You are on page 1of 6

PAG-AALAGA NG ITIK

I. Katangian Ng Paitluging Itik:


1. Maliit ang katawan : 1.3 – 1.5 kilo/ 5 buwan ang edad
2. Efficient egg converter : 120 – 140 gramo/araw/ulo
3. Maraming mangitlog: > 200 itlog/taon/ulo
4. Malaki ang itlog : 65 - 75 gramo
5. Matagal ang pangingitlog: > 10 buwan
6. Sanay na sa lokal na kondisyon, hindi sakitin.

II. Uri ng Pangangailangan ng Itik

1. Pabahay Ng Itik

Sa pagala na pamamaraan gumagamit ng lokal na kagamitan ang mga nag-iitikan tulad


ng lona, kawayan, fishnet, dayami at ipa ng palay bilang itlugan. Sa ganitong sistema
madaling maililipat ng nag- iitikan ang pabahay kung saan may makakain ang mga
itik. Sa nakakulong na pamamaraan ay gumagamit ng kamalig o pabahay na pang
matagalan. Ang kulungan ng itik ay dapat malayo sa mga bahayan dahil sa ingay at
amoy ng dumi nito at kinakailangang may magandang daloy ng tubig. Ang isang (1)
metro kuwadrado ay maaaring lagyan ng 3-4 ulo na paitluging itik. Ang mga itik ay
hatiin sa 300-500 ulo kada grupo na may sapat na pakainan at inuman. Ang bahay ng
itik ay nakaayon o pahaba mula sa silangan patungong kanluran.

• Lapad ng pabahay: hindi hihigit sa 8-12 metro


• Klase ng pabahay : nakataas (slatted), nakalapag (kamalig) o kumbinasyon
• Materyales ng pabahay: depende sa tibay na kailangan
• Itsura ng bubong: angulo 100 -300 - Ang tamang sanepa ay makakatulong para sa
ulan at sikat ng araw - Ang taas ay sapat upang makadaloy ang hangin at liwanag sa
loob ng kulungan - Maglagay ng monitor (labasan ng init) sa bubong
• Pagitan ng kulungan: ang taas ng kulungan ay apat na beses nito ang layo ng bawat
kulungan
• Paliguan: ito ay kailangan kung nakakulong sa panahon ng tag-init at paglinis ng
balahibo ng itik

Mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng lugar na pagtatayuan ng itikan:


• Kailangan ay nasa lugar na agricultural o “agricultural zone”
• Dapat malayo sa lugar na malapit sa mga kabahayan dahil sa ingay nito at amoy ng
dumi ng mga itik
• Dapat may maayos na pagkukuhanan ng tubig
• May kalsada o daan na maaring daanan sa tag-ulan o tag araw
• May sapat na laki ng lupa na maaring gamitin kung magpaparami pa ng bilang ng
itik na aalagaan (expansion).

Uri ng mga kagamitan:

• Kuluban o gamit na pampainit para sa mga seho


• Pakainan at inuman
• Bomba ng tubig, tangke ng tubig, sprayer ng tubig
• Kartilla, timba
• Panghuli at panghakot ng itik (poultry crates)
• Lalagyan ng itlog • Makinang pisaan (incubator)

Dami ng itik kada metro kuwadradong sahig (nasa lupang kulungan):

Edad Sukat ng Sahig


• 0-1 linggo ang edad 30 ulo kada metro kuwadrado
• 1-2 linggo ang edad 20 ulo kada metro kuwadrado
• 2-8 linggo ang edad 8 ulo kada metro kuwadrado
• 8-18 linggo ang edad 5 ulo kada metro kuwadrado
• 18-pag-itlog 4 ulo kada metro kumadrado

2. Pakain At Pagpapakain Ng Itik

Sa nakapagala nakakakuha na ng natural na pakain ang mga itik, ngunit sa panahon na


konte ang pagkain o lugar na pagalaan ang itik ay kailangan dagdagan ng pagkain
tulad ng darak, suso, commercial feeds at iba pang lokal na pagkain upang mapanatili
ang paglaki, kalusugan at produksiyon ng itlog. Kung may alam na lugar na bagong
aning palayan maaring ilipat ang mga itik upang makakuha ng sapat na pakain. Sa
nakakulong na pag-aalaga kailangang bigyan ng duck starter mash na may kanin ang
mga seho sa unang isang lingo na edad; duck starter mash hanggang sa edad na isang
buwan, duck grower mash mula 1-4 na buwan, at duck layer developer 4-5 buwan ang
edad at duck layer pellet 4.5 - 5 buwan pataas. Mula seho hanggang 4.5 buwan edad, ito
ay kakain ng 10-12 na kilong feeds. Gumamit ng mababang uri ng nutrisyon 14%
protina (CP) sa edad na 2-4 buwan at hindi bababa sa 18% protina (CP) ang gamitin sa
nagingitlog na itik.

