You are on page 1of 10





UNANG TAGPO

(Sa isang madilim at mapunong kagubatan nakatali si Florante. Nag-iisang nakatali sa puno ng higera, ang mga
kamay, paa at katawan ay mahigpit na nakadikit sa punong puno ng tinik na siyang nagpapasakit sa binaae. Dala ng
lumbay at pag-iisa, naiisip ni Florante ang lahat ng mga nangyari sa kaniyang buhay.)

Florante: (huhuni ang mga ibon na para bang lilipad patungo sa malayo, tunog ng ahas, tigre at malakas na hangin)
(nasa nagdudusang tono) O, aking Kahariang Albanya, (nawa’y ikaw ay nasa mabuting kalagayan. Mga mamamayan
ay nasa mabuting estado ,aking mga minamahal ay ligtas at protektado. Ang kahariang kay Haring Linceo na
kinalalagyan ng amang si Duke Briseong ganap, ipinangahas ni Konde Adolfo.-voice over)

( sa video ipapakita ang Kahariang Albanya kung saan makikita ang mga taong magsasaya pagkatapos ay bugang
dadating sina Adolfo at ang kanyang mga kawal. Ipapakita ang nalulumbay na mukha nina Duke Briseo at Haring
Linceo at ang mga mamamayan ay sumisigaw dahil sa takot)

Florante: (susubukang makawala sa pagkakatali at biglang sisigaw na may pighati) Ahhhh! Bakit kalangitan ay
parang nabibingi sa aking kahilingan? Diyos ko, ako’y patnubayan at hiling ko sana’y pakinggan. (naluluha) Bakit
mo ako hinayaang mag-isa sa gitna ng matinding pangangailangan ng Kahariang Albanya? Saan ako kakapit kung
ika’y sa akin ay hindi nakikinig? (sisigaw ng malakas at mga huni ng ibon ay maririnig ng mas malakas at mga
hangin at dahon ay lilipad) (Ang mga talukap ni Florante ay unti-unting sasara)

IKALAWANG TAGPO

(Si Florante ay maalimpungatan)

Florante: Kung siya Mong ibig na ako’y magdusa, langit na mataas, aking mababata; isagi mo lamang sa puso ni
Laura, ako’y minsan- minsnag mapag-alaala. At ditto sa laot ng dusa’t hinagpis, malawak na lubhang aking
tinatawid, gunita ni Laura sa naabangibig, siya ko na lamang ligaya sa dibdib. ( Kung apuhapin ko ang sariling isip,
ang suyuan namin ng pili kong ibig, ang pagluha niya kung ako’y may hapis, nagiging ligaya yaring madlang sakit.
Ngunit sa aba ko! Sawing kapalaran! Ano pa ang halaga ng gayong suyuan, kung ang sing-ibig ko’y sa katahimikan
ay humihilig na sa ibang kandungan? Sa sinapupunan ni Konde Adolfo aking natatnaw si Laurang sinta ko;
kamataya’y nahan ang dating bangis mo? Nang di ko damdamin ang hirap na ito?- voice over)

Sa video ipapakita si Florante at Laura na magkasama at doon ipapakita ang kanilang suyuan, ang mga pabigay-
bigay ni Florante ng mga rosas kay Laura. Ipapakita rin ang mga panahon na siya ay sinagot nito at mga panahon na
kanilang pinagsamahan. Sa isang iglap, dadating si Adolfo at lalayo si laura kay Florante at makikita na masayang
magkasama sina Laura at Adolfo. Magkatabi silang nakaupo at nagtatawanan at bibigyan ni Adolfo ng bulaklak si
Laura at ngingiti si Laura.

Florante:Wala na, Laura, ikaw nga lamang ang makalulunas niring kahirpan; damhin ng kamay mo ang aking
katawan at bangkay man ako’y muling mabubuhay. Ngunit sa aba ko! Ay sa laking hirap! Wala si Laura’y aking
tinatawag! Napalayo-layo’t di na lumiliyag, ipinagkanulo ang sinta kong tapat. (Alin pa ang hirap na di nasa akin?
May kamatayan pang di daramdamin? Ulila sa ama’t sa inang nang-angkin, walang kaibigan’t nilimot ng giliw.-
voice over)(mawawalan ng pag-asa, magiging matamlay at maiiyak)

Sa video makikita ang mga paghihirap ni Florante. Makikita na siya ay nalayo sa ama at sa ina. Ipapakita ang
kniyang mga kaibigan at si Laura at isasalarawan ang kanyang pag-iisa sa gubat)

IKATLONG TAGPO

(Ipapakita si Aladin na naglalakad sa kagubatanna may dalang kalasag na animo ay bigong-bigo sa kanyang buhay,
siya ay titigil at uupo sa isang troso at magbubuntong hininga)

Aladin: (malungkot na tono sabay tingin sa itaas) O palad! (ipatong ang ulo sa kaliwang kamay tapos ay
magsisimulang umiyak) Flerida’y tapos na ang tuwa! (maririnig ang mga hinanakit at sigaw ni Florante tapos ay
magmumukhang nagulat kasunod nito ang pagtaas niya ng kalasag. Matapos ang ilang segun dong tahimik ang
paligid, muli itong uupo sa troso)
Aladin: (umiiyak) “Di ko itutulot, at kung kay Flerida’y iba ang umagaw at di ang ama kong dapat na igalang.
Bababa si Marte mula sa itaas at sa kalaliman’y aahon ang Parkas. Buong galit nila ay ibubulalas, yayakagin niring
kamay kong marahas” ( (Sa kuko ng lilo’y aking aagawin ang kabiyak niring kaluluwang angkin liban na kaya ma,
ang sinuma’t alin ay di igagalang ng tangang patalim. “Pag ikaw ang nasok sa puso ninuman, hahamaking lahat
masunid ka lamang at yuyurakan na ang lalong dakila, bait, katuwira’y ipagaanyaya at sampung buhay ay
ipauubaya-voice over)

(Sa video makikita ang Sultan Ali-adab na kasama si Flerida. Si Sultan Ali-adab ay masaya habang si Flerida ay
parang napagsuklaban ng langit. Sila ay nag-uusap usap at naglalakad lakad habang si Aladin naman ay
nagmamasid at parang nasasaktan sa nakikita. Titignan niya ang kanyang kalasag ng may luha at titignan muli sina
Flerida sabay alis habangnagpapahid ng luha)

