You are on page 1of 4

Ang Rebelyon ni Sumuroy

Si Juan Ponce Sumuroy / Juan Agustin Sumuroy (Sumuroy o Sumudoy) ay isang Waray na namuno
sa mga rebolusyonaryo sa Silangan Visayas, noong 1649-1650. Nagsimula ang pakikipaglaban ni
Sumuroy sa bayan ng Palapag na ngayon ay Hilagang Samar, na lumaganap sa buong rehiyon. May
nagsasabing ang pag-aaklas ni Sumuroy ay umabot sa rehiyon Bicol at sa Mindanao. Ang nasabing
pag-aaklas ay tinawag na Rebelyon ni Sumuroy. Ang pinag-ugatan ng pag-aaklas ni Sumuroy at
kaniyang mga kasama, nang sapilitang pagawain ng mga Espanyol ang mga tao sa Silangang Visayas
at karatig na rehiyon, sa pagawaan ng barko, na noon ay nasa Cavite. Kahit naging kilala at
malawakan ang aklasan nila Sumuroy, natalo sila ng mga Espanyol.

Ang Rebelyon ni Maniago


Noong 1660, naganap ang isa na namang pag-aalsa sa pamumuno ni Francisco Maniago na umabot
hanggang 1896. Mabilis na kumalat ang aklasan, ginatungan ng isang Kapampangan, si Jose Celis,
na natuto ng galaw at batas ng mga Espaol nuong nagsilbi siya kay Francisco Samaniego y Cuesta,
isang auditor sa Audiencia Real sa Manila. Nagtipon ang maraming nag-aklas sa malaking nayon ng
Lubao, at hinirang na pinuno ang isang magiting na taga-Masicu (tinatawag ngayong Mexico) sa
Pampanga, si Francisco Maniago. Tulad ng una, may pang-ekonomiyang katangian din ang naging
dahilan ng rebelyong ito. Sinasabi na ang pangunahing bagay na nagdulot nito ay ang sapilitang
pagputol ng mga troso sa Pampanga at ang malaking pagkakautang ng mga Espaol dulot ng pagbili
nila ng palay na mula sa lalawigan. Ang kauna-unahang kuta ng Katipunan sa Pampanga ay itinatag
noong Agosto 1897. Mula 1896 hanggang 1898, nakipag-alyansa na ang ilang Kapampangan sa iba
pang Pilipino. Sa lahat-lahat, naganap ang mga pag-aalsa ng mga Kapampangan sa mga sumusunod
na mga taon: 1571, 1585, 1645, 1660-61 at 1898.
Ang Rebelyon ni Malong
Bantog sa buong Pangasinan nuong 1660 si Andres Malong, pinuno ng Binalatongan (San Carlos city
ang tawag ngayon). Pati ang mga Espanyol sa sumakop sa Pilipinas mula pa nuong 1571, halos 100
taon sa nakaraan, ay kumilala sa kanyang giting at itinanghal siyang pinuno (maestro de campo) ng
buong lalawigan, sunod lamang sa mga Espanyol. Bilang pangunahing alalay ng mga dayuhan,
maraming natutunan si Malong, ang isa ay kung paano maghari sa pamamagitan ng dahas at
pagmamalupit, subalit marami rin siyang nalimutan, gaya ng paano maging makatao. Napagtanto ni
Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga naging kaalaman sa mga gawain
ng Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang mag-aklas si Francisco Maniago sa Pampanga. At nang
nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong ang kaniyang planong mag-aklas laban sa mga dayuhan.
Nagsimula siya sa barangay Malungeuy, at nabigo. Ang kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa
kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay niyang
masakop ang buong Pangasinan. At idineklara ni malong, siya ang Hari ng Pangasinan.

Ang Pag-aalsa ni Tapar


Noong 1663, nagtatag si Tapar sa Otan, Panay ng
isang bagong relihiyon na kahalintulad sa
Kristiyanismo. Lihim na kumalat sa buong pulo ng
Panay ang pagkilala kay Tapar bilang isang
propheta. Ipinakilala ang dalawang tagasunod
bilang Hesukristo at Espiritu Santo. Siya ay
nagtalaga ng sariling papa, obispo at pari; Pinatay
ng mga tauhan nito ang isang pari si Fr. Francisco
de Mesa, sinunog ang simbahan at bahay pari, at
matapos ay nagtago sa bundok. Sumugod ang
mga sundalo ng Espanyol dahil sa pagkasawi ni
Fr. De Mesa at nahuli si Tapar. Walang patawad
at walang tigil na inusig ng hukbo ni Duran ang
mga diyos-diyos. Ang mga lumaban ay walang
abog-abog na binitay. Kinaladkad ang kanilang
mga bangkay (cadaver, corpse) hanggang sa ilog
Araug (ngayon ay ilog Jalaur), sa nayon ng Iloilo,
at ipinakain sa mga buaya (cocodrilos,
crocodiles). Ang bangkay ni Maria Santissima ay
tinuhog at itinarak sa bukana ng ilog Ilian sa tabi
ng Laglag, upang kainin din ng mga buaya. Ang iba pang bihag na diyos-diyos ay ipinakain din sa
mga buaya kahit buhay pa sila.
Ang Rebelyong Silang
Diego Silang Gabriela Silang

