You are on page 1of 1

Gamit ng Wika sa Lipunan

Tulad ng ating paghinga at paglakad, ay kadalasang hindi natin napapansin ang kahalagahan
ng wika sa ating buhay. Ito ay mahalagang instrument na nag-uugnay sa ating kapwa. Sinumang
gumagamit ng wika upang makipagkapwa ay dapat nakaaalam ng wikang ginagamit ng kanyan
katalastasan. Hindi sila magkakaunawaan kung hindi nila nababatid ang wikang ginagamit ng isat
isa.
Sadyang Malaki ang gampanin ng wika sa lipunan. Ito ang nagbibigkis sa mga kasapi sa
lipunan. Ito ang instrymento ng kanilang pagkakaunawaan; at ito ang simbolo ng kanilang
pagkakakilanlan.
Michael Alexander Kirkwood Halliday- Siya ay bantog na iskolar mula sa Inglatera. Nging malaking
ambag niya sa mundo ng lingguwistika ay ang popular niyang modelo ng wika.
Ang pitong tungkulin ng wikang inisa-isa ni M.A.K. Halliday ay ang mga sumusunod:

1. INSTRUMENTAL- Ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa mga pangangailangan


ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba. Ang paggawa ng liham pangangalakal, liham
patnugot, at pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto na nagsasaad ng gamit ng
halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
2. REGULATORYO- Ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o
asal ng ibang tao. Ang pagbibigay ng direksyon gaya ng pagtuturo ng lokasyon, direksyon sa
pagluluto, direksyon sa pagsagot sa pagsusulit, at direksyon sa paggawa ng anumang bagay.
3. INTER-AKSIYONAL- Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag- ugnayan
ng tao sa kanyang kapwa. pakikipagbiruan; pakikipagpalitan ng kuro-kuro sa isang partikular
ng isyu; pagkukuwento; paggawa ng liham pangkaibigan.
4. PERSONAL-Saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion, saloobin
at damdamin sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang pagsulat ng talaarawan, at
pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng panitikan.
5. HEURISTIKO- Ang tungkuling ito ay ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng mga
impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan. Kasama rito ang pag-iinterbyu
sa mga tao, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, pagbabasa sa pahayagan, magasin,
blog, at mga aklat kung saan nakakukuha tayo ng impormasyon.
6. IMPORMATIBO- Ito ay kabaligtaran ng Hueristiko. Kung ang Heuristiko ay pagkuha o
paghanap ng impormasyon, ito naman ay may kinalaman pagbibigay ng impormasyon
sa paraang pasulat o pasalita. Ang ilang halimabawa ay pagbibigay ulat, paggawa ng
pamanahong papel, tesis, panayam at pagtuturo.

Si Jakobson naman ay nagbahagi rin ng anim na paraan ng paggamit ng wika.

1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng


mga saloobin, damdamin at emosyon.
2. PANGHIHIKAYAT (CONATIVE)- Ito ang paggamit ng wika upang makahimok at
makaimoluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. PAGSISIMULA NG PAKIKIPAG-UGNAYAN (PHATIC)- Ginagamit ang wika upang
makipag-ugnayan sa kapwa at makipagsimula ng usapan.
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL)- Ipinapakita nito ang
paggamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman
upang magparating ng mensahe at impomasyon.
5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALIGUAL)- Ito ay ang gamit na lumilinaw sa
mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. PATALINGHAGA (POETIC)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng
pagpapahayag gaya ng panulaan, prosa, sanaysay at iba pa.

You might also like