Professional Documents
Culture Documents
1.Computer software, or simply software, is a part of a computer system that consists of data or
computer instructions, in contrast to the physical hardware from which the system is built.
In computer science and software engineering, computer software is all information processed
by computer systems, programs and data. Computer software includes computer
programs, libraries and related non-executable data, such as online documentation or digital media.
Filipino
Batas sa Child Labor pirmado na
Updated January 10, 2004 - 12:00am
5 9 googleplus1 0
Sa ilalim ng batas, hindi bababa sa 100,000 hanggang isang milyong piso ang multa o
pagkakulong ng 12-20 taon ang mapapatunayang nang-aabuso sa mga kabataan na may edad
18 pababa.
Ang mga establisimiyento na mapapatunayang sangkot sa child labor ay maaaring ipasara lalo
pa’t kung ang paglabag sa batas ay nagresulta ng pagkamatay, pagkaparalisa o
pagkaka-aksidente ng kabataang empleyado.
Sa talaan ng National Statistics Office (NSO), 1.25 milyong kabataan ang nagtatrabaho at di na
nakakapag-aral.
Ipinakikita ng mga ginawang pag-aaral na ang mga menor de edad ay napipilitang pumasok sa
mga delikadong trabaho dahil sa malaking pangangailangan sa pera.
Maraming mga pabrika ang kumakalap ng kabataang manggagawa dahil hindi sila humihingi ng
mataas na sahod.
Nauna rito, matagal na nabinbin sa Malacaang ang child labor bill bago tuluyang naisabatas
ng Pangulo dahil sa pagtutol ng ilang sektor mula sa industriya ng pelikula na maaaring
makaapekto sa mga batang artista. (Ulat nina Ely Saludar/Lilia Tolentino)