You are on page 1of 2

PAGBABALIK

Patawad Panginoon,
sa bawat nagawa kong kasalanan.
Pinagsisisihan ko ito ng lubusan
upang 'di na muli pang balikan.

Ang aking buhay noon,


wala itong pag-asa pang mabago.
Ngunit ikaw ang nagbigay kabuluhan
pag-asa at pagmamahal.

Kung pag-iisipan ko
ang iyong pagmamahal,
di sana lumayo pa sa iyo.

Ayaw ko nang umibig pa


ng higit pa sa iyo.
Ang dinulot ng mundong ito
alam kong di ayon sa 'yo.

Sa aking pagbabalik
alam kong bukas lagi ang 'yong palad.
Tulungan mo ako sa aking kahinaan
at lagi mo akong gabayan.

Salamat Panginoon.
Purihin ka sa 'yong katapatan.
Pangako mo ang iyong kapatawaran.
Salamat po Panginoon.

Kung pag-iisipan ko
ang iyong pagmamahal,
di sana lumayo pa sa iyo.
Ayaw ko nang umibig pa
ng higit pa sa iyo.
Ang dinulot ng mundong ito,
alam kong di ayon sa 'yo.

Salamat Panginoon.
Purihin ka sa iyong katapatan.
Pangako mo ang iyong kapanawaran.
Salamat po Panginoon.

Salamat po Panginoon.

Panginoon.

You might also like