You are on page 1of 1

Pagkauwi sa Krotona ay namasid ni Florante ang bandilang nakataas sa kaniyang bayan.

Knaiyang
napagtanto na hindi an ito ang bandilang kaniyang kinagisnana. Laking gulat niya ng napagtantong
ito’y bandila ng tagaMedia-lunang kalaban. Nilibot ang mga mata at nakita si Laurang nakatali dahil
sa hindi pagtanggap sa pagsinta ni Emir na kalaban. Knaiyang pinalaya ang dilag at nilabanan ang
mga kalaban. Matapos ang madugogn labanan, dagli-dagling pinuntahan ang bilangguang
kinaroroonan ng kaniyang ama, ang hari at sa di inaasahan ay si Adolfong taksil.Pianalaya ang mga
ito at laking tuwa ang nakamit. Paglip0as ng ilang buwan ay pinadala sa Etolya uupang mga
mananakop ay masupil. Habang nasa bakbakan ay nakatanggap ng liham, ito’y naglalaman ng utos
mula sa Albanya na siya ay pauwiin sa kinagisnan.

Pagkauwi ay sinalubong ng mga taksil at dinala sa bilangguan. Kinulong ngg mahigit labing-walong
araw matapos ay dinala sa kagubatan at doon ay iginapos at iniwanan.

Sa kabilang dako inilathala ni Aladin ang kaniyang pagpaparaya. Sa Persiyang siyudad siya ay
namulat, doon nabuhay at nagkamalay. Sa paglipas ng panahon ay nabighani sa magandang dalaga
na si Flerida. Kanilang pag-iibigan ay naging masaya ngunit kaniyang ama ay ang siyang humarang
sa pag-iibigang tunay. Siya ay ipinakulong ng ama at hinatulan na pugutan ang ulo. Habang nasa
loob ng karselk, dumating ang isang heneral at siya ay binigyan ng liham na nagsasabi na siya ay
umalis na at huwag magpaabot ng umaga. Sa haba haba ng tinakbo ni Aladin, napadpad sa gubat na
nag-iisa at namamanglaw.

Matapos ang anim na taon na paninirahan sa gubat, sila ay nakarinig ng boses ng dalawang dilag na
tila nag-uusap. Kanilang napag-alaman na ito’y sina Laura at Flerida at laking tuwa ang kanilang
naramdaman. Inilahad ni Flerida ang knaiyang karansasan at kung paano siya ay nakatakas mula sa
Ali-adab na sultan. Sa kbailang dako, ikinuwento ni Laura at Flerida kug paano sila ngakatagpo.
Iniligtas ni Flerida mula sa kamay nin Adolfo si Laura at doon ay pinana ang hudyo na siyang sanhi
ng pagkamatay. Tumakbo at nag-usap usap hanggang sa napadpad sa kinaroroonan nina Florante
at Aladin. Isiniwalat din ang mga pagtataksil at karahasang nagawa ni Adolfong taksil. Isang
masayang pagkikita ang naganap, mga ngiti ay tila kumikislap.

Habang magklasama ay nakita si Menandrong naghahanap. HInanap si Adolfo at napag-alamang


siya ay patay na pala. Tuwang tuwa si Menandro at sabay sabay sila ay nagtungo sa Albanya

Sa Albanya,lahat ay galak na galak. Ang mga tao ay nagsasaya at puso ay tila wala ng lumbay. Sina
Leridaa at Aladin ay naging Kristiyano at masaya at mataimtim na nagpakasal. Sina Florante at
Laura ay naging hari at reyna at masayang magkasama. Ang albnaya ay masigla at puno ng sigla ang
lahat ay tila nawalan ng problema at tila naging isang bayan puno ng pagmamahal at sinubok ng
problema at kapangahasan.

You might also like