IKAAPAT NA TAGPO

(Matapos maglabas ng hinanakit si Aladin ay narinig niyang muli ang ingay na mula kay Florante. Siya ay tatayong
muli hawak-hawak ang kalasag at panangga at maglilibot libot. Nang wala mahanap na pinanggagalingan ng ingay,
siya ay umupo muli sa troso at nagmumuni-muni habang naghihintay ng tinig)

Aladin: (Nagtatakang tono habang pinaglalaruan ang kalasag) Sinong nananaghoy sa ganitong ilang? (buntong-
hininga)

(Matapos ang ilang Segundo ng pagmamatiyag, narinig niyang muli ang hibik)

Florante: (Video: Ipapakita si Aladin na patuloy na naghahanap sa pinagmulan ng panaghoy) Ay, mapagkandiling
amang iniibig! Bakit ang buhay mo’y naunang napatid, ako’y inulila sa gitna ng sakit? Kung sa gunita ko’y pagkuru-
kuruin ang pagkahulog mo sa kamay ng taksil, parang nakikita ang iyong narrating… parusang marahas na
kalagim-lagim. At alin ang hirap na di kakapit sa iyo ng Konde Adolfong malupit? (Ipapakita si Florante)

Florante: Ikaw ang salamin sa reyno ng bait, pinagbubuhatan ka ng malaking galit. Katawan mo ama’y parang
minamalas ngayon ng bunso mong lugami sa hirap; pinipisan-pisan at iwinawalat ng pawa ring lilo’t berdugo ng
sukob.

Florante: Ang naghihiwalay na laman mo’t buto, kamay at katawang nalayo sa ulo, ipinaghagisan ng mga lilo at
walang maaawang maglibing ng tao. Sampu ng lingcod mo’t kaibigan kampi sa lilo ng kaaway, ang di nagsiayo’y
takot naman na maparusahan. Hanggang dito ay dinig ang iyong ulong itapat sa kalis, ang panambitin mo’y dalangin
sa langit na ako ay maligtas sa kukong malupit

(Sa video makikita si Duke Briseo na pinapalibutan ng kanyang mga kasamahan na dinadarag ng mga kasamahan ni
Adolfo at pinapahairapan habang ang mga tao ay walang magawa. Pinaluhod ng mga ito si Duke Briseo sa harap ni
Konde Adolfo na may hawak na espada at makikita ang dating mga kasamahan ni Briseo sa panig ni Adolfo,
pagkalapag ng mga tuhod ng Briseo, siya ay tumingin sa ibaba. Biglang may narinig na tunog ng paglabas ng espada
sa lalagyan at para bang pinapaikot ito sa ere. Habang ito ay ginagawa ni Konde Adolfo ay bigla nitong itinutok ang
espada sa leeg ni Duke Briseo, habang nasa leeg nito ang espada ay maririnig ang mga iyak ng mga tao at ang
pagsusumamo ng Duke sa diyos n asana ay nasa mabuting kalagayan si Florante at siay ay makaligtas sa kalupitan,
kasama ang dasal ng duke at pinugutan ng ulo. Ipapakita ang mga hiwa-hiwalay na piraso na katawan ng Duke na
natatabunan ng mga dahon at ipapakitang ito ay itinatapon ng mga kawal sabay halakhak)

Duke Briseo: (habang nasa leeg nito ang espada ni Adolfo )Diyos ko! Sana’y makaligtas ang aking anak na si
Florante sa kukong malupit. Patnubayan niyo siya nang malutasan niya ang mga problema at nang maging
matapang sa gitna ng karahasan. Patawarin niyo nawa ang mga nagkasala sa akin at sana’y malutas at maging
payapa ang Albanya. Ang adiyos, bunso’t buhay mo’y lumipas (matapos sabihin ang mga dasal ay papatayin na siya ni
Adolfo)

Florante: (Ipapakita si Florante)(umiiyak): Ay, amang ama ko! Kung magunamgunam madla mong pag-irog at
pagpapalayaw, ipinapalaso ng kapighatian luha niring puso sa mata’y nunukal. Ang lahat ng tuwa’y natapos sa akin,
sampu niring buhay naging hilahil; ama ko’y hindi na malaong hihintin ako’t sa payapang baya’y yayakapin. (titigil
muna sa pagsasalita at hahagulgol)

(Ipapakita na si Aladin na nakatingin pa rink ay Florante at naluluha, matapos ang ilang sandal ay tatalikod siya at
magsisimulang mamasa ang mga mata dahil sa pagsagi sa kaniyang isip ng mga alaala ng ama)
Aladin: (naiiyak at nalulungkot) Kailan, luha ko’y bubukal na habag kay ama at panghihinayang, para ng panaghoy
ng pananambitan. (Sa sintang inagaw ang itinatangis dahilan ng luhang nagbabatis; yao’y nananaghoy dahil sa pag-
ibig, sa amang namatay na mapagtangkilik. Ngunit ang nanahang maralitang tubig sa mukha’t dibdib ko’y lagung
dumidilig, kaya ama nga galling datapwa’t sa bangis, hindi sa andukha at pagtatangkilik.Agawan ng sinta’t pagnasa-
nasaing lumubog sa dusa’t buhay ko’y makitil. Hindi nakasalap kahit munting tuwa sa masintang inang pagdaka’y
nawala- voice over)

(Sa video makikita si Flerida at Sultan Ali-adab na magkasama at pilit na binibigyan ng mga bagay na
makakapagpasaya rito. Ipapakita si Aladin na nakatingin sa dalawa at nasasaktan sa kanyang nakita)

IKALIMANG TAGPO

Florante: (sa tono at itusrang nanghihina) Laurang aliw niring budhi, paalam ang abang kandong ng pighati!
Lumagi ka nawa sa kaligayahan, sa harap ng di mo esposong katipan, at huwag mong datnin yaring kinaratnan ng
kasing nilimot at pinagliluhan. Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin, mahal ka ring lubha dini sa panimdim at
hanggang sa malibing, kita’y sisintahin.

