You are on page 1of 5

ALAMIN NATIN.

Ang pagkain ng mag


anak ay sinisimulan ng
paghahanda mula sa
agahan at lahat ng gusto
at maaari pang kumain sa
buong araw. Ang pagkain
na galing sa pamilihan o
palengke ay dumadaan sa
marami at ibat ibang
hakbang bago ito ihain sa
hapag-kainan para kainin.
Ang paghahanda ng
pagkain ay binubuo ng mga
gawaing kamay at ibat
ibang paraan sa pagluluto
ng pagkain. Kailangang
gamitin ang wastong
kagamitan at kasangkapan
sa pag-hahanda ng
pagkain.
Magiging matagumpay
sa pagluluto kung gagamit
ng mga panulat at
makabagong kasangkapan
sa paghahanda ng pagkain.
TANDAAN NATIN:

Sa paghahanda ng
pagkain, dapat isaalang
alang ang wastong
paraan sa paggawa ayon
sa kailangang lutuing
pagkain upang mapabilis
ang paghahanda, huwag
mawala ang sustansiya,
at nakapagpapaganang
kumain dahil pinapa-
sarap nito ang pagkain.
Pagtataya
Panuto:
Piliin ang gawaing kamay na
inilalarawan sa bawat aytem.

Paghahalo Paghihimay
Pagbabalat Pagtitimpla
Paghihiwa Pagkukudkod

_______1. Pagpapadaan ng
niyog sa kudkuran upang ito
ay pumino.
_______2. Pagsasama- sama
ang mga sangkap gamit ang
sandok.
_______3. Tawag sa
pagdaragdag ng ng asin,
patis, toyo, at paminta upang
maging malasa ang niluluto.
_______4. Paghihiwa –hiwalay
sa mga pinong bahagi ng
nilutong pagkain gaya ng
tinapa gamit ang kamay.
_______5. Paraan na ginagamit
sa saging, manggang hinog
at nilagang kamote.

You might also like