang malaking usapin ang gagamiting wika sa pagpapalawak ng kristiyanismo.
Ang pananakop ng mga kastila ay katumbas ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Ang mga Prayleng Espanyol ang mga naging institusyon ng mga Pilipino.
Apat na Orden na kalaunan ay naging lima (Agustino, Pransiskano, Dominiko, Heswita at Rekoleto)
Sinikil nila ang kalayaan ng mga katutubo na makipagkalakan sa ibang lugar upang hindi na rin nila magamit ang wika
katutubo.
Napalapit ang mga katutubo sa mga prayle at napalayo sa pamahalaan.
Pinag-utos ni Haring Felipe II ang pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo noong ika-2 ng Marso, 1634.
Lumagda si Carlos IV sa isang batas na nag-uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng paaralang itatatag sa
Pilipinas.
Nanganib ang wikang Katutubo at nagkawatak-watak ang mga Pilipino .

Panhon ng Rebolusyunaryong Pilipino


Namulat ang mga Pilipino sa kaapihang kanilang dinanas.
Maraming Pilipino ang nagkaroon ng matinding damdaming nasyonalismo.
Nagtungo sila sa ibang bansa upang magkaroon ng karunungan, sila ay mga Propagandista.
Ginamit ang wikang Tagalog sa kilusan na itinatag ni Bonifacio noong 1872 na tinatwag na Katipunan.
Ginamit ang wikang Tagalog ngunit walang isinaad na ito ay magiging wikang pambansa ng Pilipinas.
Itinatag ang unang republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinaad na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opsiyonal.

Panahon ng mga Amerikano


Pinamumunuan ni Almirante Dewey.
Lalong nagbago ang sitwasyong Pangwika ng Pilipinas.
Ginamit ang Ingles bilang wikang panturo ng mga panahong iyon.
Ayon sa Batas Blg. 74 noong ika-12 ng Marsoo, 1901 Ingles ang gagawing wikang panturo sa mga paaralan.
Naging wikang pantulong ang wikang binakular ngunit noong napalitan ang direktor ng Kawanihan ng Edukasyon ay
ipinagbawal itong muli at Ingles lamang ang maari.
Nagkaroon ng matindihang pagtatalo patungkol sa usaping pangwika.
Mga sundalo ang unang nagsipagturo ng wikang Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na Thomasites.
Noong taong 1931, ang Bise Gobernador-Heneral George Butte na nagpahayag kailanman ay hindi magiging wikang
pambansa ng mga Pilipino ang Inles sapagkat hindi ito ang wika ng kanilang bansa.
(Ang mga pangyayaring sumunod ay nasa unang hand-out na Kasaysayan ng wikang pambansa.)

Panahon ng mga Hapones


Dito nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa.
Ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Ingles.
Ipinagamit ang mga katutubong wika lalo na ang Tagalog sa mga panitikan ng mga Pilipino.
Isinilang ang KALIBAPI o Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas.
Ipinatupad ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nag-uutos na gawing wikang opisyal ang Tagalog at wikang
Hapones(Nihonggo)
Pinagamit sa kanila ang wikang Hanpones (Nihonggo).
Noong mga panahong ito napilitan ang mga bihasa sa wikang Ingles na matuto ng Tagalog at sumalat gamit ang wikang ito.
Namayagpag ang Panitikan ng Pilipinas at tinaguriang Ginintuang Panahon ng Panitikang Tagalog.
(Ang mga pangyayaring sumunod ay nasa unang hand-out na Kasaysayan ng wikang pambansa.)

You might also like