(Matapos ang ilang Segundo ay may maririnig na tinig ng galit at gutom na leon, ipapakita si Florante na natigilan at
iikot-ikot ang ulo. Sa likod niya, makikita ang dalawang naglalakihang leon na papalapit sa kanyang direksiyon, ang
mga ito ay pawang nakanganga at maririnig at malalakas na mga tinig mula rito. Ipapakita na nasa gilid na ni
Florante ang nakangangang leon at tila ningas sa kaniyang lugar si Florante. Biglang pumatak ang mga luha sa mata
ni Florante at makikita ang natatakot nitong mukha. Maririnig muli ang mga tunog ng leon at ipapakita ang mukha
ni Florante na para bang handa ng mamatay dahil sa kaniyang kalagayan dahil sa mga leon, matinding takot ang
makikita sa kanyang mga mata. )

Florante: (nagpapaalam at natatakot na tono) Paalam, Albanyang pinamamayanan ng kasam-a’t lupit, bangis,
kaliluhan, akong tanggulan mo’y kusa mang pinatay, sa iyo’y malaki ang panghihinayang. (maririnig muli ang tunog
ng mga leon) Pagkabata ko ma’y walang inadhika kundi paglilingkod sa iyo’t kalinga, di makailan kang babal-ing
masira, ang mga kamay ko’y siyang tumimawa? Yaong aking Laurang hindi mapapaknit ng kamatayan man sa tapat
kong dibdib; Bayang walang loob, sintang alibugha, Adolfong malupit, Laurang magdaraya, magdiwang na ngayo’t
manulos sa tuwa at masusunod na sa akin ang nasa!

(Sa video makikita ang Kahariang Albanya na tila kinalimutan na si Florante at sina Adolfo at Laura)

Florante: Nasa harap ko na lalong marawal, malulubos na nga ang inyong kasam-an, gayon din ang aking
kaalipustaan. Guniguning ito’y lubhang makamandag, agos na luha ko’t puso ko’y maagnas. Nang matumbasan ko
ang luha ang sakit, nitong pagkalimot ng tunay kong ibig.

(maririnig ang pinakamalakas na tunog ng leon na tila susunggaban si Florante. Si Florante ay pipikit at may luhang
papatak sa kanyang mga mata)

IKAANIM NA TAGPO

(Si Aladin ay nasa parehong puwesto pa rin (pagbabasehan ang kaniyang mga galaw sa ikaapat na tagpo. Si Florante
ay patuloy na naghahanap kung saan nanggaling ang taghoy na iyon, at kaniyang hinanap sa gubat gamit ang
kaniyang pataim upang putulin ang mga damo at makaraan. Sa loob ng ilang minutong paghahanap, nakita niya si
Florante na nakatali sa higera, nawalan ng diwa’t luha’y lumagaslas. Nakita ni Aladin ang mga gutom naeon na
malapit sa kinalalagyan ni Florante. Ang mga leon ay mukhang mabangis at naninindig ang mga buntot.)

(Itataas ni Aladin ang kaniyang mga kamay, at siya ay darakmain na ng leon nguniy inusig niya ng taga at saksak
ang mga leon. Pupugutan niya ng ulo ang mga leon gamit ang kaniyang espada at poprotektahan ang sarili gamit
ang kaniyang armas. Di naglaon, namatay ang leon at nagtagumpay si Aladin)

(Pagkatapos patayin ang mga leon, lalapit si Aladin kay Florante na hinang hina at dumadanak ang mga apwis at
kakalagan niya ito gamit ang kaniyang espada. Inalalayan niya si Florante na latang-lata, pinaupo at kinalong.
Nakatulog si Florante at habang natutulog, hahawakan ni Aladin ng mukha ni Florante at ang kaniyang dibdib upang
tignan kung buhay pa ito. Ipapakita na pinag-iisipan ni Aladin ang dikit ng kiyas kay Florante. Matapos ang ilang
minute, bubukas ang mga mata ni Florante ng dahan-dahan)

IKAPITONG TAGPO
(Sa pagkakahiga ay idinilat ang mga mata, ipapakita ang kaniyang pagkasilaw sa liwanag na nadatnan at susundan
ng taghoy habang kandong ni Aladin)

Florante: Nasaan ka, Laura, sa ganitong hirap? Halina, giliw ko’t gapos ko’y kalagin, kung mamatay ako’y gunitain
mo rin. (pipikit muli si Florante habang si Aladin ay nanatiling walang-kibo)

(Dahil sa takot na mabiga si Florante at malagutan ng hininga, hindi muna siya kumibo. Hinintay niyang maging
mapayapa ang loob ng kandong.)

(Muling mamumulat ang mga mata ni Florante at magugulat)

Florante: Sino? Sa aba ko’t nasa morong kamay. (susubukang bumangon ni Florante ngunit hindi siya nagtagumpay)

Aladin: Huwag na manganib sumapayapa ka’t mag-aliw ng dibdib, ngayo’y ligtas ka na sa lahat ng sakit, may kalong
sa iyo ang nagtatangkilik. Kung nasusuklam ka sa aking kandungan, ason sa puso mo ang hindi binyagan, nakikutya
akong di ka saklolohan, sa iyong nasapit na napakarawal. Ipinahahayag ng pananamit mo, taga-Albanya ka at ako’y
Pers’yani, ikaw ay kaaway ng baya’t sekta ko, sa lagay mo ngayo’y magkatoto tayo. Moro ako’y lubos na taong may
dibdib natural na leing sa aba’y mahapis. Anong gagawin ko’y aking napakinggan ang iyong pagtaghoy na
kalumbay-lumbay.

Florante: (buntong-hininga) Kung di mo kinalag sa puno ng kahoy, nalibing na ako sa tiyan ng leon. Payapa na
naman disin yaring dibdib;napagkilalang kaaway kang labis, at di binayaang nagkapatid-patid ang aking hiningang
kamataya’t sakit. Itong iyong awa’y di ko hinahangad, patayin mo ako’y siayng pitang habag, di mo tanto yaring
binabatang hirap na ang kamatayan ang buhay kong hanap

(Dito ipapakita si Aladin na natutuwa nguit may mga luha sa kaniyang mga mata. Nakaramdam ng awa si Aladin at
nakita ang sinag ng araw sa gubat na papalubog, binalikan ang knayang tinahak na daan, binuhat ang kalong sa
pinanggagalingan. Sila ay naglakabay at huminto sa isang malapad, malinis na bato at kusang inasikaso ang
kaniyang kandong. Kumuha si Aladin ng baong makakain at inalok kay Florante. Kahit na ito ay inayawan ng binata,
wala itong nagawa kundi ang kumain dahil sa panghihina. )