III. Paraan ng Pag-aalaga

Ang itik ay hindi naglilimlim at nag-aalaga ng seho, ito ay kailangang magbigayn ng


painit (kuluban) sa unang 2 linggo mula ng sila ay mapisa. Ang pagkulob ay ang
pagbibigay ng artipisyal na init para sa mga bagong pisang seho na nakakatulong sa
maayos na paglaki. Mahalaga rin ito upang maibigay ang kinakailangang temperatura
ng kanilang katawan at makaiwas sa pagkabansot at pagkamatay ng seho.
1. Paghahanda ng Kuluban/Brooder Cage

• Bago ang takdang araw ng pagpisa ng seho, siguraduhin na may maayos na


paglalagyan ang mga ito.
• “Brooder guard” gumamit ng linso (GI sheet) na may taas na 2 piye at pagdikitin ang
dalawang dulo upang makabuo ng bilog na kulungan. Iwasang gumawa ng parisukat
na brooder guard upang maiwasan ang pag-iipon-ipon ng mga seho sa sulok nito.
• Gumamit ng dayami (rice straw”) o bualaw/ ipa sa pabahay na naglalaman ng 20-30
seho kada metro kuwadradong lugar sa loob ng 1-14 araw na edad ng seho.
• Lagyan ng 5-10 sentimetro na kapal ng dayami o ipa ang buong lugar na
pinagkulungan.
• Ihanda ang mga kinakailangan na kagamitan tulad ng patukaan at painuman.
• Tiyakin din na may panggagalingan ng init para sa mga bagong pisang seho,
gumamit ng incandescent bulb, maaring maging basihan ang 1 watt kada sehong
aalagaan, lagyan ng steel cover bawat bombilya upang maipon ang init. Ilagay ng 6 na
pulgada ang taas mula sa ibabaw ng litter o sapin na dayami o bualaw/ipa.
• Ang dami ng seho kada metro kuwadrado na sahig ay ang sumusunod: 1-7 araw : 30
seho kada metro kuwadrado 8-14 araw : 20 seho kada metro kuwadrado Ang dami ay
base sa panahon, bentilasyon at materyales na gagamitin
• Magdagdag ng dayami o ipa kada araw. Bigyang pansin ang lugar ng painuman para
mapanatiling tuyo ang kuluban.
• Ang mga lalaking itik ay ihiwalay sa unang araw pa lamang.
• Ang tamang bentilasyon ay makakatulong upang mawala ang ammonia sa pabahay.
• Ang 1 gallon na painuman na plastic drinker ay maaring gamitin sa 50 na seho.
Lagyan ng malinis na graba ang painuman upang maiwasan na maligo ang mga seho.
Ang paggamit ng nipple drinker ay makakatipid sa tubig at pagkabasa ng litter o sapin.

2. Kagamitan at Pasilidad

• Pakainan
• Painuman
• Artipisyal na painit (Uling o bualaw sa balde, incandescent bulb)
• Brooder Guard (linso na hinati 2 piye ang taas)
• Kung ang temperatura sa loob ng brooder house ay mataas na, maaring di na gamitin
ang mga nabanggit. Nangangailangan din ng malinis at maayos na patukaan at
painuman.

3. Init o Temperatura na kailangan

• Sa unang 2 linggo panatilihin na 32ºC ang temperatura sa brooder house araw-araw


na tumatagal ng 24 oras. Maaaring patayin o bawasan kung mainit ang panahon.
• Sa ikatlong linggo at sa mga susunod pa, hindi na kinakailangang bigyan ng
artipisyal na init ang mga itik sapagkat kaya na nilang mabuhay.
• Kung mapapansin na ang mga seho ay lumalayo sa pinanggagalingan ng init, ito ay
nangangahulugang mataas ang temperatura o mainit sa loob ng kuluban.
• Kung ang mga seho naman ay malapit at nakaumpok sa pinanggagalingan ng init,
nangangahulugang mababa ang temperatura o malamig ang panahon. Pagtingin sa
tamang init sa kuluban Araw-araw na Gawain
• Pakainin/patukain at bigyan ng malinis na tubig 2-3 beses kada araw.
• Linisin ang patukaan at painuman
• Linisin ang paligid ng brooder house.
• Tiyakin na may sapat na init sa brooder house para sa mga seho.
• Alisin ang mahihina, may sakit at patay na seho.
• Itala sa talaan ang mga datus tulad ng bilang ng nabenta, namatay, pinakain atbp.
PAG-AALAGA NG PATO

I. KATANGIAN

Ang mga pato ay maaring alagaan sa likod ng tahanan. Kagaya ng manok, ito ay
nagbibigay ng karne at itlog. Ang karne nito ay nagbibigay ng sustansyang protina sa
ating katawan. May dalawang uri ng pato: ang itik at ang bibe. Ang itik ay mainam na
maoagkukunan ng itlog samantalang ang bibe naman ay mainam na mapagkukunan
ng karne.