Si DIEGO SILANG ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang
at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos. Nag - alsa si Diego Silang laban sa mga Espanyol dahil
ikinulong sya ng magpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Indio.
Hinimok niya ang mga kababayan na maghimagsik laban sa pang - aabuso ng mga Espanyol nang
siya ay pinakawalan. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantala niya ang
pananakop ng mga Ingles sa ating bansa. Nakipag ugnayan siya sa mga Ingles upang makayanan ang
pakikilaban sa mga Espanyol. Pinadalhan niya ng mga sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon
noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Ipinagpatuloy ng kanyang asawa, si MARIA JOSEFA GABRIELA
ang paghihimagsik ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pagrerebelyon.
Pinatay siya ng mga Espanyol noong setyembre 20, 1763

Rebelyon ni Dagohoy
Pinamunuan ni Francisco Dagohoy o
si Francisco Sendrijas sa totoong
buhay, ang may pinakamatagal na
rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.
Nagsimula ang pag-aalsa ni Dagohoy
nang tanggihan ng kura paroko na si
Gaspar Morales na bigyan ng
Kristyanong libing ang kanyang
kapatid na namatay. Pinatay niya ang
pari at hinikayat ang mamamayan ng
Bohol na bumangon at lumaban sa
mga Espanyol. Namundok sila at
nagtatag ng isang malayang
pamahalaan sa kabundukan. Ang
pangalang dagohoy ay mula sa dalawang salitang bisaya na "dagon" na sa tagalog ay agimat, at
"hoyohoy" na sa tagalog naman ay hangin. Dahil sa Agimat na ito, kaya niyang tumawid ng isang
bundok, at tumawid sa tubig ng di nababasa, kaya din niyang makakita sa madidilim na yungib at
kaya din niyang mawala ayon sa kanyang kagustuhan. Inabot ang kanyang pag-aalsa ng mahigit 85
taon.Nagsimula ito noong 1744 at nagtapos ng 1859. Ang nakatalo sa kaniya ay ang ekspedisyon ni
Kapitan Manuel Sanz. Namatay man si Dagohoy ipinagpatuloy ito ng kanyang tauhan.
Rebelyon ni Palaris
Si Juan dela Cruz (ang kanyang tunay na pangalan ay
Pantaleon Perez) (8 Enero 1733 27 Pebrero 1765), na
kilala rin sa pangalang PALARIS, ay namumo sa aklasan
laban sa mga Espanyol noong siglo 18. Si Palaris ay anak ni
Santiago de la Cruz, cabeza de barangay, at Catalina Ugay,
na tubong Binalatongan, Pangasinan. Si Juan ay may
dalawang kapatid na sina Colet at Simeona. Ang pamilya de
la Cruz ay kabilang sa principalia sa Binalatongan.
Noong 1762, nagsimula ang aklasan laban sa pamahalaang
Espanyol, at ang pangalang Palaris ay nakilalang bilang
pinuno ng mga rebolusyonaryo. Sina Colet de la Cruz,
Andres Lopez, at Juan de Vera Oncantin ay kasama ni Juan
de la Cruz na namuno sa aklasan laban sa mga Espanyol.
Dahil sa pagtataksil ng kanyang kapatid na si Simeona,
napatay nang walang kalaban-laban si Palaris. Kinaladkad
ng mga sundalong Espaol ang bangkay ni Palaris at
ipinarada sa buong Binalatongan. Pinugot ang ulo at isinabit
sa dulo ng tulay ng Cava. Ang kaliwang bisig niya ay pinutol
at isinabit naman sa tulay ng Caapangan (Imbornalla ang
tawag ngayon) at ang kanang bisig ay sa tulay ng San Juan isinabit. Pinutol pati ang 2 paa ni Palaris,
isinabit ang kaliwa sa tulay ng Manat, at ang kanang paa sa Malabago. Binutas ang dibdib ni Palaris
at dinukot ang kanyang puso, at isinabit sa Taloy.

Rebelyon ni Hermano Pule


Si Apolinario de la Cruz (22
Hulyo 1814 4 Nobyembre
1841), na nakikilala rin bilang si
Hermano Pule ("Kapatid na
Lalaking Pule") o Puli, ay isang
Pilipino na namuno ng isang
pangunahing himagsikan laban
sa pamamalakad ng mga Kastila
sa Pilipinas, na batay sa isang
pakikibaka para sa kalayaang
panrelihiyon at kasarinlan.
Itinatag nya ang relihiyosong
kapatiran na tinatawag nyang
"Cofradia de San Jose." Marami
ang sumapi sa kanyang samahan ngunit ito ay ipinagbawal ng mga opisyal ng simbahan. Natakot ang
mga Espanyol dahil libo-libo ang mga sumasapi sa kanyang samahan mula sa Maynila, Tayabas, at
Laguna. Itinuring na rebelde kaya't lumaban rin sya. Nadakip sya at binitay sa bayan ng Tayabas
noong Nobyembre 4, 1841.
Si Hermano Pule at ang pag-aalsa ng Kapatirang San Jose ay halimbawa ng isang kilusang bumuo ng
nagsasarili at malayang kamalayan sa loob ng kaayusang kolonyal. Isinulong ang pag-angkin at
pagsasakatutubo ng dayuhang pananampalataya sa kaisipan ng gawain ng kapatiran. Tinukoy ang
lahi bilang tanda ng pagkakilanlan ng isang komunidad sa pamamagitan ng pagtatakda sa mga taga-
loob, at labas nito. Hinangad nito ang pagbubuo ng bayan.

You might also like