(Nabawasan ang panghihina ni Florante dahil sa pagkain at nakatulog sa sinapupunan ng gererong bantog. Natulog
ito buong magdamag, nagpuyat si Aladin para alagaan si Florante. At ipinanganib nab aka makagat ng mga ganid.
Nagigising-gising si Aladin sa gabi hanggang sa malapit na ang madaling-araw ay nakaidlip. Dahil sa sinag ng araw,
nagising si Aladin at Florante. Tila nabawasan na ang pagod ni Florante at naibsan ang kaniyang mga problema.
NIyakap ni Florante si Aadin dahil sa labis na kagalakan at pinasalamatan ito. Habang sila ay nagkakatuwaan,
biglang naalala ni Florante si Laura at biglang nagbago ang emosyon. Ang kaning masaya ay naging malungkot. Pilit
siyang pinapasaya ni Aladin)

Aladin: Iyong matatanto ang aking paglingap, mula ng hirap mo’y ibig kong matatap, at nang kung may daa’y
malagyan ng lunas

IKAWALONG TAGPO

Florante: (may pagdurusa) Di lamang ang mula niring dalita ko ang isasalita kundi sampung buhay sapul
pagkabata nang maganapan ko ang hingi mo’t nasa.

(Sasandal sina Florante at Aladin sa puno ng khaiy na may hinanakit at paghihirap at may luhang dumadaloy sa
mata)

Florante: (Tonong nagpapasalamat) Sa isang dukado ng Albanyang S’yudad, doon ko nakita ang unang liwanag;
yaring katauha’y utang ko sa Duke Briseo… ay ama kong liyag! (ifofocus ang camera kay Florante, di magsasalita si
Florante pero may voice over)

Florante: Ngayon nariyan ka sa payapang bayan, sa harap ng aking inang minamahal, Prinsesa Florescang esposa
mong hirang-voice over habang na kay Florante nakafocus yung camera

Florante: Naging tao ako sa Albanya at di sa Krotona dahil ang duking ama ko’y probadong tanungan ng Haring
Linceo sa anumang bagay. Pangalawang puno ng sangkaharian, hilagaang tungo ng sugo ng bayan. Kung sa
kabaita’y uliran ng lahat at sa katapanga’y pang-ulo sa s’yudad, walang kasindunong magmahal sa anak, umakay,
magturo sa gagawing dapat. Noong ako’y batang kinakandong-kandong, taguring Florante bulaklak kong bugtong.
Buong kamusmusa’y di na sasalitin, walang may halagang nangyari sa akin-voice over
(Ipapakita si Duke Briseo na nasa tabi ng Haring Linceo at naguusap-usap. Paminsan minsan ay nagtatawanan din
ang dalawa. Ipapakita kung paano respetuhin ng mga taga-Alabanya si Duke Briseo. Makikita si Duke Briseo na
namimigay ng mga pagkain sa nangangailangan at tinutulungan ang mga nadadapa, ang kniyang pakikipaglaban
laban sa mga manankop at pagtatanggol sa mga tao. Ipapakita angb pagiging mapagmahal kay Prinsesa Floresca at
hahalikan ang batang Florante sa noo at kanyang kakandungin at ngingitian. Bababa si Florante mula sa bisig ng
ama at tatakbo, hahabulin siya ng Duke at isisgaw ang pangalang Florante)

Florante: ang sabi ni Ina, ako’y natutulog sa bahay ng kintang malapit sa bundok;

Florante: Pumasok ang ibong pang-amoy ay abot hanggang tatlong legwas sa patay na hayop. Sa sinigaw-sigaw ng
ina kong mutya, nasok ang pinsan kong sa Epiro mula; ngala’y Menalipo-may taglay na pana tinudla ang ibo’t
namatay na bigla-voice over

(Ipapakita si Florante sa bintana at nagpapahinga ng may marinig na tunog ng ibon at kaniyang napagtanto na ito
ay malapit na sa kanya. Hindi nakagalaw si Florante at nakita ito ng kaniyang ina. Sumigaw si Prinsesa Floresca at
patakbong lumapit si Menalipo na may dalang pana. Nang muling lumapit ang ibon kay Florante ay agad itong
pinana ni Menalipo. Nahulog na lang bigla ang ibon at ibinaba ni Menalipo ang pana ta tumakbo patungo kay
Florante at Prinsesa Floresca)

Florante: (nakatingin sa malayo) Isang araw naming bagong lumakad noo’y naglaro sa gitna ng salas, may nasok na
Arko’t biglang sinambilat kupidong diyamanteng sa dibdib ko’y hiyas

(Ipapakita si Florante na tumatakbo takbo sa salas at may nakitang diyamante. KInuha niya ito at ginawang
diyamante sa kaniyang kwintas at ito ay isinuot)

Florante: Nang tumuntong ako sa siyam na taon, palaging gawa ko’y mag-aliw sa burol; sakbat ang palaso’t ang
busog ang kalong, pumatay ng hayop mamana ng ibon.

(Si Florante ay naglilibot sa burol na may dalang pana. Ipapakita na siya ay namamana ng hayop at mga ibon.
Kaniyang kukunin ang mga ibon at dadalhin pauwi. Sa kaniyang kanang kamay ay hawak hawak ang kaniyang pana
at sa kaliwa naman ang knaiyang nahuling hayop)

Florante: sa tuwing umaga, naglilibang ako sa tabi ng gubat.Kung ako’y mayroong matanawa na hayop biglang
ibibinit ang pana sa busog. At ang laruang busog ay kung pagsawaan, uupo sa tabi ng matuling bakal at
mananalamin sa linaw ng Kristal sasagap sa lamig na iniaalay. Dito’y mawiwili sa mahinihing tinig ng
nangagasasayang nayadas sa batis; taginting ng lirang katono ng awit, mabisang pamawi sa lumbay ng dibdib.-voice
over

(Ipapakita si Florante sa umaga na naglilibot at tumatakbo sa gubat. Magiging alerto siya sa tuwing may maririnig
na tunog ng hayop at kukunin ang pana. Sa tuwing may makikitang hayop ay kaniyang papanain. Ipapakitang siya
ay pawis na pawis na at maglalakad patungo sa bukal na may malakristal na tubig. Siya ay uupo sa tabi nito at
ipipikit ang mga mata. May maririnig na tunog ng mga niyadas na para bang nagsasaya at makikita ang ngiti na
unti-unting nabuuo sa labi ni Florante)

