Bulkan - isang uri ng bundok sa daigdig na kung saan ang tunaw na bato ay
maaaring lumabas dito mula sa kailaliman ng daigdig. May dalawang uri ng
bulkan, una ang tinatawag na tahimik na kung saan matagal na hindi ito sumasabog, tulad ng Bulkang Makiling na matatagpuan sa lalawigan ng Laguna; at ang ikalawang uri naman ay aktibo na kung saan maaari itong sumabog anumang oras. Mapanganib ang ganitong bulkan. Maaari itong sumabog at magbuga ng kumukulong putik at abo. Halimbawa nito ay ang bulkan ng Pinatubo. Bulkan ng Mayon Kapatagan - isang lugar kung saan walang pagtaas o pagbaba ng lupa, patag at pantay ang lupa rito. Maaaring itong taniman ng mga palay,mais,at gulay. Bundok - isang pagtaas ng lupa sa daigdig, may matatarik na bahagi at hamak na mas mataas kaysa burol. Bundok Apo Burol - higit na mas mababa ito kaysa bundok at ang halimbawa nito ay ang tanyag na Chocolate Hills ng Bohol sa Pilipinas. Pabilog ang hugis nito at tinutubuan ng mga luntiang damo sa panahon ng tag- ulan at kung tag-araw ay nagiging kulay tsokolate. Chocolate Hills Lambak - isang kapatagan ngunit napaliligiran ng mga bundok. Marami ring mga produkto tulad ng gulay, tabako, mani, mais, at palay ang maaaring itanim dito. Lambak ng Cagayan Talampas - patag na anyong lupa sa mataas na lugar. Maganda ring taniman dahil mataba ang lupa rito. Malamig at mahangin sa lugar na ito. Talampas ng Lungsod ng Baguio Tangway - isang pahaba at naka-usling anyong lupang na halos napalilibutan ng tubig. Tangway ng Bataan Baybayin - bahagi ng lupa na malapit sa tabing dagat. Baybayin ng Maynila Bulubundukin - matataas at matatarik na bundok na magkakadikit at sunud-sunod. Bulubundukin ng Cordillera Pulo - mga lupain na napalilibutan ng tubig. Pulo ng Sulu Karagatan - ang pinakamalaking anyong tubig alat na bumubuo ng 71% ng ibabaw ng mundo. Pacific Ocean Dagat - malaking anyong tubig alat at karugtong ng karagatan. Ilog - isang mahaba at makipot na anyong tubig, nagmula ito sa maliit na sapa at itaas ng bundok o burol. Agno River Golpo - bahagi ang golpo ng dagat o karagatan at karaniwang napapalibutan ng lupa sa tatlong .Karaniwan itong nasa bukana ng dagat. Lingayen Gulf Lawa - isang anyong tubig na napapaligiran ng lupa at pangkaraniwang tubig tabang. Hindi umaagos ang tubig na nagmumula sa anyong tubig na ito. Caliraya Lake Look - isang malaking bahagi ng katubigang papasok sa kalupaan. Manila Bay Bukal - tubig na nagmula sa ilalim ng lupa. Kipot - Isang makitid na daang-tubig na nag-uugnay sa dalawang malaking anyong tubig tulad ng dagat o karagatan. Biliran Strait Talon - Bumabagsak na tubig pababa mula sa ilog o sapa na karaniwang nasa mataas na lugar o bundok. Maria Cristina Falls Batis - Ilug-ilugan o saluysoy. Patuloy na umaagos. Sapa - Maliit na anyong tubig na may agos. Kadalasang natutuyo pag tag-init. Republic of the Philippines Department of Education Region V Division of Albay Polangui South District POLANGUI SOUTH CENTRAL SCHOOL Tel. No.: (52) 284 0970/ 0917 728 4627 Email Address: polanguisouthcs112011@gmail.com