Ang itik ay nangingitlog sa loob lamang nng 28(dalawampu’t walong) ) araw kaiba sa
bibe na nangingitlog makalipas ng 33(tatlumpu’t tatlong) ) araw. Ang mga balahbibo
ng pato ay maari ding gamitin sa paggawa ng mga palamuti sa bahay. Kumpara sa
manok, mas madaling alagaan ang pato.

II. Uri ng Pangangailangan

1. Paghihiwala sa babae at lalaking pato


-mahalagang paghiwalayin ang mga babae sa lalakeng pato. Ginagawa ito pagkatapos
kunin ang mga ito sa hatchery o sa lugar na ito ay napisa. Ginagawa ito upang
maiwasan ang pagsasakitan. Magkaiba ang kilos ng babae sa lalake.

2. Pagpapainit
_ito ay tinatawag na brooding. Ito ay proseso na nagpapainit ng maliliit na pato upang
matulungan silang palamigin ang kinakailangang init ng katawan. Dalawang paraan
ang ginagamit sa pagpapainit. Ito ang tinatawag na ground run at battery brooders.

3. Pagpapakain
-masusustansyang pagkain ang binibigay upang marating ang tamang bigat at laki sa
tamang edad. Sa unang tatlong linggo, pakainin ng malambot na kanin na hinaluan ng
giniling o pinong hipon. Pakainin ng apat o limang beses sa isang araw. Habang
lumalaki dagdagan ang dami ng pagkain. Pagdating ng isang buwan, pakainin ng mash
feed na may pinaghalong mais, taba ng karne, giniling na isda, tuyong gulay, darak,
giniling na oyster shell, butong gulat, at iba pang sagana sa bitamina, mineral, at
protina.

- Maaari ding ihalo ang pinalabnaw na gatas sa mash o pagkain nito. Pakainin ito ng
apat o limang beses sa isang araw.

Ang kabahagi ng pagkain sa isang sisiw ay 55(limampu’t limang) bahagi ng darak sa


20(dalawangpung) bahagi ng giniling na mais at 25(dalwampu’t limang) bahagi ng
pinong hipon o suso. Kung ang mga ito ay isinalin sa bigat na gramo ay magiging:
55(limampu’t limang) gramo ng darak, 20(dalawangpung) gramo ng giniling na mais,
ay 25(dalawampu’t limang) gramo ng hipon o suso. Kung magpapakain ng
50(limampung) sisiw, paramihin lamang ito ng 50(limampung) beses. Halimbawa, sa
55(limampu’t limang) gramo ng darak ay magiging 55x50=2,750 gramo.

4.Pagpapabahay
-ang bahay ay dapat malapit sa isang pinagkukunan ng tubig tulad ng kanal, lawa,
look, o creek. Ang pinto ng bahay ay dapat nakaharap dito. Mainam na lalagyan ng
partisyon ang bahay para maihiwalay ang mga batang pato sa matatanda. Sa bawat
100(isangdaang) pato magtayo ng bahay na may sukat na apat na metrong haba at apat
na metrong luwang at tatlong metrong taas. Mainam na malayo ang bahay sa kalsada at
sa bahay ng may-ari. Mainam din na tahimik ang lugar at malayo sa ibang hayop. Ang
sahig ay dapat na may sapin na dayami na walong pulgada hanggang 10(sampung)
pulgada ang kapal. Ang sahig ay dapat nakaangat upang medaling linisin. Gumawa ng
isang artipisyal na paliguan ng bibe malapit sa bahay nila. Sumusukat ito ng walong
piye(o feet) ang luwang, 10(sampung) piye ang haba, at dalawang piye ang lalim.

5. Pagpigil sa peste at sakit


-panatlihing malinis ang bahay paliguan at kapaligiran upang maiwasan ang
pagkasakit ng mga bibe. Ang mga ito ay medaling kapitan ng sakit na fowl pox at avian
pest. Mainam ang pagbabakuna upang maiwasan ito. Kung ang isang bibe ay
nagpapakita ng panghihina at walang ganang kumain, ihiwalay kaagad ito at dalihin sa
beterenaryo upang malapatan ng lunas. Kapag itoay namatay, dapat itong ibaon
kaagad sa lupa o sunugin upang hindi maikalat ang mga organismong nagdala ng
sakit. Tandaan sa pagpili ng pato, piliin ang uri na medaling lumaki at maaasahan. Ang
Pateros Duck ay isang magandang uri. Kahit hindi ito kalakihan, madali siyang
mangitlog. Sa 1,000(isanglibong) gramo ng bigat, ito ay maaari nang mangitlog. Ang
bilang ng itlog sa isang taon ay bumibilang sa 200(dalawangdaan) hanggang
220(dalawangdaan at dalawampu). Ito ang pinakapopular na uri ng pato sa atin
ngayon.

You might also like