Florante: Di dapat palakihin ang bata sa saya at sa katuwaa’y mamihasa, kung lumaki’y walang hihinting ginhawa.
Sapagkat sa mundo’y baying ng hinagpis, mamamaya’y sukat tibayin ang dibdib; lumaki sa tuwa’y walang pagtitiis,
anong ilalaban sa dahas ng sakit? (sasanihin ito ni Florante habang nakaharap kay Aladin)

Florante: sa taguring bunso’t likong pagmamahal, ang isinasama ng bata’y nunukal; ang iba marahil sa kapabayaan
ng dapat magturong tamad na magulang. Ang lahat ng ito’y ka Amang talastas, kaya nga ang luha ni Ina’y hinamak;
at ipinadala ako sa Atenas- bulag na isip ko’y nang doon mamulat-voice over

(Ipapakita si Florante, Duke Briseo at Duke Briseo na magkasamat at magka-akabay hanggang sa maglakad
papalayo si Florante papasok sa Atenas. Makikita si Prinsesa Floresca na umiiyak at kumakaway kay Florante
hanggang makapasok sa loob ng Atenas)

IKASIYAM NA TAGPO

Florante: (Nakatingin kay Aladin) Sa dinatnan doong madlang mag-aaral kaparis kong bata’t kabaguntauhan, isa’y
si Adolfong aking kababayan, anak niyong Kondeng Silenong marangal. Ang kaniyang tao’y labis ng dalawa sa dala
kong edad na lalabing-isa; (Siyang pinopoon ng buong esk’wela, marunong sa lahat ng magkakasama. Mahinhin ang
asal na hindi magaso at kung lumakad pa’y palaging patungo, mabining mangusap at walang katalo, lapastangin
ma’y hindi nabubuyo. Anupa’t sa bait ay siyang huwaran ng nagkakatipong nagsisipag-aral; sa gawa at wika’y di
mahuhulihan ng munting panira sa magandang asal.-voice over)

(Ipapakita sa video si Adolfo na nagsusulat, tumutula at nakikipagpaligsahan at maraming mga kaibigan, sa tuwng
siya ay dadaanan ay nakayuko at may taong kakausap sa kaniya. Tutugunan niya ito ng may mga ngiti sa labi at sa
pinakamaayos na paraan. Ipapakita na may isang taong nadapa at tutulungan ito ni Adolfo. Sa kabilang banda
naman, ipapakita ang mga tao na pinag-uusapan at binubuyo si Adolfo ngunit magkikibit-balikat na lamang
ito.Ipapakita na siya ay iniidolo ng mga tao sa Atenas)

Florante: Ni ang katalasan ng aming maestro at pagkabihasa sa lakad ng mundo ay hindi natarok ang lalim at tungo
ng pusong malihim nitong si Adolfo. Akong pagkabata’y ang kinamulatan kay Ama’y ang bait na di paimbabaw,
yaong namumunga na kaligayahan, nanakay sa pusong suyuit’t igalang.

Florante: (Sa pinagtatakhan ng buong eskwela, bait ni Adolfong ipinakikita, di ko malasapan ng haing ligaya ng
magandang asal ng ama ko’t ina. Puso ko’y ninilag na siya’y giliwin, aywan nga kung bakit at naririmarim; si adolfo
nama’y gayundin sa akin, nararamdaman ko kahit lubhang lihim- voice over)

(Sa video ipapakita na pagkatapos tulungan ni Adolfo ang taong nadapa(yung scene sa itaas) makikita niya si
Florante tapos ang kaninang naawang tingin sa nadapa ay mapapalitan ng inggit at galit. Sa tuwing dadaan si
Adolfo at makikita si Florante ay sasama ang kaniyang ekspresyon at ipapakita rin si Flornate na umiiwas sa tuwing
makikita si Adolfo. Habang naglalakad si Adolfo ay nakita siya ni Florante at lalagpasan lang siya ni Florante tapos
ay lilingon si Florante kay Adolfo at magbubuntong-hininga)

Florante: Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking natutuhan ang astrolohiya, natantong malinis ang kataka-taka at
mayamang dunong ng matematika.Sa loob ng anim na taong lumakad, itong tatlong dunong ay aking nayakap;
tanang kasama ko’y nagsipanggilalas, sampu ng maestrong tuwa’y dili hamak. Ang pagkatuto ko’y anaki himala,
sampu ni Adolfo’y naiwan sa gitna. Kaya’t ako ay naging hantungan tungo sa salita ng bayan.-voice over

(Sa video ipapakita si Florante na nasa harap ng silid-aralan at may dalang litrato na nagpapatungko sa pilospiya at
pinapaliwanang ito. May dalang litrato ng kalawakan at ilalarawan. Siya ay magsusulat ng mga “equations” sa
“blackboard” at titingin sa kanyang mga kaklase at maestro ng may nakayukong mga ulo. Ang lahat ay
magpapalakpakan. Ipapakita siyang naglalakad na may dalang libro tungkol sa pilosopiya, matematika at
astrolohiya. Papasok siya sa silid at magsisimulang magturo ang mga ,aestro at siya ay tatayo para sasagot,
ipapakita ang kaniyang maestro an tuwang-tuwa. Siya ay hinahangaan na ang iba at ipapakita ang mga matanda at
bata na lumalapit sa kniay at tutgunan ito ni Florante na para bang handa siayng tumulong sa mga ito. Sa huli,
ipapakita si adolfo na may masamang tingin kay Florante habang tumutugon ito sa mga tao)

Florante:(Natanto ng lahat na kaya nanamit ay nang maragdag pa a talas ng isip itong kapurihang mahinhi’t
mabait. Ang lihim na ito’y kaya nahalata, dumating anag araw ng pagkakatuwa; kaming nag-aaral baguntao’t bata,
sari-saring laro ang minunakala. Minulan ang galling sa pagsasayawan ayon sa musika’t awit na saliwan. Larong
buno’t arnis na kinakitaan ng kani-kaniyang liksi’t karunungan.-voice over)

(Ipapakita ang pagtitipon-tipong ng mga mag-aaral. Ang iba ay nagsasayawan habang ang iba ay naglalaro at
habulan. Naglalaro ang iba ng buno at arnis at makikitaang knailang bilis at lakas)

Florante: Saka inilabas naming ang trahedya ng dalawang apo na tunay na ina at mga kapatid ng nag-iwing amang,
anak at esposa ng Reina Yocasta. Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay ay hindi ang ditsong nasa orihinal.

