You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon III
Sangay ng Bulacan
Distrito ng Paombong
STO. NIO ELEMENTARY SCHOOL
Sto. Nio Paombong, Bulacan

Filipino: Wika ng Karunungan

Ika- 26 ng Agosto, 2016


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa sa tuwing
Agosto 1-31, alinsunod sa Memorandum Pansangay Blg. 115 s. 2016 ang mga
Paaralang Elementarya at Sekondarya sa Sangay ng Bulacan ang Paaralang
Baranggay ng Sto. Nio, sa Distrito ng Paombong ay nagdaos ng Pampaaralang
Paligsahan 2016 noong ika-26 ng Agosto sa ganap na ika-1:00 ng hapon. Ang tema ng
pagdiriwang sa taong ito ay Filipino: Wika ng Karunungan.

Ang mga layunin ng pagdiriwang ay upang ganap na maipatupad ang


Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, mahikayat ang ibat ibang ahensyang
pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang tulad nito na
nagpapataas ng kamalayang pangwika at sibiko at maganyak ang mga mamamayang
Pilipino na pahalagahan ang wikang pambansa sa pamamagitan ng aktibong
pakikilahok sa mga Gawain kaugnay ng Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang pampaaralang paligsahan ay binubuo ng pagbigkas ng tula mula


Kindergarten hanggang Ikalawang Baitang,pagkukuwento sa Ikatlong Baitang,
deklamasyon sa Ikaapat na Baitang, balagtasan sa Ikalimang Baitang at pagsulat ng
sanaysay sa Ikaanim na Baitang. Sinalihan ito nang buong kasiglahan ng mga mag-
aaral sa bawat baiting sa pagtuturo at pagsubabay ng mga gurong tagapayo, ng mga
magulang at n gaming punungguro, G. Armando P. Valencia.
Bilang pasimula ng palatuntunan, isang maikling panalangin ang inusal ni
Gng. Rowena M. Santosa at sinundan ito ng pag-awit ng Lupang Hinirang na
kinumpasan ni Gng. Analiza DC. Cristobal. Ang pambungad na pananalita at sinambit
ni Gng. Lilian M. Valencia sa kadahilanang an gaming punungguro ay may dinaluhang
seminar. Ipinakilala ni Gng. Fiona Blanca L. Balboa ang mga kalahok sa bawat baitang.
Nagpaabot ng maikling, mensahe at ipinakilala rin ni Gng. Felina C. Salamat ang lupon
ng inampalan. Inilahad ni Gng. Teodora S. Navarette ang mga alituntunin sa
paligsahan.

Kahit nagkaroon ng napakasungit na panahon habang nagdadaos ng


paligsahan, itinuloy pa rin at ito ay natapos nang maayos. Inilahad na ang mga nagwagi
at ito ay iginawad ng mga Lupon ng Inampalan na binubuo nina Kagawad Ian N. Alfaro,
Gng. Teodora S. Navarette, Gng. Ma. Raquel P. Roxas at Gng. Ma. Belen N. De
Guzman. Si Gng. Lilian M. Valencia ang nagging guro ng palatuntunan. Bawat isa ay
nasiyahan sa mga nasaksihang paligsahan.

Salamat sa Pong Maykapal at naidaos nang matagumpay ang Pampaaralang


Bigkasan sa Paaralang Baranggay ng Sto. Nio. Ito ay sa pagtutulungan at pakikiisa ng
ating punungguro, mga guro, kawani, mga magulang at mga mag-aaral sa paaralang
ito.

Maraming salamat po sa inyong lahat. Kasihan nawa tayo ng Poong


Maykapal.

Inihanda ni:
FELINA C. SALAMAT
Pampaaralang Tagapag-ugnay sa Filipino

Binigyang-pansin ni:
ARMANDO P. VALENCIA
Punung Guro I

You might also like