(Sa video makikita si Adolfo na magkatabi kay Florante na para bang nasa totoong palabas ng biglang sabihin ni
adolfo ang:NOTE: Part pa rin ‘to ng flashback pero hindi siya voice over, ipapakita talaga si Adolfo dito

Adolfo: Ikaw na umagaw ng kaparihan ko’y dapat kang mamatay! (Pagkatapos nitong sabihin ang mga linya ay
itataas nito ang kaniyang patalim at papatayin si Florante ngunit nakaiwas si Florante at nangyari ito ng tatlong
beses hanggang sa nadapa si Florante at nakatutok pa rin ang patalim kay Florante. Biglang dadating si Menandro
at tutulungan si Florante. Sa pagtulong ni Menadro kay Florante, lilipad ang patalim ni adolfo patalikod at
mabibitawanniya ito. (Lalapit si Florante kay Menandro)

Florante: Salamat sa iyo, O Menandrong liyag, kundi sa liksi mo, buhay ko’y nautas!

(Matapos sabihin iyon ni Florante, dadating ang mga maestro at ang kapwa mag-aaral. Natapos ang kanilang
katuwaan.
Florante: Si Adolfo nama’y kinabukasan, noon di’y nahatid sa Albanyang bayan (NOTE: Sa line na ‘to, di na siya
flashback. Present time na siya, yung magkasama sina aladin at Florante tas ang camera ifocus lang kay Florante)

(Kalaunan, ipapakita si Adolfo na pinasakay sa sasakyan at pinauwi sa albanya)

(Ipapakita si Adolfo at Florante na tumatango tango na para bang napasarap ang pagkukuwentuhan)

IKASAMPUNG TAGPO

Florante: Naging sanataon pa ako sa aAenas hinintay ang loob ng ama kong liyag, sa aba ko’t noo’y tumanggap ng
sulat na ang baling letra’y iwang may kamandag. (Camera: nakafocus kaya Aladin at Florante na nakahiga na sa
may paanan ng puno)

(Ipapakita si Florante na naglalakad at nagmamasid sa mga mag-aaral ng biglang may lumpait sa kanya at binigay
ang piraso ng papael. Ang kaniyang mukha ay puno ng pagtataka ngunit tinganggap niya lamang ito ng may
pagtataka. Sa kaniyang paglalakad, nakita niya ang pangalan ng kniyang ama. Sa una, ay makikita ang kniyang
masayng mukha, ngunit, unti-unti niyang bubuksan ang liham at magbabago ang ekspresyon niya. Mapapaupo siya
sadamuhan na walang masyadong tao at ang luha ya unti-unting tutulo sa kaniyang mga mata)

Florante:kamandag kang lagak niyong kamatayan sa sintang ina ko’y di nagpakandungan, sinasariwa mo ang sugat
lalang ng aking tinanggap na palasong liham! Namatay si ina, ay aking dalita, ito sa buhay ko ang unang umiwa-
voice over

(Ipapakita si Florante na nakaupo sa damuhan at nakaupo habang umiiyak na may kasamng hagulgol. Matapos ang
ilang minuto ay tatayo si Florante na may mugto at namumula na mga mata at uuwi sa kaniyang bahay)

Florante: may dalawang buwang hindi nakatikim ako ng linamnam ng payapa’t aliw, ikalawang sulat ni ama’y
dumating sampu ng sasakyang sumundo sa akin.-voice over

(Ipapakita sa video si Florante na naglalakad papasok sa kanyang klase ng biglang may lumapit sa kaniya at binigay
ang sulat. Binasa niya iyon at pumunta sa idang lupain at nakita ang sampung sasakyan. Tatango siya sa mga
nakabantay sa sasakyan at papasok sa loob ng paaralan patungo sa kniyang maestro)

Florante: Saad sa kalatas ay biglang lumulan at ako’y umuwi sa Albanyang bayan; sa aking maestrong nang
nagpapaalam aniya’y Florante, bilin ko’y tandaan.-voice over

(Lalapit si Florante sa kaniyang maestro)

Antenor: Huwag malilingat at pag-ingatan mo ang higanting handa ni Konde adolfo, pailag-ilagang parang basilisko,
sukat na ang titig na matay sa iyo. Kung isalubing sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang-giliw,
lalong pag-ingata’t kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin. Dapuwa’t huwag kang magpapahalata tarok mo
ang lalim ng kaniyang nasa, ang sasandatahi’y lihim na ihanda. Nang may ipagtanggol sa araw ng digma.

(Matapos sabihin ang mga habiling iyon, ay maluluha sila antenor at Florante at magyayakapan)

Antenor: at mumulan mo na ang pakikilaban sa mundong bayaning punong kaliluhan, hindi na natapos at sa
kalumbayan, pinigil ang dila niyang nagsasaysay. (bibitw sa yakapan)

(Matapos maghiwalay sa pakikipagyakapan ay makikita ni Florante si Menandro na nalulungkot. Sila ay nagyakapan


at tmango si Antenor bilang hudyat na maaring sumama si Menandro kay Florante. Sila ay sasakay na sa mga
sasakayan at ipapakita ang knailang biyahe hanggang sa makarating sa albanya)

(Pagkarating ni Florante sa albanya ay tatakbo siya papunta sa ama at magyayakapan, pagkatapos ay maluluha
dahil sa alaala ng ina na pumanaw)

Florante: Ay, ama!

Duke Briseo: Ay, bunso!

IKA-11 NA TAGPO

(Habang nagyayakapan sina Florante at Duke Briseo ay biglang may dadating na taga palasyo real at sasabihin na
ang hari ay kaniyang pakay. Hihiwalay sa yakapan ang dalawa at lalapit ang tagapalasyo real at iaabot ang isang
liham.)
(matapos magbasa ng liham ay titingin kay Florante)

Duke Briseo: humihinging tulong at nasa pangamba, ang Krotonang reyno’y kubkob ng kabaka; ang puno ng
hukbo’y balita sa sigla Heneral Osmalik bayaning Persya. Ayon sa balita’y pangalawa na ito ng prinsipe niyang
bantog sa sangmundo. Alading kilabot ng mga gerero, iyong kababayang hinahangaan ko.

(Matapos magsalita ni Duke Briseo ay magsasalita ang isang moro na nagpadala ng liham at napangiti)

Moro: Bihirang balita’y magtapat, kung magtotoo ma’y marami ang dagdag. Atsaka madalas ilala ng tgapang. Ang
isang gererong palaring magdiwang, mababalita na at pangigngilagan. Kung sa katapanga’y bantog si aladin, may
buhay rin naming sukat na makitil

Florante: Huwag ding maparis ang gererong bantog sa palad kong amis; at sa kaaway ma’y di ko ninanais ang laki
ng dusang aing napagsapit. MAtanto ni ama na ako’y isama sa Krotonang bayan at hahahrap muna sa Haring Linceo
may gayak na digma.

(Pupunta sina Florante at Duke Briseo sa palasyo ni Haring Linceo. Sa may malapit pa lang sa pintuan ay dadating
ang haring Linceo na may ngiti at galak na galak na Makita ang Duke)

Haring Linceo: O Duke! (mapaptigil at lilingon kay Florante at makikita ang diyamanteng naksabit sa kaniyang leeg)
Ang kiyas na ito ang siyang kmaukha ng bunying gerero; aking napangarap na sabi sa iyo, magiging haligi ng setro
ko’t reyno. Sino ito’t saan nanggaling na s’yudad?

Duke Briseo: Bugtong kong anak na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang sa isang basalyo’t alagad

(matapos magsalita si Duke Briseo ay makikita ang pagkamangha ng hari at bigla nitong yayakapin si Florante)

Haring Linceo: mabuting panahon itong pagdating mo; ikaw ang heneral ng hukbong dadalo sa bayang Krotonang
kinubkob ng Moro

IKA-12 NA TAGPO

(Ipapakita si Florante na nasisinagan ng araw mula sa gising at lalabas ng palasyo ni Haring Linceo at makikita si
Laura)

Florante: Tuwang pangalawa kung hindi man langit ang itinatapon ng mahinhing titig; O, ang luwalhating buko ng
iniibig, pain ni Kupidong walang makarakip. Liwanag ng mukha ay walng pinag-ibhan kay Pebo, kung anyong
bagong sumisilang; katawang butihin ay timbang na timbang, at mistulang ayon sa hinhin ng asal. Anupa’t sino mang
palarin manood, patay o himala kung hindi umirog. Ito ay si Laurang ikinasisira ng pag-iisip ko tuwing magunita at
dahil sa tanang himutok at luha, tinotono ko sa pagsasalita. Anak ni Linceong haring napahamak, at kinabuhusan ng
aking pagliyag.-voice over

( sa video ipapakita si Florante na naglalakad-lakad at kaniyang makikita si Laura na naka-upo, unti-unti siyang
lalapit dito at uupo sa tabi ni Laura at titingin sa kniya ng matagal ngunit hindi siya lilingunin pabalik ni Laura)

Florante: Hindi katoto ko’t si Laura’y di taksil, aywan ko kung ano’t lumimot sa akin. O bunying gererong naawa sa
akin, pagsilang na niyong nabagong bituin, sa pagkakita ko’y sabay ang paggiliw, inagaw ang pusong sa ina ko’y
hayin

(Nakaupo pa rin si Florante ngunit unti-unti na siyang lilingunin ni Laura at ito ay ngingiti at aalis din pagkatapos)

Florante: Tatlong araw akong piniging ng hari sa palasyo real na sa yama’y bunyi ay di nakausap ang punong pighati
at inaasahang iluluwalhati. Salamat at inyong sa kinabukasan, hukbo ko’y lalakad na sa Krotonangbayan, sandaling
pinalad na nakapanayam ang prinsesang liyag niring katauhan. Ipinahayag ko nang wikang mairog, ng
buntonghininga, luha at himutok, ang matinding sintog ikinalulunid.-voice over

Florante: Ang puso ng himalang dikit, nahambal sa aking malumbay na hibik; dangan ang kaniyang katutubong bait
ay humadlang, disin sinta ko’y nabihis.

(Ipapakita na magkakasama sina Florante, Duke Briseo at Haring Linceo at lilingon si Florante sa kaniyang kanan at
makikita si laura na masayang nakikihalubilo sa mga tao. Tititigan ito ni Florante at mas mabibighani sa dalaga.
Ipapakita ang paghahanda ni Florante at ng kaniyang hukbo sa pagpunta sa Krotona. Matapos ang paghahanda,
maglalakad-lakad si Florante at makikita muli si Laura na nakaupo sa upuan na parati niyang kinaroroon at doon
uupo si Florante at magtatapat. Matapos magtapat, ngingitian ulit siya ni Laura at tititigan ng matagal tapos ay
aalis para tutgunan ang mga tauhan)

Florante: Dumating ang araw ng aking pag-alis sino ang sasayod ng bumugsong sakit? May sakit pa kayang lalao ng
tindi sa ang sumisinta’y mawalay sa kasi. O nangag-aalay ng mabangong suob sa dakilang alatar ni Kupidong Diyos,
sa dusa ko’y kayo ang nakatarok noong mangulila sa Laura kong irog!

(Ipapakita si Florante at ang kniyang mga kawal na nakabihis ng panglaban na para bang handing-handang
pumunta sa Krotona ngunit makikita si Flroante na may hinahanap at may lungkot sa kniyang mga mata. Sasakay
sila sa knilang sasakyan at aalis sa Alabanya. Ipapakita si Florante na nakalingod sa may likuran na tila ay may
hinihintay)

IKA-13 NA TAGPO

(Ipapakita sina Florante at ang kaniyang hukbo na kakarating lang sa Krotona at makikita na sila sy naglalaban
laban kontra sa hukbo ni Heneral Osmalik)

Florante: Kuta’y lulugso na sa baying madalas ng mga makinang talagang pangwalat, siyang paglusob ko’t ng
hukbong akibat, ginipit ang digmaang kumubkob sa s’yudad. Makita ng piling Heneral Osmalik ang aking marahas na
pamimiyapis. Pitong susong hanay na dulo ng kalis, hinawi ngv tabak ng hinawi ng tabak nang ako’y masapit. Sa
kalaiwa’t kanan niya’y nalagalag mga soldados kong pawing marahas; lumapit sa akin mata’y nagninigas-voice over

(Ipapakita ang paglalaban laban ng mga hukbo at makikita si Henral Osmalik na naglalakad lakad at sa bawat
kalaban na dadaan ay knaiyang papatayin. Nagpatuloy siya sa paglalakad lakad hanggang sa umabot siya sa lugar
ni Florante)

Heneral Osmalik: Halika, kita ang maglamas

Florante: Limang oras kaming hindi naghiwalay hanggang sa hinapo ang bato ng tapang. Nagluksa ang langit ng
aking mapatay habag sa gererong sa mundo’y tinakhan-voice over

(Ipapakita ang madugong labanan sa pagitan ng dalawang hukbo. Matapos knang ilang oras, amkikita ag pawi at
dugo sa mga kawal at marami na nag namatay sa hukbo ni Heneral Osmalik. Sa kabilang banda, makikita si Florante
at Heneral Osmalik na naglalaban laban at makikitang napahiga si Heneral Osmalik. Matapos mapahiga, kukunin ni
Florante ang kaniyang espada at aalisan ng ulo si Heneral Osmalik. Mapapaupo si Florante at makikita ang kaniyang
pawis at duguan na katawan.)

Florante: Sinalubong kami ng haring dakila, kasama ang buong baying natimawa; ang pasasalamat ay di maapula sa
di nagkawastong nagpupuring dila. Nagsi-akayat kamu sa palasyong bantog at nangapahinga ang soldadong pagod;
dapuwa’t ang baya’y tatlong araw halos na nakalimutan ang gawing matulog. Sa ligaya namin ng nuno kong hari,
nakapagitan din ang lilong pighat sa pagkamatay ng ina kong pili. Maging limang buwan ako sa Krotona, nagpilit
bumalik sa Reynong albanya;n di sinong susumang sa akay ng sinta, kung ang tinutungo’y lalo’t isang Laura?-voice
over

(Makikita sina Florante at kaniyang mga hukb nap unit-punit an damit at duguan na pumunta sa palasyo, doon sila
sasalubungin ng mga tao at sila ay magsasaya ng may mga luha sa mata. Sila ay sasalubugin ng hari at yayakapin si
Florante. Maluluha si Florante hindi lamang dahil sa sila ay nagtagumpay kundi dahil na rin sa alaala ng ina.
Ipapakita na sila ay nakikipag-usap sa mga tao at nakikipagtawanan ngunit malipas ang ilang taon ay makikitang
nasa taas na ng sasakyan si Florante, may dalang mga bagahe at kumakaway sa hari at mga tao bilang tanda ng
kaniyang pag-alis)

IKA-14 NA TAGPO

(Ipapakita si Florante na naglalakbay sakay ang knaiyang sasakyan na sobrang bilis at dudungaw at mag-iiba ang
mukhaa ng Makita ang bandila ng taga-Media Luna. Iikot ang kaniyang paningin at makikita ang hukbo na may
dalang babae. Agad nilang lalapittan ang babae at pilit na pinapatakas. Manglalaban ang mga moro at magsisismula
na silang maglabanam.)

Florante: Nang wala akong pagbuntuhang galit, sa di makakibong gapos ay lumapit; ang takip sa mukha’y nang
aking ialis, aba ko’t si Laura! May alab pang sakit?-voice over

(Ipapakita si Florante na puno ng pagkagulat at pag-aalala)


Florante: (nakatingin kay Aladin) Puougutan dahil sa hindi pagtanggap sa sinatng mahalay ng Emir sa s’yudad;
nang mag-asal hayop ang morog pangahas, tinampal sa mukha ng himalang dilag.

Florante: Aking dali-daling kinalag sa kamay ang lubid na walang awa at pitagan; mga daliri ko’y naaalang-alang
madampi sa balat na kagalang-galang-voice over

(Ipapakita si Florante na dahan-dahang inaalis ang lubid)

Laura: Florante…

Florante: nang aking matantong nasa bilangguan ang bunying monarka’t ama kong hirang; nag-utos sa hukbo’t
aming sinalakay hanggang di nabawi ang Albanyang Bayn. Pagpasok naming sa loob ng reyno, bilanggua’y siyang
una kong tinungo; hinango ang hari’t ang duking ama ko sa kaginooha’y isa si Adolfo-voice over

(Ipapakita si Florante na dali-daling pumunta sa bilangguan. Papatakasin ang ama at hari at magugulat ng Makita si
Adolfo, magyayakpan si Florante, Duke at Hari)

Florante: Di nag ilang buwan ang sa reynong tuwa at pasasalamat sa pagkatimawa dumating ang isang hukbong
maninira nataga Turkiyang masakim na lubha-voice over

(Ipapakita ang mga taga-Turkiyang sakay ang kanilang sasakyan at may mga armas na pumasok sa Albanya)

Florante: Sapagkat heneral akong iniatas ng hari sa hukbong moro’y lalabas; nag-uli ang loob ng baying nasindak,
puso ni Adolfo parang nakamandag.Linoob ng langit na aking nasupil ang hukbo ng bantog na si Miramolin; siyang
mulang araw na ikinalagim sa Reynong Albanya ng Turkong masakim.-voice over

(Ipapakita si Florante na nagunguna sa pagsupil sa hukbong kalaban at sa likod nito ay ang nagseselos na si Adolfo.
Maglalaban-laban ang mga hukbo at ipapakita ang pagpatay ni Florante kay Moramolin)

Florante: Isang araw akong nagbiktoria sa Etolyang s’yudad at tumanggap ng sulat sa monarka at ang bilin ay muwi
sa Albanya. Nang dumating ako’y gabing kadiliman, pumasok sa reynong walang agam-agam; pagdaka’y nanubkob,
laking kaliluhan! Na may tatlumpung libong sandatahan.- voice over

(Ipapakita si Florante na tumatanggap ng liham at siya ay uuwi sa ALbanya. Ipapakita sioyang naglalakad lakad ng
biglang hulihin at dinala sa kulungan)

Florante: Sabihin ang aking pamamangha’t lumbay, lalo nang matantong monarka’y pinatay ng Konde Adolfo’t
kusang idinamay ang ama kong irog na mapagpalayaw.-voice over

(Ipapakita si Florante sa loob ng kulungan na puno ng lungkot)

Florante: Sa pagkabilanggong labing walong araw naiinip ako nang di pagkamatay; gabi nang hangui’t
ipinagtuluyan sa gubat na ito’t kusang ipinugal, -voice over

(Ipapakita si Florante na nakaupo sa kulungan ng biglang may pumasok na mga kawal at iaalis si Florante at
dadalhin si Florante, doon sitya itatali at iiwana ng mga ito)

You might also like